logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Love Me, Once More.

Love Me, Once More.

akosimalaya


Kabanata 1

STORY STATUS: COMPLETED
SABI nila ang pag-ibig raw ay may dalawang katangian; ang una ay iyong pag-ibig na hindi pilit. Ang dalawang tao ay magkapareho ang nararamdaman sa isat-isa. 'yong pag-ibig na natatapos hanggang wakas. Pag-ibig na papanagutan ka hanggang sa pagtanda. Hanggang sa hukay ay mananatili ang pagmamahal.
Ang pangalawa naman ay ang pag-ibig na malabo—Kasing labo ng tubig sa kanal. iisang tao lang nagmamahal dahil ang isa ay hindi ito maramdaman. Pag-ibig na maaaring walang simula ngunit maaari ring walang wakas. pag-ibig na masakit at mapait. pag-ibig na di maaaring ipilit dahil ang taong iyong minamahal ay may iba ring minamahal.
Mahirap man aminin ngunit nabihag niya ako nang wala akong laban.
Masakit man aminin ngunit alam kong ako lamang ang nagmamahal hindi dahil sa hindi niya alam. Kundi dahil ayaw niya sakin.
Hindi namalayang sa pagdaan ng ilang taon ay lalo lamang itong lalago hanggang sa ako na mismo ang dapat pumutol ng ugat. Hindi niya ako pinilit ngunit kusa itong tumibok nang di ko inaasahan.
Mailap siya. Hindi madaling makuha. Sapagkat ang isang tulad niya ay marami ang nais umangkin.
Malapit siya ngunit malayo. Kahit na halos abot tanaw ko na siya ay hindi ko pa rin siya mahawakan.
Mailap ngunit mas lalo kong gustong maabot.
Mataas ngunit kaya kong akyatin.
Malabo ngunit kaya kong bigyan ng kulay.
Nakatingin siya nang mariin saking mukha. ilang sandali lamang ay inilapit niya sa aking tenga ang kanyang labi.
“I like you! ” malambing nitong bulong saking tenga dahilan upang makiliti ako.
"Ano ba Paulo! nakikiliti ako!" hagikhik na tugon ko.
"Sabi ko gusto rin kita Aya!" tinitigan ko ito nang mabuti. Mamula mula ang pisngi niya habang mariin pa rin ang pagkatitig sa akin.
"Oo na! Alam ko." naging matinis ang pagtugon ko.
"Ngayong Alam mo na paki-abot ng susi!" Singhal nito.
“Anong susi?”
Naramdaman ko ang pagbagsak ko mula sa itaas ng aking hinihigaan. naramdaman ko ang matigas at malamig na sahig.
"Aray ko!" napasigaw ako sa sakit. Napahawak ako sa aking ulo kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata. napasinghal ako nang maaninag ang aking kwarto.
"Walangya naman! Panaginip lang pala!"
Halos mangiyak ngiyak ako sa sakit na natamo sa pagkahulog sa sahig. Napabuntong hininga ako.
“Makababa na nga!”
tinungo ko ang staircase habang umiika-ika. Nang makababa na ako sa Sala ay inayos ko ang aking sarili. At saka tinungo ang kusina.
Naabutan ko si Manang na pailing-iling sa kaharap niyang lunch box. Nagbuga ito ng hininga at bumaling muli sa pagpupunas.
“Manang kanino po iyan?” Sabay turo ko sa lunch box na nasa mesa.
"Gising ka na pala iha.” tila umaliwalas ang mukha nito pagkakita nito sakin.
" Opo!" napakamot ako sa ulo nang maalala ang dahilan ng aking pagkakagising. Natawa ako sa naalala.
"bakit ka tumatawa iha?” Kuryos nitong tanong.
"Ah. Nakakatawa po kasi ang panaginip ko. ihahatid po ba yan? ako na po maghahatid sa opisina ni Paulo."
Ngumiti ako sabay tungo ulit sa aking kwarto para magbihis.
Papunta ako ngayon sa opisina nito. nakalimutan na naman niyang dalhin ang inihandang baon para sa kanya ni Tita Esmeralda.
Nangingiti ako habang naglalakad naalala ko pa rin kung paano niya ito sinabi. Malambing at banayad ang tinig nito habang sinasabi ang salitang pangarap ko lamang bigkasin niya rin sakin. Nakayuko ako habang ngiting ngiti dahil sa imahinasyong nililikha ng aking isip nang bigla akong mabundol ng isang lalaki. Handa na Kong suntukin itong nang tumingala ako ay napangiwi ako sa lalaking nasa harap ko. Si kuya Harold pala panganay na kapatid ni Paulo.
" Ikaw pala 'yan kuya Harold pasensya na." napakamot na lang ako sa aking ulo sa pagkapahiya.
"Sino ba kasi 'yang iniimagine mo riyan at ngiting ngiti ka?” Panunudyo nito sakin habang nakahalukipkip ang kanyang dalawang kamay.
"Wala! Si kuya talaga!” namula ako dahil sa kanyang panunukso.
"Sino bang sadya mo rito?" Alam kong alam niya ngunit mahilig lang talaga itong manudyo.
"Si Paulo, napag-utusan lamang ako ni Tita Esmeralda na dalhan sya ng lunch." agaran ko namang sagot.
"Talaga ba!?" Tuloy pa rin ang pang-aasar nito sakin.
Bago pa humaba ang pang-aasar nito ay nagpaalam na kong papasok.
"Pasok na 'ko." kumaway ito sa akin at tumungo na sa parking lot.
"Good luck! Baby girl!” Sumigaw pa ito bago pumasok sa kanyang sasakyan. Naipairap na lamang ako.
Pag-ganitong lunes talaga ay abala ang mga tao dito sa opisina. Halos lahat ay tutok sa kanilang computer kapag naglalakad naman ay kasing beses ni flash.
Sinalubong ako ni anggie ang sekretarya ni Paulo.
"Hi, ma'am Aya. Narito po pala kayo?" Agarang bati nito sakin nang magkalapit kami.
"Hi, anggie." Masiglang bati ko naman rito.
"Si sir Paulo po ba ang sadya ninyo ma'am?"
"Oo Sana e. Busy ba sya?"
"Ah, may bisita po kasi siya ma'am eh. Ayaw niya pong paistorbo.
"Babae o lalaki." Pang-uusisa ko.
"Babae po ma'am." sabad nito.
"Sino?"
"Melissa po ang pangalan." Biglang may kumurot sa dibdib ko nang banggitin niya ang pangalang iyon.
Ibig ba sabihin nito ay totoo ang mga nababalitaan ko at mukhang seryoso nga siya rito. Ilang Segundo rin akong natulala nang tawagin muli ako ni anggie.
"Ma'am. Ma'am Aya" tawag nito.
"Yes, anggie" agarang tugon ko naman ng tila makabalik ako sa aking ulirat.
"Kung gusto nyo po ma'am. Iwanan nyo na lamang po sa akin at ako na lamang po ang magbibigay Kay sir pagkalabas nito." Pangungumbinsi nito.
"Hindi na, hihintayin ko na lamang siyang lumabas anggie." Seryoso ngunit malumanay na tugon ko rito.
"Sige po ma'am, kayo ang bahala." Matapos nito ay tumungo na ito sa kanyang table.
Sigurado ka ba Aya sa pinapasok mo. Si Melissa 'yon. Wala kang laban don. Masasaktan ka lang. Determinado akong tao. Walang inuurungang kahit ano ngunit si Paulo ang nagsisilbing kahinaan ko.
Isang oras rin akong nanatili sa lounge area upang hintayin ang kanyang paglabas. Ngunit namuti na ang mata ko ay hindi pa rin ito lumalabas. Siguradong malamig na ang pagkain na dala ko. siguro ay nananghalian na ito sa kanyang opisina kasama si Melissa. Nagbuntong hininga ako sa hangin habang sapo ang aking tiyan na kumukulo. Hindi man lang kasi ako nag-agahan kahit na pinipilit ako ni tita na kumain muna bago umalis. Kusa na lamang ang pagpatak ng tubig sa aking mata sa di maipaliwanag na dahilan. Wala namang makakakita na umiiyak ako ngayon lahat naman ng tao sa opisina ay abala at kung may makakita man ay siguradong Wala naman silang pakialam.
"Aya! Nandirito ka pa rin?" Bungad sakin ni kuya Harold nang makita ako nitong nasa lounge area pa rin.
"Ah. Di ko pa kasi naibibigay kay Paulo." Tugon ko Naman.
Kunot noo nitong tanong.
"Ah, may kasama kasi siya sa loob at ayaw niya magpa-istorbo."
"Ano! Sumunod ka sakin at papasukin ko."
Sumunod ako kay kuya Harold kinatok niya ito nang malakas. Napangiwi na lamang ako sa ginagawa nito. Nakatayo ako sa likod nito nang may bumukas ng pinto. Isang mestisahing babae ang lumabas sa itsura nito ay pwede itong maging modelo. balingkinitan ang pangangatawan at halos balikat lang ako nito.
"Yes, Paulo is taking his shower." Sabad nito.
"You must be ?" tanong ng mestisang babae kay kuya Harold.
"His brother" sabay bukas nang malaki sa pinto ni Melissa upang makapasok kami. Nanatili ako sa pinto hindi magawang maiapak ang mga paa papasok.
"Aya! Anong tinutunga mo riyan, pasok!" agad naman akong sumunod rito at isinara ang pinto. Naupo kami sa malambot na sofa. Maraming nakakalat na papeles at mga designs sa ibabaw ng lamesa. Inabutan ako ni kuya Harold ng maiinom. Tinungo ko naman ang maliit na kusina rito. nakakalat ang Plato sa lababo. ipinatong ko ang baunan na dala dala ko. Habang nasa kusina ay naulinigan kong nag-uusap sila kuya Harold at Melissa kaya naman sinilip ko ang mga ito nang bahagya.
"So you are?" sabad ni kuya Harold sa kaharap.
"I'm Melissa Mendez, Paulo's girlfriend" sabay lahad nito ng kanyang kamay kay kuya Harold.
"Nice to meet you kuya Harold." Wika ulit nito habang malapad ang pagkakangiti.
"Nice to meet you too." Si kuya Harold ito. Siyanga pala iyong nasa kusina ay si Aya.
"My brother is secretive. Ni hindi man lamang nito nasabi na may girlfriend na ito."
Mula sa likod ay umakbay ito Kay kuya Harold.
I'm not secretive I just need to be private sometimes." humalakhak ito nang bahagya.
"Akala ko ay may aasikasuhin ka sa labas?" Seryoso nitong tanong.
"I left something kaya bumalik ako, kaya lamang ay naabutan ko si Aya sa lounge area. Kanina pa pala ito naghihintay na lumabas ka."
Luminga -linga ito at nang magawi sakin ang kayang paningin ay ngumiti ako nang bahagya. Samantalang hindi naman maipaliwanag ang ekspresyon nito. Nakakasigurado akong galit na naman ito.
"Why are you here?" sabad nito habang puno ng iritasyon ang mukha.
"Mom told her to bring your food. Nakalimutan mo na naman Kasi" sagot nito nang di ako agad nakasagot.
"Ok then" let her go home.
"Hi, Aya nice to meet you! I'm Melissa." Bati nito sakin.
"Nice to meet you too." Tugon ko naman at ginawaran ito nang malapad ngunit malamyang ngiti.
"Isasabay ko na lamang siya at ihahatid bago ako magtungo sa aking pupuntahan." rinig ang pagbuntong hiniga nito habang nakatitig sa akin.
"Tumango lamang ito at nagpatuloy ang lakad palapit Kay Melissa. Nang makalapit ito ay inilapit nito ang kanyang bibig sa tenga nito at tila ay may ibinulong bago tumungo sa kanyang working station. Habang si Melissa naman ay naupo sa sofa at may tinitingnan mga sketch na damit sa isang portfolio.
Hinatak Naman ako ni kuya Harold para lumabas habang palabas ay nakatitig lamang ako sa direksyon ni Paulo na abala sa mga tinitingnang papeles. Di man lamang ako nagawang lingunin.
"Let's go Aya!" sigaw ni kuya Harold sakin nang makita akong mabagal ang paglakad.
"Tinotorture mo ba ang sarili mo." Mariin nitong sabi sabay baling sakin para isuot ang seatbelt.
" Wala na bang pag-asa kuya? " Nakangiti ang labi ko ngunit may pumapatak na tubig mula saking mga mata.
"Don't cry, maybe his not meant for you. Kalimutan mo na lamang siya." Mahigpit na yakap ang binigay sakin ni kuya Harold habang hinihimas ang aking buhok. Napahagulgol na lamang ako sa bisig niya habang kinakapos na nang hininga sa paghikbi.
I'm in love with John Paulo Lagman Santebañes, i feel good and at the same time feel bad about it.
I'm always with him in his worse, In his best. Pero bakit palaging iba ang pinipili niya.Kung pipiliin man niya ako 'yon ay para saktan lamang ako.
Ang dalampasigan ay maalon kahit pa tirik na tirik ang araw. Ang asul na kulay ng dagat ay nagningning dahil sa araw. Napangiti Ako habang hawak ang canvass at ilang acrylic colors at brush. Nawala ang pagkamangha ko sa tanawin nang mamataan ang pamilyar na lalaki na nakatanaw mula sa kawalan. Even his back is in good shape. How can I be able to move on from loving him secretly. Na kahit na si mama ay tutol sa nararamdaman Kong ito.
Naglakad Ako papunta sa kanyang kinatatayuan. Habang papalapit nang papalapit ang bawat hakbang ko ay ganoon rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mula sa paglalakad ay natisod ako nang kahoy na nakaharang sa buhangin. Bago pa man ako makabalanae ay tuluyan na akong bumagsak sa buhanginan at masaklap ay sa likuran nya.
I heard him cursed when saw me behind him. Napahiga ako sa buhangin habang yakap pa rin ang canvass samantalang ang mga pangkulay at brush na dala ko ay nagkalat kung saan. Tumingala ako sa kanya habang nakahiga pa rin. Ang kamay nito ay nakalahad habang walang buhay pa rin ang kanyang ekspresyon. Agad naman akong humawak sa kanyang inilahad na palad. Hinila ako nito mula pagkakahiga. Para bang nanakit ang mga buto ng kamay sa ginawa niyang iyon. Nanakit ang katawan ko mula sa pagbagsak kong iyon ngunit hindi ko ito pinahalata. Nang makatayo ako ay nginitian ko ito.
"I'm sorry." Panimula ko habang tila dismayado ang pagtingin nito sakin.
"What do you think you're doing? "
Saad nito habang nakataas ang kanyang kanang kilay. He is wearing a blue polo with a ocean print on the right side of his shirt.
"Ah. Magpipinta lang sana Ako Kaso " Hindi niya ako pinatapos ay sumabat na ito.
"Kaso hindi ka nakatingin sa nilalakaran mo. I am right? " Tumango na lamang ako at ngumiti nang bahagya.
Ngumisi ito at walang pasabing tumalikod sa akin.
"Bata ka pa nga" his words echoed in my ears. Kahit tila mahina ang pagkakasabi nito ay narinig ko pa rin. Tumayo ako malapit sa tabi nito. Ang tingin niya ay nakapokus lamang sa karagatan. I stared at him.
ano bang ibig sabihin. Na Bata pa Ako? dahil sa edad ko o dahil sa kilos ko?
Pinakawalan ko ang pagtitig sa kanya bagkus ay kinuha ko ang nagkalat na acrylic colors at brush sa buhangin. Komportable akong umupo sa buhangin habang nakapatong sa aking mga tuhod ang canvass. Sinimulan Kong hagurin ang hugis ng kanyang mukha habang nakatitig pa rin ito sa dalampasigan. Matama ko siyang pinagmamasdan habang iginuguhit ang bawat bahagi ng mukha nito. Mula sa seryosong awra nito ay napahikab ito dahilan upang mapangiti ako. Laking gulat ko nang bigla itong magsalita.
"Tapos ka na ba? " I suddenly felt uneasy I thought he doesn't know that I'm still here.
"Hindi pa! Konte na lang!" dali-dali akong tumutok sa aking ginagawa. Mamaya ay baka makita niya pa ito.
"Tapos na ko." I shouted to him at ginawi ko muli ang mata ko sa kanyang kinatatayuan kanina-nina lamang. He lost in a blink where did he go. Bago pa man tumingin sa likuran ay naramdaman ko na ang kanyang presensya.
" Oh! You're good! " Bungad nito sa aking likuran. Nakayuko ito sa likod ko at kung lilingon Ako ay magkakatitigan kami. Napalunok ako ng laway.
"Why is it me that you painted?" Seryoso nitong tanong. Naglalakad na ito patungo sa harapan ko. Nakatingala ako sa kanya.
"Kasi gusto kita." mahina lamang ang pagkakasabi ko noon at gumagaralgal pa ang aking boses.
Hinihintay ko na madismaya sya kung sakaling narinig man niya ang sinabi ko ngunit ngumiti lamang ito nang matipid.
Rejected na ba agad ako? Bakit ba kasi sinabi ko iyon?
"You're just in love with the idea of me" nakangisi siya ngunit tila may lungkot akong nakikita sa kanyang mga mata.
"Soon when you know me. I'm sure you're will forget me" nakatitig lamang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga iyon. Hindi ko alam pero nakaramdam Ako ng kirot sa aking Puso. Parehas lamang sila ni mama na sinasabing gusto ko lamang siya dahil sa ideya ko na katangian niya hindi sa kung anong totoong siya.
"Bata ka pa. Just forget it" Hindi ko maibuka ang bibig ko kahit na gusto Kong magsalita.
Nakarinig Ako ng tawag sa aking pangalan mula sa di kalayuan. at ilang sandali lamang ay papalapit na ang mga yabag nito sa amin.
"Aya!" Malakas ang pagkakatawag nito sakin.
"Kung saan saan ka nagsusuot na bata ka!" napabalikwas ako mula sa pagkakaupo nang makita si mama at Tita Esmeralda.
"Po! " Sagot ko naman rito. Nang makarating ito sa aking tabi ay matalas nito akong tinitigan.
"Ano ka ba Mara! Namasyal lang naman itong si Aya." awat ni Tita Esmeralda sa pagtitig sa akin ni mama nang masama.
"Hay naku talaga." Ramdam ko ang pagkabalisa ni mama. Yumuko ako at tinunton kanyang mga palad. Tiningnan nito ang ginawa ko. Nagbuntong hininga muna ito saka Ako inakbayan at hinalikan sa pisngi.
" Oh. Ayan bati na Ang mag-ina.
Bumalik na tayo doon sa hotel." Sinulyapan nito si Paulo.
"Halika na anak!" Sabay akbay nito sa kanya.
"Dito muna Ako ma, magpapahangin lang." rinig Kong tugon nito sa kanyang ina.
Nauna na kaming umalis ni mama habang nag-uusap parin ang mag-ina. Dahan-dahan lamang ang paglalakad namin ni mama habang magkasikop ang aming mga kamay. Nilingon muli ang kinaroroonan nila Paulo. Si Tita Esmeralda ay sumusunod na sa amin. Hinanap ng paningin ko si Paulo nang magawi ang paningin ko sa kanya ay ngumiti ito. Ngumiti ako pabalik.
Hindi ko alam na iyon na pala ang huling ngiti na igagawad niya sa akin.
Umiling-iling Ako sa alaalang iyon. Totoong nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Kung dati ay kinakausap niya pa Ako ngayon ay kahit tingnan ay hindi nito magawa.
Hindi ako nagpahatid sa bahay Kay kuya Harold. Sinabihan kong ibaba na lamang ako dito malapit sa mall na may garden at munting ilog sa likuran. Maraming namamasyal rito madalas magpapamilya.
Dito kami madalas noon ni mama namamasyal kahit na payak ay masaya kami noon. Siguro nga tama si mama noon na dapat kinalimutan ko na lamang siya. Pero nagkamali siya nung sinabi niyang I feel in love with the idea of him. Hindi ganoon kababaw ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil kung ganoon lamang ay matagal na ko na siyang sinukuan. Simula nang makitira ako sa kanilang bahay ay nag-iba na ang ideya ko sa kanya. totoong gwapo siya ngunit napakalamig niya. Lagi siyang tila okupado. He dated several girls sa kanyang kolehiyo ngunit nanatili pa rin ako. At ngayon ay marahil seryoso na siya rito kay Melissa. Napabuntong hininga ako habang nakatingala sa kalangitan. Makulimlim ang langit kasabay ng pagbuhos nito ang paghagulgol ko ng iyak.
Maybe this is the right time to give up. Tamang panahon para wakasan ang one sided love na ito.

Bình Luận Sách (104)

  • avatar
    Bernadez Vengiee

    ok ok

    24/08

      0
  • avatar
    CaroPearlien

    makalla

    26/07

      0
  • avatar
    Guaves John Nexus

    Napaka Ganda po talaga ng novel nato

    23/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất