logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 10

Jannelle's POV.
Kumain na kaming dalawa, kita ko namang sarap na sarap si Dave sa kinakain. 'Di na ako umimik para naman makapag-focus kami sa pagkain at para wala nang magalit.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na kaming dalawa sa pagkain.
"Ako na maghuhugas," saad ko. Hindi naman marami ang hugasin kaya kayang-kaya ko iyon, pumunta na ako sa lababo at pinag-aayos ang mga pinggan.
"Ok, dalian mo. May pupuntahan tayo," seryosong utos niya niya na ikinakaba ko.
"Huwag ka ngang masyadong seryoso, nakakakaba e," saad ko habang nakatingin sa kaniya nang deretso.
"Ba't ka naman kakabahan?" tanong nito.
"Tsk! Sinong 'di kakabahnan? Eh para na nga akong mamatay sa mga titig mong ganiyan," deretsahang saad ko.
"Iyang mata mo oh, tingnan mo sa salamin parang isang titig mo lang eh feeling ko mamamatay na ako bukas o ngayon!" dugtong ko pa. Narinig ko naman ang pagtawa niya...
"Akala ko 'di siya marunong tumawa dahil sa pagkaseryosong mero'n siya," saad ko sa sarili habang nakangiwing nakatingin sa kaniya.
"Marunong ka pala tumawa? Totoo nga talagang may himala, tsk... Tsk... Tsk... Tsk," saad ko rito habang sinimulan ang paghuhugas ng mga pinggan.
"Kahit ang masama ay marunong tumawa, ano pa kaya akong seryoso lang... " mahinahong saad niya, mukhang makikita ko na kung sino talaga ang totoong Dave Zhaylord.
"Yay! May nalalaman ka pa lang kasabihan, pagpatuloy mo 'yan," biro ko.
"Tsk! Dalian mo na 'yan," utos nito.
Hindi na tulad ng dati kung magsalita siya, na unang salita pa lang eh para ka nang sinisinghalan. Ngayon, iba na. Ibang-iba sa Dave Zhaylord na una kong nakita at nakilala at masaya ako roon.
"Sa'n ba tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Dalian mo 'yan ng makita mo,"
"Oo na," saad ko at madaling tinapos ang mga hugasin.
Ilang sandali lang ay natapos na ako sa paghuhugas, tiningnan ko naman si Dave na naka-nap sa lamesa. Tinapik ko ito dahilan para mapatingin siya sa akin, heto na naman ang puso ko... Tumitibok na naman ang puso ko, ano ba ang nagyayari sa akin?
"Are you done?" tanong nito sa akin dahilan para mapatayo ako nang maayos.
"Mmm, " sagot ko.
"Ok, let's go?" tanong nito sa akin. Deretsahan itong nakatingin sa akin, tiningnan ko naman siya. At nabigla ako sa nakikita ko...
Ang nakasanayan kong pulang mata ay naging asul na ngayon, nagsimula na naman akong ma-curious at mapatanong.
"Bakit naging blue ang mata mo?" 'di napigilang tanong ko habang nakaturo sa mga mata niya. Nakangiti lamang siya sa akin habang ako kunot na kunot ang noo dahil sa curiosity...
"Let's go," nakangiting saad nito at kinuha ng kamay ko na kanina ay nakaturo sa mga mata niya.
Pagkahawak sa kamay ko ay mabilis siyang naglakad dahilan para mapalakad din ako nang mabilis, para na akong mapapatakbo sa paglalakad niya at sa higpit ng hawak niya sa kamay ko ay namimilipit na ako sa sakit. Magrereklamo na sana ako nang bigla siyang huminto...
"Aray! Ang kamay ko," reklamo ko sabay bitaw niya sa kamay ko.
"S-sorry," saad nito habang ako naman nakatingin sa namumula kong kamay.
"Ok lang," nakangiting saad ko at nag-angat ng tingin. At nagulat ako sa nakita ko, nakita ko na naman ang hardin na pinuntahan namin kanina.
Ang ganda nang paligid, para akong nasa isang paraiso. Ngunit nagtataka ako, bakit kanina ang tagal namin bago makarating dito?
"S-sorry," saad niyang muli.
"Huh? Sabi ko ok lang... " saad ko habang nakatingin sa hardin
"Not that, " saad nito dahilan para magataka ako.
"Eh para saan?" takang tanong ko.
"Kanina, ginamit ko ang mahabang daan,"
"A-ano? Binasa mo ba utak ko? Eh bakit nga ba tayo dumaan sa mahabang daan?" sunod-sunod na tanong ko.
"I wanna shut your mouth," sagot nito na ikina-init ng ulo ko.
"Bakit?" pasigaw na tanong ko.
"Ang dami mong tanong at ayaw kong mabulgar ang sikretong meron ako..." mahinahong sagot nito sa akin.
"Magkaibigan naman na tayo diba? Bakit nga ba naging gano'n ka kaseryoso, cold at maldito?" tanong ko.
"Do'n tayo sa bermuda grass," aya sa akin ni Dave parang iniiwas ang usaping iyon.
Akala niya siguro 'di ko ulit iyon itatanong, hindi ako titigil sa pagtatanong hanggang sa hindi iyon nasasagot. Nagpasiuna siya sa pagpunta roon, sumunod naman ako sa kaniya.
Umupo kami sa bermuda grass, seryoso na naman siyang nakatingin sa paligid. Aysst ano na naman kaya ang iniisip nito?
"Uyy, sumeryoso ka na naman diyan?" tanong ko habang nakatingin sa paligid.
"My parents die because of warewolves," saad nito. Tumingin ako sa kaniya at naging pula ang mata niya, paiba-iba pala mata niya? Blue kapag 'di siya seryoso o galit at Red kapag galit at nagiging seryoso siya.
"Pa'no mo naman nasabi?" takang tanong ko. Kasi sabi sa nabasa ko mali ang manghusga kung walang patunay.
"May balahibo akong nakita sa bawat sulok kung sa'n ko sila nakitang nakabulagta..." saad niya.
"Sigurado ka ba na sa warewolves 'yon?" tanong ko.
"Mmm," saad ko.
"Hindi ba gusto mo maging botanist?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa akin.
"Oo," deretsong sagot ko at tumingin sa kaniya nakita ko naman siya na nakatingin din sa akin. Nakita ko ang mata niya na asul na ngayon, tumingin akong muli sa kapaligiran para maiwasan ang mga titig niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko dapat na iwasan iyon... Bakit din naman kasi tumitibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing tititig sa mga mata niya... Aysst!
"Why?" tanong niya.
"I love nature, I wanna learn more about it. Lalo na sa mga bulaklak, kasi naniniwala ako na mero'n silang nararamdaman. Hindi nga lang natin makita."
"Pa'no mo naman nasabing may nararamdaman sila?"
"Kasi napapasaya nila tayo habang tayo hindi man lang sila madiligan o maalagaan, tulad lang ng mga bulaklak sa labas ng bahay mo. 'Di mo ba naiisip na kailangan natin sila? Kasi sila nagbibigay sa atin ng malinis na hangin at nagbibigay ganda sa mga tanawin." explain ko.
"Mmm," tanging saad niya.
"Kung magiging bulaklak ako, ano sa tingin mong bulaklak ako?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Mmm... Siguro... Kadupul Flower," sagot ko at tumingin din sa kaniya.
"Why?" nakatingin pa ring tanong niya sa akin.
"Sabi nila parang walang buhay ang Kadupul Flower sa umaga, pero alam mo ba na ang ganda nila sa gabi?" saad ko.
"Eh?" takang tanong niya na mukhang walang alam sa bulaklak na sinasabi ko.
"Parang ikaw, no'ng una kitang makita. Ang sungit-sungit mo, parang wala kang buhay, walang pakiramdam, parating seryoso, parating galit—,"
"Eh paano mo ako mahahalintulad sa Kadupul flower?" tanong niya dahilan para hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
"Patapusin mo muna kase ako!" angal ko naman sa kaniya.
"Sorry," nakangising paghingi niya nang pasensiya.
"Mmm, pero no'ng makita ko kung anong ugali talaga meron ka, mabait ka naman pala at marunong maging masaya. Katulad mo ang Kadupul kasi no'ng akala kong kadupul flower na walang hiya, 'yon pala eh may tinatagong magandang kalooban," dugtong ko.
"Owws," nakangiti at namamanghang saad niya.
"Eh ikaw? Kung magiging bulaklak ako ano 'yon?" tanong ko naman sa kaniya.
"Mmm I don't know, hindi ako mahilig sa bulaklak. Pero naalala ko sayo ang ina ko," sagot niya na ikinagulat ko. Hindi ko akalain na magiging magkapareho kami nang mama niya nang kinahiligan.
"Eh?" tanong ko para makasiguradong totoo ang sinasabi niya.
"Mmm... Mahilig siya sa bulaklak, para sa kaniya treasure ang nature. Co-incidence yata na ang babaeng kasama ko ngayon kagaya nang pinakamamahal kong ina," saad niya.
"Oo nga 'no? Mmm sa'n ka ba nagmana?"
"To my father."
"Ahhh..."
"Pumunta na tayo sa kuwarto mo, kailangan mo nang matulog. Gabi na... "
"Eh, 'di ko pa feel ang matulog..."
"Delikado pag mag-s-stay ka rito... Baka maging target ka."
"Eh?"
"Mmm, tara na. Aalis ako ngayong gabi kaya mas maganda kung nasa kuwarto ka lang,"
"Sa'n ka pupunta?"
"Manghuhuli nang makakain."
"Ok!"
Naglakad na kami papunta sa kuwarto, ang noong si Dave na nagpapasiuna, nagyon ay sabay na kami na naglalakad. Masaya ako dahil 'di na siya masyadong seryso, at masaya ako dahil nasisilayan ko na ang mga ngiti niya.
"Good night," saad ko nang nasa pinto na kami nang kuwarto.
"Thank you," saad nito.
"Para saan naman? Dapat nga ako ang magpasalamat kasi pinatira mo ako rito," angal ko.
"Thank you pa rin."
"Welcome."
"Kuwarto 'yan ng mga magulang ko sana alagaan mo," saad niya.
"Siyempre naman, sige good night. Pasok na ako," paalam ko.
"Ok," nakangiting saad niya.
"Ingat sa lakad mo," saad ko at pumasok na sa kuwarto.
Hindi nawala ang ngiti ko, ang saya ko dahil sa nangyari. Sana maging okay na ang lahat, humiga na ako sa kama at iniisip kung ano ang mangyayari kinabukasan...

Bình Luận Sách (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    17d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất