"Be, san tayo pupunta?" tanong ni Erin habang naglalakad kami sa main hallway ng Santifiego. "Ahm... gusto ko sana kausapin yung head teacher tungkol sa dorm," sagot ko, tahimik pero halata ang kaba. "Anong meron, mabaho ba sa dorm niyo?" biro niya. "Hindi naman... 'di ko pa nalilibot. Pero lalaki kasi ka-dormate ko, diba." Napahinto siya. "Hala! Oo nga pala! Diba dapat hiwalay ang lalaki't babae? Magkaibang building pa nga, 'diba?" "Exactly. Kinakabahan nga ako. Paano kung homophobic pala 'yon? Baka ako pa unang mabugbog." Medyo exaggerated 'yung hirit ko, pero to be honest, parte nun totoo. Hindi mo alam kung sino ang safe dito. Habang lumalakad kami, pinagtanungan na lang namin kung nasaan ang opisina. Hanggang sa narating na namin ito. "Lourde Wernualos," basa ni Erin sa nameplate sa pinto. Kumatok ako. "Come in." Pumasok kami agad. "Hello po, ma'am," bati ko, halos pabulong. "Anong kailangan niyo?" tanong agad ni Ms. Wernualos - mukhang palaging stress, pero hindi naman bastos. "Gusto ko po sana magpalipat ng dorm..." "Bakit, may problema ba sa kuwarto?" "Wala naman po... pero trans po ako. At ang nakadorm ko, lalaki. Baka hindi niya matanggap." Tiningnan niya ako nang diretso. Hindi judgmental, pero practical. "Wala na tayong bakante. At hindi pwedeng basta lumipat. Nasa system na kayo." Hindi ko na pinilit pa. Tumango na lang ako at lumabas na kami ni Erin. ___ Pagbalik ko sa dorm, ilang beses akong huminga nang malalim sa tapat ng pinto. Bahala na. Binuksan ko ito- Pero ang mas nakakagulat ay? Biglang bumukas ang pintuan ng CR. Isang lalaking bagong ligo, naka-tapis lang, pinupunasan ang buhok niya. Tumigil siya. Napatitig sa akin. Kami pareho. "Lucas?" "Riley?" Nagka-freeze frame kami pareho. Shocked. Wala munang gumalaw. "P-paano? Ikaw pala ka-dorm ko?" halos nanginginig ang boses ko. "Anong ginagawa mo rito?" gulat din siya. Huminga ako. "Wait-wait lang. Don't get mad. I'm trans. Hindi ko naman ginusto 'to. Sinubukan ko na pong magpalipat pero walang bakante sabi ng head teacher." Tahimik siya. Nakatingin lang sa akin. "Hindi naman ako delikado, promise. Hindi rin kita guguluhin. Kung pwede lang talaga... tanggapin mo ako. Please?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. At dahil na-realize kong naka-tapis lang siya, napaikot agad ako sabay takip sa mukha. "Sorry!" Tahimik pa rin siya saglit. Then, finally: "Sige na." "Ha? Okay lang sayo?" "Okay lang. Basta huwag kang magtatapon ng makeup sa CR," sabay lakad niya papunta sa kwarto. "Salamat... sobra," bulong ko. Kahit hindi na niya marinig. Later that night. Pagod na pagod ako, kaya habang nagtutupi ng damit, naka-earphones, bigla na lang akong nakatulog. Nagising ako bandang alas-nuebe. Gutom. Paglabas ko ng kwarto, may nakita akong lalaki sa kusina. Si Lucas. Nakatayo, naka-apron lang, walang pang-itaas, may earphones. Nagluluto. Pagharap niya, nagulat din siya. "Gising ka na pala!" sabi niya, sabay tanggal ng earphones. "Oo... sorry, nagutom kasi ako," nahiyang sagot ko. "Adobo 'to. Kain tayo?" alok niya habang nilalagay sa mangkok. "Wag na... nakakahiya naman." "Hindi ka pwedeng tumanggi," sabay abot ng plato. "Sayang kung itatapon ko 'to." Umupo na ako. Kumain kami. Tahimik. Maya-maya, tinanggal niya ang apron. Kita ko ang abs niya - defined. Kalma Riley. Kape lang 'to. "Naiilang ka ba?" tanong niya. "Ha? Hindi-ikaw bahala. Okay lang naman." "Sorry, nasanay lang ako sa bahay na ganito." Pagkatapos, tumambay kami sa sala. Nanood ng TV. Ako, scroll lang ng scroll. Siya, tahimik lang din. ____ Lucas' POV Alam kong delikado. Pero iba si Riley. Noong sinabi niyang trans siya, ni hindi ko naramdaman 'yung dapat na awkward. Wala. Gusto ko pa ngang mas makilala siya. I don't know why. Pero parang gusto ko siyang protektahan. She's soft. Fragile in some ways. Pero may tapang din. At kung may mangyaring masama sa kanya... baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. ____ The Next Day. After Class. Late na akong lumabas nang dorm. Hinayaan ko munang mauna si Lucas dahil may iba siyang schedule. Habang papunta ako sa gate ng building, napansin kong unti-unting nababawasan ang mga estudyanteng kasabay ko - hanggang sa may ilang lalaki ang sumabay sa likod ko, nakangisi. "Uy, ikaw yung bago 'no?" tanong ng isa. Medyo sarkastik ang tono. "Ang lambot mong kumilos, be." Biglang hinarang ng isa ang harap ko. Hindi ko na maalala kung ilang segundo akong nakatayo roon, napapalibutan ng mga upperclassmen na hindi ko kilala - puro patawa, puro "biro" na may halong pananakot. Isa pa nga sa kanila, humarang sa daan ko. "Trans ka raw, diba?" sabi nung isa, pilit tumatawa. "Eh 'di ibig sabihin... pwede ka sa lahat?" Sh't. Panic. Wala si Lucas. Wala si Erin. Hindi ako pwedeng magalit... pero hindi rin ako pwedeng umatras. "Pasensya na, may lakad ako," sabi ko, lakas loob kahit nanginginig na ang boses ko. Bibilisan ko sana ang lakad Halos mapaatras ako. Wala akong masagot. Nagsisikip na ang dibdib ko. "Akala mo siguro safe ka dito, ha?" bulong ng isa. Then, a sharp voice cut through the hallway. "Back off." Lahat sila napalingon. Sa dulo ng hallway, may isang babae - naka-black hoodie, naka-boots kahit mainit, at may hawak na sling bag na parang hindi pang-school. Matangkad. Matapang ang mata. Lumapit siya ng dahan-dahan. Walang sumasagot. Lahat natahimik. Tumigil siya sa tapat ko. "Leave." Hindi siya sumigaw. Pero parang kuryente 'yung utos niya. Unti-unting nagsialisan yung mga lalaki, walang nagreklamo. Parang may pader silang nabangga. Tahimik kaming dalawa. "You're lucky I was watching." Tumingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Kanina lang, takot na takot ako - ngayon, parang safe na ulit. Dahil lang sa kanya. "Th-thank you," sabi ko, mahina. She looked at me, then smiled. First time ko siyang makita ngumiti - hindi masaya, pero totoo. "Safiera," pakilala niya. "Riley." Tumango siya. "I know." Nagulat ako. "Wait... do I know you?" "Not yet," sabay lakad palayo. Pero bago siya tuluyang mawala, lumingon siya ulit. "Gusto mo bang maging kaibigan ko?" Parang napako ang oras. Nagulat ako. "H-ha?" "Friend. Hindi protector. Hindi savior. Just someone who gets it." Dahan-dahan akong tumango. Hindi pa rin ako makapaniwala. "Yeah... I'd like that." She gave a faint smile again. "Good. Kasi kung ayaw mo, weird na 'yung effort ko kanina." Later that night - Dorm Pagpasok ko sa dorm, nandun si Lucas, naka-t-shirt at nagbubukas ng chips habang nanonood ng movie sa laptop. "San ka galing?" tanong niya, nakakunot noo. "Uh... inikot ko lang campus," sagot ko. Tumango lang siya, pero halatang hindi satisfied. "May kasama ka?" "Wala. Although... may nakilala akong bago." Ngumiti siya, pero half smile lang. "Okay lang ba?" tanong ko. "Bakit mo tinatanong?" "Ewan. Parang... hindi ko alam kung safe makipagkaibigan dito." Tumayo siya, uminom ng tubig, tapos bumalik sa couch. "Anong pangalan?" "Safiera." Pause. Napalingon si Lucas. "Safiera?" "Yeah... why? You know her?" Tumawa siya ng mahina. "Oo, medyo. Kapatid ko 'yon." Napatigil ako. Napakapit ako sa sandalan ng upuan. "Wait. WHAT?" "Half-sister. Same dad, magkaibang nanay. Pero mas close kami." Halos hindi ako makapaniwala. "P-pero... parang ibang tao siya. She's so... intense." Ngumiti lang si Lucas. "She is. Pero once she lets you in... loyal 'yan. Trust me." Napatingin ako sa kanya. "She saved me kanina." Sabi ko, tahimik. "Sa mga upperclass na bastos." Tumahimik siya. Tiningnan niya lang ako. Walang salita. "Don't worry," dagdag ko. "Okay lang ako." Pero sa totoo lang, parang hindi lang "okay." Parang may mga taong handang tumayo sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero siguro... hindi ko na kailangan maintindihan agad. _____ SAFIERA POV Pinanood ko silang dalawa mula sa taas. Si Riley, nakaupo sa common area, tumatawa sa simpleng joke ni Lucas. And Lucas... 'yung dating malamig na tao, parang mas naging buhay. Ngumiti ako. Good. They'll both need each other soon. Tahimik pa ang paligid ngayon, pero hindi habangbuhay. _____ Nang magising ako, bandang alas-siyete na ng umaga. Tahimik ang paligid, at pakiramdam ko'y ako lang ang gising sa buong dorm. Bumangon ako, diretsong pumunta sa CR para mag-toothbrush at maghilamos. Pagtingin ko sa salamin, medyo maga pa ang mga mata ko. Pagod? Siguro. O baka overthinking lang talaga. Pagkatapos kong maghilamos, dumiretso ako sa kusina. Habang tinimpla ko ang kape, may ideyang bigla na lang sumulpot sa isip ko. "Ako naman kaya ang magluto?" bulong ko sa sarili ko, napangiti ng kaunti. Gabi pa lang sinabi na ni Lucas na may mall daw sa loob ng Santifiego. hindi namin alam ni erin hindi pa naman kase namin nalibot to ng buo. Akala ko nagbibiro siya. Pero ngayong nandito na ako sa harap ng isang arko na may nakasulat sa itaas — eleganteng naka-ukit sa itim na marmol, may bronze lining at glowing light underneath: "The District." Hindi “Santifiego Mall.” Hindi “Campus Market.” The District. Wala man lang “welcome,” pero parang may boses sa loob ng isip ko na nagsasabing “Bawal ang hindi taga-rito.” --- Pagkapasok ko, parang hindi ako nasa school. Parang lumipat ako sa ibang mundo. Tumambad agad sa akin ang mataas na atrium — four floors, glass ceiling, at hanging light orbs na dahan-dahang umiikot, parang planets sa loob ng galaxy. Ang sahig ay polished marble, kulay cream na may golden veins. May water fountain sa gitna, pero hindi ordinaryong fountain —may hologram sa gitna nito, ngayon ay phoenix, may apoy na umiikot sa pakpak pero hindi mo mararamdaman ang init. May sound system na hindi mo alam kung saan nanggagaling, pero ang music — soft instrumental jazz na parang eksena sa spy movie. Swabe. Mamahalin. Tahimik pero threatening. Sa first floor ay cafés, bookstores, a flower shop with glowing petals. sa second floor tailoring, tech kiosks, a digital art gallery. sa third Floor may mini-theater, may art deco barbershop, at isang store na hindi mo mababasa ang pangalan — symbols lang. sa fourth floor: Hindi pa ako aakyat. Baka ‘di pa ako ready. Pero ngayon, isang goal lang meron ako: mamili ng pangluto. Stoll’s Grocery daw ang pangalan ng supermarket dito, sabi ni Lucas. Medyo tago daw, pero malapit sa escalator sa dulo ng first floor. Kaya habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga dumadaan — mga estudyanteng parang hindi estudyante. Yung iba naka-blazer na parang political figures, yung iba naka-earpiece, may bodyguards pa. Ito bang university na ‘to... school ba talaga o underworld training ground? Pagdating ko sa dulo ng floor, nakita ko na ang Stoll’s. Simple lang ang signage — matte gold na letters sa black glass. Pero pagpasok mo, ibang level. Sa loob, may scent diffuser na amoy vanilla at pine. Ang ilaw? Dimmed, pero bawat section may sariling ambient glow — parang aesthetic grocery from Pinterest. May music pa rin, soft R&B version ng mga classical song. Ang mga prutas naka-display sa glass trays na parang alahas. Yung tinapay may sariling café-style corner. Kahit mga delata, parang curated collection. Grabe. Pati sardinas may sariling spotlight. May ilang estudyante rin sa loob — tahimik, focused. Yung iba naka-gloves pa habang namimili. May mga barcode tattoos sa braso na pinapaskan sa self-checkout. Ako? Naka-tshirt lang at bitbit ang tote bag kong may punit sa gilid. Pero bahala na. Pinilit kong maging invisible. Habang namimili ako ng bawang, sibuyas, at karne, sinubukan kong huwag ma-overwhelm. Pero mahirap. Kasi bawat aisle, parang may kasaysayan. O sikreto. What even is this place? At bakit parang mas okay sana kong kasama si Lucas ngayon sa ganitong setting? Maybe... sa laki ng Santifiego, isa siya sa iilang tao na hindi ko kailangang itago ang sarili ko. Habang naglalakad sa linya ng mga open stalls, abala ako sa pagpili ng gulay nang bigla akong may nabunggo. "Ay, sorry!" mabilis kong sabi, halos sabay tingin sa taong nabangga ko. Nagulat ako. Maputi. Singkit ng bahagya ang mata. Matangos ang ilong. At malinis-yung tipong parang bagong ligo na may baby powder energy. Parang artista. Or worse-parang lalaking may main character complex. "Ayos lang," sagot niya, nahihiyang ngiti. Tumango ako. "Sorry talaga, hindi ko sinasadya." "Ayos nga lang!" Napatawa na siya. Mukhang hindi rin sanay sa ganitong encounter. "By the way, I'm Darren Quetinco," sabay abot ng kamay. "Riley Torralba," sagot ko, at nakipagkamay na rin ako. Warm ang palad niya. "If you don't mind... can I ask something?" Tumango ako, medyo kabado. "Are you a trans?" Nag-freeze ako. Tinignan ko siya sa mata. "D-do you have a problem with it?" "What? No!" mabilis niyang sagot. "Actually, you're really pretty. Mas maganda ka pa sa ex ko-lahat sila." Hindi ko alam kung compliment ba talaga 'yon or red flag. Pero ngumiti lang ako ng konti. "Do you have a boyfriend?" tanong niya. Umiling ako. "Wala." "Gusto mo bang magkape muna tayo? Malapit lang dito. Para lang din makilala kita kahit konti." "Ha? Pero kasi-" Aangal pa sana ako pero inunahan na niya ako. "Please? Gusto lang talaga kitang makilala kahit saglit lang." Tiningnan ko siya saglit. Mukhang sincere naman. At saka... wala naman akong lakad. Tumango ako. "Okay, sige." Sa Coffee Shop Pagka-checkout namin sa grocery, tumuloy kami sa malapit na coffee shop. Hindi ganun kalaki, pero cozy. May jazz music sa background, at amoy cinnamon at espresso sa buong lugar. "So... sa Santifiego ka nag-aaral?" tanong niya, parang hindi makapaniwala. Tipid akong ngumiti at tumango. Uminom ako ng kaunti sa chocolate coffee ko. "Ako sa Emperviseo. Rival campus daw natin?" natawa siya. Ako rin. Tahimik. Mga ten seconds na walang nagsasalita. Nagkakatitigan lang. Parang pareho kaming clueless kung anong sasabihin next. "Actually... I like you." Napatingin ako sa kanya, sabay tawa. "Talaga ba? E kakakilala lang natin, di ba?" "I don't know. May something lang. Pwede bang manligaw?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko siya gusto. Hindi pa ngayon. "Wala pa 'yan sa isip ko eh. Hindi pa ako handa sa ganun. Gusto ko muna makilala ang sarili ko... tsaka ka hindi pa naman talaga tayo magkakilala." "Edi mag-date tayo. Para magkakilala tayo nang mas maayos." Umiling ako ng kaunti. Ewan. Gwapo siya, oo. Pero hindi ko ramdam yung spark. Wala akong kaba. Wala rin kilig. Ang weird. "Eh, kasi..." "Please?" sabi niya, halos pakiusap. "Gusto ko lang iparamdam sayo na sincere ako." Tahimik ako. Tumango na lang ako, kahit alam kong 'di pa ako sure. Pagdating ko sa dorm, nadatnan ko si Lucas sa kusina. Nakaupo, umiinom ng kape, tahimik lang. Lumapit ako at inilapag ang mga pinamili ko sa mesa. "Ako naman magluluto." sabi ko. Tumango lang siya, walang tanong. Habang nagluluto ako, ramdam ko ang mga mata niyang sinusundan bawat galaw ko-hindi in a creepy way, pero parang curious lang talaga. Sa hapunan. Habang kumakain kami, nagtanong siya. "Anong oras ka nagising?" "Mga seven. Bakit?" sagot ko sabay inom ng tubig. "Kinatok kita sa kwarto mo. Wala kang sagot. Binuksan ko-wala ka pala." "Bumili ako ng sangkap para sa lulutuin ko." "Alas-siete ka umalis, tas alas-onse ka na nakabalik?" kunot-noo niyang tanong. "Naglibot pa kasi ako..." palusot ko. Tahimik siya saglit, pero hindi nagalit. Tumango lang. "Ingat ka. Maraming hindi mababait dito." "Salamat. Masarap ba?" tanong ko para palitan ang topic. "Oo. Parang luto ng yaya namin. Halos parang nanay ko na rin 'yon. She cooks like this." Napangiti ako. "Ganun ba." Tahimik ulit. "Gusto mong mamasyal tayo minsan?" bigla niyang tanong. Napatingin ako. Surprised. "Para makilala pa natin ang isa't isa. Trans ka man o hindi, hindi na 'yon mahalaga sa akin." Napatigil ako. Ramdam ko 'yung sincerity sa boses niya. "Sige." Mahina kong sagot. Minsan, 'di mo alam kung kanino ka dapat magtiwala. Pero sa kanya, kahit sandali pa lang kami nagkasama - parang gusto ko lang subukang maniwala.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
maganda
11d
05.0
12d
0Xem tất cả