logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Flashbacks and Feelings

**
Trapped in a Candy
by irshwndy
Chapter Six
"Fammie… Patawarin mo ‘ko..."
He was there.
Inches from me.
Lying on the hard ground.
Grasping for air to breathe..
"PAPA! Bakit niyo po sinasabi ‘yan!?"
Panay agos ng mga luha ko sa mga mata ko.
Hawak ko ang malamig niyang kamay
"I'm sorry, hindi ako naging mabuting ama."
"PAPA! ‘WAG NYO PO AKONG IWAN!!!"
Bilang na lang ang natitira niyang oras.
Pero sa mga huling sandaling iyon ay humihingi pa siya ng kapatawaran.
"Pinangako kong gagawin ko ang lahat para hindi ka mapahamak, pero..."
"PPAAPAA!! ‘Wag na po kayong magsalita!! Parating na ang mga doktor!!!"
Hirap na siyang magsalita.
Pero hindi iyon nakapigil sa kanya para sabihin ang mga gusto niyang iparating..
"Fammie, anak... m-marami ka pang hindi nalalaman. Sa tamang p-panahon... sana matanggap mo kung sino ka talaga.. at s-sana... mapatawad mo ‘ko..."
His cold hand fell from my grip..
Slowly, his mournful eyes started to close…
And his peaceful lips parted into a smile.
"PPPAAPAAAAA!!!"
**
Nagising ako bigla. Nananaginip lang pala ako..
Tinignan ko ‘yung orasan,
3:00 am.
Malinaw na malinaw pa rin sa’kin kung paano namatay si Papa sa harap ko.
Fammie: Papa.. nasan man po kayo… mahal na mahal ko po kayo.
Kinuha ko ‘yung isang teddy bear na pink sa dulo ng kama.
Isa siyang stuffed toy na niregalo sa’kin ni Papa.
Mamahalin siyang stuffed toy, kaya sobrang nagpasalamat ako kay papa nung niregalo niya sa’kin ‘to, mahirap lang kasi kami.
Ewan ko ba kung weirdo ako o hindi, pero pinangalanan ko siyang "Gabriel".
Based on Angel Gabriel, ‘yung angel na bumisita kay Mama Mary at nagdala ng good news.
At sa mga times na hindi ako makatulog, niyayakap ko lang siya nang mahigpit at makakatulog na ‘ko.
Sobrang at ease ang pakiramdam ko kapag kayakap ko si Gabriel.
Fammie: Goodnight, Gabriel... Goodnight, Papa...
xx
"SOFFTTYYY!!!"
'Ang sakit sa tenga, tumawag kasi si Jump sa phone.
Fammie: Ano’ng problema?
Jump: Saturday ngayon! Pinapapunta ka ng WSC sa isa sa mga branch nito. Para unti-unti mong makilala ‘yung kompanyang pamamahalaan mo!
Fammie: Kailangang sumigaw!?
Jump: Hotel ‘yung una mong pupuntahan! You're going to stay over for the night!
Fammie: Okay, just don't shout!
*tooooot*
'Aba!! Babaan ba ‘ko ng phone!? Grrr. I hate him even more!
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung una kong makilala si Jump. And gosh, sa mga araw na ‘yun, lalo lang tumitindi ang inis ko sa kanya..
Teka...
Ano’ng sabi niya? Stay over!?
Fammie: Mama!
'Pinuntahan ko naman agad si Mama.
Mama: Oh, bakit?
Fammie: Tumawag si Jump! Mag-stay over daw ako sa isa sa mga hotel ng WSC!
Mama: Oo, ipinaalam na rin sa’kin ang tungkol dun.
Fammie: Pero Mama! Pa’no kayo? Maiiwan kayong mag-isa sa bahay!
Mama: Fammie dear, ilang taon na ba ako? 43 years old na ako, I can handle myself.
Fammie: S-Sure, ‘Ma?
Mama: Hahaha! Ako nga ‘tong dapat mag-alala sa’yo eh..
Fammie: Ha? Bakit naman po?
Mama: Sa buong araw na ‘yan, hanggang sa gabi ng pag-stay over mo sa hotel, makakasama mo si Jump.
Fammie: WHAAAATTT!?!? O__O
Mama: Haha, oh bakit parang na-excite ka masyado? ^o^~
Fammie: Si Jump!? 24 hours kong makakasama!?
Mama: Yup. Hindi niya ba nabanggit sa’yo nung tumawag siya?
'Ahh, kaya pala ang init ng ulo niya kanina sa phone. Hindi niya rin siguro matanggap. Teka, bakit siya pa etong may ganang magalit? Ako dapat!
Fammie: Maaaa! Ayoko! >__<
Mama: Wala tayong magagawa, ‘yun ang utos ng may-ari ng WSC, hangga't hindi ka pa nakaka-graduate at mapasa sa’yo ang trono, lahat tayo under pa rin sa kanya.
No! No! No! Ayoko! Saka bakit laging si Jump na lang! Bakit hindi pwedeng si Charm? Mas gugustuhin ko pa nga kung si Leon eh!
Kung napakalaking kompanya ng WSC…
Bakit puro na lang si Jump!?!?
"Kasi ‘yun ang gusto ng tatay mo!"
Si Jump ‘yung nagsalita. Nasa loob kami ng isang taxi. Parehas kaming nasa backseat.
Fammie: ‘Yung may-ari ng WSC?
Jump: Oo, ewan ko ba kung ano’ng tumatakbo sa utak nun. Lagi na lang ako ang ina-assign mag-babysit sa’yo!
Fammie: Babysit ka diyan! 16 years old na ‘ko!
Jump: 16 years old na Softy!
Fammie: Hanggang ngayon tinatawag mo pa rin akong Softy?
Jump: Hindi na magbabago ‘yun!
Fammie: Ah ganun! Dapat may tawag rin ako sa’yo!
'Tapos tumingin siya sa’kin
Hindi na kailangang pag-isipan pa ‘yung itatwag ko sa kanya, ‘yun na agad ang pumasok sa isip ko.
Fammie: "Jerk"!!
Jump: Pppfftt.. Bwahahaha xD
'Tumawa lang siya
Fammie: B-Bakit ka tumatawa?? >:T
Jump: Can't you think of something better?
Fammie: Huh?
Jump: Ang lupet ng pangalang Softy tapos ang itatawag mo sa’kin, "Jerk"??
Fammie: O-Oo sana..
Jump: Then you'll have to stick with Jump. Better yet, ‘wag mo na lang kaya akong tawagin sa kahit anong pangalan? I don't want to hear your Softy voice calling my name.
Fammie: Feeling mo ang ganda ganda ng pangalan mo? "Jump"!? Hahaha! Siguro akala ng nagpangalan sa’yo, may alaga siyang aso! >:P
Jump: . . .
'Nagulat ako at tumahimik siya bigla. D-Dapat anytime now binabatukan o kaya naman hinihiyawan na niya ‘ko.
Pero tumahimik lang siya.
Fammie: M-May nasabi ba ‘kong mali..?
Jump: Ang nagpangalan sa’kin...
Famie: (Nakikinig)
"Ay ang tatay mo, ang may-ari ng WSC."
Sccrreeeeeccchh!!
'Nagpark na ‘yung sinasakyan naming taxi sa tabi.
Bumaba na kami ni Jump.
‘Yung tunay kong ama ang nagpangalan kay Jump?? Wala ba siyang mga magulang?
'Nawala naman ‘yung concentration ko nung napatingin ako sa hotel na nasa harap ko.
Huuwaaaww!! It's SO BIG! Enormous!! Mukha akong langgam sa laki ng hotel!
Jump: Oh Softy, Bakit tumutulo ang laway mo diyan?
'Grr, panira talaga ng moment ‘tong si Jump!
Fammie: H-Hindi tumutulo laway ko!! > o,<
Jump: Tara na nga sa loob.
'Pagpasok namin, sinalubong kami ng mga nakahilerang maids at butlers.
"Good Morning~! Welcome to White Swift's Hotel, Main Branch. Hope you enjoy your stay."
Sabay-sabay silang nagsalita habang naka-bow.
Fammie: Good Morning din! Good Morning… Good Morning...
'Isa-isa ko silang binabati habang si Jump naglakad lang nang diretso.
Fammie: Hoy Jump! Hindi mo ba sila babatiin? Kawawa naman sila!
Jump: Ganyan lang ang mga trabaho niyan, bumati kapag may bisita. Masuwerte nga sila eh. Kung ako lang, makikipagpalit na ‘ko ng trabaho.
'Humarap siya sa’kin.
Jump: Mas gusto kong manigas ang mga paa ko dahil magdamag na nakatayo kaysa mag-alaga sa isang Softy tulad mo!
Fammie: Ewaaan ko sa’yo! Ako rin, mas gusto kong sila na lang. For sure, ten times ang binait nila sa’yo!
'Hindi niya ‘ko pinansin at tuluyan nang naglakad papasok
Aaminin ko, medyo nasaktan ako. Bakit ba kasi ang laki ng galit niya sa’kin..? Dahil ba papalitan ko ang pinakamamahal niyang "may-ari" ng WSC?
Kinausap ko naman ang isa sa mga bumati sa’min
Fammie: Nakita niyo ba ‘yun? Inaaway ang heiress! Ipaligpit niyo siya ngayon din! >o<
Maid no. 25: Actually ma'am, naka-monitor po kayo lagi sa WSC. At nagse-send rin kami ng mga report tungkol sa pagtrato sa inyo ng bodyguard niyo. Pero pinababayaan lang po ng may-ari.
What!? Ayos lang sa kanya na may ganitong klaseng bodyguard ang tagapagmana niya!? Better yet ang anak niya..?
'Hayyy... Kahit tuloy ako hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa utak ng tunay kong ama..
**
Hinatid na ako ng isa sa mga butler sa kwarto na ii-stay-an ko.
Fammie: Woooww!! *A*
Malaking kama, mas malaki pa ata sa kwarto ko sa bahay namin!
Glass windows. Malalaking ornaments.
Carpeted ang buong room. Not to mention sobrang lambot ng tinatapakan ko.
Fammie: Is this heaven? *u*
Butler: No, ma'am. Ito po ang kwartong ii-stay-an niyo.
'Panira naman ng trip ‘tong butler na ‘to. -_-"
Butler: May kailangan pa po ba kayo, ma'am?
Fammie: Uhmm…
'Hindi ako makapaniwalang itatanong ko ‘to.
Fammie: Nasaan si... Jump? >.<
Butler: May inaasikaso lang po. Kausap pa po ata siya ng head sa hotel na ‘to. Pero dito rin po siya mag-stay sa room na ‘to.
Fammie: WHAT!? Bakit kailangang magka-room pa kami!?
Butler: Bodyguard niyo po kasi siya.
'Bodyguard na naman! ‘Yang #$%&^*@ reason na ‘yan!
He's my bodyguard but my BODY is in DANGER when I'm with him!! >xO
**
Inayos ko na lang ang mga gamit ko.
Fammie: Kumusta? Napagod ka ba sa biyahe?
Kausap ko si Gabriel. Sinama ko kasi siya tutal mag-o-overnight ako.
"Mukha kang tanga diyan"
'Nagulat ako. Obviously hindi si Gabriel ang nagsalita.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Jump: Sinong kausap mo? ‘Yang stuffed toy?
Fammie: May pangalan siya, and it's Gabriel.
Jump: =__=
'Nilapit ko sa kanya si Gabriel.
Fammie: Gabriel, meet Jump. My stupid bodyguard.
Jump: Hoy Softy, wala akong pakialam kung mentally insane ka. Ipapaalam ko lang sa’yo na maya-maya aalis tayo kaya magbasta ka na.
Fammie: Aalis? Saan?
Jump: May amusement park na malapit dito. Gusto sana nilang mabisita mo ‘yun.
Fammie: R-Really? Akala ko ba kailangan ko lang kilalanin ang hotel?
Jump: Pagmamay-ari rin ng WSC ang amusement park na ‘yun..
Fammie: O_O" (Speechless)
'Hindi ko mapigilang mapa-WOW dito sa Candy Company na ‘to! Pati amusement park meron!
Fammie: Narinig mo ‘yun, Gabriel? Pupunta tayo sa amusement park! =D
Jump: ‘Wag mo sabihing isasama mo ‘yang stuffed toy mo?
Fammie: Yup. ^___^
Jump: Tch. Okay fine. >.>
**
Sa White Swift Amusement Park…
"WWWhhheeeeeeeee~!!!!"
Sumakay kami sa isang rollercoaster.
Panay sigaw ko samantalang nakasalumbaba at nababagot lang si Jump.
Fammie: Oy, Jump! Bakit ang lungkot mo?
Jump: Nadagdagan pa kasi ang alaga ko.
Fammie: Si Gabriel ba? Wala naman siyang ginagawa sa’yo ah.
Jump: Haaayy..
Pagkatapos sa rollercoaster, bigla akong may naramdaman.~>o<~
Fammie: J-Jump…
Jump: Oh?
Fammie: M-M-Magccr lang ako…
Jump: What!? Kung hindi mo kayang sikmurain ‘yung rollercoaster, hindi ka na lang dapat sumakay!
Fammie: Sorry... basta alagaan mo muna si Gabriel sandali, bibilisan ko lang...
'Inabot ko na sa kanya ‘yung stuffed toy tapos tumakbo na ‘ko sa cr.
Jump: T-Teka, Softy!!
.
.
.
Jump: (napatingin sa stuffed toy) Haaaiissst!!! >O<
**
[ Jump's point of view ]
Jump: Ano ba ‘yan! Kahit kailan talaga pinapahirapan ako ng Softy na ‘yan!
'Umupo na lang ako sa isa sa mga bench doon katabi ‘yung stuffed toy.
Jump: (kausap si Gabriel) Ang tagal naman ng amo mo!
Gabriel: . . .
Jump: . . .
Gabriel: . . .
Jump: Nga pala! Sabihin mo sa amo mo, bawas-bawasan niya ‘yung pagsuot ng color pink. Ang sakit sa mata eh!
Gabriel: . . .
Jump: =__=
Gabriel: . . .
Jump: Isa ka pang Softy!! >o<
'Tapos sinakal ko siya.
Jump: Bakit ba kasi ako pinapahirapan ng ganito ni Jasper! Kung tutuusin, mas maganda kung kay Leon niya na lang binigay ang trabahong ‘to. Mas capable siya kaysa sa’kin..
'Naalala ko bigla ang laging sinasabi sa’kin ni Jasper tuwing nagrereklamo ako sa anak niya.
*Flashback*
Jasper: Mag-isip-isip ka Jump! Ginagawa ko rin ‘yan para sa’yo!
Jump: Para sa’kin? Ginawa mo lang akong babysitter! Nakilala mo na ba ang anak mo? Parang bata! Napaka-childish at napaka-fragile tignan. Para siyang pinggang babasagin!
Jasper: I'm trying to teach you a life lesson. Hindi mo naman iniintindi.
Jump: Lesson??
Jasper: Hangga't hindi mo pa rin maintindihan kung ano’ng gusto kong ipaintindi sa’yo, ikaw pa rin ang magiging bodyguard ni Fammie..
'Ganun lang at iniwanan na niya ‘ko.
Paglabas ko nakikinig pala si Leon sa usapan namin.
Hindi ko siya tinignan at pinansin, nilagpasan ko na lang siya.
Leon: Hindi ba dapat matuwa ka pa?
Jump: (napatigil) . . .
Leon: Ipinagkakatiwala sa’yo ni Jasper ang anak niya! Ang kaisa-isa niyang anak!
'Humarap ako sa kanya.
Jump: Hindi ko siya kailangan! Hindi mo kasi nararanasang bantayan siya. Ang hirap niyang pakisamahan!
Leon: . . .
'Hindi ko alam kung bakit, pero parang sinaktan ko ‘yung sarili ko sa sinabi ko.
Leon: Sigurado ka bang nahihirapan kang bantayan siya? Kaya ka nagrereklamo kay Jasper...?
Jump: . . .
Leon: O hindi mo lang maamin sa sarili mo, pero nahihirapan kang pigilan ang sarili mo dahil unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya?
Jump: What!?
'I went to him and grabbed his shirt.
Jump: Alam mo bang pinagsasabi mo!?
Leon: May nararamdaman ka para sa kanya, hindi mo lang matanggap sa sarili mo!
'Susuntukin ko sana siya pero napigilan ko.
Leon: Loosen up, Jump! Masyado kang short-tempered! Palawakin mo lang ang pag-iisip mo at maiintindihan mo ang gustong iparating sa’yo ni Jasper!
Jump: . . .
Leon: Hindi lang si Fammie ang inaalagaan niya, pati ikaw. Sa pag-assign niya sa’yo na pagbantay sa anak niya.
"Parehas niya kayong tinuturuan.."
*End of Flashback*
**
'Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi nila.
Sobrang laki ng respeto ko kay Jasper. Kung hindi dahil sa kanya, wala na sana ako.
Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niya pang mag-retire, eh malakas pa naman siya!
At ang isa pang hindi ko matanggap, isang Softy lang ang ipapalit niya sa kanya!
Biglang sumagi sa utak ko ‘yung sinabi ni Leon..
"Hindi mo lang maamin sa sarili mo pero unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya..."
Jump: Ha! Kahit anong isip ang gawin ko, napakalaking nonsense ng sinabi ni Leon!
'Tumingin ako dun sa pink na stuffed toy na iniwan niya.
Kinuha ko ‘yun at tinignan ko ‘yung mukha nang malapitan.
Napansin kong may pink na hairclip sa tenga niya.
Jump: Baliw ka talaga, Softy. Saan ka nakakita ng hairclip na nilalagay sa tenga?
I don't know why, pero habang tinitignan ko ‘yung manika, para bang naririnig niya lahat ng sinasabi ko.
Jump: Tch. Nonsense…
xx
SEE YOU NEXT CHAPTER~!

Bình Luận Sách (407)

  • avatar
    guntanjuliane sagaoinit

    ang ganda ng story di lang more lovelife kundi marami ka din matututunan about friendship at iba pa the best ka author iloveyouuu na first story ko itong binasa dito sa apps na ito labyahh na talaga

    08/01/2022

      0
  • avatar
    RuizJocel

    the story is nice, i miss reading story like this and to the author please do more story like this, with the unexpected twist and revelations thank youu. ❤️

    23/10/2021

      1
  • avatar
    Gerlin Kyn Cahilig

    nice

    5d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất