logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

chapter 20 : AN AFTERNOON WITH "DEATH GOD"

Gill's PoV
.
****FLASHBACK****
.
.
Ilang araw na ang lumipas nang naghiwalay kami ng landas ni Kamatayan. Wala sakin si Ashie, yung rabbit na ileletchon sana ni Kamatayan, dahil naiwan ko sa kaniya! Jusme!Baka durog na yun sa tiyan ni Kamatayan ngayon!
Lord, wag naman sana. Kawawa naman yung kuneho.
Nakita ko pa si King kahapon pero hindi ko nilapitan. Kilala ko na kasi ang ugali ng hari na yon. Baka hindi na niya alagaan ang sarili niya at ako nalang yung iintindihin niya. Matalino at maparaan ang best friend kong yon pero minsan din may pagka-selfless! Kaya mas mabuting hayaan ko nalang siyang mag-isa. Ayoko ding pabigat sa kaniya no!
Bukod naman kay King, nakasalubong ko si East. Bored na bored daw siya sa laro dahil maaga daw niyang nakuha yung ID ng target niya. Sinamahan ko siya ng mga ilang oras pero humiwalay din ako sa kaniya kasi pareho kaming malas!
Panong malas?
Una, lahat na sa tingin namin ay pwedeng kainin ay hindi pala talaga pwede! Poisoned sila! Buti nalang talaga at si East ang pinauna kong kumain nung mushroom kaya siya lang ang sumuka ng sumuka.
Dalawa, habang naglalakad kami, may nakita kaming toro! Hindi sana kami makikita non, kaso bigla ba namang may nahulog na ahas sa puno! Kaya ayun, napasigaw ako at dahil siguro nabigla yung toro, hinabol kami.
Bakit naman kasi ang daming ahas sa gubat na 'to?! At nasa puno pa talaga nanggaling ha!
Bukod sa wala pa kaming nakain, muntik pa kaming mamatay sa toro. Hindi namin alam kung sino ang malas saming dalawa kaya naman, naghiwalay na kami ng landas baka magsisihan lang kami don.
Pero baka ako talaga yung malas. Bukod sa ilang araw na akong walang kain, binabaril pa ako ng isang sniper!
Hindi ko alam kung anong mali ang ginawa ko sa taong ito at sinusubukan akong patayin ngayon!
Naalala ko, naiwan ko pala yung sniper na baril don sa babaeng nakalaban ko nung inatake kami ni Kamatayan ni Finral. Baka siya 'to at naghihiganti sakin ngayon.
Edi sana pala binaril ko na siya noon!
"Fvck!" Mura ko nang muntik na akong tamaan. Hindi naman sa winiwish ko na matamaan ako ah pero hindi niya ako natatamaan.
Dalawa lang yung dahilan. Baka hindi lang talaga siya marunong gumamit ng sniper dahil hindi din naman niya kami natamaan noon o baka hindi lang talaga siya makatama dahil sa mga puno na nakaharang sakin. Tumatakbo pa ako sa iba't-ibang direksyon.
Pero kahit ano pang dahilan niya, nakatadhana na ata sakin na maging malas sa araw na 'to.
May nahulog na namang ahas sa may unahan ko kaya napatigil ako sa pagtakbo at napaatras. I was stunned for seconds dahil takot talaga ako sa ahas kaya naman nagka-oras yung sniper at natamaan ako sa balikat.
Ramdam na ramdam ko yung pagkatama ng bala sa braso ko at ramdam na ramdam ko rin ang hapdi at sakit ng pagkabaon nito sa kalamnan ko. Bumagsak ako sa lupa.
I want to scream out of pain lalo na nung aksidente kong naigalaw yung braso ko. Tiniis ko ang sakit at hindi na sumigaw dahil baka matakot ko yung ahas na nasa unahan ko pa at tuklawin pa ako.
My little trauma about the snakes slowly fades when the snake just ignored me and crawls away.
Good grief!
Tumayo ako habang tinatabunan ko ng hinubad kong vest yung sugat ko para hindi ako magsayang ng dugo. Agad akong umalis sa lugar na iyon nang may narinig akong mga yapak papalapit sa kinakaroroonan ko.
Siguradong yung sniper yun.
Ilang taon na nga ba ako? 18? Kakadebut ko lang at ang bata ko pa para maranasan yung ganito! Daig ko pa ata yung kriminal na inambush ng mga pulis.
Pero kinuha ko na ata lahat ng kamalasan ng mga kasama ko. Tas may kasalanan ata ako sa demonyo kaya naman gusto na niya akong makuha ng maaga.
I gritted my teeth habang hinahanda ko ang sarili ko sa pagbagsak ko sa isang bangin na hindi ko namalayan.
At sa ikalawang pagkakataon, naumpog nanaman ang ulo ko sa bato at nawalan ng malay.
.
.
****END OF FLASHBACK****
Gill's PoV
"And then? How did you survive with the fall??" Seryosong tanong ni Heaven sakin habang kumakain kami sa cafeteria kasama sina Mandy. Kasalukuyan ko silang kinukwentuhan tungkol sa mga nangyari noong tournament.
"Hm. Di din ako sure. Basta ang naaalala ko lang, nagising nalang ako dahil sumasakit ng todo yung sugat ko sa braso." Kwento ko at uminom ng orange juice.
"Oh? Nagkukwentuhan pa rin kayo? Kanina pa yang umaga ah?" Sabi ni Nicole na kauupo lang sa lamesa namin kasama si Quin. "By the way, pasali hehe."
Napailing-iling si Quin bago tumayo at nagpaalam na bibili lang ng pagkain.
Kinwento ko na din yung pagkaligaw ko muna bago ako nakarating sa Fake Campus. Akala ko nga, tatawa sila. But instead, they were worried on how did I survive in those 2 days I was unconscious at naghirap pa bago nakabalik.
I just smiled at them dahil hindi ko din maexplain sa kanila kung paano ako nabuhay. My mind was fuzzy when I woke up at ang pinakaimportante lang sakin nun ay makabalik at ininda na ang mga sugat. There is also another reason on why I was eager to comeback.
Nung nawalan ako ng ulirat, I dreamed again about my past. This time, mas klaro na sakin ang mga pangyayari.
Lalo na yung gabing namatay si mommy sa harapan ko. Those damned bastards.
"Gill! Bakit nakatunganga ka lang jan? Tara na! Nagring na yung bell." pukaw ni Heaven sakin.
"Ha? Oh. Right." Halatang wala sa sarili kong sabi at kinuha yung bag ko at umalis.
"Oo nga pala. Masakit pa ba?" maya-maya'y tanong ni Mands sakin na ang tinutukoy ay yung tama ng baril habang naglalakad papunta sa classroom. Pumunta na din sa college building sina Nicole at Quin kaya kami-kami na naman ulit.
Halos dalawang linggo na rin ang lumipas mula nung nangyari ang tournament. At kakabalik ko lang sa klase ngayong hapon dahil ayaw akong payagan nina Mandy noon na pumasok kahit kaya ko naman kasi sa balikat lang naman ako tinamaan at hindi sa paa o kaya naman sa tiyan para hindi ako makagalaw ng maayos-ayos.
"Okay na. Hindi na masyadong masakit." sabi ko at ginagalaw-galaw yung braso kong nakacast.
"Ay naku! Wag kayong maniwala diyan. Narinig ko yan kanina lang umaga bago ako umalis ng bahay, nagrereklamo kesyo masakit raw yung sugat. Sinungaling." Biglang sabat ni Nicole na bigla ding sumulpot mula sa kung saan. Tinignan namin siya na parang kinukwestiyon ang presensya niya dito sa high school building. "Naalala ko kasi na makikipagkita pa pala ako kay Sir Dan. See you sa bahay nalang!" Sabi pa niya at nauna nang naglakad. Lumiko pa siya para umakyat papuntang 3rd floor kung saan nandun ang faculty room.
"Tingin niyo? Isa na naman ba si Sir Dan sa mga teacher dito sa university na nahumaling kay Nic?" Tanong ni Hevs maya-maya.
Kumunot ang noo ko. "Nahumaling?"
"Ay hindi mo pala knows, no?" Lumapit siya sakin. "Alam mo ba? Lagpas limang professor na yung nagpapakita ng interes kay Nic. I don't know when it started pero nagulat nalang kami, si Nic, bigla nalang naging top sa isang subject niya." Kwento ni Heaven.
"Paraan pala yun para makuha niya si Nic." Bumuntong-hininga si Mandy at tumigil sa paglalakad. Nasa tapat na kami ng classroom niya. Sumilip ako saglit at nakita ang mga kaklase ni Nicole na puro mga walang pakialam sa paligid at focus na focus sa mga libro nila.
"Sana all." Bulong ko.
"Ha? Gusto mo ding may teacher na magkagusto sayo para taasan din yung grado mo, Gill?" Tanong bigla ni Hevs sakin na narinig pala yung binubulong ko. Nakangiti siya na parang natatawa dahil sa ideyang iyon.
Agad akong umiling. "Hindi no. Tignan mo nalang kasi." Sabi ko at tinuro yung loob ng classroom ni Mandy. Tumingin naman silang dalawa sa loob.
Napasimangot si Heaven nang magets yung ipinupunto ko habang napangiwi naman si Mands.
"Ngayon lang yan ganito kasi exam na bukas." Sabi ni Mandy.
Kung hindi rin naman kasi pisikal na sakitan ang makikita mo sa eskwalahang ito, mental suffering naman sa dami ng schoolworks.
Napairap ako sa naisip. Lalo na ako. Madalas na wala sa klase kaya tambak na ng mga assignments.
Hindi din kami nagtagal doon ni Hevs dahil dumating na din yung teacher nina Mandy ngayon. Umalis na din kami agad at nagpaalam kay Mandy na magkita nalang ulit mamayang uwian.
Habang naglalakad kami hi Heaven papuntang classroom na talaga namin, hindi ko maiwasang hindi mapansin na halos pareho lang din sa mga normal na eskwelahan ang Demon University. May mga klaseng sobrang boring at mga estudyanteng nag-uusap tungkol sa kung anong gagawin mamaya pagkatapos ng klase habang naglalakad sa hallway. Normal lang naman talaga. Kung hindi lang sa bulgar na pangalan ng university tsaka sa katotohanang halos araw-araw kaming mag-aalala sa mga buhay namin.
Hindi na ako nagulat nang madatnan naming nagkagulo na naman sa classroom namin. Ang kaibahan lang, hindi dahil sa mga estudyante nagrarambulan kaya magulo kundi dahil may kung anong artistang bagong salta sa section namin nag dumating at pinalilibutan ng mga estudyanteng kaklase ko at mga estudyanteng ngayon ko lang nakita. Malamang siguro galing sa ibang section.
Gill's PoV
Hindi ko sila pinansin at umupo na lang sa upuan ko na nasa unahan. Nasa may gitnang bahagi ang kumpulan kung saan nakaupo si Evalyn, na classmate ko na ngayon, katabi si Kamatayan na nagbabasa ng libro habang nakareading glasses niya at walang pakialam sa paligid.
"Really? Ex mo si Chester?!" Rinig ko pang tanong ng classmate ko.
"Yeah. I was really disappointed when we broke up but I know, it is not too late to get back together again, do we?" Sagot naman ni Evalyn. Umagree naman yung iba pa sa sinagot ng bruha.
Munting na akong napairap sa narinig. Sinuot ko nalang yung headset ko para hindi ko na sila madinig pa at binuklat yung libro ko at notebook para gumawa ng isa sa sampu kong tambak na schoolwork.
Ilang araw din akong hindi pumasok dahil dun sa bwiset na tournament kaya naman eto ang napala ko. Hindi naman kasi kami exempted sa klase.
Hindi nagtagal, dumating na din yung tecaher namin sa History. As usual, nagbigay lang siya ng gawain at isang project tsaka nagmamadaling lumabas imbis na paalalahanan kami at ireview para sa darating na exam bukas.
Napabuntong-hininga ako. Kahit naman kasi tamad akong mag-aral, gusto ko pa ding magtapos ng highschool ng may natutunan, noh.
Napaangat ako tingin sa lalaking tumigil sa harapan mula sa pagsagot sa ibinigay na activity ng history teacher namin. Pero agad din akong bumalik sa ginagawa ko nang makitang si Kamatayan iyon na nakataas ang kilay sakin.
"Anong problema mo sakin?" Tanong ko nang hindi siya tinitignan.
"Why are you here?" Tanong din niya.
Napaangat ako ng tingin at tinaasan siya ng kilay. Nakaglasses pa din siya hanggang ngayon kaya medyo naninibago ako sa mukha niya dahilan upang hindi ko din siya matignan ng matagal. "Bawal na ba ako rito?" Tanong ko din pabalik na binalik na din ang tingin sa notebook ko. Hindi niya ako sinagot.
Akala ko aalis na siya pero napasigaw nalang ako nang bigla niyang pinisil yung braso kong may sugat.
"Ah-aray! Kamatayan, bwiset ka!" Sigaw ko sa sakit dahil sa pisil niya at napatayo. Sinipa ko siya pero nasalag niya iyon.
Sa inis, ginamit ko ang isang kamay kong hindi nakacast at sinapak siya. Hindi niya inaasahang gagawin ko iyon kaya natamaan siya sa pisnge.
Serves him right!
"Wow. Nakacast na't lahat-lahat, nakasapak ka pa rin?" Sarkastikong aniya habang hinawakan yung pisnge niyang sinuntok ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakita ko pa sa gilid ko si Heaven na nakatingin lang samin at parang nanonood lang ng sine. "Bakit mo 'to pinapasok?" Baling niya kay Heaven.
Nakita kong napailing siya. "Hindi! I didn't let her. Nagulat lang nga ako nang bigla siyang sumulpot sa cafeteria kanina habang nag-oorder kami. I guess, she's bored at the house." Kibit-balikat na sagot ni Hevs. "Cousin, just let her be. Hindi mo naman 'to gawain. Why are you so worried?" Dagdag na tanong ni Hevs na tinaasan pa ng kilay si Kamatayan.
"I am not worried." Tanggi ni Kamatayan na agad kong inangalan.
"Wow ha? Kahit man lang konti?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"I am not worried." Diin niya. Napanganga ako, muntik nang mapasinghal.
Grabe! Di ko naman kailangang yung pag-aalala niya pero hindi ako makapaniwalang wala talaga siyang pakialam sakin!
"Wala ka ba talagang pakialam sa mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Sinong may sabing kaibigan kita?" Sabi niya na tuluyan nang nagpasinghal sakin. Nakita ko din sa gilid ng mga mata ko ang pagkanganga ni Hevs.
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya at kukwestyonin sana ang pagtatanggi ng pagkakaibigan namin nang biglang dumating si Evalyn at kumapit kaagad siya sa braso ni Kamatayan. Nagalaw pa yung upuan ko dahil sa biglang pagdating niya dahilan upang maglaglagan yung mga gamit kong nakapatong sa desk ko.
Huminga ako ng malalim para pigilan yung inis kong umaapaw nang hindi man lang siya nagsorry.
Relax, Gill. Huwag mong patulan ang mga asal-bata.
"Chester, I'm hungry. Hindi kasi ako kumain kanina kasi di ko mahanap yung cafeteria. Accompany me to there, please?" Rinig kong malambing na pakiusap ni Evalyn habang kinukuha ko yung notebook, ballpen tsaka yung libro kong nalaglag.
Hindi ko alam kung bakit pero ayoko talaga sa boses ng babaeng 'to. Nakaka-init ng ulo.
Bumuntong-hininga si Kamatayan. "I already told you the exact directions earlier." Simpleng sabi ni Kamatayan.
"I got lost. I can't believe this campus is so big."
"Pwede ka namang magtanong-tanong. Sigurado naman ako na lahat ng estudyante dito ay alam kung saan yung cafeteria." Sabat ko habang inilalagay pabalik yung mga gamit ko sa desk ko.
"Bakit ikaw hindi?" Tanong ni Kamatayan. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin yung mukha niyang nakangisi. Narinig kong napaubo naman si Hevs, pinipigilan yung tawa niya.
Magsasalita sana ako para sigawan si Kamatayan nang biglang pumagitna samin si Evalyn, nakaharap sakin yung likod niya. Umirap ako ng palihim at umupo na lamang sa desk ko habang nag-uusap sila sa harapan. Kinukulit ni Evalyn si Kamatayan.
Sumasakit talaga yung ulo ko sa boses ng babaeng 'to. Bwiset!
Gill's PoV
Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy sa pagsagot. Ngunit mas lalong sumakit yung ulo ko nang wala akong maintindihan sa ibinigay na activity.
Walangya.
"Come on! You like steak, right? My treat!"
"I'm full Eva at marami pa akong gagawin. Let your new friends accompany you."
"But---"
Napatigil ako sa pagbabasa ng lesson namin nang may kamay na humarang sa libro ko.
"Come with me. May inutos na naman si Marquez." Sabi ni Kamatayan na ang tinutukoy ay si Felix.
Kumunot ang noo ko. "Kasama ako?" Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text ba si Felix. "Wala naman siyang sinabi ah?"
Kadalasan kasi, diretsong tinetext niya ako pag may ipapagawa siya sakin.
"I volunteer to come with you, Chester. Mukhang ayaw naman niyang sumama and she still got a pile of works to do. So, let's go?" Sabat ni Evalyn na ikinataas ko ng kilay.
Bakit ba gusto niyang sumama kay Kamatayan? Gusto ba niyang mamatay ng maaga?
"You are not a member of student council, Eva. And I thought you are hungry?" Biglang tinuro ni kamatayan yung bagong dating. "You. Kaibigan mo si Eva diba? Samahan mo siya sa cafeteria." Utos niya bigla na ikinagulat naman ng bagong dating na babae.
"Huh? Ako? Oh. Sure!"
Nakita ko ang pagtutol sa mga mata ni Eva at magrereklamo na sana nang masigla siyang hinila ng babae palabas. Tinaasan ko ng kilay si Kamatayan nang napabuga siya ng hangin na parang nakahinga ng maluwag. Ngunit sumalubong na iyon nang tumalikod siya sakin at bumalik sa upuan niya.
Huh? Diba may gagawin pa daw kami?
Sinundan ko siya at tumayo sa harapan niya. "Anyare sa lakad natin?" Tanong ko sa kaniya.
Nagsuot ulit siya ng glasses at binuksan yung libro niya. "Forget about it."
What? So ano yun? Charot charot lang?
Muntik ko na siyang irapan bago ako naglakad pabalik sa upuan ko.
"Pwede naman kasing diretsuhin siya na ayaw mong sumama sa kaniya. Kailangan pa bang gamitin ako?" Bulong ko sa sarili ko nang makaupo sa upuan ko.
Malamang sa malamang kasi, sinabi niya lang yun na may inutos 'daw' si Felix samin para takasan si Evalyn na parang tuko kung makadikit sa kaniya. Kung hindi lang siya maganda baka napagkamalan ko na siyang kalahi ng butiki.
Ayaw ko sa kaniya, oo, pero hindi naman ako bulag para hindi makita ang kagandahan niyang namali ata ng bigay ng Diyos.
Napabuntong-hininga ako dahil sa naisip ko bago ko kinuha ang cellphone kong tumunog. It was Felix. Pero nang akmang bubuksan ko na sana ang laman ng text niya, bigla namang sumulpot si Kamatayan. Bored ang mukha at nakaglasses pa din.
Kidding aside. Hindi mo malalaman na gago si Chester kapag suot niya yung glasses niya. Para na talaga siyang vice-president ng student council kung hindi lang siya gagawa ng katarantaduhan.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Ano na naman ba ang kailanga---"
"Felix has something for us to do." Putol niya sa sasabihin ko. "And it's real this time." Dagdag niya bago pa ako makapagreact.
Tinignan ko kaagad ang text ni Felix.
From: Felix
'Go to the office in the University's Palace and sort out the things piled in there with Lacoste. Everyone's busy today except for you two. So, good luck.'
Nasira ang mukha ko sa nabasa. Ngunit mas nasira pa yun nang nakapasok na kaming dalawa sa meeting room namin na naging office na rin.
Napapanganga na lang ako habang nililibot ko ang paningin ko sa loob ng opisina na halos pinuno na ng mga gabundok na mga papel.
"At saan ka naman pupunta?" tanong ko kay Kamatayan habang hinihila ko siya pabalik gamit ang kwelyo ng suot niyang t-shirt na halatang branded nang sinubukan niyang tumakas.
I heard him tsked before removing my hand holding his collar pagkatapos ay sinimulang ayusin ang mga papel na nasa sahig habang mahinang nagmumura.
Napailing-iling na lamang ako at hinayaan siyang magmura dahil maski ako, gusto ding magmura lalo na nang biglang nagbagsakan sa sahig ang mga papel na nagpatong-patong sa mahabang mesa ng meeting room sinubukan kong kumuha ng ilang papel para tignan.
"Great. Just great." Sarkastikong ani ni Kamatayan. "Mapapadali niyan yung trabaho natin." Dagdag pa niya.
Inirapan ko na lang siya at napapabuntong-hiningang umupo sa sahig para isa-isahing tignan at ayusin ang mga nahulog.
Gill's PoV
Sort out kasi sabi ni Felix The Great, hindi simpleng pag-aayos lang. Kaya kakailanganin pa naming basahin ang laman ng mga papel bago ilagay sa mga box na nilagyan na ng label ni Kamatayan.
There are for the students' status such as grades, performance and behaviour; then series of requests and information coming from the leaders of each demon house, teachers' class updates; and some other paper works that the teachers and the school staffs should be the one to deal with.
Tahimik lang kami pareho ni Kamatayan habang nagtatrabaho dahil pareho din naming gustong matapos agad ang trabahong 'to.
Nasa huling bundok na ako ng mga papel ta ganun din si Kamatayan sa side niya nang natigilan ako nang makita ang student overall status ni Kamatayan. Napalingon kaagad ako sa kaniya. Busy siya sa pagbabasa ng kung ano habang nakakunot ang noo.
I'm curious about his stats. Should I peak? Hindi naman siguro siya magagalit. Well, the information inside must be not so important that will lead to his personal life. Personal siya pero hindi naman siguro ganun kapersonal para ikagalit niya, diba?
With that thought, I flipped the plastic folder to open and immediately read his full name and his current age.
Chester I. Lacoste, 17 yrs. old.
The front page was his background. Hindi na ako nagulat nang mabasa kong galing siya sa kabilang campus. Nagduda na ako mula noong naligaw ako sa campus na iyon at nakompirma na yun nang nalaman ko na ex niya si Evalyn The butiki.
Muntik na akong tumawa nang makita ang 2 by 2 na picture niya sa upper right side ng papel. Halata sa mukha ni Kamatayan na ang edad niya noong mga panahong ito ay mga 13 or 14 siguro.
Mukha siyang ewan habang nakabukas ang dalawang butones ng polong suot niya, buhok niyang magulo at porma niyang mala badboy ang datingan pero ang totoo, para lang siyang fvckboy sa kanto na mga feeling gwapo.
Pero gwapo naman talaga siya dito. Hindi ko ipagkakaila yun. Kaya lang hindi naging bagay sa kaniya ang porma niya. Parang jejemon lang.
Napailing-iling ako at tinignan ang sunod na papel sa folder na iyon. It was a form for his grades.
Napairap ako dahil pare-pareho lang ang mga grade niya. Sa lahat ng subjects, kung hindi 80 over 100 ang mga naging scores niya, 85 over 100 naman. Napansin ko na 'to noon eh sa tuwing may long quiz. Akala ko nagkataon lang. Putangina, ang gago, halatang sinadya! Gaano ba katalino ang pesteng ito at kaya niyang imaintain na hindi lalagpas o baba sa 80 at 85 yung mga scores niya?
I tsked and flipped the page once again ang it was the last paper in the folder. Pero bago ko pa yun mabasa lahat, nahablot na yun ng kung sinong nilalang.
At ang nilalang na iyon ay malamang, si Kamatayan.
"Hindi ko alam na interesado ka pala sakin." Nakangising sambit niya.
"Interesado mukha mo! Kapal ng mukha. Hindi pwedeng nacurious lang ako?" Sabi ko sa kaniya.
He sat in front of me. "So, what have you learned about me?" Tanong niya.
"Nalaman ko na mas panget ka pa noon." Nginisihan ko siya. "Jejemon ka ba noon?"
"Alam nating dalawa na gwapo ako." Ibinigay niya pabalik sakin yung folder. "And I wasn't a jejemon. Something happened that day kaya ganito ang naging itsura ko. Unlike someone I know, her early teen pic shows how she loved blue." Sabi niya na nagpakunot sa noo ko.
"Huh? Anong ibig mo-----" napatigil ako sa pagsasalita nang may pinakita siya sakin si Kamatayan na papel. A student overall stats.
And that student is.... me. Wtf?!!
Nanlaki ang mga mata ko at kukunin sana sa kaniya yung papel na tungkol sakin yung laman nang mabilis niya saking inilayo yun!
"Peste ka! Akin na yan!" Sigaw ko sa kaniya at lumapit sa kaniya para hablutin sana yun nang inilayo niya ulit habang pinipigilan akong makalapit sa kamay niyang hawak yung folder.
"Isa, Kamatayan! Papatayin kita." Banta ko sa kaniya at sinubukan ulit yun kunin pero nailayo na naman niya.
"Why are you so mad? Binasa mo din yung sakin, ah?" Nakangising aniya habang pinipigilan pa din niya akong makalapit.
Iba naman kasi yung sakin! Dahil sigurado akong kasama sa laman nun ang mga nangyari sakin mula pagkabata hanggang sa pagkakulong ko dahilan upang ayaw ako tanggapin ng ibang eskwelahan.
I don't want him and others to find what happened that day.
Gill's PoV
"Kamatayan! Peste ka!" Sigaw ko nang tumayo siya at tumakbo palayo sakin habang binabasa niya yung front page.
Front page! Thank God! Dapat hindi siya umabot don sa hulihan!
"Wow. Anong mga pinanggagawa mo at ang haba ng listahan ng mga eskwelahang napasukan mo?" Nakataas ang mga kilay na tanong niya at binasa ang mga pangalan ng mga eskwelahan. "Talaga? Ikaw? Nakapasok sa isang public school?"
Nilapitan ko siya at sinubukan na namang kunin yon. "Bakit? May problema ka ba sa public school?----The fvck?! Ibigay mo na nga yan sakin!" Reklamo ko nang itinaas niya yung braso niya para di ko yun maabot.
"Get it. If you can." Nakangising aniya na halatang minamaliit ang height ko! Mas mataas siya sakin, oo, pero hindi naman ako ganoon kapandak.
"Hinahamon mo ba ako?"
Nagkibit siya ng balikat at ngumisi.
Hinanda ko ang mga braso ko at paa ko habang iniistretch ang leeg ko.
Napakunot siya ng noo nang maintindihan niya ang gagawin ko. "Wait-----Fvck!" Mura niya nang inatake ko siya ng suntok. "Hey! Wala akong sinabing---damn!" Sabi niya habang sinasalag ang mga suntok at sipa ko.
"Just give me that fvcking folder!" Sabi ko sa kaniya at nagpakawala ng suntok patungo sa mukha niya na nasalag na naman niya. Isang kamay lang ang gamit niya panalag dahil hawak pa rin niya yung folder sa isang kamay niya.
"Why? Hindi pa ako tapos magbasa." Sabi niya at natigilan para bang may naisip kaya tumigil din ako. "Are you.... hiding something?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
This quick witted jerk!
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hiding something mukha mo!" Inis kong sabi at sinipa ang tiyan niya ng malakas para kahit masalag man niya ay matutumba pa rin siya sa lakas. At yun nga ang nangyari. Napamura pa siya nnag bumagsak nag likod niya sa sahig.
Bago pa siya makabangon ay dinaganan ko na agad siya at hinawakan ang dalawa niyang braso para itaas iyon. He's strong kaya kinailangan ko pa siyang sampalin para humina ng kaunti ang pagpupumiglas niya.
Serves you right!
Nginisihan ko siya nang hindi na siya makagalaw. Ngunit bago ko pa makuha ang folder na hawak niya ay bigla namang bumukas yung pinto ng office at binulaga niyon sina Wendy, Evan, Felix at Tyler na papasok sana pero natigilan nang makita kami.
Napa-oh si Wendy at napasipol naman si Evan. Habang napakunot naman ng noo si Felix at wala namang reaksiyon si Tyler.
Nagloading pa ang utak ko sa mga naging reaksiyon nila hanggang sa narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kamatayan.
"Babe, you are so aggressive. Hindi ko alam na mas gusto mo pala ang ganitong posisyon." Sabi ni Kamatayan na nagpalaki sa mga mata ko!
Agad akong umalis sa ibabaw niya nang makuha ko na yung folder at nang marealize ko kung gaano kasagwa ang posisyon naming dalawa! It's like I was raping him!
Damn! What an embarrassment! But, wait.
Who does he call babe?! Me?! What the fvcking fvck?

Bình Luận Sách (491)

  • avatar
    Kristel Tuando

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    mahilig siya gumawa ng stories kaso mahilig din siyang mamitin😟🤣 completed na pero prank lang 😁😂🤣✌

    21/05

      0
  • avatar
    Mary Jane Villamayor Intig

    701 1

    27/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất