logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 13

Miggy’s POV
It’s weekend, so I chose to spend my time with mommy at tito Manuel and tita Beth’s place. We had breakfast all together, we chat while having breakfast and we even plan for a vacation after my hectic schedule. Just in time after the forty days of my father.
“Maganda raw doon kasi makakapag-relax tayo and then we can enjoy the breath-taking view while its best,” si tita Beth habang kinukwento niya kung gaano kaganda ang Batanes.
“So, nak ngayong pa lang paghandaan mo na ang araw na ‘yan and make sure you can have your leave,” si mommy.
“Yes of course! No problem. I am really looking forward to it so we can have a quality time together after everything.”
“Yes, that’s what we wanted to happen,” si tito Manuel.
“And besides it been years since we had a family bonding kasi lahat tayo naging busy sa mga kan’ya-kan’ya nating pinagkaka-abalahan, unlike before na buhay pa sila mama at papa we are obliged to join family trips for a vacation,” dagdag niya.
“Oo nga, I remember before bagong kasal pa lang kami tapos instead na may sarili kaming plan to have a vacation to Paris mama insisted na we should be with the whole family for an Asian cruise. Kaya wala kaming nagawa nagpagkasuduan naming ipagpaliban na lang muna kasi magtatampo si mama,” natatawang kwento ni tita Beth, sabay din kaming natawa sa kan’ya.
“Second honeymoon sana namin ‘yon pero hindi natuloy dahil mahirap kapag si mama ang nagtampo, ang tagal amuin,” tawanan kaming lahat.
Nagtagal ang naging breakfast namin pero hindi na namin inisip ‘yon kung gaano kami katagal naka-upo habang nagkukwentuhan, masarap sa pakiramdam kasi kahit paano narito kaming ngayon nagkakasama at nagtatawanan. Pansamantalang nalilimutan ang dinadalang mabibigat na problema, at higit sa lahat masaya akong nakikitang masaya si mommy.
“Ay! Bago ko makalimutan maganda sana kung makakasama sila Carla at Meynard, hindi na naman sila iba sa atin deserve rin naman nila ang makapagbakasyon sa dami ng ginagawa nila,” si mommy.
“Oo naman, bakit naman hindi. Nakakabilib nga ‘yong dalawang ‘yon kasi kahit gaano karami ang ginagawa wala kang marinig na reklamo. Saka totoong mapagkakatiwalaan maswerte kayo sa dalawang ‘yon,” si tito Manuel na may malaking ngiti.
“Kaya nga eh, gusto silang makasama sa bakasyon natin. Para naman kahit papaano makapag-relax din sila. Alam niyo sa totoo lang hindi ko inakala na mananatili si Carla sa akin mula noong ginive-up ko ‘yong last directorial job ko. At saka hindi na ako tatanggap pa ng panibagong project matagal ko na naman talagang planong ‘yon kaya lang nitong huli ko lang naisagawa. Pero noong tinanong ko siya kung bakit siya nananatili, ang sagot niya sa akin, “ma’am hindi ko po kayang iwan masaya po akong kayo ang boss ko saka alam kong kailangan niyo po ako lalo na ngayon na malungkot kayo”. Nakaka-touch isipin kasi hindi simpleng empleyado ang tingin ko sa kan’ya para ko na rin siyang anak. Ang sipag pa, saka kahit hindi ko sinasabi sa kan’ya alam na niya kung ano ang gagawin, nakakamangha na kabisado na niya halos lahat sa akin,” si mommy na maluha-luhang magkwento sa amin.
“Agree ako d’yan mom, ganoon din naman si Meynard sa akin. Para na rin akong nagkaroon ng isang kapatid sa katauhan niya kaya maganda ‘yang naisip mong isasama natin sila.”
“So, everything is set!” masayang sabi ni tito.
“Hindi pa, hindi ka naman halatang excited. Hihintayin pa natin matapos ang mga naka-pending na malalaking projects ni Miggy kasi kung hindi, hindi siya at si Meynard makakasama sa atin kasi hindi nila pwedeng iwan ang trabaho nila,” saway ni tita kay tito. Tapos nagtawanan kami sa kanilang dalawa. Saka ko napansin si mommy na kahit nakatawa siya makikita mo sa kan’yang mga mata ang lungkot. Alam kong namimiss niya si daddy at naiinggit siyang makita sina tita at tito.
“Sorry mommy, inaamin ko naman na kasalanan ko pero hindi ko kayang aminin sa’yo kasi natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Natatakot isipin mom na magagalit ka sa akin or worst baka kamuhian mo ko dahil sa nangyari kay daddy. Sana balang araw magkaroon ako ng lakas ng loob na maamin ito sa’yo kasi alam ko naman na hindi ko maitatago ito habang buhay.” Gusto ko sanang sabihin, pero dahil naduduwag ako isinasa-isip ko na lang muna.
Natapos ang buong araw namin na puno ng kwentuhan at saya, nag-bake din si tita at mommy habang kami ni tito naka-abang lang na nanonood sa kanila, patuloy sa kwentuhan.
“Sana ganito na lang lagi kasaya, pero alam kong impossible ang iniisip ko kasi marami pa akong kakailanganing harapin at tapusin lalo na ang tungkol sa mag-ina.”
Ilang beses ko tinangkang sabihin kay tito ang tungkol sa bagay na ‘yan pero hindi ko matiyempuhan kasi hindi ko siya p’wedeng hilahin sa isang tabi, hindi ako p’wedeng magpakita ng kilos na magbibigay rason sa kanila na pagdududahan nila ako. Saka isa pa, nakakapanghinayang rin na baka masira ko ang masaya naming pagkakasama ngayon kapag sinabi ko sa kan’ya. Kaya kailangan kong maghanap ng tamang oras at pagkakataon para masabi ko sa kan’ya.
Kinagabihan pagkahiga ko sa kama sa kwartong inuukupa ko sa bahay nila tito at tita.
“Hay Salamat! Nakahiga na rin.”
Kasi ang totoo kanina ko pa gustong humiga kaso hindi ko pwedeng iwan sila mommy dahil minsan na nga lang nangyayari ang ganitong pagkakataon kaya sinulit ko na. Tiniis ko na lang kahit higang-higa na ako, nasanay na kasi ako na kapag buong araw ng linggo halos buong araw lang akong nakahilata dahil tanging ang araw lang na ‘yan p’wede akong magbabad na nakahiga sa kama ko. Maliban na lang kung pinapauwi nila ako dati sa bahay dahil sabay-sabay kaming kakain ng lunch or dinner, kaya napipilitang akong lumabas ng condo ko.
Brand new week. New day and new hope, that is what I believed. Well, it’s Monday morning once again so it’s definitely time for work. I drive to office earlier than the time I usually leave for work to avoid traffic. Tito Manuel and tita Beth’s place is a bit far from the office compare to my condo. I did even tell Meynard not to come, I’ll rather meet him at the office later.
“Good morning sir,” bati sa akin ng mga nakasalubong at nakasabayan ko papuntang elevator pagkapasok ko galing sa parking lot ng building.
“Good morning.”
Naging tahimik ang pagsakay ko sa elevator kasama ng iba pa hanggang sa naka-abot ako sa floor ng office ko.
“Good morning sir,” bati sa akin ni Meynard nang makita niya ako pagkalabas ko sa elevator.
“Good morning. Kanina ka pa?” tanong ko sa kanya.
“Bago lang. Akala ko nga nauna ka pang dumating sa akin eh, kasi nauna ka pang umalis kanina noong tumawag ka sa akin na paalis ka na kakatapos ko lang magbihis kasi noon kakain pa lang pero ikaw paalis na,” kwento niya.
“Eh, alam mo namang medyo malayo ‘yon kompara sa layo ng condo. Saka ikaw ang lapit mo lang din kaya hindi na nakakapagtaka na mauuna ka sa akin.”
“Oo nga naman,” sagot niya lang saka sumunod sa akin sa loob ng opisina ko na may dalang mga folders.
“Coffee?”
“Hindi na salamat. Nakapagkape na ako kanina. Anong mayroon today?”
“May meeting kayo later kasama ng ibang panel at ng team for final deliberation para sa pipiliing endorser. Tapos seven p.m may dinner meeting with Willie kasi matutuloy na mamaya, dahil magaling na raw siya, tapos ito may kailangan kang ireview approval and may gagawing presentation that will start in thirty minutes para sa bagong client,” paliwanag niya sa akin sa mga schedules ko para sa araw na ito.
“Copy that. Thank you.”
Gabie’s POV
“Bilisan mo besh!” nakakabulahaw na sigaw ni Jhay mula sa pintuan ng cr. As usual, nandito na naman siya ngayon para mag-ingay dito sa bahay.
“Ano ba? Maghintay ka nga! Ang ingay-ingay mo! Lalabas din naman ako alangan namang dito na lang ako maglalagi sa loob ng banyo!” saway ko sa kan’ya. Tapos narinig kong tinawanan niya lang ako.
Mabuti nag-usap na sila ni mama tungkol sa mga bagong stocks ni mama na hinahanda para ipapa-ship niya sa kan’yang mga online buyers na nakabayad na.
“Ano ba ‘yon?” pagsusungit ko.
“May sasabihin akong magandang balita pero nagsusungit ka kaya sorry hindi ko sasabihin, di ba tita beauty?” nagpapakampi pa kay mama hmp!
“Eh, ‘di ‘wag bahala ka sa buhay mo!” pagmamaktol ko papasok ng kwarto para magbihis. May pasok ako ngayon pero dahil maaga pa kaya okay lang na hindi ako magmamadali.
“Tingnan mo ‘yang anak mo tita beauty maganda sana kaya lang ang sungit kaya hindi nagkakaboyfriend eh!” pagpaparinig niya.
“Ang ganda kaya ng balita ko di ba tita?” pagpapatuloy niya.
“Ma! Mag-isip-isip kang mabuti kung sino ang anak mo!” pagbibiro ko sa kanila. Alam ko naman kasing gusto lang akong inisin ng Jhay na ‘yan. Ewan ko ba d’yan parang tuwang-tuwa siya kapag nakikita akong naiinis. Tapos narinig ko silang nagtatawanan sa may sala habang ao abala pa sa paghahanda.
Walang araw na hindi kami nag-aasaran na dalawa pero hindi namin natitiis na hindi nakikita o nakaka-usap ang isa’t-isa. Siguro gan’yan na ang paraan namin na ipakita ang pagmamahal namin sa isa’t-isa.
“O, ano na?” tanong ko agad pagkalabas ko ng kwarto na nakahanda na para sa pagpunta sa school.
“Wow! Ang ganda mo talaga besh!” pang-uuto niya sa akin.
“Ano ba nakakahiya, matagal ko ng alam.”
“Oo na! Ikaw na ang pinagpala!” saka nagtawanan kaming tatlo. Ganoon lang kami lagi, sabihin niyo nang ang babaw namin pero ano magagawa ko sa eh, masaya na kami kahit sa maliliit na bagay.
“’Yon na nga, may pupuntahan sana tayo kaso may pasok ka pala kaya wala sayang,” maglungkot kuno niyang sabi pero alam na alam ko ‘yan na nagdadrama lang ang pagmumukha niyan.
“Saan ba? Saka anong oras?” hindi ko pinansin ang pagdadrama niya.
“May pasok ka ‘di ba so, wala rin kahit sasagutin pa kita.”
“Ano nga kasi! Diretsahin mo nga ako? Dali na!” pag-aalboruto ko.
“Ito na, sasabihiin na nga. ‘To naman walang ka thrill thrill,” pagrerelamo niya.
“So, ano nga?” pangungulit ko.
“Ay tita oh atat!” pagsusumbong niya kay mama na may malaking ngiti halatang may alam pero piniling hindi magsalita.
“Kainis naman, eh!”
“Kasi besh…” hindi niya naituloy ang sinabi tapos nakita kong naluluha na siya.
“Ano ba kasi ang nangyayari naguguluhan tuloy ako.”
Pero hindi ko na sinabi kasi hindi ko inasahan na makita ang bestfriend ko na maluha-luha ngayon sa harapan ko.
“Ano ba kasi ang nangyayari, ba’t nag-iba ang agad ang mood mo? Kani-kanina lang ang saya-saya mo tapos biglang gan’yan ka na ngayon,” nagtataka kong tanong.
“Hindi ako malungkot besh kasi ang totoo…” binitin uli niya ang sasabihin sabay tumingin siya kay mama tapos nang sundan ko siya ng tingin saka nakita kong tumango si mama sa kan’ya hudyat na sabihin niya sa akin kung ano man ‘yon.
“Dahil… ikaw ang napili sa audtition ikaw na magiging endorser ng facial wash na ‘yon! Congratulations beshie ko! I’m so proud of you! Kaya kailangan natin pumunta sa agency para sa contract signing,” dire-diretso niyang sabi sabay nagtatalon habang ako nakatingin lang sa mga pinaggagawa niya, nakatulala, hindi makapaniwala sa narinig.
“Tama ba ang narinig ko o baka nag-iilusyon lang ako?”
“Besh ano ba? Hindi ka ba masaya?”
“Congrats anak!” bati sa akin ni mama sabay niyakap niya ako samantalang ako tulala pa rin.
“Hoy! Ano ba? Wala ka man lang karea-reaksyon d’yan?” pero imbis na sagutin ko siya impit akong natili.
“Ahhhhhhhhhh…!!! Mama!” wala na akong ibang nasabi sa sobrang tuwa ko. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Sabay na kaming dalawa ni Jhay na nagtatalon ngayon habang magkahawak kamay at tumitili sa sobrang saya.
“Thank you, Lord!” si mama na tuwang-tuwa kaming pinapanood na parang mga bata nagtatalon.
Dahil sa excitement pinili kong ‘wag na pumasok mabuti minor subjects lang ang klase ko ngayong araw, babawi na lang ako kasi kailangan naming pumunta sa agency para sa contract signing. Samantalang si mama, sumabay sa aming umalis para magpa-ship ng mga paninda niya tapos mamamalengke raw siya dahil maghahanda raw siya ng konti para i-celebrate raw namin mamayang gabi ang bagong milestone ng buhay ko.
“Si mama talaga ang daming alam.”
Kahit medyo nangangawit na ang panga ko sa kakangiti hindi naging hadlang ‘yon dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko ngayon, walang mapagsidlan ang tuwa dahil hindi ko talaga akalain na ako ang makukuha sa dami ba namang magaganda at deserving na mapili ako pa. Kahit nasa byahe na kami para kaming mga engot na dalawa panay ngiti sa kahit hindi kakilala, wala kaming pakialam kung ano ang iisipin nila sa amin basta masaya kami period.
“Mabuti na lang kahit traffic hindi pa rin tayo malelate kasi napaka-aga natin sa call time,” nakangiting bulong ko kay Jhay.
“S’yempre maganda tayo beshie, ang mga magaganda hindi dapat nagpapalate kasi kabawasan sa kagandahan ang malelate, alam mo ba?” pagmamayabang niya.
“Ay! Bet ko ‘yan besh, ang maganda tayo kaya dahil sa ating kagandahan magkakaroon na ng commercial,” dagdag ko sa kayabangan niya. Ewan ko lang kung may nakakarinig sa bulungan namin kasi s’yempre nasa loob kami ng sasakyan magkakadikit na naka-upo kaya kahit bulong pa ‘yon hindi malabong may makakarinig sa amin.
“Tumpak ka d’yan besh! Kaya love na love kita besh, eh.”
“Ay! Alam mong mas love kita besh kasi dahil sa’yo kumikita tayong pareho.”
Nagpatuloy ang mga katimangan naming ginagawa hanggang sa makababa kami. Pero dahil maaga nga kami sa oras na na-schedule na pupunta kami sa agency, dumaan muna kami sa isang coffee shop para doon muna tumambay at nag-order lang kami ng frappe para may rason kaming maupo doon.
Miggy’s POV
Naabutan ako ni Meynard na humihikab nang pumasok siya sa opisina ko.
“Sleepy?” si Meynard.
“Medyo, ang dami kasi nitong binabasa ko kanina pa. Hindi naman kasing pwedeng pirmahan ko na lang ‘to na hindi ko alam kung ano ang mga pinaglalagay dito, malalagot kapag nagkataon.”
“Gustong mong coffee?”
“Mabuti pa pero ayaw ko ng mainit. Iced coffee na lang pasuyo bilhan mo na rin ang sarili mo kung gusto mo,” utos ko.
“Okay, no problem.”
Kaagad naman siyang umalis may isang debit card kasi akong nasa kan’ya para anytime na may kailangan hindi na siya maghihintay na bibigyan ko pa ng pera. Kay kahit anong iniuutos kong bilhin anytime alam na niya ang gagawin. Sinadya ko ‘yon para wala na akong iisipin pa, mas madali kasi kapag ganoon, nagma-money transfer na lang ako every month para doon.
Less thirty minutes after nang makabalik si Meynard sabay ipinaalam niya sa akin na may emergency meeting with the big bosses.
“Sino may sabi?”
“Secretary ni Pres ngayon na raw kaagad. Wala namang sinabi kung bakit.”
“Okay, since hindi na natin pwedeng ma-postpone ang contract signing pwede naman ding wala ako mamaya ko na lang pipirmahan ‘yon sa signatory ko, ang importante present naman ang company client kasi kawawa naman kung pababalikin pa natin hindi pa naman natin alam kung saan pa nanggaling ’yon. Malamang papunta na ‘yon dito hindi magtatagal nandito na ‘yon,” bilin ko sa kan’ya.
“Yes sir, sabihan ko na lang po si Andrew.”
“Sige alis na ako.”
“Napaka-wrong timing naman talaga magpatawag ng meeting sayang hindi ko makita ang ganda niya. Nakakainis naman!” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa elevator.
Maraming napag-usapan during sa meeting at dahil hindi ko sinama si Meynard minabuti ko na lang irecord ang whole duration ng meeting para ipaparinig ko na lang sa kan’ya mamaya para wala akong makakaligtaan kasi ilalagay niya lahat ng ‘yon sa notes niya. Normal na sa amin ang ganito kasi may mga kailangan siyang gawin lalo na ngayon na hindi ako makakaattend sa contract signing para sa commercial.
May gagawin pa lang expansion ng company dahil according to company President it’s about to expand, parami nang parami kasi ang clients namin every year kaya naisipan nilang mag-expand na. Tapos may bagong ipinakilalang investor kaya pala nagpatawag ng emergency meeting kasi ngayon lang available ang naturang investor kasi babalik aalis uli papuntang Europe.
Mabuti na lang may iced coffee akong nainom kung hindi baka nakatulog na ako sa sobrang bagot, nakakapagod pag ganitong meeting ang daming pinag-uusapan nakakatuyo ng utak. Kung hindi lang ito importante lumiban na ako kasi may pwede naman kasi akong irarason sa kanila na may contract signing ako pupuntahan, pero hindi eh, kaya wala akong nagawa kundi ang magtiis.
Ilang oras din ang itinagal ng meeting namin kaya pagkalabas para akong nanlalanta sa antok, panay na naman ang hikab ko habang naglalakad pabalik sa office pagkatapos kong makipagkamay sa lahat ng mga kasama sa loob ng conference room.
“O? anong nangyari?” nagtatakang tanong sa akin ni Meynard nang makita niya akong papalapit sa mesa ko habang nakatayo siya sa copying machine at nagse-segregate ng mga documents.
“Nakakapagod doon sa conference room, bumalik ang antok ko habang nakikinig sa kanila ang daming pinag-usapan, nandito sa phone ko naka-record lahat paki-transfer na lang.”
“Sige, tapusin ko lang ‘tong ginagawa ko.”
“Kumusta ang contract signing?”
“Okay naman, saglit lang ang nangyari pagkatapos ipinaliwanag sa kanila ang niloloob ng contract pirmahan tapos uwian na. Print ad model pala si Gabie kaya pala familiar siya sa akin naikwento kasi kanina ng manager niya ‘yong lagi niyang kasama na bakla. Sinubukan niya lang ang mag-audition pero ang sabi sobrang gulat niya daw ang siya ang mapili para sa commercial. Ang daldal kasi ng manager niya kausap niya ang team eh, nagkataon naman na nasa malapit lang ako kaya rinig na rinig ko lahat ang pinag-uusapan nila,” kwento niya.
“Ah, print ad model. Bagay kasi maganda naman talaga siya hindi na nakapagtataka. Kaya pala parang sanay na siya sa camera. Gabie? Parang panglalaki ang pangalan niya pero cute dahil bagay sa kanya,” sa isip ko dahil hindi ko kayang sabihin kay Meynard ang totoo dahil, hindi ako titigilan niyan sa panunukso kung malalaman niya. Saksakan pa naman ‘yan ng kakulitan kaya mas mabuti nang isekreto ko na ‘to kaysa malalaman niya.
“May schedule na ba sa shooting?” pasimpleng tanong ko, kasi iniiwsan kong malaman niya na nagagandahan ako sa napiling endordser ng facial wash.
“Mayroon na, sa weekend kasi nag-aaral pala ‘yon graduating kaya napagkakasuduan na sa weekend na lang instead next week. Mas mapaaga ng konti na mas gusto naman ng client dahil gusto na nilang matapos kaagad.
Matapos niyang mailipat sa flask drive niya ang file galing sa meeting, hindi na kami nagtagal dahil makikipagkita sa amin ngayong si Willie, ‘yong private investigator. Dahil inabot kamo ng kasagsagan ng traffic medyo natagalan ang pagdating namin sa hotel na naging meeting point na namin. Pagdating namin doon nandoon na si tito Rick at si Willie.
“Sorry, inabot kami ng matinding ttraffic kaya natagalan kami sa pagdating dito,” pagpapaliwanag ko habang nakikipagkamay kay Willie at man hug kay tito Rick.
“No worries, part na ‘yan na buhay nating mga Pilipino,” si tito Rick na natatawa pa.
“Oo nga, hindi na bago ‘yan dito sa Metro Manila kahit nga sa labas ng Metro Manila may traffic na rin, para normal na lang ang lahat,” pagsang-ayon naman ni Williw na tumatango-tango pa.
“Order muna tayo, medyo gutom na rin ako,” pag-aya ko sa kanila.
Mas maiging makakain na muna para mapaghandaan ko ang possibleng malaman ngayong gabi.

Bình Luận Sách (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất