logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 six

Tumalikod si Jade sa akin saka nag lakad paalis. Napaka weird talaga ng babaeng iyon.
Napa kamot ako muli sa ulo ko. Tangina baste masyado ka nang curious, nakakalimutan mo na ang misyon mo!
Tumalikod na din ako at nag lakad patungo sa kabilang direksyon. Wala akong panahon sa mga babae. Ang hirap nilang intindihin. Saka, dahil kay Miranda nawalan ako ng interes sa mga babae. Ang creepy na magka girlfriend ako na kagaya ni Miranda. Wheeww! Nakaka kilabot. Saka na kapag nahanap ko yung babaeng kagaya ng Mama ko.
Huminto ako sa pag lalakad at muling nilingon ang direksyon ni Jade. Medyo malayo layo na siya.
"Anak ng tokwa talaga, Baste." Utas ko saka kinamot ang batok ko.
I found myself walking after her. I'm approximately seven meters behind her. Kanina pa siya nag lalakad pero wala yata siyang balak tumigil. It's like she's been walking for more than an hour.
Huminto ako nang huminto siya. Nasa tapat siya ngayon ng tulay kung saan sa ibaba, nakita ko siya sa ilalim ng tubig.
Tahimik niya iyong minasdan habang walang ka emo-emosyon ang mukha.
Napa kunot ang noo ko. Did someone pushed her that night? Parang ang lalim lalim ng iniisip niya sa tulay na iyon.
Tumapak si Jade paakyat sa may railing ng tulay habang naka dungaw pa din sa ibaba. Tila sinisilip niya ang ibaba. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa mga kilos niya.
Bakit nga ba ako nandito? Bakit ko siya sinusundan?
Nanlaki ang mata ko sa sumunod niyang ginawa. Umakyat siya papunta sa kabila ng railing na tila ba may balak siyang tumalon.
Automatiko akong napa takbo palapit sa kaniya at bago pa man siya maka bitaw sa railings ay mabilis kong kinapitan ang braso niya kaya't nilingon niya ako ng gulat na gulat.
"What the fuck are you doing?!" Iritado kong sambit sa kaniya habang mahigpit ko siyang kinakapitan sa dalawang braso para kahit bumitaw siya ay hindi siya malaglag.
"B-baste..." Utas niya na naguguluhan sa biglaang presensya ko.
Tinulungan ko siyang bumalik sa side kung nasaan ako.
"Damn it, Jade! Anong kagaguhan to?" Tanong ko sa kaniya nang maibalik ko siya sa kabilang side.
Hindi siya umimik bagkus ay umiwas lang ng tingin.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya sa akin ng malamig.
Sandali akong natahimik. Oo nga. Sinusundan ko siya at wala akong maisip na dahilan kung bakit.
"H-hindi sa--"
"Kung ganon bakit ka nandito?" Inis niyang tanong sa akin saka ako tinignan ng may galit.
Natulala ako nang makita ang mga mata niya. Galit siya sa akin. Dahil ba sinundan ko siya? O dahil pinigilan ko siya? Baka pareho?
"Jade pinigilan lang kitang tumalon." Sambit ko ng malayo sa mga tanong niya dahil ako mismo, hindi ko alam ang isasagot sa mga tanong niyang iyon.
Bakit ko nga ba siya sinundan? Bakit ko siya pinigilan?
"Bakit? Ano bang pake mo? Sino ka ba, ha?" Saad niya sa akin na medyo mataas ang boses.
Nagulat ako. Did she just raised her voice? Someone as quiet as her can actually raise her voice?
Mukhang napansin niya ang naging reaksyon niya kaya bumuntong hininga siya saka ako tinalikuran.
"Jade." Tawag ko saka siya hinawakan sa braso kaya tumigil siya pero hindi niya ako nilingon.
Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit kahit sa kabila ng pag ligtas ko sa kaniya at sumigaw siya.
"Wag mo akong sundan, Baste." Sambit niya.
Hinawakan niya ang kamay ko saka inalis sa pagkaka hawak sa kaniya. Muli siyang nag lakad paalis pero may sariling utak ang mga paa ko na sa kabila ng sinabi niyang wag ko siyang sundan ay ginawa ko pa din.
"Leave me alone!" Sambit niya sa akin ng naiinis dahil sa pag sabay ko sa kaniya sa pag lalakad.
"No, Jade! Konsensiya ko kapag hinayaan lang kita." Sagot ko naman ng may diin sa kaniya.
Ngayon alam ko na. Hindi siya itinulak. Hindi siya nahulog. Tumalon siya noong gabing iyon. Ang ipinag tataka ko lang, bakit siya nag pasalamat sa akin sa police station?
Huminto siya at nag buntong hininga. She looked at me again. Kita ko ang pagod at lungkot sa mga mata niya. Sapat na ang tinging iyon para iparating niya sa akin na ayaw niya na lang mag salita. Tila pagod na pagod siyang nag buntong hininga saka nag patuloy muli sa pag lalakad pero muli kong kinapitan ang braso niya, this time, mahigpit na.
"Ano ba?!" Sigaw niya sa akin na naka kunot ang noo. Nang gigilid na yung luha niya. She looks tired and frustrated.
"Come with me. I have to make sure you won't do anything stupid. Baka mapag bintangan pa ako pag natagpuan ka na lang na walang buhay." Malamig kong sambit saka siya hinila paalis sa tulay.
Ang totoo wala akong alam kung saan kami pwedeng pumunta pero naisip ko. Sa isang tahimik na lugar siguro. I've been frustrated and tired of everything as well. At kapag ganoon ako, nag pupunta ako sa tahimik na lugar.
Hinila ko siya papunta muna sa isang convenience store. Nagpatianod lang naman siya ng tahimik at naka kunot ang noo.
Binitawan ko ang kamay niya nang makalapit ako sa refrigerator. Binuksan ko iyon at kumuha ng limang can ng beer at kumuha na din ng ilang chips. Napa dako din ang tingin ko sa isang cupcake kaya't kumuha ako noon saka dinala sa counter.
Ibinaba ko iyon lahat. Tumingin sa akin ang Babae sa counter saka sinabing:
"Hindi kami pwedeng mag benta ng alak sa students." Sambit niya.
Natigilan ako. Damn. Hindi ko naalala kasi hindi naman talaga ako bumibili. Nag s-shop lift ako palagi.
Ngumiti ako sa babae sa counter na hindi naman nalalayo ang edad sa akin. Nginitian ko siya ng napaka tamis.
"A-ah, this would be 348 in total. h-he he. " Sambit niya sa akin na naiilang dahil sa pag tigig at pag ngiti ko sa kaniya.
Mas ngumiti ako sa kaniya habang dumudukot ng pera. That's it! Kailangan pakinabangan ang kaguwapuhan ko.
"Here. You're so kind miss." Sambit ko ng malambing saka nag abot ng 500 pesos sa kaniya. "Keep the change. Tip dahil maganda ka." Sambit ko saka kinuha ang mga binili at kumindat bago tuluyang umalis.
"T-thank you!" Nautal niyang pahabol bago ako makalabas ng convenience store kaya't nilingon ko siya saka kinindatan ulit.
Deretso na akong umalis doon, hila hila ulit si Jade na walang imik. Hindi siya nag rereklamo o nag tatanong kung saan ko siya dadalhin. Sumunod lang siya sa kung saan ako lumiko ng walang pagtatanong kung ligtas ba o hindi.
***
I don't know how, pero I found myself sitting beside her, at my favorite spot in the whole wide world.
Ang bayan namin ay nasa ibabaw ng talampas at ang subdivision namin ay hindi nalalayo sa hangganan. Galit din ako sa mundo kaya't ang pinakang gusto kong lugar ay ang mga tahimik kagaya nito.
2KM away from our subdivision there's a road side cliff. Walang masyadong nadaan kaya't perfect na tambayan ko kapag gusto kong mapag isa. Kapag gusto kong lumayo sandali na hindi gumagawa ng kalokohan.
It's already 4 in the afternoon. Mag iisang oras na kami dito pero hindi pa din siya umiimik. Naka upo lang kami sa gilid ng bangin habang naka tingin sa mga karatig bayan namin sa ibaba. Hindi pa ganoon kaganda tignan dahil maliwanag pa pero mamayang gabi, walang kasing ganda ang city lights.
Bahagyang bumaba ang ulo niya na tila tinitignan ang taas ng bangin na ito. Sa puntong iyon ay naibukas ko ang bibig ko.
"Drop the thought, Jade! Dinala kita dito para mag isip isip hindi para palipatin ng tatalunan." Sambit ko habang naka kapit sa kanang braso niya.
Nag angat siya ng tingin saka ako tinignan ng blanko. Sandali niya akong tinitigan saka ibinaling ang mga mata sa mga gusali sa ibaba. Ngumiti siya ng may pagka sarcastic at mapait. Magka halo.
"Why would I?" Tanong niya habang naka tingin pa din sa kawalan.
Napa buntong hininga ako. Makulit din ang isang ito. Gustong gusto nang mamatay.
"Baliw ka ba? Ako ang huling kasama mo. Sa tingin mo ba, anong sasapitin ko kapag natagpuan ka na lang sa ibaba? Natural pag bibintangan ako!" Sambit ko.
Tss. Mamaya mapagkamalan pang ni rape ko siya. Napa iling ako saka tumingin na din sa kawalan.
I heard her laugh—sarcastically. Muli ko siyang tinignan. Naka ngisi siya ng satcastic habang mapait ang mga tingin sa mata.
"Exactly. That's your only concern. You're only worried about yourself." Sambit niya saka ako nilingon.
Napako ako sa mga mata niyang punong puno ng pait. Nasasaktan siya. Nagagalit. Halo halo ang nasasalamin ko sa mga mata niya. Hindi ako maka imik.
"It's not like you really care wether I'll die or not, right? Natatakot ka lang mapag bintangan." Sambit niya sa akin habang nanunubig ang mga mata.
Sa pagkaka titig namin sa mata ng isa't isa, kita ko ang pag labas ng tubig mula sa mga mata niya na sa hindi ko malamang dahilan, tila piniga ang puso ko. Naaawa ako sa kaniya kahit hindi ko alam ang problema niya.
"Jade..." Utas ko.
Umiwas siya ng tingin saka nag patuloy sa sinasabi.
"Stop, Baste. Wag mo akong pigilan kasi ang totoo, wala ka din naman talagang pake alam. You're just one of the bunch of selfish people." Sambit niya habang patuloy na umaagos ang mga luha niya.
Napa tungo ako at muli ay napa buntong hininga.
Of course she'll look at it that way! Wala namang suicidal na mag papasalamat na niligtas mo. At isa pa, may point siya. Ang selfish ko. Siguro napaka bigat na ng dinadala niya kaya nagkakanto siya. She's right, wala akong alam. Pero bukod sa ayokong mapag bintangan, ayoko din siyang mamatay.
Naalala ko ang binili kong beer kanina. Hindi na iyon malamig panigurado. Kinuha ko iyon saka binuksan. Nag sisimula nang lumubog ang araw. Mag a-alas singko pa lang pero dumidilim na.
"What ever your problem is, I want you to know that I'd rather listen to your stories than attend your funeral, Jade. I mean it." Sambit ko saka nag bukas ng isang lata ng beer na wala na ngang lamig.
Tinignan naman niya ako dahil sa sinabi ko. Ini abot ko sa kaniya ang beer saka ulit sinabing...
"Tuturuan na lang din kitang i enjoy ang kalungkutan kesa tignan kang mamatay. We all have problems, Jade. Hindi lang ikaw ang may problema. Kapag nagpatalo ka, mahina ka." Sabi ko sa kaniya.
Inilapag ko sa tabi niya ang beer saka nag bukas ng isa pa saka iyon deretsong ininom.
Sandali siyang natahimik.
"Hindi lahat malakas, Baste. Magkakaiba ang tao. May mga kinakaya. May mga sumusubok kaya kinaya at hindi lahat ng sumusubok, kinakaya... I won't fit, Baste..." Sagot niya matapos ang mahabang katahimikan.
Natawa ako sa sinabi niyang iyon.
"Tss." Utas ko saka nag bukas ng isa pang lata. "You don't need to fit in, Jade. Believe me. Hindi kailangan. Kung pakiramdam mo hindi ka belong e bakit hindi ka mag sarili? Madalas mas masaya maging mag isa. Wala kang kailangang ma-meet na standars. Walang pupuna sayo. Walang may pake sa kahit anong gawin mo. You can do what ever you want." Sabi ko.
"Isn't it sad? I've been alone all my life..." Sambit niya saka nag buntong hininga. "Nevermind." Utas niya saka tumingin muli sa kawalan.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa tuluyan nang dumilim. Nabasag ang katahimikan sa gitna ng pag inom ko sa huling lata ng beer. Kinuha ko na yung inilapag ko sa tabi niya, hindi niya kasi iniinom.
"Can I ask you something?" Utas niya ng mahina habang naka masid sa city lights na nagliliwanag dahil sa gabi na.
"Sure." Sagot ko naman.
Mas okay na yung atmosphere ngayon kesa kanina na masyadong mabigat. Naliwanagan naman siguro siya sa mga sinabi ko? Sana nga.
"Why did you bring me here? Bakit mo ako inilabas sa school?" Tanong niya ng hindi binibitawan ng tingin ang mga ilaw sa ibaba.
"Kasi nadinig ko sina Rian at Pauleen nag uusap tungkol sa bi---" napa hinto ako sa naalala ko.
Right! It's her birthday today.
Tumingin siya sa akin dahil sa pag tigil ko.
"Heard talking about what?" Utas niya.
Ngumiti ako sa kaniya. Saka umiling.
"I heard them taking about bullying you again." Sagot ko saka umiwas na ng tingin.
Natawa siya ng mahina sa tinuran ko.
"I'm used to it. Why bother?" Sambit niya na naka tingin na ulit sa mga ilaw.
Pasimple kong kinuha ang cupcake na binili ko kanina sa convenience store. Pakshet walang kandila! Ito ang dahilan kung bakit ko binili ito, dahil bitrthday niya.
Mind over matter na lang. Walang kandila kaya kumuha ako ng posporo saka itinusok doon sa gitna ng cupcake. Humarap ako sa kaniya hawak hawak ang cupcake saka ngumiti. Hindi siya naka tingin, tumatabon ang mahaba niyang buhok sa gilid mukha niya.
"Because it's your birthday." Sambit ko at sabay sa pag lingon niya ay ang pag sindi ko sa posporo na nag liwanag naman. Hindi kagaya ng kandila ay mas mabilis itong mauubos ay mamamatay kaya ngumiti ako sa kaniya nang titigan niya iyon na tila ba nagulat siya.
"C'mon! Make a wish. Mamamatay na yung sindi." Sambit ko ng natatawa sa kaniya.
Tumingin siya sa akin bago marahang hinipan ang sindi sa harapan niya dahilan para mamatay ang apoy.
Malapad akong napa ngiti.
"Happy birthday, Jade." Pag bati ko.
Nanatili siyang naka tingin sa akin at walang imik. Nanunubig na naman ang mga mata niya. Napa kunot ang noo ko. Bakit? Hala siya!
"Huy!" Sambit ko.
She smiled quickly and then wiped her tears. Alam ko di kami close. Na touch ba siya?
"Thanks. But Actually, I hate my birthday, Baste." Sabi niya.
Hindi ko na iyon pinansin. If she hates her birthday then I'll help her not to hate it. Iyon na lang ang natitirang okasyon na masasabi mong para sa iyo. Kahit walang maka alala atleast, araw mo iyon.
"This is your day. Ang tanging araw na masasabi mong para sa iyo." Sabi ko naman.
Ngumiti siya ng mapait.
"I still don't think so but, thanks. I never knew that blowing out a birthday match is much better than a birthday candle."
ngumiti siya sa akin ng pilit.
"Thanks, Baste. I don't like birthdays but, I appreciate it."

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    Jonjon Bao

    uigdhi

    25/07

      0
  • avatar
    Johara Vicente

    Hi thank you

    22/07

      0
  • avatar
    AlvesRaissa

    é um livro muito bom

    16/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất