logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 seven

7 PM, I told her we should head back home. Kanina pang 5 tapos ang klse namin kaya't malamang ay hahanapin siya ng mama niya.
Naglalakad kami ngayon palapit sa bahay namin. Sa tabi lang naman ang sa kanila.
Tahimik lang kaming nag lalakad mula pa kanina. Hindi talaga siya masyadong umiimik.
Kanina habang kasama ko siya, wala kaming gaanong pinag usapan. Hindi naman kami close kaya niintindihan ko kung ayaw niyang i share ang mga bagay bagay tungkol sa kaniya. Like, yung mga dahilan niya para mag isip ng mga delikadong bagay.
Napa tigil ako dahil tumigil siya sa pag lalakad. Naka tingin siya sa unahan kaya't sinundan ko ang tinitignan niya.
Nasa labas ng bahay nila ang mama niya na malamig ang ekspresyon ng mukha na tila ba galit dahil sa gabi na ay wala pa si Jade.
"M-ma." Utas ni Jade.
Tinignan siya ng mama niya ng malamig saka ako binalingan. Nanlamig naman ang mga kamay ko. Nakaka takot naman tumingin yung mama niya.
"A-ah, p-pasensya na po. Nag patulong po kasi ako sa kaniya sa research, pasensya na po." Pag sisinungaling ko sa mama niya.
Tinignan lang ako ng mama niya saka ulit binalingan si Jade.
"Gabi na, ipinag pa bukas niyo na sana. Hindi ganitong oras ang uwi ng isang babae." Sambit ng mama ni Jade ng malamig saka sinenyasan si Jade na pumasok na.
Nilingon ako ni Jade saka ngumiti ng tipid. Wala na siyang lingon likod na nag lakad papasok sa bahay nila matapos iyon.
Ngumiti ako ng awkward sa mama niya.
"Hehe, pasensya na po talaga." Sambit ko saka nag paalam at tumalikod na.
Napa buga ako ng hininga pagka talikod ko. Kinabahan ako sa tingin ng mama ni Jade. Mas matindi pa kay Manang Delia!
Deretso akong pumasok sa bahay. Tahimik, wala si Dad. Agad akong nag tungo sa kuwarto ko para mag pahinga na. Inantok ako sa beer na tinungga ko peste.
Nag tungo ako sa banyo para mag linis ng katawan ko at nang matapos ako ay nag lakad ako palapit sa kama ko. Nilingon ko muna sa bintana ko ang bintana ng kuwarto ni Jade. Patay na ang ilaw kaya't marahil ay nagpapahinga na siya.
Something's weird about me. Napaka interesado ko talaga sa babaeng iyon. Naiiling akong dumapa sa kama ko.
Tila automatiko namang nahigit ang mga talukap ko para sumara. My definition of heaven. Sa mismong puntong iyon. Nilamon ako ng kadiliman.
Kinabukasan ay kinatok na naman ako ni Manang Delia. Bumangon ako at binuksan ang pintuan. Sinabihan niya akong maligo na. Tumango ako.
Tinitigan niya muna ako ng ilang sandali bago tila ba may iniisip na tumalikod. Napa iling na lang ako. Anong meron kay manang?
Dumeretso ako sa banyo at naligo. Nag bihis na ako ng uniform ko saka kinuha ang gamit ko at bumaba para mag umagahan.
Umupo ako sa lamesa saka nag sandok ng pagkain para sa sarili ko. Inilapag ni Manang Delia ang baso ng gatas sa harapan ko. Nag pasalamat ako habang kumakain pero napa tigil ako nang mapansing naka tayo pa din siya sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin.
"Manang?" Utas ko na naguguluhan.
Naka titig lang siya sa akin at hindi ko malaman ang ibig niyang sabihin. Tila sinusuri niya ako.
"Wala ka bang sakit, Baste?" Tanong niya saka sinipat ang noo ko at leeg.
Nangunot lalo ang noo ko. Weird ni Manang?
"Wala po. Bakit, Manang?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala ka namang sakit pero parang meron." Sabi niya saka naiiling na tumalikod.
Ano daw?
Napa iling ako habang natatawa. Anong trip ni Manang?
Nag patuloy ako sa pag kain at matapos iyon ay nag paalam ako na aalis na para pumasok. Kagaya ng pagka weird ni Manang kanina, ganoon pa din siya nang umalis ako. Sinasabi niya ng paulit ulit kung wala talagang mali sa akin. Lakas tama.
Nang marating ko ang school ay tahimik akong nag lakad patungo sa klase ko. Bago pa man ako makapasok sa loob ng classroom namin ay napa hinto ako.
Wait, Why am I here? Papasok ako? Talaga? Saka, teka! Anong oras na ba?
Tinignan ko ang relo ko at nakitang 7:10 ng umaga. Nanlaki ang mata ko.
Anong nakain ko? May sakit ba ako? Usually ay alas otso ako dadating kung papasok ako. Pero teka! Hindi ako pumapasok!
Napa kamot ako sa ulo ko. Kakaunti pa lang ang mga tao sa classroom. Ang president ng klase at ilan sa mga early birds kong ka klase. Isa na doon si Jade.
Automatiko akong napa ngiti nang makita siya kaya't nag lakad ako palapit sa kaniya saka umupo ulit sa tabi niya.
Tinignan niya ako sandali pero ibinalik niyang muli ang sarili sa ginagawa. Sinilip ko ang ginagawa niya. Nag d-drawing siya.
She's a good artist. Sa pagkaka alala ko sa mga drawings niya ay magaganda iyon pero napaka negative ng vibe. Sinilip ko ang drawing niya pero hindi ko makita ng maayos kaya't hinigit ko iyon mula sa kaniya na ikinagulat naman niya.
"Huy!" Sambit niya nang biglaan kong kunin iyon at tignan.
Napa kunot ang noo ko. Hindi ko kasi ma gets yung drawing niya. Hindi ko mahinuha kung ano ang bagay na iginuguhit niya.
"Ano to? Diko gets." Sambit ko habang minamasdan pa din at sinusuri ang ginawa niya.
Nag buntong hininga siya saka iyon hinigit mula sa akin.
"Hindi pa kasi tapos." Sabi niya ng malamig saka iniligpit ang ginagawa niya at isinilid sa loob ng kaniyang bag.
"Edi tapusin mo. Bakit mo itinabi?" Usisa ko.
Hindi na siya umimik bagkus ay nag bukas ng libro at nag basa. Tss. Masyadong mabait na mag aaral. Parang hindi nag cut ng klase kahapon a?
"Jade." Tawag ko pero hindi na niya ako ulit pinansin.
Humarap ako sa kaniya. Kahapon lang nakakausap ko ito a? Anong nangyari?
Kinulbit ko pa siya pero hindi na niya ako tinapunan ng tingin. May kung ano sa akin na gustong gustong makuha ang atensyon niya. Ewan ko ba. Hindi naman sa gusto ko siyang pestehin pero gusto ko siyang mag salita.
"Jadeeee." Pangungulit ko habang kinukulbit kulbit siya at napa tigil ako nang lumingon siya sa akin.
"Stop approaching me, Baste..." Sambit niya lang saka muling bumaling ang atensyon sa libro.
Ang sungit niya naman.
"Bakit?" Tanong ko.
Nag buntong hininga lang siya at hindi na sumagot.
Sa puntong iyon ay tumigil na ako. Sandali ko muna siyang tinignan na nag tataka saka humalukipkip at sumandal sa likuran.
Dumating ang dalawang babaeng may ubo ang utak at agad na tumama ang tingin nila kay Jade. Umirap sila bago nag tungo sa kanilang upuan.
Napa iling ako. Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Diko alam bakit galit yung dalawa sa isang ito na hindi naman halos nag sasalita.
Nakaka miss na gumawa ng kalokohan pero wala na akong ibang maisip na gawin. Kaya nang mag simula ang klase ay nag hanap ako ng pang alis sa kabagutan.
Abalang nag ka klase si Mr. Diopaz ng philosophy habang ako naman ay abalang nag lulupi ng papel upang gawing bala sa aking tirador na gawa sa isang piraso ng goma na isinabit sa hinlalaki at hintuturo ko.
Inilagay ko sa pagitan ang tinupi kong papel saka sinipat ang aking target mula sa ilalim ng upuan.
Nag landing sa ka klase kong si Berto ang tingin ko kaya't habang abala ang lahat sa klase ay itinapat ko sa kaniya ang aking tirador saka binitawan ang papel kaya't lumipad iyon papunta sa kaniya. Tinamaan siya sa batok.
"Aray!" Sambit niya na nag antala sa klase.
Lumingon si Mr. Diopaz at tinignan ng masama si Berto. Pinakang ayaw nitong naantala ang klase niya.
"S-sir, may tumama po sa batok ko." Sambit niya saka ini angat ang piraso ng papel na nilupi ko.
Tahimik akong napa hagikhik at nag kunwaring walang alam.
"Who did this?!" Galit na sambit ni Mr. Diopaz sa buong kalse.
Walang sumagot kaya't napa buntong hininga si Mr. Diopaz bago nag sambit ng isang banta.
"Wag ko lang mahuhuli ang umaantala sa klase ko..." Sambit niya saka tumalikod at muling sinimulan ang klase.
Napa hagikhik akong muli. Masaya pala gumawa ng kagaguhan sa classroom?
Natapos ang klase ng umaga. Pinag iisipan ko kung aalis ako sa school o mananatili dahil tamad na tamad akong gumalaw. Na bo-boring na ako sa lahat ng kalokohan ko. Wala nang thrill.
Napa tingin ako sa gawi ni Jade nang lumapit sa kaniya si Pauleen.
"Jade, I want to talk to you." Sambit niya.
Napa tingin ako kay Pauleen. Wala siyang pake alam kung may katabi si Jade o wala. May sipon talaga utak nito saka ni Rian. Pinanood ko lang siya nang tumango si Jade saka tumalikod siya.
Lumabas siya ng classroom kasama si Rian. Agad namang iniligpit ni Jade ang gamit niya at akma nang aalis nang mag salita ako.
"Seriously? Alam mong hindi usap ang magaganap. Saka, close kayo?" Tanong ko sa kaniya na tila ba close kami.
"E ano naman?" Tugon niya. "Mind your own business, Baste." Sambit niya.
"Jade, hindi ka nila titigilan hanggat pumapayag ka." Sambit ko.
Hindi na siya umimik bagkus ay humakbang na palayo pero agad akong tumayo at hinawakan siya sa pulsuhan.
"Aray!"
Labis ang pagka bigla ko nang bigla siyang umaray saka kinapitan ang bisig niya na tila ba napaka sakit noon.
Napa bitaw ako kaagad sa kaniya. Wala nang masyadong tao sa room, paalis na din ang natitirang dalawa bukod sa amin.
Napa titig ako sa kaniya habang sapo niya ang kanang bisig dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Nang maka alis ang dalawa pa naming ka klase ay kaming dalawa na lang ang natira. Napa titig ako sa kaniya habang dahan dahan niyang ikinukubli sa likod niya ang kamay niya. Tatalikod na ulit sana siya nang hilahin ko siya, this time ay sa braso na. Kinuha ko ang bisig niya saka ini angat ang sleeve ng suot niyang uniform. Tumambad sa akin ang sariwang mga sugat.
Tinangka niyang bawiin ang kamay niya pero hinigpitan ko ang kapit doon.
What is this?" Inis kong tanong.
Ewan ko ba, kausap ko lang siya kagabi at paulit ulit kong sinabi na mas okay kung i d-drop niya ang ganitong klase ng mga ideya.
May tatlong hiwa sa pulsuhan niya at namamaga pa ang mga iyon kaya't nasaktan siya sa pagkaka kapit ko kanina.
"Let go, Baste! " Iritado niyang sambit saka pilit na binawi ang kamay niya.
"Jade, I told you already. I'd rather listen to your stories than attend your funeral. Hindi naman iyan ang sagot e." Pangangaral ko.
Hindi kami mag kaibigan pero hindi ko alam bakit tila concern ako sa kaniya. Kapit bahay ko lang naman siya pero masyado akong nanghihimasok sa buhay niya. Hindi ko lang din kasi mapigilan.
"Makikinig ka lang...
hindi mo maiintindihan. Walang mababago." Sambit niya saka umiwas ng tingin.
"Jade, sinasabi ko sa iyo, ito ang pinakang tangang desisyon." Sambit ko.
Ngumisi siya sa akin ng sarcastic saka ako tinignan sa mga mata ko.
"Pake mo?" Sambit niya na habang naka ngiti ng hindi ko mawari. Manunubig din ang mga mata niya. "I told you to stop approaching me. Labas ka sa buhay ko at sa mga desisyon ko, Baste." Saad niya.
Damn. There's something about her eyes that makes me feel a bit hurt. Maybe because naaawa ako sa kaniya. Wala pa akong alam sa kuwento niya, naaawa na ako. From the looks of her, I can tell, she's been through a lot.
"Concern lang ako, Jade." Utas ko.
Kumunot ang noo niya saka ako tinignan ng mas mabuti.
"Concern? Ano ba kita?" Litanya niya.
Natameme ako. Oo nga naman kasi Baste! Tanginamo kasi masyado ka nang naging pakealamin e!
Napa buntong hininga ako.
"Wala." Utas ko. "Pero Jade. Isipin mo nga ang mama mo! Buti ka nga may mama pa e." Sambit ko sa kaniya.
Ang swerte nga niya may mama siya. Ako nga wala. Tapos gusto niya pa magpakamatay?
Mag sasalita na sana siya nang kumamot ako sa ulo ko. Nabuburyo ako sa usapan. Dinampot ko ang bag ko at bag niya.
Tinignan ko siya saka hinila ang kabilang pulsuhan niya.
Hinila ko siya palabas ng classroom na wala naman niyang imik na hinayaan akong gawin.
Hindi na naman siya nag complain sa pag kaladkad ko bigla bigla sa kaniya.
Dadalhin ko na lang ulit siya kung saan hanggang sa sabihin niya ang mga dinadala niya.
Wala talaga akong pake alam sa mga suicidal jan pero hindi ko alam mung bakit kay Jade, may pake ako.
Siguro ay dahil kapit bahay at ka kilala ko siya?
Siguro nga.

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    Jonjon Bao

    uigdhi

    25/07

      0
  • avatar
    Johara Vicente

    Hi thank you

    22/07

      0
  • avatar
    AlvesRaissa

    é um livro muito bom

    16/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất