“Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?” pangatlong beses na tanong sa akin ni Jan. “Oo nga, ang kulit naman ng lahi mo, Jan. Pangatlong tanong mo na ‘yan.” naiinis kong sabi sabay kuha ng tissue at mabilis na pinunasan ang aking ilong. Nakakainis kasi yung amoy ng matcha, ang tapang at nakakasuka. Sinipon tuloy ako dahil sa kababahing ko. “Are you really sure? ‘yon ba ang rason kaya pinatawag ka sa opisina ni Sir Evangelista kanina?” This time, si Maui naman ang nagsalita. Isa pa ‘to parang hindi nakikinig sa sinasabi ko. Bakit ba ang hirap paniwalaan na posibleng magkaroon ng collaboration between our team and Recreatives? “Oo nga. Kaya lang nakadepende ‘yon kay baby ko. Kapag pumayag siya edi go. Kung ayaw niya edi ekis.” paliwanag ko. Napangiti ako nang maalala ang aming countless interaction ngayong araw. Taray, countless? Hay, ang gwapo niya talaga kung hindi lang siya mukhang masungit. “Baby ko? pangalan niya ba ‘yon? ang weird ha.” mapang-asar na tanong ni Jan. “Baby ko. Yung Isaac ang name. Baby ko ‘yon!” asik ko sa kaniya sabay bato ng ballpen na agad niya namang nasalo. Sayang! “Alam ba niya?” taas kilay namang tanong ni Maui. Mas mainam talaga na hindi na lang siya nagsasalita eh. Mas gusto ko ‘yong silent version niya. Kasi kapag nagsalita na siya nakakawala na ng gana eh. “Alam mo Maui Tang, inggit ka lang kasi wala kang love life. Ako meron.” saad ko sabay singa sa tissue. Nakita ko naman ang pagngiwi niya dahil sa ginawa ko. Diring-diri? Parang hindi nagkakasipon ah? “Paano nagkaroon ng spicy time kung walang bebe, bobo mo naman Faye.” Aba! Kita niyo naman, sumasagot pa. Akmang hahatakin ko na ang buhok niya nang biglang may pumasok na lalaki sa conference hall. Agad nanlaki ang mata ko nang makitang si Jeron ‘yon. Anong ginagawa niya rito?! Napatingin ako kaagad kina Jan at Colin pero sabay lang na nagkibit-balikat ang dalawa. “Mr. Cheng, mabuti naman at nakahabol ka.” Dinig kong saad ni Miss Patrice kay Jeron. “Kailangan ko pong humabol, nandito kasi yung babaeng gusto ko.” aniya sabay sulyap sa kinaroroonan ko. Agad naman akong yumuko at nagpanggap na may ginagawa. “Sigurado ka bang gusto mo maging representative ng College of Business? Malapit na ang UAAP Season, baka hindi ka pa makapagfocus sa training, team captain ka pa naman.” “Pa’nong naging representative, akala ko ba si Robi Diaz ang official candidate na magrerepresent sa College of Business?” pabulong na tanong ko kay Jan. Nakangising tumingin sa akin si Jan. “Alam mo ba ‘yong kasabihang, if there’s a will, there is a way? ina-apply niya ‘yon para sa’yo.” saad ni Jan sabay kindat. Napangiwi naman ako. “Hindi naman po magtatagal ‘to, pagtapos ng foundation week, balik-training na rin po ako.” Sagot naman ni Jeron. Napairap na lang ako nang marinig ang sinabi niya. “In a few minutes, we will start our meeting.” anunsiyo ni Miss Patrice. Napatingin kaming lahat sa tatlong lalaking naglalakad papasok sa hall. Siguro nung nagsabog ng sex appeal ang langit, silang tatlo ang nakasalo. Ang gugwapo eh. Agad naman akong napasimangot nang makitang agad na nagbulungan yung dalawang candidate habang tinuturo si Isaac. Wala akong ibang nagawa kundi paglaruan ang hawak na ballpen at magkunwaring nakikinig sa unang part ng meeting. Pinag-usapan lang naman nila kung ano yung magiging flow ng program, hindi naman namin scope ‘yon. Nakiusyoso na lang ako kay Maui na kasalukuyang nage-edit ng isang video. “Sana all maraming raket!” bulong ko sabay sandal sa balikat niya at yapos sa braso niya. Trip na trip ko talagang hawakan at pisil-pisilin ang braso nitong si Maui dahil nag g-gym siya. Mabuti at hinayaan niya lang akong sumandal doon, marahil alam niyang nababagot na ako dahil antagal pag-usapan ng flow ng program. “Hoy Faye, baby mo nakatingin sa’yo.” rinig kong bulong sa akin ni Jan. Tama nga si Jan dahil nang mapatingin ako sa gawi ni Isaac ay nakita kong nakatingin siya sa akin—mukhang hindi sa akin kundi sa kamay ko na nakayapos sa braso ni Maui. Pinagtaasan pa ako nito ng kilay na parang may ginagawa akong mali. Napabitaw na lang tuloy ako ng wala sa oras. Baka naman iniisip niya na boyfriend ko si Maui. Naku h’wag naman sana. Kasi iisipin ko pa lang nasusuka na ako. ‘Di bale na lang. “We’re finally done discussing the flow of the program now let us proceed to the next one.” Kaagad na tumayo si Sir Rafael nang iabot sa kaniya ni Miss Patrice ang microphone. “Alam kong sanay na sanay na kayong Recreatives ang photography team na may hawak sa ating Foundation Week lalong lalo na ang mga pageant candidates. May iilan sa inyo na nakasali na last year at alam kong alam niyo na kung paano kumilos at magtrabaho ang Recreatives, tama?” Tumango tango naman ang iilan sa mga candidates samantalang ang karamihan ay nakikinig lang, yung iba nakatitig lang kay Sir habang nagsasalita. Hindi naman kasi maipagkakailang gwapo ‘tong si Sir Rafael kung sa tutuusin pwede ko nga siyang i-add sa crush list ko kaya lang ayoko sa mga lalaking may dimples. “This year, dalawang photography team ang mag-aasikaso sa inyo. It will be a collaboration between our very own Malikhaing Lente and Recreatives. Ladies and gents, I want you to meet the dedicated people behind Malikhaing Lente. There they are at the back.” Agad na lumingon sa kinauupuan namin ang mga candidates at ibang staff nang ituro kami ni Sir Evangelista. Nang magtama ang paningin namin ni Jeron ay kinindatan pa ako nito. Ew! “Let us have Miss Faye Ramirez to formally introduce her team. Let’s give her a big hand.” Agad akong napahawak sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Sir Rafael. Hala! Bakit ako? “Hoy, bakit ako?” mahinang bulong ko kay Jan na tumatawa habang pumapalakpak. Mukhang nag-e enjoy pa siyang makita ako na natataranta. “Go na, Ate Faye. Naghihintay sila sa harap.” saad naman ni Colin kaya wala akong nagawa kundi tumayo at maglakad papunta sa harapan. Hindi naman ako mahilig magsalita sa harap ng maraming tao. Pero alang-alang sa project namin gagawin ko. Bahagya pang nanginginig ang kamay ko dahil lahat ng naroon ay nakatingin sa akin maliban kay Isaac na nakayuko lang sa isang tabi. “I am Faye Ramirez, one of the founders of Malikhaing Lente…” Sunod ko namang ipinakilala ang mga kasama ko. Hindi rin naman ako nagtagal sa harap dahil ikinuwento ko lang naman kung paano nagsimula ang team namin at kung ano ang inspiration namin kaya namin ‘to binuo. Sinabi ko rin ang mga strengths namin as a team at kung ano yung pwede naming i-offer na services. Napag-usapan na sa Coron, Palawan ang official location ng photoshoot para sa mga candidates para sa kanilang swim suit attire. Napatahimik na lang ako bigla nang malaman na doon ang venue. Takot kasi ako sa dagat at sa kahit anong uri ng anyong tubig. Bukod kasi sa hindi ako marunong lumangoy, palagi ring sumasama ang pakiramdam ko kapag sasakay ako sa barko o bangka. Pero anong magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng magreklamo. Kung sasabihin kong aatras ako dahil lang takot ako sa tubig-dagat, panigurado pagtatawanan lang ako ni Jan at Maui. Si Colin paniguradong madidisappoint. Mabait pa naman yung batang ‘yon tapos idol niya pa ako. Ang sabi ni Miss Patrice posibleng manatili kami sa isla ng limang araw dahil kailangan pa naming ikutin ang buong lugar at maghanap ng mga magagandang location. Pagkatapos ng meeting ay nauna nang nagsialisan ang mga candidate at iba pang staff. Aalis na sana kami nang bigla bumalik sa loob ng hall si Miss Patrice. “Saan kayo pupunta? We’re not done yet.” Nakita ko namang muling pumasok sa loob ng hall sina Isaac at Sebastien. Si Sebastien ay ngiting-ngiti samantalang si Isaac ay nakasimangot. Wala naman kaming choice kundi bumalik sa mga upuan namin at hintayin kung ano ang sasabihin ni Miss Patrice. “Since we will create a collaboration team. Ibig sabihin, hindi kayong apat ang magkakasama. You will be divided into two groups. One group is for photography who will handle photoshoots and the other group is for editing.” panimula ni Miss Patrice. Hindi ko na napigilang mapahikab dahil mag-aalas siete na rin ng gabi at talagang inaantok na ako. May mga sinabi pa siya ngunit hindi ko na naiintindihan ang mga ‘yon. “Sino rito ang naka-assign as photographer?” Walang gana akong nagtaas ng kamay. Sinisiko ko si Jan at pinipilit siyang magtaas ng kamay ngunit ayaw niya. Inis ko tuloy siyang binatukan. “Faye, ang magiging partner mo ay si Sir Isaac.” “What?!” Agad nawala ang antok ko at napatayo sa upuan. Kitang kita ko ang pagpipigil ng tawa nina Jan at Maui sa tabi ko. Si Colin naman tahimik lang sa isang tabi, mukhang inaantok na rin. “May problema ba?” nagtatakang tanong ni Miss Patrice na nagulat din sa reaksiyon ko. Mabilis akong umiling saka alanganing tumingin kay Isaac na tahimik lang na nakatayo at mukhang malalim ang iniisip. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagngiti ni Sebastien. Hindi ko alam kung may saltik ‘to eh. Mula pa kanina ngumingiti na siya mag-isa, hanggang ngayon ba naman? “Alam niyo, ang dadaya niyo. Bakit kayo magkakasama, tapos ako mag-isa lang.” reklamo ko habang nakatayo sa labas ng gate ng university. Nasa magkabilang gilid ko sina Jan at Maui na naghihintay ng kani-kanilang sundo. “Alam mo, hindi naman masamang mag-thank you sa’kin.” nakangising saad ni Jan habang nakapamulsa. “At bakit naman ako magpapasalamat sa’yo?” taas-kilay kong tanong sa kaniya. “Sus, Faye! Alam ko namang deep inside kilig na kilig ka dahil kayo lang ni Isaac ang magkasama sa team.” Napairap naman ako sa sinabi ni Jan. Hindi naman kasi totoo. Mas gusto ko pa ngang ka-team si Sebastien kasi mas mukhang sociable ‘yon eh. Samantalang si Isaac parang ang hirap lapitan. Nakakatakot dahil baka bigla niya na lang akong sigawan kapag pumalpak ako. Iniisip ko pa lang natatakot na ako. At saka mahirap gumalaw kapag crush mo ‘yong team mate mo. Ang awkward kaya ng gano’n. Baka mamaya hindi na ako makapag-focus sa task ko. “Ewan ko sa’yo. Imbento ka.” “Padalhan mo na lang kami ng invitation kapag ikakasal na kayo ah. Di ka na lugi roon, Architect na ‘yon.” dagdag pa niya “Architect?” kunot-noong tanong ko. “Bakit? hindi mo alam? ang hina ng radar mo ha.” Nice. Architect na founder pa ng Recreatives tapos gwapo pa siya. Edi siya na ang favorite ni Lord. Maya-maya ay magkasunod na ring dumating ang mga sundo ng dalawa. “Sigurado ka bang hindi ka sasabay? Pwede ka naman naming idaan sa bahay niyo eh.” Agad akong umuling “Hindi na. Dadaan pa ako ng Yellow Cab.” palusot ko. Wala naman siyang nagawa dahil ilang beses na akong tumanggi. Kumaway na lamang ako nang umandar na papalayo ang sasakyan nila. Napabuntong hininga na lamang ako nang marealize na ako na lang mag-isa ang nakatayo sa labas ng gate. Nagsimula na akong maglakad hanggang makarating sa sakayan ng jeep. Pagkarating ko sa paradahan ay agad akong sumakay. Mabuti na lang mabilis akong kumilos kundi panigurado naagawan na naman ako ng upuan. Ganoon kasi ang madalas na nangyayari noong hindi pa ako sanay mag-jeep. Palagi akong nauunahan ng ibang pasahero kaya palagi akong late na nakakauwi. At kapag late ako nakauwi, paniguradong sesermonan na naman ako ni Kuya. Okay lang naman. Sanay na rin ako. Mas okay nga ‘yon at least alam kong nag-aalala siya sa akin. Si Papa naman tahimik lang, hinahayaan niya lang si kuya ang mangaral sa akin. Sa sobrang bait ni Papa, ni minsan hindi ko pa siya nakitang magalit. “Ginabi ka na naman.” bungad ni kuya pagpasok ko sa loob ng sala. Maraming libro ang nasa harapan niya ngayon. Mukhang seryosong seryoso siya sa binabasa niya. Kapag nakikita ko si kuya na nagpupuyat, hindi ko maiwasang isipin na ma-swerte pa rin ako sa course na kinukuha ko. At least nakakatulog pa ako nang maayos. Samantalang siya inaabot na ng madaling araw kakabasa at kaka-memorize ng mga words na hindi naman familiar sa pandinig ko. Hindi pala talaga madaling maging doctor. Ngumiti lang ako sa kaniya dahil wala ako sa mood makipagtalo ngayon. Naubos yata ang energy ko sa meeting dahil inabot kami ng gabi. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magmano kay Papa na kasalukuyang nag-aayos ng mesa at naghahanda ng pagkain. Agad din akong bumalik muli sa sala para yumakap kay Kuya. Hindi naman niya ako tinulak papalayo. Hinayaan niya lang akong nakasandal sa balikat niya. “Salamat, kuya.” saad ko saka mabilis na humalik sa pisngi niya bago tumakbo paakyat sa taas. “Faye, kadiri ka!” inis na sigaw niya sa akin sabay punas sa kaniyang pisngi. Tawa lang ako nang tawa hanggang makapasok ako sa sarili kong kwarto. Mabilis akong naligo at nagbihis saka muling bumaba para kumain ng hapunan. “Pa, kuya…” panimula ko Tinaasan lang ako ni kuya ng kilay kaya nginisihan ko siya agad. Si Papa naman ay tumingin sa akin, naghihintay ng sasabihin ko. “Kinuha ng DLSU yung team namin para maging official photography team ng Foundation Week.” Tumigil sa pagkain si Kuya Ryan “You’re kidding me right?” A frown started to form on his smooth forehead. “May babayaran ba diyan anak? Kailangan mo ba ng pera?” agad na tanong ni Papa. Mabilis akong umiling. “Hindi po, consent niyo lang po ni kuya ang kailangan ko. Kailangan po kasi naming pumunta ng Coron, Palawan para sa photoshoot ng mga candidates.” Saad ko sabay yuko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-iling ni Kuya. Si Papa naman ay tila napaisip, maya maya ay bumuntong-hininga. “Sinong kasama niyo?” Papa asked. “Well, kasama namin yung mga candidates tapos sina Sir Sebastien at Sir Isaac ng Recreatives pati na rin po si Miss Patrice at Sir Rafael Evangelista.” “Evangelista?” Kuya asked, raising one of his brows at me. I nodded. “Kung ako ang tatanungin mo, hindi ako papayag. At isa pa sasakay ka sa barko. Faye, alam mo namang—“ “Gusto mo ba ang ginagawa mo, anak? Masaya ka ba?” Nagulat ako sa biglang pagputol ni Papa sa sasabihin ni Kuya. Mabilis akong tumango kay Papa. I want to. I really, really want to. “Opo, sobrang masaya po ako. At isa pa, malaki po yung kikitain namin sa project na ‘to. Makakatulong na rin ako sa’yo sa pagbabayad sa mga gastusin namin ni Kuya sa school. Kapag may natira sa parte ko, ibibigay ko po sa inyo para kahit papaano hindi niyo na tipirin ang sarili niyo.” “Faye hindi mo naman—“ “Kung saan ka masaya anak, susuportahan kita.” Muling putol ni Papa sa sasabihin sana ni Kuya. “Pa! Ano ba? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” inis na tanong ni kuya. Hindi naman sumagot si Papa. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain at umaktong tila walang narinig. “Pa naman, Coron ‘yon. Sasakay si Faye sa barko o kaya bangka. Paano kung may masamang mangyari sa kaniya?” “Kaya ko naman po, kuya.” halos pabulong kong sabi. “Nasasabi mo lang ‘yan kasi wala ka pa sa mismong sitwasyon. Paano kapag nahulog ka sa bangka o malunod ka? Sinong magliligtas sa’yo?” “Marami naman kaming pupunta, paniguradong may life vest naman silang ipo-provide.” paliwanag ko. Naiintindihan ko naman si kuya. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Pero hindi na ako bata. I’m already 22 years old. “Ryan, hayaan mo na ang kapatid mo. Malaki na siya, alam niya na ang ginagawa niya.” Sa pagkakataong ito ay tumayo na si kuya sa lamesa. Nawalan na yata siya ng ganang kumain dahil sa pagkampi sa akin ni Papa. Alam ko namang nag-aalala lang siya akin. Pero malaki na ako at kaya ko nang alagaan ang sarili ko. Nang matapos akong maghugas ng pinggan ay dumaan muna ako sandali sa sala. Marami ang nakakalat na libro sa lamesa at seryosong seryoso siya sa kaniyang binabasa. “So you made your decision without even consulting me.” Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni kuya. I can feel the annoyance in his voice. Unti-unti siyang nag-angat siya ng tingin at pinagmasdan ako. “I hope you won’t regret your decision, little sister.” Hindi na ako sumagot bagkus ay pinagmasdan ko na lamang ang mga librong nakapaligid sa kaniya. I heavily sighed and decided to go upstairs.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 64 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (288)
Merry Angel Sanchez Paraiso
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0
Xhel Arines Ibarbia
hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
14/01/2022
0Beautiful story but sad ending
19/08
0Xem tất cả