logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 18

KAUUWI lang ni Prince sa mansiyon at dumeretso siya sa kuwarto ng kanyang Tiyahin.
Idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto nang maulinigan niyang tila may kausap ito sa telepono.
Kumatok siya sa pinto. "Tita!"
"Bukas 'yan, pumasok ka," sagot ng Tita niya mula sa loob ng kuwarto. Pinihit niya ang seradura at itinulak ang pinto.
"Tita, sino ang kausap mo sa kabilang linya?" tanong ni Prince nang tuluyang makapasok ng kuwarto.
"Kararating mo lang?" tanong naman nito sa kanya.
Tumango si Prince. Umupo siya sa hanging chair, design is maid from black volcanic basalt fibre.
"Sino po ang kausap mo sa kabilang linya?" ulit niyang tanong.
"Ang kaibigan mo si Nicole." Sagot ni Camellia, naupo siya sa isang silya na naroon rin sa loob ng kuwarto. "Kaninang umaga nakausap ko si Nicole, gusto ka sana niyang makausap kaso nakaalis ka na bago siya tumawag."
"Bakit daw?"
"Walang sinabi," kibit-balikat na sagot ng tiyahin niya. "Nangumusta lang siya, at sinabi ko na nakabalik na tayo sa Maynila."
Umayos ng upo ang binata.
"Nabanggit mo po ba sa kanya ang tungkol kay Carmella?"
"Yes," mabilis na sagot ni Camellia. "Hindi ko puwedeng ilihim sa kanya ang tungkol kay Carmella. Mabuti na din 'yong malaman niya ng mas maaga."
"Sabagay," sang-ayon niya. "May ideya na siya kung ano ang magiging papel ni Carmella sa buhay ko. Alam niya ang tungkol sa kuwento ng buhay pag-ibig ng pamilyang pinagmulan ko."
"Hindi nga ako makapaniwala na maging si Nicole ay nabilog mo ang ulo. Napaniwala mo siya sa bed time story ng Lolo Roque mo." Naka-ingos na turan nito. "Hindi mo ba itatanong sa akin kung ano ang naging reaksiyon ni Nicole nang malaman niya ang tungkol kay Carmella?"
Ngunit nagkibit-balikat lang binata.
"Hindi na mahalaga sa akin kung ano ang naging reaksiyon niya. Naparito ako para humingi ng paumanhin sa hindi magandang asal ko nitong mga nagdaan na araw. Kahit ako ay nabigla, Tita. At ipinapangako ko na hindi na mauulit," tumayo siya at nilapitan ang tiyahin. Hinalikan niya ito sa noo.
Napangiti si Camellia. Parang yelo na nalusaw ang hinampo niya sa pamangkin. Anak na kasi ang turing niya rito buhat nang mamatay ang mga magulang nito sa isang car accident. Nasa elementarya lang ito nang akuin niya ang responsibilidad na alagaan ito.
Hinawakan ni Camellia ang bisig ng pamangkin.
"Wala 'yon," sabi ni Camellia. "Pinipilit kong unawain ka sa lahat ng oras. Sa mga desisyon mo sa buhay, lalo na sa pagkakataong ito. Dahil alam ko na higit na kailangan mo ako ngayon,"
"Maraming salamat sa pag-uunawa sa akin, Tita. Pero sana matulungan mo ako kay Carmella." Hinging pabor ni Prince sa tiyahin. "Si Carmella ang babaeng gusto ko makasama habambuhay. Mahal na mahal ko na siya. Sana matulungan mo siya na makapag-adjust sa atin. At matutunan niya ang mga bagay na hindi pa niya nararanasan."
Napahugot ng hininga si Camellia. Inaasahan na niya 'yon. At ang tanging alam lang niyang gawin ay ang pagbigyan ang kahilingan nito.
"Sige," sang-ayon ni Camellia. "Ano ba ang gusto mo'ng gawin ko?"
Ipinaliwanag ni Prince ng mabuti sa kanyang tiyahin ang gusto niyang mangyari. Ang gusto niya ay bihisan nito ang dalaga, kumilos ng maayos at maging sa pananalita.
"Prince, hindi ako si Fairy God Mother, na may mahika na puwede kong gawing si Cinderella si Carmella." Paliwanag ni Camellia sa pamangkin.
Napangiti naman si Prince sa tinuran ng tiyahin.
"Matutulungan mo ba ako, Tita?"
"Okey, fine..." sagot nito. "Para sa'yo, gagawin kong possible ang imposible."
Alang-alang sa pamangkin ay tinanggap ni Camellia si Carmella. Pero hindi pa rin nila sinasabi sa dalaga ang tungkol sa balak ni Prince na pagpapakasal sa dalaga. Ang buong akala nito ay talagang bisita lang siya sa mansiyon.
KINABUKASAN ay naging panauhin nila sa mansiyon ang asawa ng Tito Fermin ni Prince.
Halatang balisa ito at namumugto ang mga mata.
"Tita, Pamela, napasyal po kayo?" bagong gising si Prince. Hindi na nga niya nagawang makapagpalit ng kasuotan dahil pinababa na siya sa sala ng kanyang tiyahin.
Si Tita Pamela ay ang ina ng pinsan niyang si Ely.
Nagmano muna siya sa babae bago naupo sa sofa.
"Naparito ako para itanong kung tumawag ba sa'yo ang anak ko." Sabi ng babae.
"Kahapon ay magkasama pa kami ni Ely sa Manila Golf Club. Hindi po ba siya umuwi sa bahay n'yo kahapon?" pati tuloy siya ay kinabahan na sa maaring nangyari sa pinsan niya. "Nang maghiwalay kami kahapon ay hindi ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya."
"Pambihira naman kasi 'yang pinsan mo. Hindi man lang umuwi kahapon. Nagpadala lang siya sa akin ng mensahe na maglalayag siya ng gabi, pupunta daw siya sa isang Isla. Nangako siyang tatawag 'pag nakarating na siya sa Isla. Pero alas-nuebe na ng umaga wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa kanya. Kinakabahan ako at baka may masamang nangyari na sa kanya,"
"Nabanggit ba ni Ely kung saan'g Isla siya pupunta?" may ideya na siya kung saan'g Isla ngunit hindi siya sigurado.
"Sa Isla Gilligan daw," sagot ng babae. "Hindi kasi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman na ayos lang ang anak ko. Ang kapatid niyang si Ersan ay nasa tanggapan na ng pulisya upang humingi ng tulong,"
"Isla Gilligan," ulit niya.
"Prince, 'di ba napuntahan mo na ang Islang 'yon?" sabat naman ng Tiya Camellia niya. Galing itong kusina, kasabay nito ang isang maid na may dalang inumin.
"Nabanggit nga po sa akin ni Ely na pupunta siya sa Isla Gilligan. Malapit lang din 'yon sa Destiny Island na bakasyunan ng ating pamilya. Sa pagkakaalam ko ay wala pa'ng signal ng mobile phone sa Isla na 'yon. Walang malapit na cell tower doon."
Ang mga cell tower, na kilala rin bilang mga site ng cell, ay kung saan naka-mount ang mga kagamitan sa komunikasyon ng kuryente at mga antena, na pinapayagan ang kalapit na lugar na gumamit ng mga wireless na aparato ng komunikasyon tulad ng mga telepono at radio.
Ang mga cell tower ay karaniwang itinatayo ng isang kumpanya ng tower o isang wireless carrier kapag pinalawak nila ang kanilang saklaw ng network o kakayahan, na nagbibigay ng isang mas mahusay na signal ng pagtanggap sa lugar na iyon.
"Pambihira naman 'yang pinsan mo, pupunta nalang sa isang lugar doon pa sa nalipasan na ng panahon," kahit papaano ay nakahinga ng maluwang si Pamela. Inisip niya na ligtas na nakarating sa Isla Gilligan ang panganay niyang anak. Hindi lang nito magawang makatawag dahil walang signal ng cellphone.
"Hayaan mo, Tita, kapag hindi ako busy bukas pupunta ako sa Isla Gilligan." Sabi niya.
"Huwag na, hijo," sabi nito. "Alam kong busy ka din sa hospital. Kami nalang ang bahala ni Ersan na alamin kung nakarating na nga ba sa Isla ang anak ko. Pero kung sakaling may matanggap ka na mensahe o tawag mula sa kanya, balitaan mo ako."
"Sige po, Tita," sagot niya. "Alam ba ng nobya ni Ely na pupunta siya ng Isla?"
"Hindi ko alam," sagot nito. "Sa totoo lang wala akong tiwala kay Monica, sa tuwing magkasama silang dalawa, laging nalalagay sa peligro ang buhay ng anak ko. Parang may dalang malas ang babaeng 'yon,"
Napaisip si Prince sa tinuran nito. Naalala niya ang huling usapan nila kahapon ng pinsan niya. Ayon sa pinsan niya ay may nagtatangka sa buhay nito, ngunit wala itong maisip kung sino ang gustong pumatay rito.
Napabuga siya ng hangin. Hindi niya iyon puwede ipabatid kay Tita Pamela dahil lalo lang itong kakabahan.
"Huwag ka po mag-alala, Tita, kapag wala pa din balita tungkol sa pinsan ko. Kukuha na ako ng private investigator," ito ang naisatinig niya.
"Yon nga din ang binabalak namin ni Tito Fermin mo," sabi nito. "Nagpunta lang ako rito upang personal na makausap ka."
"Handa po akong tumulong, Tita, anytime."
"Hindi na ako magtatagal, aalis na rin ako. Dadaan pa ako sa kompanya,"
"Ihahatid ko na po kayo hanggang labas ng gate," tumayo si Prince at inalalayan makatayo ang tiyahin.
"Maraming salamat, hijo," sabi ni Pamela.
Hinatid nga ng binata ang babae hanggang gate. Saglit pa silang nag-usap hanggang sa makaalis na ang kotseng minamaneho ng babae.
Pagbalik niya sa loob ng mansiyon ay agad niyang tinanong sa Tita niya kung gising na si Carmella.
"Gising na siya, naroon siya sa kusina. Pumunta ka na rin roon upang makapag-almusal." Sagot ni Camellia sa tanong ng pamangkin. "Mamaya pala ipapasyal ko sa Mall si Carmella, kailangan niya ng mga bagong damit, sapatos at iba pa'ng kagamitan."
Napangiti si Prince sa narinig. "Kung hindi lang ako pupunta sa hospital, tiyak na kasama n'yo ako sa pamamasyal."
"Alam ko naman 'yon," sagot ni Camellia. "Nangako ako sa'yo na ako na ang bahala kay Carmella, at gusto kong tuparin 'yon."
Niyakap siya ng pamangkin.
"Maraming salamat, Tita. Maaasahan talaga kita," hinalikan niya sa noo ang tiyahin.
"Huwag mo na akong bolahin, sige na, pumaroon ka na sa kusina." Pagtataboy sa kanya ng tiyahin niya.
"Okey," tumalima naman si Prince. Pasipol-sipol pa siya na tinungo ang kusina.
Masaya lang siya dahil tila natanggap na nga ng tiyahin niya si Carmella.

Bình Luận Sách (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất