logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

chapter 4 Welcome New Demon

Gill's PoV
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko bago bumagsak sa sahig ang huling lalaking kalaban ko.
Sa wakas! Hooh!
Lumayo ako sa kaniya at nilapitan ang mga lubid na nagkalat sa sahig. Kumunot ang noo ko nang makitang nagkabuhol buhol yung lubid.
Taeng lubid nato.
"Haayy!" Umupo ako sa sahig at kinuha ang lubid sa tabi ko. Busy akong inaayos yung lubid nang makitang bumangon uli ang huling lalaking pinatumba ko. Hinagis ko ang lubid sa tabi sa inis ko at sinamaan siya ng tingin.
URRGGGHH!! KAILAN KA BA MATATAPOS???!!!
Sa lahat ng nakalaban ko siya lang itong matigas! Jusmiyo! Pagod na ako!!
Nakita kong kinuha niya yung kutsilyong malapit sa kaniya at ngumisi. Tsk! Gagong to! Nakuha pang ngumisi.
"Ahhhh!!!!!" Sigaw niya sabay takbo papalapit sakin.
Nang makalapit sya, sinunggaban niya ako gamit ang kutsilyong hawak niya ngunit gumulong ako pakaliwa para makaiwas at pinatid ang binti niya ng malakas dahilan upang ma out of balance sya at matumba. Tumama pa yung noo niya sa gilid ng lamesa kaya BOOM! KNOCK OUT!!
Napangisi nalang ako nang hindi din sya nagtagal at nilapitan yung lubid tas pinulupot yun sa leeg niya. Sinigurado kong mahigpit yung pagkakatali ng lubid sa leeg niya bago ko hinila at sinabit ang lubid sa isa sa mga bakal na nagsusuporta sa bubong nitong building na napag alaman kong exam room.
Niready ko yung sarili ko at napapikit. Last na to, Gill. Kaya mo yan.
"AHHHH!!!" sigaw ko sabay hila sa lubid dahilan upang unti unting mapaangat yung katawan nung lalaki. Hindi ako tumigil kakahila hanggat maaabot pa nung lalaki ang simentong inaapakan ko.
Tumigil ako sa kakahila nung naramdamam kong nasa itaas na sya. Hinayaan kong lumipas ang isang minuto bago ko binuksan ang mga mata ko at tinignan ang ginawa ko.
Patay na sya. Hindi na sya humihinga.
Naramdaman kong tumulo yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Nakapatay nanaman ako." Mahinang sambit ko.
God.
"BRAVO! BRAVO! HAHA!!" Napatingin ako kay madam Pef. Tss. "Excellent!! Hinding mapagkakailang anak ka nga niya." dugtong pa niya.
May sinasabi pa yung matanda pero hindi na ako nakinig. Wala sa sariling tinali ko naman yung lubid para mananatiling nasa itaas yung lalaki.
I'm sorry. I'm so sorry.
Napatitig ako sa apat na lalaking nakahilera sa itaas at inaalala ang nangyari kanina bago ko ginagawa ang lahat ng ito.
(Falshback)
"I can't kill them. Hindi ko gustong pumatay. Ayokong pumatay. Give me another exam. Ayoko nito." Nanghihinang sabi ko matapos kong magulat sa sinabi nyang iyon.
"Oh! My dear, Gillian. Unfortunately, wala na akong ibang exam." Kunwaring worried na sabi niya.
"No! Bahala na! Aalis na ako dito. Tatawagan ko nalang si daddy at uuwi nalang ako. Mas ma---"
"Hindi yan pwede." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Umabot ka na dito sa exam room oh. Nakilala ka na ng ibang students. Ang lungkot naman kung hindi ka na nila makikita muli."
Naglakad sya papalapit sakin at ngumiti ng malapad.
Infairness din tong matandang to. Ang puputi ng mga ngipin.
"Don't worry my Gill. I have 3 options for you to kill them. Mamili ka lang." Sabi niya at nilapitan yung mga armas sa lamesa malapit sakin.
"Kahit ano pa yan. Ayoko talagang pumatay. Kahit may isang libo ka pang options jan, ang ending nyan papatay pa rin ako at ayoko nun."
"Shh. Just listen to my options."
Kinuha nya yung isang baril sa lamesa at tinignan kung may bala ito. Nanatili naman akong tahimik.
"First option." Napangiti sya nung makita fully loaded ang baril. "Gagamitin mo itong baril sa pagpatay sa kanila. And of course! Diretso sa ulo. Ang advantage nito? Oh well, you can help them not to feel so much pain. They will not suffer. Disadvantage? They can't do anything to let themselves alive. Isn't scarry?" Tumawa pa ang animal. Pakyu.
Inilapag niya yung baril at kinuha ang isang kutsilyong katabi nito.
"Second option, strike them using this kitchen knife directly to their heart. Medyo mahihirapan sila nito but! There's a chance for them to fight for their lives." Napangisi sya nung napag alamang bago ito. "Yan yung advantage. The disadvantage? They will suffer too much pain." nagkibit balikat siya at binitawan ang kutsilyo.
"The last option. Gagamitin mo yung mga taling iyon sa gilid.... And! Guess what, Gill?"
Lumipas muna ang mahigit limang segundo bago ako sumagot.
"I will tie their necks to d-death?" Wala sa sariling sabi ko.
"Yes! And I think this is the best and most exciting for you. It will take time for you to put those in their neck and hang it above. In this case, they have a chance to---"
"Escape from death." Putol ko sa sasabihin pa nya. "But, I won't take any of them. Uuwi na talaga ako." Maglalakad na sana ako palabas nang magsalita siya. Dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
"You can't escape this exam, Gill. It's either you fight for this exam or die with your father."
W-what? Daddy?
"Si daddy? N-nasaan si daddy?"
As if on cue, biglang bumukas ang pinto nitong kwarto.
"Daddy!" Sigaw ko nang makitang pumasok si daddy na may kasamang dalawang armadong lalaki.
"Gill, it's time to pick. The life of your father and yours or the life of those four man who is more than willing to fight for their lives?" Mahinang bulong niya.
Hindi ko magawang magsalita. Ayokong pumili.
"Come on, Gill. Pick already. Are you going to fight and kill or save them and die with your father?"
Nanatili akong tahimik. Oh gosh! Ang hirap maging demonyo!!
Narinig ko syang bumuntong hininga.
"I think you have chosen the life of those four boys." What? No! "So yeah? Patayi--"
"No!! I'll fight! P-Please, release my father." Sigaw ko.
"Good choice!! Then?"
"The last option. I'll go to the last option."
"Great!" Pumalakpak sya at sumara ang pintuan pagkalabas ni daddy.
"Wait! I have a question." Tinignan lang niya ako kaya nagpatuloy lang ako. "What if hindi ko susundin yung mga napili kong option?"
"Hm? Ah! Wala lang. Babarilin lang naman namin yung daddy mo."
"What the hell?!"
Tumawa sya ng malakas at umupo sa isang single couch. "Your exam starts, now."
Nakita kong kumuha yung apat ng pocket knife at pinaikot ikot iyon ng isa sa kamay niya. Napabuntong hininga nalang ako at itinali ang buhok ko. Inuunat unat ko muna ang katawan ko bago pumwesto.
Fight with me boys. Try to escape this shit.
(end of Flashback)
Peste. Ang arte ko pala kanina. Urgh.
"Good job, Gill! I'm sure your father will be proud of you." narinig kong sabi niya at tumawa.
Proud, proud. Pwe! Maipagmamalaki ba ng matinong ama na nakapatay ang maganda nyang anak na babae? Isip isip din tanda.
"Yeah, whatever. What now?"
"Hm? I think you can go now to the real exam." Sagot niya at naglakad patungo sa pinto nitong building. "And after that, your keys for your dorm room will be given." Dagdag pa niya.
Napahilamos naman ako sa mukha dahil sa inis. Ba't may real exam p---
"WHAT DID YOU SAY?! REAL EXAM?! EH ANO TO?! PEYK LANG?!" sigaw ko nang maregister na sa utak ko ang sinabi niya.
Peste kang matanda ka!!!
Hindi ako pinansin ni Madam Pef at naglakad lang sya palabas na parang walang narinig.
Aba't!
"H-HOY!!" sigaw ko pa pero tuluyan nang nakalabas ang matanda. Great!
Pinatid ko yung kahoy na nasa harapan lang ng paa ko sa sobrang inis.
"Peste!"
Letseng buhay. Nakapatay ako for pete's sake! Tas malaman kong joke joke lang pala ang lahat ng ito? Tae siya! Tae sila!
Nanlulumong tinignan ko ang mga bangkay sa itaas. Nakaramdam naman ako ng konting awa sa kanila. Konti lang naman dahil sinaktan pa din nila akobat pinahirapan.
"Rest in peace mga kuya." Tinititigan ko pa sila isa isa at palihim na pinagdasal ang mga kaluluwa nila.
Ay wow naman, Gillian! At ikaw pa talaga ang nagdasal para sa kanila? Ikaw na mismong pumatay sa kanila.
Pero basta!
"Pahinga lang kayo jan mga kuya. Hayaan niyo, ipapahanap ko ang mga pamilya nyo at tutulungan ko sila para naman makabawi naman ako sa inyo. Sana naman maging masaya kayo sa after life nyo."
"Who the heck will be happy after their death if their bodies are still up there, huh?"
Tama naman. Napatango tango pa ako bago nanlaki nag mga mata ko.
"Ay pesteng yawa ka!!" Napasigaw ako sa gulat ng malamang may kasama pala akong buhay dito.
"What's yawa?" Tanong pa nung may lalaking boses.
Linibot ko naman ang paningin ko at nakita ang isang gwapong lalaki na may ash gray na mga buhok tas matangkad. May black din sya na mga mata na bumagay talaga sa kaniya.
Hm? Pamilyar ka sakin pogi.
"Staring is rude." Sabi ng lalaki na nakapagbalik sakin sa realidad. Napakurap kurap ako.
"A-Ah ano nga ulit yung tanong mo?" Sheeettt napatitig ba ako sa kaniya ng matagal?
"You said yawa. What's yawa?" Tanong niya dahilan upang mapatawa ako. Sus yun lang naman pala.
"Kayo. Yawa." simpleng sagot ko at kinuha ang lubid nung isa sa mga binitay ko. Unti unti ko siyang binaba at sinunod yung isa.
"Kami? You mean, us? Students?" Tila naguguluhang tanong pa nung lalaki.
"Sort of." Sagot ko naman at binaba ang pang ikatlong lalaki. Nilapitan ko yung isa pa. "Pero mga estudyante lang dito sa university at yung babaeng gurang kanina na kasama ko dito." dugtong ko pa at ngisi ngising binaba ang huling lalaki. Tumingin ako sa kausap ko at nakitang nilapitan niya yung isa sa mga lalaki na pinatay ko.
"I still don't get you but what are you going to do with these bodies?" Tanong niya at tumingin sakin. Psh!
"Edi ililibing ko! Ano pa ba ang ibang pwedeng gawin jan sa mga bangkay?" Tanong ko pa at nilapitan yung isang bangkay.
"I don't know. Usually, they won't do anything to dead bodies. They will just let them be the food of the rats." Kibit balikat na sagot niya at naglakad palapit sakin.
"Wait, what? Rats?! Ohmyghad! I'm lucky I've never seen rats here. Geez!" natawa naman yung lalaki sa naging reaction ko. I hate rats. They are dirty animals who ate dirty foods. Grr.
"Let me help you." alok niya nang makalapit sakin. Tango lang ang naisagot ko sa kaniya at hinawakan ang isang kamay nung bangkay.
"Dun ka sa isa." Sumunod naman sya. Nagbilang muna ako ng tatlo bago namin sabay hinila yung bangkay papunta sa isang pinto patungo sa likod nitong building.
Napag alaman ko kasing kakahuyan na itong likod nung naghahanap ako kanina ng mapaglalagyan ng mga naunang bangkay. Remember? Yung mga nabubulok na?
Ayaw ko kasing makipag away na nasa paligid namin ang ibang bangkay.
"By the way," panimula ko nang natapos na kami sa paghila ng apat na bangkay papunta rito sa kakahuyan. "Kanina pa tayo nag kukwentuhan, pero di pa natin alam ang pangalan ng isa't-isa. Ako nga pala si---" naputol ang pagpapakilala ko ng sya na ang nagdugtong.
"You're Gillian Hesley Anderson. 17 years of age. A transferee from St. Angelo Academy, Bernadette High School, San Antonio University, Science High, etcetera. You are 5'10 feet high and 49 kg in weight. Anything else?" Ngumiti sya ng malapad matapos banggitin ang lahat ng iyon. Napanganga nalang ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.
Totoo lahat iyon!
How the heck did he know my name? Tapos yung edad ko pa! Yung pinanggalingang schools ko. Tapos-tapos--waaahhh! Famous ba ako? The last time I check, hindi! Lalo na sa lugar na 'to.
"P-pa-ughh! Paano mo nalaman ang pangalan ko? At y-yung iba pa! Pati ba naman weight ko? Tsh!"
"You know, Ms. Anderson. To survive in this kind of place, specifically, school. Kilalalin mo dapat kung sino sino ang mga nakakausap mo. You wouldn't know what person you are talking to." Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?
Nakita kong may dinukot syang kutsilyo sa kung saan mang bahagi ng katawan nya at inatake ako!
"Shit!" Mabilis akong nakaiwas kaya daplis lang ang tama ko. Damn!
Is he trying to kill me?
"You are fast." Komento niya. Tinignan ko lang sya ng masama. Natawa pa ang walangya at inatake ulit ako.
Ang bilis niya! Kung hindi ako nagdaan sa proper training noon baka kanina pa ako sumusuka ng dugo dito!
Atake lang sya ng atake. Hindi pa ako nakakapagpahinga mula kanina kaya naman nang muli niyang subukang atakihin ang leeg ko ay hindi na ako nakaiwas.
Napapikit nalang ako at hinintay na maghapdi ang magiging sugat ko. Ilang segundo pa ang lumipas ngunit wala pa rin akong maramdamang hapdi. Kaya naman iminulat ko na ang mga mata ko at una kong nakita ang nakangisi nyang mukha bago ang matulis na pocket knife na nakatutok sa leeg ko. Konting maling galaw lang naming dalawa ay mababaon na sa leeg ko ang kutsilyo.
"Wow. I expected that my game will end minutes ago. I think, you are more stronger than he knows." sabi pa niya bago binawi ang kutsilyo. He? Sinong he?
Instead asking him that, sinarili ko nalang. Baka may mangyari nanaman sakin pag magtanong pa ako. Psh!
Sinimaan ko lang sya ng tingin at iniwan dun na parang tangang ngumingiti mag-isa.
Baliw ata yun.
"Why left me? You can't just dump someone who helped you."
Inis ko syang nilingunan. "Tinulungan mo nga ako. Pero muntik mo naman ako napatay." He just laugh. Whatever.
Hindi ko lang sya pinansin at binuksan ang pintuan sa exam room. I mean, the front door. Nakapasok na kasi kami sa back door.
"It was just a joke." Napatigil ako sa pagbubukas dahil nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Anong sabi niya?!
"A joke?! Iba ba ang diksyunaryong nabasa mo noon at iba ang kahulugan mo sa joke?"
"You're cute." Natigilan na naman ako.
Ano daw? "H-ha? Nagdrudrugs ka ba?"
"Pft. And funny too." Sabi niya at natawa. Naloko na.
"Ginagago mo ba ako?"
"What? No!" Tsh!
Lumabas na ako sa building bago ko pa mapatay sa inis ang isang iyon. Saan ba ako dapat dadaan? May dalawang ways dito.
Naman oh! I'm not good on directions!! May kasama naman kasi ako papunta dito. Si Charles.
Isa pa yung lalaking yun. Nakakastress!!
"Oh, bat nakatayo ka lang jan?"
"Paki mo?" Mataray na sagot ko.
"Okay. Una na nako sayo. Ihahatid ko lang tong mga bagahe mo. See you."
Naglakad na sya sa left side. Tinitigan ko lang sya at napagtantong, dala dala niya nga yung mga bagahe ko!
"Hoy! Lalake! Hintay!!"
Hindi sya tumigil sa paglalakad kaya naman tinakbo ko ang pagitan namin. Nang makalapit ay hinatak ko ang braso nya at doon kinuha ang bag kong may laptop.
Gill's PoV
"Oh, akala ko ba plano mong doon na magpasko?" Sabi niya pero di parin sya tumigil sa paglalakad. Sumunod lang ako sa kaniya.
"May sinabi ba akong ganon?"
"Wala."
"Wala naman pala eh." nginisihan ko nalang siya.
Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad hanggang sa nasa tapat na kami ng tinatawag niyang Zullivan Demon's House.
"Ang laki nito. Mas malaki pa 'to sa bahay namin." Mas bagay pa dito ang pangalan na Zullivan Demon's Mansion.
"Wala lang 'to sa Dorm namin."
"Mas malaki yung sa inyu?"
"Doble ng laki nito." What? Edi parang palasyo na?
"Ang unfair naman!"
"Doble din kasi ang dami namin. Bihira lang kaya na magka estudyante na babae dito. For the past 3 years pa yung huling mga babaeng napunta sa tribe na ito. Sampu sila nun, pero apat lang ang nakasurvive." Sabi niya.
"Ilan ba kayo lahat dun?"
"29 students, including me." Nagulat naman ako.
"So, mga less than 15 kami lahat?" Napaisip naman sya.
"No. 17, I think? 18 kapag kasama kana. Tara na. Nangangawit na ako dito. Bigat din ng nga bagahe mo ano? Tsh."
Tumawa lang ako. At nagsimulang maglakad papasok.
"Teka, anong room number mo pala?"
Nagplay naman sa utak ko ang sinabi ni Madame Pef kanina.
["Hm? I think you can go now to the real exam."]
["And after that, your keys for your dorm room will be given."]
Processing.... Processing.... Processing.... Processing....
Napatakip ako sa bibig ko.
Oh!
Em!
Ji!!!!
"Kyaa~ May last exam pa pala ako!"
"Oh ano pa ang tinatayo tayo mo dyan? Alis na!"
"Pero, saan ba yun?"
"Pft. Lakarin mo lang ang daan sa likod ko. Makikita mo kaagad yun sa left side. May malaking sign naman na Written Examination Room."
Ohkay? I hope di nakakaligaw yun.
Tumango ako sa kaniya at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon na tinuro niya. Di nagtagal nakita ko na naman yun.
Pagpasok ko may sumalubong agad sa 'kin na isang lalaking mukhang nasa late twenties na.
"Good afternoon, Sir. I'm Gillian Anderson."
"Oh, hi Ms. Anderson. I've been waiting for you. Come and sit." Umupo naman ako sa isang upuan na may katapat na lamesa.
"Here is your exam paper. You can start answering now."
May inilapag syang limang pirasong long size bondpaper na may lamang mga tanong. Dami ah? Tsh. Ang liliit pa ng mga printed letters.
Sinimulan ko nang magsagot. Easy.
Ilang beses ko nang pinag aralan 'to. Kahit naman kasi basag ulo akong babae. Hilig ko namang mag aral at magbasa kaya naman, may alam naman ako kahit papano sa mga normal lessons. Kahit may pagkaweird naman kasi itong school na 'to, para namang sa mga normal schools ang mga exams dito.
English... Done!
Science... Done!
Math....... Done!
History... Done!
Filipino.. Done!
Kinuha nung lalaki - na napag alaman kong si Sir William, english teacher - ang test papers at may ibinigay na isang form. Sinagutan ko lahat iyon.
"This is your Dorm keys. One of these is for your room and the the other one is for the main door." Sabi niya at ibinagay sa 'kin ang mga susi na may nakasabit na golden oval shaped at may nakaukit na codes.
ZDH SR7 - 255
"Para saan to, Sir William?" Tanong ko.
"I don't really know, Ms. Anderson. You can ask someone who are in Demon House. I'm sure they know about that."
"Okay." Sabi ko at nagpaalam na aalis.
Wala ng araw ng makalabas ako sa room. Pero kampante pa rin akong naglalakad pabalik dahil madami namang post lights na nakahilera sa gilid-gilid.
Nagsimula na akong maglakad nang may nakalimutan ako.
Saan nga ba ako dadaan?
Peste naman oh!! Sa susunod maglalagay na talaga ako ng mga signs sa mga dadaanan ko.
Busy ako sa pag alala kung saan nga ba ako dumaan kanina nang may kumalabit sa 'kin. Napatalon ako sa gulat at bigla kong hinampas ng bag ko yung taong gumulat sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya.
"Charles! Isa kang malaking pakshit! Ba't mo ko iniwan dun? Ha?! Gago ka! Alam mo bang nakakabaliw kasama ang matandang babaeng yun?"sigaw ko sa kaniya at mas hinampas sya ng bag ko.
"Woah. Chill lang! Pasensya na. Pft." Natatawang sabi niya at sinasalag ang mga hampas ko.
"At nakuha mo pang tumawa ha? Bwisit ka!"
"Haha sorry sorry. Pft. Ba't ba inis na inis ka? Wala namang nangyaring masama sayo diba?"
"Anong wala? Alam mo bang muntik na akong mabaliw sa madam Pef na yun? Apat pa yung nakalaban ko!! Buti nalang nakayanan ko sila!!" Reklamo ko at hinampas ulit siya.
"T-teka! Teka nga!!! Apat? Apat na maskuladong lalaki? Atsaka bat ang tigas niyang pinagpapalo mo sakin?"
Matigas? Kinapa ko naman itong bag na dala dala ko. At nanlaki nanaman ang mga mata ko.
"Ohmygod ohmygod! Yung laptop ko!!! Bag ko pala 'to ng laptop ko!!" Sabi ko at chineck ang laptop ko kung hindi paba sira.
"Pft. Kitams? Naghihysterical ka pa dyan. Pero apat nga?"
"Apat nga!! Apat hindi tatlo hindi lima! APAT! Tsh!" Tumahimik na sya sa sinabi ko at umalis nalang bigla.
Psh! Bahala ka dyan.
Gumagana pa ang laptop pero sira na yung screen. May parte na black nalang yung kita at puti. Pero sa kabilang gilid naman okay pa.
Ipapaayos ko nalang 'tong screen bukas. Baka pede pang palitan ang screen. Bumuntong hininga nalang ako at ipinasok ulit ang laptop ko pabalik sa bag.
Importante pa naman ang mga laman nun..
Magpapatuloy na sana ako sa pag iisip kung saan ako dadaan. Nang makita kong papalapit sa'kin ang isang lalaking may dala-dalang maleta na sa tingin ko'y akin. Hala! Patay! Mukhang sesermonan ako nito sa tagal ko.
"Nalimutan ko kung saan ang daan pabalik." Sabi ko sa kaniya nung matapos na akong sermonan.
Di naman kami close. Di ko nga sya kilala pero hinayaan ko lang syang sermonan ako. Sya naman ang nagdala ng maleta ko kaya okay lang. Naghintay pa.
Matapos ang ilang sandali, nakabalik na kami sa dorm na titirhan ko ng mga ilang buwan. Umalis na rin yung lalaki dahil marami pa syang dapat gawin at tapos na daw yung trabaho niya sa'kin.
Nalilito nga ako sa kaniya. Trabaho daw. Gago. Employee ko ata sya ng di ko alam.
Pagpasok ko sa dorm. Akala ko tapos na ang kaweirduhan na nangyayari sa'kin ngayong araw. Pero mukhang may hahabol pa ata. Kasi naman eh, may party palang nagaganap sa loob ng dorm namin.
Natigil ako sa pagrereklamo sa pagiging 'weird day' ngayon nang may nagsalita. Isang babae na nasa late thirties na ata.
Puro naman babae ang andito.
"Good evening my beautiful ladies!" Panimula niya. Nag good evening din naman ang iba. "Nagtipon tipon tayong lahat dito dahil mahigit tatlong taon, muli nanaman tayong nadagdagan. A young and beautiful lady, like all of you, and also a smart one. She defeated the four strongest men of the Alcadia and passed the entrance exam." Sabi pa niya at tumingin sa akin. Napa-woah naman silang lahat at napatingin din sa'kin. Naguguluhan ko silang tinignan.
"That's why, she will be on our clan." May nagiya sa'king isang babae papuntang harapan katabi nung nagsasalita. "Teka, teka lang! Yung maleta ko. B-bakit---"
"Just keep quiet, dear and go with the flow." Sabi nung babae. Kahit naguguluhan parin, sinakyan ko nalang ang trip nila. Just to get over with this weird day.
"Gillian Hesley Anderson. A new member of Zullivan Demon Squad." Sabi nung nagsasalita. Pumalakpak silang lahat at kaniya kaniyang kuhang baso na may red wine.
May nagbigay din ng wine sa'kin. Welcome party ata 'to para sa bagong myembro nila na si ako.
Itinaas nila ang mga baso nila. Okay? Itataas ko rin ba yung sa'kin? Magtataas na sana ako nang nagsalita silang lahat.
A few words from them that made my confusion turn into excitement. I smirked.
"Welcome new demon."

Bình Luận Sách (491)

  • avatar
    Kristel Tuando

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    mahilig siya gumawa ng stories kaso mahilig din siyang mamitin😟🤣 completed na pero prank lang 😁😂🤣✌

    21/05

      0
  • avatar
    Mary Jane Villamayor Intig

    701 1

    27/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất