logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Unconditional Love

Unconditional Love

cora vargas


Chapter 1

"Inay! Bakit mo ako iniwan?" umiiyak si Carmella habang mahigpit na yakap ang walang buhay na katawan ng kanyang ina.
Edad singkuwenta lamang ang kanyang ina nang dapuan nang malubhang sakit. Leukemia ang findings sa lahat ng ginawang test sa kanyang ina.
Payak lamang ang kanilang pamumuhay. Bata palang siya nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Sa edad na labing-siyam ay high school lamang ang kanyang narating. Wala pa siyang makitang trabaho kaya napilitan siyang mangutang ng pera sa kanyang tiyahin na medyo nakakaluwag sa buhay.
"Inay!"
"Hoy, Carmella! Gumising ka na!" niyugyog ni Matilda ang pamankin. "Aba't tanghali na ay nakahilata ka pa riyan sa papag! Namaos na ang mga manok sa labas katitilaok pero ikaw natutulog pa rin!"
Umungol si Carmella. Madaling-araw na siya nakatulog dahil tinapos pa niya ang paglalaba sa mga damit ng dalawang pinsan niya. Malinis naman ang mga damit ngunit nag-inarte ang kanyang mga pinsan dahil amoy amag daw ang kanilang mga damit.
"Ano ba!" Sigaw ng matanda. "Hindi ka ba talaga babangon diyan? Teka nga," sabi nito na lumabas sa maliit na kuwarto ng pamankin. Tumungo ito sa kusina at kumuha ng isang timba na puno ng tubig. "Ang aga-aga binubuwisit mo ako, nuknukan ka ng batugan!"
Habol ni Carmella ang kanyang paghinga nang maramdaman niyang may tubig na pumasok sa kanyang ilong. Bumalikwas siya ng bangon mula sa kanyang papag.
Huminga siya ng malalim. Para siyang basang sisiw.
Nakita niya ang kanyang Tiya na galit ang ekspresyon ng mukha. Hindi pa din siya nasasanay sa ganoong hitsura ng kanyang tiyahin kahit araw-araw naman itong galit sa kanya kahit na wala naman siyang ginawang mali.
"Aray!" Tili niya ng pingutin ng Tiya Matilda niya ang kanyang isang tainga. "Tama na ho, Tiyang! Masakit po!"
"Talagang masasaktan ka sa akin lalo na kung pipilasin ko itong tainga mo!"
"Sorry na ho, Tiyang! Halos umaga na po kasi ako nakatulog,"
"Aba't nangangatwiran ka pa na babae ka!" lalong nilakasan ng tiyang niya ang pagpingot sa kanyang tainga. "Wala akong pakialam kung anong oras ka nakatulog."
Napaluha siya. Pakiramdam niya ay mapipigtas na ang kanyang tainga. "Babangon na po ako, tiyang!"
Binitiwan naman ni Matilda ang tainga ng pamangkin.
Nagkukumahog siya na tumayo.
"Bilisan mo!" sumunod sa kanya ang tiya niya palabas ng kuwarto. "Tanghali na hindi ka pa nakakapagluto ng almusal. Alam mo na maaga akong umaalis para maningil ng pautang sa palengke. Hindi ako makaalis dahil hindi pa ako nakakakain. At ang dalawang pinsan mo paggising nila tiyak na gutom sila."
Panay pa rin ang pagbubunganga ng Tiya Matilda niya. Dumiretso siya sa kusina, para siyang ipu-ipo sa bilis ng kilos niya. Ni hindi na nga niya nakuhang magpalit ng kasuotan na nabasa nang buhusan siya ng tubig ng tiya niya. Hindi rin siya nakapagmumog at hilamos dahil nakabantay ito sa kanya habang siya'y nagluluto.
Pagkatapos niyang magluto ay binilinan kaagad siya ni Tiya Matilda niya ng mga gagawin niya sa buong maghapon bago ito umalis.
"Carmella! Ang gatas ko!"
"Ayoko ng hotdog! Gusto ko ng tocino!"
Kagigising lang ng dalawa niyang mala-prinsesang pinsan. Pumasok ang mga ito sa komedor at tinatamad na dumulog sa hapag-kainan.
Sinilip niya sa komedor ang mga pinsan niya.
Sana naman sapian ng kabutihan at kasipagan ang mga pinsan niya. Sa loob-loob niya. Pati ang pagtitimpla ng kape at paglalagay ng tubig sa mga baso ay inaasa pa sa kanya.
"Carmella!" Sigaw ni Malou ang panganay na anak ng Tiya niya. Nakasimangot na ito. "Ang bagal mo! Kanina ko pa gusto uminom ng gatas alam mo naman na kailangan ko makainom ng gatas para ma-maintain ko ang kagandahan ng aking kutis."
"Nagugutom na ako, magluto ka na ng tocino." Reklamo naman Ester. Nakangiwi naman ang bibig nito.
"Sandali lang, hindi ko na alam kung sino sa inyong dalawa ang uunahin ko na sundin." Sabi niya. "Nagpakulo na ako ng tubig,"
"My gosh!" Tapik ni Malou sa noo. "Ang tagal mo ng alila sa bahay na ito hindi mo pa din matandaan ang mga dapat gawin. Una, dapat paggising mo palang nagpakulo ka na ng tubig. Alam mo naman sa tuwing umaga gatas ang una kong hinihingi sa iyo."
Ngumisi naman si Ester na umiiling ang ulo.
"Sus, ate! Alam mo naman na estupida at bubo ang babaeng iyan. Dapat sa kanya laging inaalog ang ulo para magkalaman ang utak." Sabi ni Ester, kumuha ito ng kutsara at tumayo. Lumapit ito kay Carmella na nagtitimpla na ng gatas. "Dapat kay Carmella, laging kinakatok ang ulo. Ganito!"
Nagulat si Carmella nang may matigas na bagay ang tumama sa ulo niya. Lumingon siya at nakita niya si Ester na tumatawa. Nakita niya ang kutsara na nasa kamay nito na siyang ginamit sa pagpukpok sa ulo niya. Itinulak pa siya na ikinabuwal niya. Paupo siyang bumagsak sa sahig.
"Estupida na nga ang lampa pa!"
Pinagmasdan siya ng magkapatid habang pinagtatawanan. Hindi siya pumalag kahit gusto niyang lumaban. Dahil alam niya na kapag pumalag siya ay pagtutulungan siyang saktan ng dalawa at isusumbong pa siya sa Tiya Matilda niya. Madadagdagan lang ang mga pasa niya sa katawan.
Tumayo siya. Umasta siya na walang nangyari. Kinuha niya ang tasa na may tinimpla niyang gatas at ibinigay ito kay Malou.
Patuloy pa rin sa pang-iinsulto sa kanya ang dalawa niyang pinsan ngunit nagsawalang-kibo siya.
"Nasaan na ang tocino? Nagugutom na ako, Carmella!" Sigaw ni Ester.
"Sandali lang malapit na maluto." Sagot niya.
"Pagkatapos mo magluto linisin mo ang kuwarto ko. Madami akong nakitang langgam na gumagapang sa dingding. Mabuti sana kung ikaw ang kagatin ng langgam at hindi ako." Sabi ni Malou habang humihigop ito ng gatas.
Pinakaiingatan talaga ng kanyang pinsan ang balat nito na tila kaliskis naman ng ahas sa sobrang dry. Lahat nalang yata ng brand ng lotion ay nagamit na nito sa balat sa paniniwala na magiging malasutla ang kanyang balat.
"O-opo ate Malou," sagot niya. Dinala niya sa mesa ang platito na pinaglagyan niya ng nilutong tocino.
"T'saka huwag mo akong matawag-tawag na ate, hindi kita kapatid." Mataray na sabi ni Malou. "Masuwerte ka nga at kinupkop ka pa ni Mom, dahil kung hindi, malamang ay sa kalsada ka nakatira."
Masuwerte nga kayang matatawag na naroon siya sa poder ng Tiya Matilda niya?
Tatlong taon na siyang naroon sa bahay na iyon. Nanilbihan siyang alila upang mabayaran ang pera na inutang niya sa kanyang Tiya na ginamit niya sa pagpapagamot sa kanyang ina.
NAGWAWALIS si Carmella sa bakuran nang makita niya si Aling Cita na naglalakad palapit sa gate. Itinabi niya ang walis ting-ting at pandakot.
"Carmella!" Tawag ni Aling Cita sa kanya.
"Bakit ho, Aling Cita?" tanong niya nang makalapit siya sa gate. Binuksan niya ang gate at pinapasok ang ginang. "Ano po ang iyong sadya?"
"Nariyan ba ang demonyita mo na tiyahin?" halos pabulong na tanong ni Aling Cita.
Nahihiyang napangiti siya.
"Umalis po si Tiyang Matilda, pumunta siya ng palengke upang maningil ng kanyang pautang." Sagot niya. "May kailangan po ba kayo sa kanya?"
"Oo sana," sagot ng matanda. "Babalik nalang ako mamaya kapag nakauwi na ang Tiyang mo."
"Sige po Aling Cita. Pupuntahan nalang kita sa bahay n'yo kapag nakauwi na siya,"
"Napaano iyang pasa mo?" hinawakan ng matanda ang kanyang bisig. Pinagmasdan nito ang dalawang pasa niya sa braso.
Mapait siyang ngumiti. "Gaya po ng dati, napagdiskitahan na naman ako ng mga pinsan ko."
"Naku, Carmella! Bakit ba hinahayaan mo na saktan ka ng mga pinsan mo, ayan nagiging abusado na sila sa iyo." Sabi ni Aling Cita na kapit-bahay lang nila at tuwina ay nakakakita sa mga pang-aabuso sa kanya ng Tiyang niya maging ang dalawa niyang pinsan. "Lumaban ka sa kanila dahil hindi na makatao ang turing nila sa iyo. O kaya ay umalis ka na sa bahay nila, tutulungan kitang makahanap ng mapapasukang trabaho. Iyong kumare ko naghahanap ng mag-aalaga sa kanyang apo, kung gusto mo ikaw ang e-rerekomenda ko."
"Maraming salamat nalang po Aling Cita," tanggi niya. "Minsan ko na sinubukan na lumaban sa mga pinsan ko pero ako pa din ang napahamak. Naglayas ako pero pinakulong ako ni tiya dahil pinagbintangan niya ako na nagnakaw ng pera at mga alahas niya. Mabuti na lang naawa pa din at pinalabas ako ng kulungan. Hay, kung sana naging si super woman nalang ako para maipagtanggol ko ang aking sarili. Baka ihulog ko pa ang mga pinsan ko sa building!"
Nagawa pa magbiro ni Carmella pero deep inside hinihiling niya na sana makaalis na siya sa pamamahay ng Tiya Matilda niya.
"Napakawalanghiya naman kasi ng Tiya Matilda mo. Wala siyang puso." Sambit ni Aling Cita na umiiling ang ulo. "Naturingan na pamangkin ka ay ginaganyan ka niya. Parang hindi kadugo ang turing nila sa iyo. Sana naman ay huwag makarma iyang Tiya mo sa mga ginagawa niya sa iyo na pang-aapi. Pati na rin ang mga pinsan mo, kung anong pangit nila ay ganun din ang kanilang pag-uugali. Naku, ako ang unang matutuwa kapag nangyaring karmahin sila."
Hindi siya kumibo. Hindi na mahalaga kung tablan ng karma ang Tiya niya sa ginagawang pang-aapi sa kanya. Ang gusto niya ay mabayaran na niyang lahat ang utang niya para makaalis na siya sa poder nito.

Bình Luận Sách (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất