logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

kabanata 2

Love is a series of trial and error. You must know the limitations when it's no longer serves right for you.
Mugto ang mata ko sa kakaiyak kahapon. Hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi. Kahit wala sa sarili ay bumalikwas pa rin ako para gumising at tumulong kila Manang Fe. Ayoko kasing magmukhang prinsesa ako rito sa bahay. Ang pagtulong sa gawaing bahay na lang ang kaya kong isukli sa kagandahang loob nila sakin. as usual wala si Tita at Tito at maging si kuya Harold. marami silang tinatrabaho kaya minsan lang kung maabutan ko sila rito sa bahay.
Pagkababa ko nang hagdan ay tumungo agad ako sa kusina. Naabutan kung abala ang mga ito sa pagluluto. nakita ako ni Manang Fe na papunta sa kinaroroonan nila.
"Aya! Iha. Ang aga mo namang nagigising." Bungad na bati nito sakin.
"Maaga rin po kasi akong natutulog sa gabi." Pagsisinungaling ko.
"Ano pong pwede kong gawin?" luminga-linga ako upang suyurin kung meron pang di nababalatan sa mga rekados na gagamitin.
"Naku iha! nabalatan na lahat ni sita ang mga rekados kaya wala na kong maipagagawa sayo rito. mabuti pa ihatid mo lamang ito kay Sir Paulo." Nakaligtaan niya na naman Kasi. sabay abot nito sa akin ng lunch pack na nakasupot na sa eco bag.
"ah. baka pwede pong si Manong Rey na lang ang pag-abutin ko nito? "
"Pwede naman kaso lamang ay ibinilin ni ma'am na ikaw raw ang magdala sa office." Nagkibit balikat lang ito at tinuon muli ang atensyon sa nilulutong ulam.
"Ah, sige po." Hindi ko gustong ako ang magdala pa nito sa kanya Kaya naisip kong Iiwanan ko na lamang ito kay anggie.
"Oh aalis kana? Hindi ka ba muna kakain?" may pag-aalala sa mga mata nito.
" Hindi po, sa labas na lang ho."
Tumango naman ito. Inilapag ko muna ang lunch pack sa table para umakyat sa kwarto ko para magbihis. Mamasyal na lang siguro ako sa mga parke pagkaabot ko kay anggie ng lunch pack. Wala naman akong pasok ngayon sa eskwela at natapos ko na rin ang dapat tapusin kaya magrerelax muna ako ngayon.
nagsuot ako ng maluwang na t-shirt na may malaking letra sa harap at Maong na pantalon. Hindi ako maarteng tao kaya liptint lamang ang inilalagay ko sa aking labi at pagkatapos noon ay wala na.
Isinuot ko ang aking paboritong sapatos. Converse iyon na rubber shoes. Sabi nila badoy raw ako manamit ngunit wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Ang mahalaga komportable ako sa suot ko.
ilang sandali pa napagpasyahan ko nang bumaba. Tinungo ko ang garahe Kung saan naroon si Manong Rey. "
"Aalis na po tayo Manong Rey." usal nang marating ko ang sasakyan.
"Mukhang may lakad po kayo maam. Saan po tayo?" tugon nito nang nakapasok na ito sa driver seat.
" Sa Phem Corp po! Sa office ni Paulo." Tumango naman ito at pinaandar ang makina.
"Manong Rey salamat po sa paghatid." sambit ko nang makarating kami sa gusali na pagmamay-ari ng Santebañes.
"Walang anuman Po ma'am."
"Manong 'wag nyo na po akong hintayin. Magpupunta pa po kasi pagkatapos rito." Malumanay kong Sabi na agad naman nitong nakuha. Nagpaalam ako rito at pumanhik na sa second floor upang hanapin si anggie sa table nito.
Bakit Kaya wala si anggie rito?
Nilinga-linga ko ang paligid nagbabakasakaling makita mula kung saan. Baka naman may pinapagawa sa kanya sa opisina ni Paulo.
Nagbuntong hininga ako nang mabatid na wala akong ibang opsyon kundi tumungo sa office nito. Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago nagkaroon ng lakas upang lakarin ang opisina nito. Sa bawat hakbang ko ay lumalakas rin ang pintig ng aking puso. Kinakapos ako nang hininga.
Kinatok ko ang pinto nang walang alinlangan. Walang sumasagot. Wala atang tao. pinihit ko ang pinto para makapasok. luminga-linga ako sa bawat sulok nito. Walang tao. nakahinga ako nang maluwag. Iiwanan ko na lamang rito ang kanyang lunch sa lamesa. Napangiti ako sa naisip. palabas na ko sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses mula sa labas. Naestatwa ako sa narinig.
Narito siya? Anong gagawin ko? magpapakita ba ako?
nawala ang pagkalito ko nang may narinig pa kong kausap nito. Si Melissa nangatog ang binti ko. Wala akong ginagawang masama ngunit bakit ako nagkakaganito.
Magtatago ako?
Tinungo ko ang storage room para magtago roon. rinig ko ang malakas na kalabog sa pinto.
"may babae ka ba Paulo? singhal nito na garalgal ang boses.
"Stop it Melissa! I'm tired." pagalit nitong sabi.
" At ano ito? she's pointing the lunch pack I put on the table.
"I don't know! maybe galing iyan sa bahay." walang gana nitong sabi.
"Oh. I see. dala siguro nung Aya! di bat baliw na baliw 'yon sayo!" napatikhim ako.
Did she knows? Paano niya nalaman?
"What are you talking about Melissa!
"I'm not talking nonsense here! I know you. You have something for her! Kaya mo ba ako pinapasok sa buhay mo ah? Pinagseselos mo ba siya? Ah? "
" Fuck. That nonsense!" Halos pabulyaw ito.
"Kung wala kang gusto sa kanya bakit di mo siya pinagsasabihan na 'wag ng pumunta rito."
"Why would I? Wala naman siyang ginagawang masama. At parte siya ng pamilya.
" Bullshit" suma-ere ang malakas na mura nito.
"What? What do you want!?" Ang ilong nito ay malamang ay umuusok na sa galit.
" Stop it Melissa! Know your limitations! or else alam mo kung saan ka pupulutin!" Punong-puno ang awtoridad ang baritong boses nito.
"okay! you're choosing her! damn her!" malutong pa itong humalakhak.
"Im telling you ayoko nang may kahati"
tinungo nito ang pinto nang walang kahirap hirap saka ito sinara nang napakalakas.
I don't understand. maybe Melissa is paranoid. nagkakamali siya kung inaakala niyang may gusto si Paulo sakin at wala naman akong ginagawa para sirain sila. Pumikit ako nang mariin ayoko kung masira ang relasyon niya sa kahit na sino. I don't understand why he's cold with her. Di bat pag mahal mo ay sisiguraduhin mong wala itong magiging duda.
Hindi ko alam kung paano lalabas rito. Kanina pa ako nakatayo rito at nangangatog ang binti. Wala pa kong kain, kailangan ko ng makalabas rito. Sinilip ko ang kinaroroonan nito. Nakasandal ito sa kanyang swivel chair at minamasahe ang kanyang sentido. maliit ang mga yabag ko palabas. Abot-abot ang paghugot ko nang hininga. Nang makalabas ay humarap ako sa kanya. handa na kong pagalitan niya ko kahit wala naman akong kasalanan.
"What are you doing here!" sambit niya na hindi man lang tumingin sa akin.
"I'm sorry! Hindi ko sinasadyang makinig. Napag-utusan lang akong dalhin ang lunch mo.pasensya na talaga." nakayuko ako habang tinitigan ang aking binti.
nagbuntong hininga muna ito bago ako nito balingan.
"It's okay! don't think too much. just go home."
"Hindi ka galit? nagtataka kong tanong. hindi ako sanay na di siya nagagalit sa akin.
"Hindi." Matipid nitong sabi.
"Bakit hindi ka galit!? Halos pasigaw iyon.
Nakita ko kung paano siya napanganga.hinilamos niya kanyang kamay ang kanyang mukha bago nagsalita.
"dapat ba ay lagi akong galit Ligaya Christine?" Umalingangaw ang lakas ng pagkakasabi nito. nag-ayos ito nang upo at pinagsikop ang kanyang magkabilang kamay.
"Hindi. Hindi lang ako sanay."
Nagkanda utal-utal ako sa pagsagot nang mapansin kong pinapasaringan ako nito ng tingin mula ulo hanggang pala. bigla akong naconcious sa suot ko. Hindi naman 'yon maikli pero kagaya ng sabi nila baduy.
"You really have a great fashion sense ha!?" Halos mainsulto ako sa pagtingin nito sakin.
"Uuwi na ko. Pasensya na ulit hindi na mauulit."naglakad na ko patungong pinto at di na hinantay anuman ang isasagot nito.
"Then let's see! Nilingon ko ito at nakitang ngumingisi sabay kindat sa akin.
Umiling-iling ako sa kanyang sinabi.
Let's see what?
What's with him? Is he crazy?
Nagmartsa ako palabas ng kanyang opisina. Namataan ako ni anggie na mabilis na naglalakad. May sasabihin pa sana ito nang dali-dali ko siyang nilagpasan. Nang makalabas ako sa gusaling iyon ay agad akong pumara ng taxi para makauwi.
Sinalubong ako mga matang nagtataka ni Manang Fe.
"Ang bilis mo naman iha" nginitian ko lamang ito at sumignal ako na aakyat sa aking kwarto nang magsalita pa itong muli.
"Syanga Pala iha, may tumawag rito sa telepono, kung pwede raw ay wag nang dalhin si sir Paulo ng pagkain sa opisina siya na raw ang bahala." Hinintay nitong sumagot ako kaya naman ay imbes na pumanhik ay naupo ako sa sala at hinarap si manang Fe.
"Si Melissa Po ba?" Dagliang tanong ko matapos magbuntong hininga.
"Oh! Kilala mo Pala! Mukhang masungit e." Pagpapatuloy nito.
"Girlfriend ho iyon ni Paulo." Tugon ko naman.
"Oh di ba iba rin yong girlfriend niya noon, ito talagang si sir ang bilis magpalit!" Pailing-iling pa ito habang nagsasalita.
"Ganun siguro Po talaga." matipid na tugon ko naman.
"Siguro ay hindi pa tapos maglaro si sir! Kapag may nagustuhan na 'yan ay titigil na yan." Nagbuntong-hininga ito saka nagpaalam na magpapahinga muna.
Hay manang! Kung alam mo lang na matagal ko nang gustong mangyari 'yan, pero sana ako iyon. Pero mukhang malabo. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Bình Luận Sách (104)

  • avatar
    Bernadez Vengiee

    ok ok

    24/08

      0
  • avatar
    CaroPearlien

    makalla

    26/07

      0
  • avatar
    Guaves John Nexus

    Napaka Ganda po talaga ng novel nato

    23/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất