Manghang- mangha ako sa disenyo ng front area ng conference hall na matatagpuan sa fourth floor ng Henry Sy building. Pagkapasok ko roon ay agad akong lumapit sa mga malalaking cabinets kung saan nakapatong ang iba’t ibang animal figurines. Sa kabilang side naman ay nakahilera ang mga naggagandahang sand-in-a-bottle souvenirs na may iba’t ibang designs at kulay. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa wall kung saan may mga larawan ng isang magandang babae na may mahabang buhok. Kukunan ko sana ng litrato ang mga iyon nang biglang humarang sa harapan ko ang isang lalaki na naka-suit attire. “Taking pictures is strictly prohibited.” Saad nito sa malalim na tono. Tatalikod na sana ako dahil sa labis na pagkapahiya nang biglang may nagsalita sa likuran ko. “She’s beautiful isn’t she?” Agad akong lumingon at nakitang nakatayo roon si Sir Rafael. Muli akong tumingin sa wall. The woman is undeniably beautiful with those perfectly straight hair and chinita-eyes. Maybe she came from a chinese family. Gusto ko sanang itanong kung sino ‘yong babae kaya lang baka isipin ni Sir Raf masyado akong chismosa. “Chinese?” alanganin kong tanong kay Sir Rafael Mangha naman itong tumingin sa akin. “You noticed that? That’s my grandmother.” Tumango lamang ako at muling binalingan ng tingin ang mga souvenirs at animal figurines na nandoon. Gustong-gusto ko talagang kunan ‘yon ng litrato kaso hinarangan ako noong lalaki na ngayo’y nasa likuran na ni Sir. “Do you really want to take pictures of those?” tanong niya sa akin sabay turo sa mga nakahilerang souvenirs. Alanganin akong tumango habang siya ay matamang nakatingin sa akin, tila ini-eksamin ang reaksiyon ko. “Paul, this is Faye Ramirez. From now on she is allowed to take pictures here inside the hall.” Turan ni Sir Evangelista sa lalaki bago tumalikod at naglakad patungo sa kaniyang opisina. Malinaw kong nakita ang pagkunot ng noo no’ng lalaki na nagngangalang Henry bago tuluyang sumunod kay Sir. Hindi matanggal ang ngiti ko habang tinitingnan ang mga shots ko. Sa bandang unahan ng long table ay naroon na sila Jan, Colin at si Maui na kararating lang. Ang dalawa ay seryosong nakatutok sa laptop habang si Jan ay abala sa kaniyang camera. Mabibilang lamang sa daliri ang mga nasa loob ng hall. Masyado ata kaming napaaga sa pagpunta. “Nandito raw ang founder ng Recreatives?” Mabilis akong napalingon kay Maui nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. “Bakit daw?” “Ewan.” aniya sabay kibit-balikat “Miss Faye, pinapatawag po kayo ni Sir Rafael. Punta raw po kayo sandali sa opisina niya.” Hindi ko alam pero mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi ng sekretarya. “Ako lang?” nagtataka kong tanong “Yes po, Miss.” magalang na sagot nito. Bago ako tumayo ay humugot muna ako ng isang malalim na hininga. Mabilis akong naglakad patungong opisina kahit na sobrang lakas ng tibok ng puso ko. May iilan pa nga akong nakakasalubong na bumabati pero hindi ko na nagawang batiin pabalik dahil naka-focus ako sa paglalakad. Pagdating ko sa harap ng pintuan ay nagpraktis muna ako kung paano ako babati. I cleared my throat first. “Hello Sir! Nandito na po ako!” Shocks! para naman akong sobrang excited. “Hi. I’m Faye Ramirez of Malikhaing Lente. Good afternoon.” Ano ba ‘yan, too formal. Paano ba kasi bumati ng casual? Gusto ko kasi casual lang para hindi halata na kinakabahan ako. Baka mamaya mautal pa ako bigla sa harapan ni Sir. Marahan akong napakamot sa batok ko at inayos ang suot na specs. Nalalaglag kasi dahil hindi naman ganoon katangos ang ilong ko. Hay nako, bahala na nga. Kumatok na ako sa pinto bago ito binuksan at saka pumasok sa loob. “Hi Sir, tawag niyo raw po—“ Agad akong napahinto sa pagsasalita nang biglang humarap sa akin ang isang matangkad na lalaki. Awtomatikong umawang ang bibig ko dahil iyon ulit ang lalaki na tatlong beses ko nang nakikita buong araw. Actually pang-apat na ngayon. Lord, destiny po ba ang tawag dito? Kumunot ang noo nito na tila ba naguguluhan sa kaniyang nakita. Gulat din ba siya dahil nandito ako? Nakalimutan kong nakaawang pa pala ang bibig ko kaya agad kong tinakpan ng palad ang aking bibig. Omg! Nakakahiya ka, Faye! Tumalikod muna ako sandali para ayusin ang sarili bago muling humarap. Sakto namang lumabas na rin si Sir Rafael mula sa isa pang room kasama ang isa ring matangkad na lalaki, iyon ‘yong panay ang tingin sa akin kanina sa lobby. Wow! What a coincidence! Kulang na lang mapasipol ako dahil kasama ko sa iisang room ang tatlong gwapong lalaki. “Faye, you’re here!” masayang bati sa akin ni Sir Rafael saka may inabot na folder sa isa pang lalaki. “Tawag niyo raw po ako?” tanong ko kahit ang atensyon ko ay nakabaling sa lalaki kanina. Nakatayo pa rin siya sa tabi ng isa pang lalaki at tila may seryosong pinag-uusapan. Pinagmasdan ko ang kaniyang suot. Nakaputing shirt lang siya at black na pants. Yung shirt niya ay naka-tuck in sa kaniyang pants. Tapos nakasuot ng leather brown shoes. Napakasimple lang ng suot niya kung tutuusin pero ang lakas ng dating para sa akin. No’ng tumagilid siya mas lalo akong namangha sa side profile niya. Ang gwapo talaga! “Sit down.” utos ni Sir Rafael sa akin na kaagad ko namang sinunod. Marahan akong umupo at nanahimik na lamang sa isang tabi. “Faye I want you to meet the founders of Recreatives. They are my close friends since college. The one in white shirt is Isaac Reyes and the the guy in blue polo shirt is Sebastien Flores.” Pakilala ni Sir sa dalawang lalaki na nasa harapan ko. So that was his name. Isaac Reyes. Hindi lang pala siya yung gwapo pati pangalan niya pa. Pero ano raw? Founder ng Recreatives? “R-recreatives?” Itong gwapong lalaking ‘to ang founder ng Recreatives? Sa pagkakataong iyon parang gusto ko lumabas sandali para batukan ang sarili ko. Bakit kailangang mautal sa harap nila ha? “Yes. Recreatives.” Bigla naman akong kinabahan. “Bakit Sir? Ite-terminate niyo na po ba kami? Nagsisisi po ba kayo na kami ang pinili niyo? At— at, sila na po ba ulit ang magha-handle ng Foundation Week?” taranta kong tanong. Sa sobrang kaba ko, para gusto nang kumawala ng puso ko sa rib cage. Bigla na rin nag-init ang palibot ng mata ko at nararamdaman ko na ang nagbabadyang pagbuo ng luha sa mata ko. Ano na lang ang sasabihin ko sa team kapag nagkataon? Mapapahiya ako, mapapahiya kami. Napatitig tuloy si Sir Rafael sa akin, maging yung dalawang lalaki. “No! It’s not that. How do I explain this? Hmmm.” Agap ni Sir Rafael saka yumuko sandali at malalim na nag-isip. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga at bahagyang pag-iling ni Isaac sa isang tabi. Bakit niya ginawa ‘yon? Disappointed ba siya sa reaction ko? Na-turn off na agad siya sa akin? Mabilis kong inalis ang suot na specs upang punasan ang mata ko. Alam kong nakakahiya ang magpunas ng luha sa harapan nila pero mas nakakahiya kung hahayaan ko lang tumulo ang luha sa pisngi ko. Baka sabihin pa nila OA ako. Pag-angat ko nang tingin ay nakita kong nakatitig sa akin si Isaac. Agad siyang umiwas nang tingin nang magtama ang aming paningin. “Well, I know this sounds absurd but, I would like to have the both of you to handle Foundation Week. A collaboration of Malikhaing Lente and Recreatives, what do you think?” “What?!” sabay naming bulalas ni Isaac. Nagkatinginan pa kami sa isa’t isa pero agad ding bumalik ang atensyon ko kay Sir Evangelista. Ano raw? Collaboration? Hindi naman sa ayaw ko pero seryoso ba siya sa sinasabi niya? Gano’n ba kalaki ang budget ng university at dalawa ang photography team na magre-render ng service sa kanila? Naguguluhang bumaling ako kay Sir Rafael na nagpipigil ng tawa habang panay ang sulyap kay Isaac na mukhang problemado. Hindi na rin mapigilang matawa ni Sebastien. May nalalaman pa siyang pagtakip sa bibig. Kung kaming dalawa ni Isaac ay gulat na gulat si Sebastien naman ay sobrang chill lang. Mukhang alam niya ang plano dahil hindi siya umalma. Akala ko ba founder sila pareho? eh bakit parang hindi alam ni Isaac at ganyan siya maka-react? “You didn’t tell me this.” mahina ngunit mariing turan ni Isaac kay Sir Rafael. “Sinabi ko kay Basti.” sagot naman ni Sir sabay abot ng starbucks cup at uminom doon. “Sabi ko sa’yo kagabi h’wag ka munang umalis kasi may sasabihin ako sa’yo. Madaling madali ka naman ‘kala mo naman may girlfriend na inuuwian.” My lips formed an “o” because of what I’ve heard. Hindi ko tuloy mapigilang maintriga dahil sa sinabi ni Sebastien. Ibig bang sabihin no’n wala pang girlfriend ‘tong lalaking ‘to? Sa gwapo niyang iyon? “So…” Ako na ang bumasag ng katahimikan. Mukhang wala naman kasi silang planong magsalita kaya ako na lang. “Sir Rafael, ano pong desisyon? Mukhang ayaw naman po ng kaibigan niyo na makipag-collab sa amin. Basta sure ako na go kami.” Nakita kong napangiti si Sebastien sa bandang sulok habang may binubuklat na portfolio. “Adriana, pakidala mo muna rito yung pina-order ko galing starbucks.” utos ni Sir sa kaniyang secretary. Mabilis namang tumango ang sekretarya at bumalik sa kabilang room. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang tray na may laman na tatlong starbucks cup. Agad akong napangiwi nang makita kung ano ang laman no’n. Puro drinks na matcha ang flavor. “Faye, kunin mo ‘yong isa.” sabi ni Sir. Agad naman akong umiling. Ayoko talaga ng lasa ng matcha. Kahit nga tingnan ko pa lang pakiramdam ko masusuka na ako. “Bakit? Masarap ‘to.” kunot-noong tanong ni Sebastien. Kumuha siya ng isa saka mabilis na itinusok ang straw sa staw hole ng cup. Pagkatapos nitong uminom ay inilapag nito sandali ang cup sa lamesa. Agad akong napatakip ng ilong dahil agad ko itong naamoy. Sobrang sensitive ata talaga ng ilong ko pagdating sa mga pagkaing ayaw ko. Sabay-sabay naman silang napalingon sa akin. “Bakit?” si Isaac naman ang nagtanong, mukhang nagtataka dahil sa inaakto ko. Wow ah, bakit concern ka? “Ang sakit sa ilong.” reklamo ko saka nagmadaling lumabas nang walang paalam. Baka kasi sumuka pa ako sa harapan nila kapag di ako umalis doon kaagad. But before I closed the door I heard the name Arah once more. Who is Arah? Now I’m really curious.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 41 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (288)
Merry Angel Sanchez Paraiso
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0
Xhel Arines Ibarbia
hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
14/01/2022
0Beautiful story but sad ending
19/08
0Xem tất cả