logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

KINABUKAN nang magising siya ay si Miss Camellia ulit ang naroon sa tabi niya.
"Mabuti't nagising ka na," sabi nito sa kanya.
"Kanina pa kayo rito sa silid, Miss Camellia?" tanong ni Carmella, iinut-inot na umupo siya sa kama. "Paumanhin kung palagi na lamang akong natutulog,"
"Huwag mo isipin 'yon, ang mahalaga ay nakapagpahinga ka ng mabuti."
Ngumiti siya kahit hindi naman niya nakikita ang kausap.
"Kumusta na ang pakiramdam mo, Carmella?" tanong nito. "Okey ka na ba? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?"
"Okey na po ako Miss Camellia," sagot niya. "Huwag mo na po akong alalahanin. Paumanhin at nagiging pabigat na ako sa inyo."
"Hindi naman, hija," tumikhim ito. "Ang gusto nga namin ay maging komportable ka sa pananatili mo rito sa Destiny Island. Isipin mo na lamang na narito ka upang magbakasyon."
"Maraming salamat po ulit, Miss Camellia." kiming turan niya.
"Nagugutom ka na ba?" pagkuwa'y tanong nito sa kanya. "Nagpaluto ako kay Maila ng sopas na maraming sahog na karne ng manok. At mamayang tanghalian ay magpapaluto ako ng nilagang baka para makabawi ka ng lakas."
Kumibot ang bibig ni Carmella.
"W-wala pa po akong gana kumain," sabi niya. "M-mamaya na lang po,"
Napatango-tango si Camellia.
"Kung ganun ay magkuwentuhan muna tayo," inilapit ng ginang ang silyang inuupuan nito sa tabi ng kamang kinahihigaan ng dalaga. "Marami akong gusto itanong sa'yo. Nabanggit mo saakin na sumabog ang barkong sinasakyan mo. Gusto ko sana malaman ang buong detalye. Okey lang ba saiyo?"
"Oo naman po," sagot niya.
Nagsimula na ngang magkuwento si Carmella.
"Ganito po kasi 'yon, sakay kami ng barko na inarkila ng birthday celebrant. Dapat pupunta pa ang barko sa Isla Gilligan, ngunit nang gabing nagkakasiyahan ang mga bisita ay nakakulong ako sa loob ng cabin."
"Teka," sabat ni Miss Camellia. "Bakit ka naman nakakulong sa loob ng cabin?"
Bumuntong hininga siya. "Kagagawan po ng dalawa kong pinsan,"
"Bakit naman nila gagawin 'yon?"
"Trip lang po nila," sagot niya. "Nasa loob ako ng cabin nang may marinig akong pagsabog. Pagsilip ko sa maliit na bintana nakita ko na nasusunog na ang ibang bahagi ng barko. Nakita ko ang mga pasahero na nagkakagulo, nagtatakbuhan upang mailigtas ang kani-kanilang mga sarili."
Tumango-tango ang ginang kahit hindi naman nakikita ng dalaga.
"Palagay mo ba nakaligtas ang iyong mga pinsan?"
Natahimik si Carmella sandali.
"Kahit na masama ang ugali ng mga pinsan ko, gusto ko pa din isipin na nakaligtas sila sa pagsabog ng barko." Sagot niya. "Sa totoo lang po, Miss Camellia, nakita nila ako na humihingi ng tulong sa loob ng cabin pero hindi nila ako pinansin. Iniisip ko nalang na natatakot sila na puntahan ako kaya mas pinili nilang iwanan ako upang mailigtas ang kanilang mga sarili."
"Ang salbahe pala ng mga pinsan mo," sabi ni Miss Camellia. "Paano ka nakaligtas?"
"Sa tulong po ng isang crew ng barko. Malaki din ang utang na loob ko sa kanya, dahil kung hindi dahil sa kanya baka natusta na ako sa loob ng cabin. Sana ay nakaligtas din siya,"
Kinilabutan si Carmella sa huli niyang sinabi. Hindi niya ma-imagine kung ano ang magiging hitsura niya kung nasunog siyang buhay.
"Grabe pala ang trahedyang sinapit mo. Sayang nga lang at wala kaming televesion dito para mabalitaan ang nangyaring pagsabog ng barko."
Pagkuwa'y may biglang sumagi sa isip ng ginang.
"Survivor ka sa barkong sinasabi mo. Siguro kailangan natin nating i-report sa mga awtoridad na nakaligtas ka at ngayon ay narito ka sa Isla, na ikaw ay nasa pangangalaga namin."
Pakiramdam ni Carmella ay namutla siya sa kanyang narinig.
"Huwag po, Miss Camellia!"
Napamaang ang ginang.
"Bakit ayaw mo?"
"Dahil hindi na po kailangan,"
"Ayaw mo ba malaman ng mga relatives mo na buhay ka? Ang mga pinsan mo baka nakaligtas sila at hinahanap ka nila."
Umiling ng ulo ang dalaga.
"Hindi po nila 'yon gagawin." Sagot niya. "Mahabang kuwento po,"
"Dahil ba sa masama ang loob mo sa mga pinsan mo, dahil ikinulong ka nila sa loob ng cabin?"
"Hindi lang po dahil doon, Miss Camellia."
"Talaga?" Natigilan ang ginang, halatang naintriga ito sa dahilan ng dalaga. "Alas-nuebe na ng umaga. Pupuntahan ko na muna si Maila upang madalhan ka ng pagkain mo. Mamaya nalang ulit tayo magkuwentuhan, gusto kitang lubos na makilala, Carmella, mas maaga, mas mabuti. Para mapag-usapan kaagad namin ng pamangkin ko kung ano ang dapa namin gawin sa'yo."
"Maraming salamat po Miss Camellia sa pagmamalasaki n'yo sa akin." Nakangiting sabi ni Carmella, wala siyang muwang na sinisimulan na siyang kilatisin ng ginang.
Paglabas ni Camellia ng silid ay nakasalubong niya ang pamangkin, bihis na bihis ito na tila may lakad.
"May lakad ka ba?" agad na taong nito sa binata.
"Tita, pupunta lang ako sa kabilang Isla. Gusto kong malaman kung nangangailangan ba ng tulong ang mga taong naninirahan roon, para kung magkaroon man ulit kami ng Medical Mission, sa Islang 'yon kami pupunta."
"Saludo na talaga ako sa kabutihan ng puso mo, Prince. Pero kailangan mo din ng pahinga, kaya ka nga narito sa Destiny Island para makapag-relaks. T'saka paano si Carmella? Akala ko ba, ngayong araw tatanggalin ang benda niya sa mga mata? Huwag mo sabihin na ako ang gagawa n'on, wala akong alam sa mga ganyan."
Ngumiti si Prince.
"Hindi naman ikaw ang gagawa n'on, Tita." Sagot ni Prince. "Pinasundo ko si Dr. Salgado, siya na muna ang bahala kay Carmella. Maya-maya lamang ay narito na siya."
Si Dr. Salgado ay kasamahan din ni Prince sa hospital. Malapit din niya itong kaibigan. Nagkataon na sumama si Dr. Salgado sa Medical Mission sa Isla Gilligan kaya nakiusap siya na ito muna ang bahalang mag-asikasong medical sa dalaga.
"Ganoon ba, sige mag-iingat ka nalang sa iyong pupuntahan." Sabi ng kanyang tiya. "Teka, kumain ka na ba?"
Tumango siya.
"Hmm, tita, ikaw na ang bahala kay Carmella. Bukas sa pag-uwi ko ay marami akong dalang prutas para sa kanya."
"Huwag mo ng intindihin si Carmella, ako na ang bahala sa kanya."
"Nakapag-almusal na ba siya?"
"Hindi pa," umiiling ang ulo na sagot ng tiya niya. "Ayaw pa niyang kumain,"
"Hindi puwedeng hindi siya kumain. Kailangan niyang magpalakas."
"Papunta na nga ako sa kitchen para utusan si Maila na dalhan ng pagkain si Carmella."
Tumango-tango si Prince. Tumingin siya sa suot niyang relo pambisig.
"Sige na tita, aalis na ako. Huwag mo na intindihin ang gamot na iinumin ni Carmella dahil naibilin ko na ito kay Dr. Salgado."
"Ferry boat ba ang gagamitin mo papunta sa kabilang Isla?"
"Hindi, tita. Medyo maalon ngayon kaya sa chopper plane ako magpapahatid."
"O sige, umalis ka na. Mag-iingat ka, magpadala ka ng mensahe kung nakarating ka na sa Isla."
"Yes, tita!" mabilis na humalik sa pisngi ng ginang ang binata. "Alis na ako, maya-maya lang ay narito na si Dr. Salgado."
Tumango naman si Camellia bilang tugon.
HABANG kumakain si Carmella ay pinapanood ito ni Miss Camellia.
"Nabanggit mo kanina ang tungkol sa sumabog na barko, sa pagkakaalala ko ay nasambit mo na inarkila ito ng celebrant?"
Natigil sa pagnguya ng pagkain si Carmella. Tumango siya.
"Birthday party po, Miss Camellia. Sa totoo lang po, hindi naman ako imbitado sa party ng araw na 'yon."
Napataas ang isang kilay ni Miss Camellia. "Paanong nakasama ka sa party kung hindi ka naman invited?"
Uminom muna ng tubig ang dalaga.
"Ang dalawang pinsan ko ang invited sa party, isinama lang nila ako para mag-asikaso ng mga gamit nila. May mautusan kung may kailangan sila,"
Napamaang ang ginang. Senenyasan nito si Maila na lumabas muna ng silid.
Tumalima naman si Maila.
"Para mag-asikaso ng gamit nila?" tanong ng ginang sa kanya. "Tingin ko naman ay kasing edad mo lang sila, hindi ba nila kayang asikasuhin ang kanilang sarili?! Ang mga gamit nila? May kapansanan ba ang mga pinsan mo para asikasuhin mo pa sila?"
May sakit po silang katamaran at wala ng lunas! 'yon ang gusto niyang isatinig pero pinigilan niya ang sarili.
"Mula po ng mamatay ang aking ina, nanilbihan po ako sa kanila." Sabi niya na siya namang totoo. "Malaki po ang naging utang namin sa kanila noong panahong lumalaban pa si Inay sa sakit niyang Leukemia. "Matagal na po nila akong katulong, at hindi lang po sila ang amo ko. Pati si Tiya Matilda na magulang nila ay pinagsisilbihan ko rin upang mabayaran ang pera na inutang ko sa kanila."
"Oh my god! I can't believe it!" napatitig si Camellia sa dalaga. "Bakit hindi nalang ibinigay na tulong ng Tiyahin mo ang pera na ginamit n'yo nang may sakit ang iyong ina?"
Huminga ng malalim si Carmella.
"Iba po ang ugali ni Tiya Matilda. Mahalaga sa kanya ang pera, naturingan siyang kapatid ng aking Ina pero palagi niya kaming ginigipit. Namatay na lang ang aking Ina na masama ang loob kay Tiya Matilda. Ang masaklap pa po, sa tagal ng paninilbihan ko sa kanilang mag-iina hindi man lang nabawasan ang perang inutang ko, nadagdagan pa nga. Dahil doble kung magtubo ng porsiyento si Tiya Matilda, ang kinakain ko sa kanila ay inililista din niya sa papel upang bayaran ko."

Bình Luận Sách (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất