logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

"Naku huwag mo intindihin iyon. Bukal sa loob ko na tulungan ka kahit sa maliit na paraan." Nakangiting sabi ni Aling Cita. "Pero kung kailangan mo ng tulong ko ay huwag ka mangingiming magsabi sa akin."
Tumango siya. Nagpasalamat siya kay Aling Cita. Iniwan na siya ng matanda.
Bitbit ang paper bag ay nagtungo si Carmella sa kusina upang magtimpla ng kape. Ramdam niya ang panginginig ng mga kalamnan niya marahil dahil sa gutom.
Habang kinakain niya ang tinapay na binigay sa kanya ni Aling Cita, iniisip niya kung paano siya makakatakas.
Kapag nagkaroon siya ng magandang pagkakataon ay tatakas siyang muli. Hindi na talaga niya kaya ang pang-aapi sa kanya ng Tiya niya at mga pinsan niya. Namanhid na nga yata ang katawan niya sa mga natatamo niyang pananakit ng mag-iina sa kanya. Hiling niya na sana ay huwag magdilim ang paningin niya at baka mamaya ay mahaluan niya ng lason sa daga ang pagkain ng mga ito.
Bigyan pa sana siya ng panginoon ng mahaba pang pasensiya.
"CARMELLA!" umalingawngaw na naman na parang batingaw ang bibig ni Malou. Dinig niya ang boses nito kahit nasa sala siya.
Itinigil niya ang pagma-mop ng sahig. Nagkukumahog na tinungo niya ang hagdan.
"Carmella!" muling sigaw ng pinsan niya.
Kumatok si Carmella sa pinto ng kuwarto ni Malou, sapo ang kanyang dibdib dahil hiningal siya.
"Bingi ka ba, ha?" iyon ang bungad sa kanya ng pinsan niya nang mapagbuksan siya ng pinto. "Sumakit na ang lalamunan ko katatawag sa'yo."
"Puro tutuli na siguro ang laman ng tenga niyan kaya nabingi na," sabi naman ni Ester. Abala ito sa pagsipat ng sarili sa harap ng salamin.
"Pasensiya na may ginagawa kasi ako sa baba." Sagot niya. "May kailangan ba kayo?'
"Tonta!" asik sa kanya ni Malou. "Tatawagin ba kita kung wala kaming kailangan sayo. Pumasok ka na nga dito,"
Pumasok nga siya sa loob ng kuwarto.
"Ate, bagay ba sa akin ang gown ko?" tanong ni Ester sa kapatid. Isinuot nito ang magarang gown na kulay dilaw.
Excited ang magkapatid sa party na kanilang dadaluhan.
"Oo naman," nakangiting sagot ni Malou.
"Carmella, lumapit ka sa akin." Sabi ni Ester. "Hindi ko maabot ang zipper sa likod. I-zipper mo ng mabuti para makita ang magandang hubog ng aking katawan."
Agad naman siyang tumalima. Nahirapan siyang iangat ang zipper dahil may kasikipan ang gown na suot ni Ester.
"Huminga ka ng malalim baka masira ang zipper at maipit ko pa ang balat mo sa likod." Sabi niya.
Lihim siyang natawa. Masikip kay Ester ang gown. Nagmukha itong suman na binalot sa dahon ng saging. Deretso na walang kurba ang katawan. At dahil siguro sa kabubugbog sa kanya ay naging matipuno ang mga braso nito. P'wede na isali sa boxing fight.
"Anong nginingiti mo diyan?" tanong ni Ester, nakita nito ang kanyang repleksiyon sa salamin. "Tinatawanan mo ba ako?"
"Masikip ang gown na suot mo, huwag mo na pilitin at baka pumutok lang. Sayang naman ang gown kung masisira, maganda pa naman."
"Shut up!" singhal sa kanya ni Ester. "Ang sabihin mo, naiinggit ka lang dahil hindi mo afford makabili ng magandang gown katulad ng suot ko ngayon. Umalis ka na sa harapan ko bago pa masira ang mood ko dahil sa'yo!"
"Sandali lang!" pigil sa kanya ni Malou nang humakbang siya palapit sa pinto. "Ako ang tumawag sa'yo 'diba? Bakit lalabas ka na agad?"
Napahinga siya ng malalim bago lumingon kay Malou.
"Sorry," hinging depensa niya.
"Tulungan mo ako na maisara ang gown ko dahil de butones sa likod hindi ko maabot." Utos nito at humarap sa salamin, ngumiti na parang nasa beauty pageant. "Pagkatapos mo ay kunin mo ang bago kong sapatos. Ingatan mo na huwag magasgasan dahil mahal ang bili ni Mom, sa sapatos ko."
Tumango siya. Pagkatapos niyang maisara ang lahat ng butones ay kinuha naman niya ang sapatos ni Malou na nasa ibabaw lang ng kama, kaya naman abutin ng bruha niyang pinsan ang sapatos talagang tamad lang ito.
Umupo sa silya si Malou. Lumuhod naman si Carmella sa sahig. Isinuot niya ang asul na sapatos sa paa ni Malou. Maganda ang disenyo. PrettyChoice ang tatak kaya alam niyang mamahalin ang sapatos dahil branded ito. Hindi niya naitago ang paghanga.
Napabuntong-hininga si Carmella.
Kailan kaya siya makakabili ng mga magagandang damit at sapatos?
Puro mga lumang damit na may mga butas pa sa kili-kili ang araw-araw niyang sinusuot. Hindi naman siya pinapasahod ng Tiya Matilda niya para sana makabili siya ng bagong damit. Ang nag-iisang tsinelas naman niya ay butas na din ang sa may sakong.
Kinalabit ni Ester ang kanyang ate at inginuso si Carmella na mataman na nakatitig sa suot na sapatos nito.
"Naiinggit ka, 'no?" puna ni Malou sa kanya. Nakatayo siya at hinihintay kung may iuutos pa sa kanya ang magkapatid. "Aminin mo na naiinggit ka sa'min magkapatid. Nabibili namin ang luho na gusto namin samantalang ikaw nagtitiis sa mga basahan mo na damit!"
Humagalpak na tumawa si Malou pagkatapos siyang insultuhin nito.
"Okey lang naman sa amin ni Ate kung naiinggit ka." Sabi naman ni Ester. Nakikita niyang pilit itong humihinga nang malalim upang hindi mahalata ang malaki nitong tiyan. "Kahit sino ang makakita sa ayos naming ito, talagang maiinggit. Maganda na nga kami, mahusay pa magdala ng damit. Look at us, mukha kaming mga prinsesa sa suot naming gown."
"Tama ka sister!" tili ni Malou habang nakaharap sa salamin. Ikinurap-kurap ang mga mata na tila nagpapa-cute. "Tiara at korona na lang ang kulang mukha na talaga tayong prinsesa. Para akong si Princess Cinderella at ikaw naman si Beauty!"
Baka 'yong Beast sa movie na Beauty and the Beast! Mga prinsesa noong hindi pa uso ang magaganda! sa loob-loob naman ni Carmella.
Gusto niya sanang pagtawanan ang ilusyonada niyang mga pinsan pero pinigil niya at baka malintikan na naman siya. Mababawasan na naman ng ilang hibla ang mga buhok niya kapag sinabunutan siya ng dalawa. At isa pa baka magbago ang isip ng mga ito na isama siya sa party.
Ang sabi sa kanya ng mga pinsan niya ay isasama siya sa party na pupuntahan ng mga ito upang gawing alalay. Ganoon daw ang mga dumadalo sa party dapat may dalang alalay para mag-asikaso ng kanilang mga gamit.
Apat na araw daw ang party na gaganapin sa barko. Magku-cruise raw ang barko hanggang Isla Gilligan at doon raw sa barko matutulog, kakain, at magbibihis ang mga bisita.
Baka iyon na ang senyales na makakatakas siya sa poder ng kanyang malupit na Tiya Matilda at mga pinsan.
Sabay silang tatlo napalingon sa nagbukas na pinto.
"Mom, tignan mo ang mga suot namin. Bagay ba sa amin ni Ate?"
"Oo naman, anak!" nakangisi pa si Tiyang Matilda niya nang lapitan ang bunso nitong anak. "Sana ay makatagpo na kayo ng mga mapapangasawa n'yo roon. Kahit minsan ay wala pa yata akong nakita na umakyat ng ligaw sa inyo."
"Hay naku, Mom. Kung mga kapit-bahay lang din naman natin ang aakyay ng ligaw sa amin ni Ester, huwag na lang. Ewww!" parang uod na nangisay ang katawan na sabi ni Malou. "Doon sa party na dadaluhan namin ay puro guwapo at mayayaman ang mga bisita roon. Don't worry, Mom, pinaghandaan namin ni Ester ang okasyon na ito. Hindi kami uuwi na walang nabibingwit na malaking isda!"
"Korek!" sang-ayon naman ni Ester. "Magtiwala ka sa beauty namin na mga anak mo, dahil sisiguraduhin namin na lulutang ang aming kagandahan sa party. Kami ang magiging center of attraction ng mga boys sa party'ng iyon. Kaiinggitan kami ng mga girls!"
"Magdilang anghel sana kayo sa inyong mga sinabi!' sabi ng tiya niya. Muling hinagod nito ang mga suot ng mga pinsan niya.
SUMAPIT ang araw ng alis nila. Dalawang pares lang ng damit ang dinala niya na nilagay niya sa asul na eco bag. Hindi niya kinalimutan ang dalawan libong piso na pera na binigay sa kanya ni Aling Cita.
Binalot niya sa plastik ang pera, t'saka isinuksok sa bulsa ng suot niyang maong na pantalon na pinaglumaan ni Malou. Para naman daw magmukha siyang tao at hindi mapahiya ang dalawa niyang pinsan kung ang isuot niyang damit ay mukhang basahan.
Ilang araw din niyang pinag-isipan ang pagtakas. Kaya excited siyang dumating na 'yong araw na aalis na sila. Buo na ang loob niyang tumakas at hindi na muling magpapakita sa Tiya Matilda niya na matapobre at mga pinsan niyang bruha. Gusto na niyang tapusin ang kalbaryo niya sa piling ng mga taong dapat ay nagmamahal sa kanya.
Naglalayag na sila at sobrang namangha siya sa kanyang mga nakita. Madaming mayayamang bisita puro mga nakapostura. Kaklase ni Malou ang celebrant na babae noong first year college.
Napalunok siya ng laway nang makita niya ang mga pagkain na nasa pahabang mesa na binalutan ng puting tela. Mukhang masasarap ang pagkain, at bago iyon sa kanyang paningin.
"Pst, Carmella!"
Si Malou ang nakita niya. May dala itong plato na may laman na pagkain.
"May ipag-uutos ka ba, Ate-este, Mam, Malou?" ito ang gusto ng magkapatid na itawag niya sa mga ito para magmukha daw silang yayamanin.

Bình Luận Sách (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất