Tahimik lang ang paligid, pero ramdam ko na agad ang bigat ng araw. Parang ako ‘yung batang version ko. Nasa gitna ako ng malaking hallway, dilaw ang ilaw, tahimik ang paligid. Sa dulo ng corridor may isang pintong may ukit na leon. Pagbukas ko ng pinto, may boses na narinig ako—hindi ko maintindihan ang sinasabi, pero naramdaman ko ang lamig sa dibdib ko. Nagising ako ng may pawis sa batok. Alas-singko na pala ng umaga. Naligo ako, nagbihis, at sabay kaming nag-almusal ni Tita. Pagkatapos naming kumain, mabilis akong umakyat sa kuwarto, sinigurong maayos ang mga gamit ko—dalawang maleta at isang backpack, puno ng damit, notes, skincare, at kung anu-ano pa. First day ko sa Santifiego University. Pagdating ko sa dorm building, agad kong napansin ang atmosphere—madilim ang hallway, parang luma pero elegante. May chandelier pa sa lobby, pero ang shadows sa dingding parang gumagalaw kapag hindi ka nakatingin. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto, at halos mapasigaw ako sa gulat—lahat ng gamit sa loob ay clearly panglalaki. May box ng protein shake, rubber shoes, weights, at electric razor. Napakagat ako sa labi. “Bakit dito ako naka-assign?” Lalaki ang magiging roommate ko? Hindi ko alam kung awkward ba o delikado. Hindi lahat komportable sa trans girl na kagaya ko, lalo na sa isang paaralang may mataas ang pride at... muscle mass. Dahan-dahan akong lumapit sa kama, sinilip ang kabilang bed. May amoy pa ng cologne. “Paano kung makita niya ako at magalit?” bulong ko. Kinuha ko ang small notebook sa bag ko at nagsulat: "Day 1 – First test of courage. Stay soft but strong." Dahil malapit na ako ma-late, lumabas na lang ako at nagtungo sa classroom. Pagpasok ko, nandoon na ang Prof. Isang kalbong teacher na may konting puti sa gilid ng ulo, naka-salamin at mukhang laging seryoso. Nang mapansin niya ako, lumingon siya agad. “Anong kailangan mo, iha?”tanong niya. “Sorry, I’m late,” sabi ko, sabay kamot sa batok. “Ah... I see. Dito ka ba talaga?” Tumango lang ako. “Bessssy!” sigaw ni Erin, na ikinalingon ng buong klase. “Oops, sorry,” bulong niya, sabay takip sa bibig at peace sign. “Sige na, umupo ka na para makapagsimula na tayo sa pagpapakilala isa-isa.” Pero napansin niyang wala akong upuan. Tinignan ko si Erin, pero may katabi na siya. “Saan pa may bakanteng upuan?” tanong ng Prof. Tahimik lang ang klase. “Prof, sa tabi ni Lucas may bakante...” bulong ng isa, pero lakas ng boses niya parang sinadya pa. Tumingin ako sa likuran at nakita kong may bakanteng silya nga doon. “Wala na bang iba? Kumuha na lang kaya kayo sa stock room?” tanong ng Prof, pero hindi niya natapos—nagsalita si Lucas. “Dito na lang siya.” “Hindi, Lucas, okay lang. Pwede naman namin siyang kuhaan ng—” “Ayos lang, Prof. Sayang ang upuan kung walang uupo.” Sabay himas niya sa desk. What the... Nagulat ako. Bakit siya willing? “Sige, umupo ka na doon. Mukhang type ka niya,” bulong ni Prof. “Po?” “Wala. Sige, umupo ka na.” Habang papalapit ako, lumipat si Lucas sa tabi ng bintana. May binulong siya sa katabi niya—sabay sila nagtawanan. Umupo na lang ako agad. “Ako nga pala si Lucas.” Malakas at confident niyang sabi. “Ehem, Mr. Felecio. Mamaya ka na magpakilala. May oras pa para diyan,” sabat ng Prof. Napangisi siya, pero sumunod. Isa-isa nang nagpakilala ang mga kaklase. Nang turn na ni Rassel. “Hello, I’m Rassel Gallano!” sabay sigawan ang mga babae at beki. Sumunod si Lucas. “I’m Lucas Felecio,” sabay tingin sa akin. Tumayo ako. “Hi, I’m Riley Torralba.” Tahimik. Lahat ay napalingon. Lalo na si Prof. Nagtaka rin si Erin. “May ka-apelyido ka, pero imposible. Sabi-sabi pinatay na ang mga Torralba noon,” wika ng Prof. “Hmm...”Napakamot na lang ako. Ano raw? Sa cafeteria... “Bes,” bulong ni Erin habang kumakain kami. “Ka-apelyido mo daw ang isang sikat at mayamang pamilya. Mafia daw 'yon. Ang tatay ng katabi ko raw dati kasama sa mafia, at pinanood daw niya sina Harold at Alessia Torralba sa battlefield—super astig. Kaya nga raw siya dito nag-aral, inspired siya sa kanila.” Napatingin ako sa bintana. Naroon si lucas, papasok ng cafeteria. Tahimik. at palaban ang aura. Dumaan sya sa tabi ko parang kaya niya manakit ng kahit sino. Umupo sya sa grupo ng mga lalaki, at may naglapag ng pagkain sa harap niya. Pagkatapos namin kumain, nagyaya si Erin na maglibot muna sa campus. “Bes, maglakad muna tayo. Nakakapanibago yung aura dito, parang ang daming sikreto.” “Parang Hogwarts na mafia edition,” biro ko. Tumawa siya, pero halata sa mga mata niyang hindi lang siya nagbibiro. Naglakad kami paikot sa campus grounds—may lumang fountain sa gitna, gothic-style ang mga building, at makakapal na vines ang gumagapang sa mga pader. Sabi sa handbook, Santifiego University was built on an old military base. Kaya pala may ganung aura—tahimik pero parang may nakaabang. Luma, pero hindi marupok. May pinipigil. Nadaanan namin ang gymnasium. Sa loob, may mga lalaking naka-training—pero hindi mukhang ordinaryong PE. Isa sa kanila may hawak na baston, parang combat stance. “Bes... tingin mo ba school lang talaga ‘to?” bulong ni Erin. “Wag mo akong takutin.” Tumawa ako, pero ramdam ko rin. Hindi ito typical na unibersidad. May hierarchy. May mga ‘di sinasabi. May galawan na hindi ko pa gets. “Mas weird yung rooftop,” dagdag niya. “Walang basta-bastang umaakyat don. Pero may isa raw babae na laging nandun. Hindi siya faculty. Hindi rin friendly. Pero walang nagtatanong. No one questions her.” “Upperclass?” tanong ko. “Hindi raw. Parang... insider. As in legit. Pero tahimik. Walang pakialam sa mga tao, pero alam mong may alam siya sa lahat.” Hindi ko na siya tinanong pa. Pero may parte sa loob kong parang kinilabutan. Hindi dahil sa takot—parang kilig na halo sa kaba. Parang may sinasabi ang gut feeling ko, pero hindi ko pa ma-translate. Pagbalik ko sa dorm, mabilis akong nag-ayos, naghilamos, at humiga. Ang buong araw ay parang test ng emosyon—pakikisalamuha, pag-aadjust, at yung di ko pa maipaliwanag na atensyon mula kay Lucas. Plus, ang mga bulungan sa paligid... tungkol sa apelyido ko. Sa pagkatao ko. Napatingin ako sa bintana. Tanaw mula rito ang rooftop ng main building. Patakipsilim na—orange-pink ang langit, parang kalmadong hindi mapagkakatiwalaan. Then, nakita ko siya. Isang babae. Nakatayo sa edge ng rooftop. Hindi ko siya kilala. Pero parang kilala niya ako. Kahit malayo, malinaw ang silhouette niya. Mahaba ang buhok—straight, kulay abo na parang pilak. Suot niya ang Santifiego uniform pero may kakaibang insignia sa dibdib: kulay itim at ginto. Hindi tulad ng uniform naming lahat. May ranka. Hindi siya gumagalaw. Parang estatwa. Pero ang tingin niya—diretso sa akin. Tumigil ang paligid. Wala akong marinig. Kahit ang tibok ng puso ko parang natigil. ‘Yung mata niya... hindi ko alam kung galit, malamig, o... pareho. Pero alam kong delikado. Dahan-dahan akong umurong sa kama. Bago ko pa ma-process, lumakad siya palayo—tuluyang nawala sa paningin ko. Naiwan akong nakatulala sa rooftop. Tahimik. Walang saksi. Pero alam kong nakita ko siya. At alam kong nakita niya rin ako. “Who... was that?” Dinampot ko agad ang notebook ko. Isinulat ko ang unang naiisip. “Day 1 –The danger doesn’t always speak. Sometimes, it just stares back.” Lucas POV Ako si Lucas Felecio. Isa ako sa namumuno sa Santifiego—ang pinaka-delikadong unibersidad sa bansa, kung saan loyalty at legacy ang tunay na pinag-aaralan. May dalawa akong kapatid: Marcus, ang analytical, at si Safiera—ang pinaka-ilag pasukin ng kahit sinong estudyante dito. Kapag naririnig ang pangalan niya, may tahimik na tensyon sa mga hallway. Tahimik ang klase. Puro daldal si Prof nang biglang may dumating. “Sorry, I’m late.” Napalingon ako. Putangina. Ang ganda niya.Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko pero sinabi ko agad: “Dito na lang siya.” Pinilit ko. Wala akong pakialam sa sinasabi ni Prof. Gusto ko siyang katabi. *Weird. Nang papalapit siya, lumipat ako ng upo para mas mapalapit sa bintana. May binulong ako kay Rassel: “Mahirap na... baka agawin mo pa.” Napatingin siya sa akin. Gulat. Nagkatitigan kami. Sh't, bakit ko sinabi 'yon? Nang nagpakilala ako, tinitigan ko lang siya. Parang ako lang nakakarinig ng pangalan niya: “Riley Torralba.” Teka... Torralba? Hindi ko pwedeng ipakitang naapektuhan ako pero alam ko ang apelyidong 'yon. Hindi siya dapat nandito... Habang break time, dumiretso ako sa CR. Kailangan ko ng saglit na katahimikan. Naghilamos ako at tumingin sa salamin. “Am I... in love with her?” tanong ko sa sarili. ‘Di pwede ‘to. Biglang may bumukas na pinto. “Yo, Loverboy,” si Rassel. “Grabe ka kanina, ha. Since when ka naging welcoming committee?” Ngumuso lang ako. “Don’t tell me... na-attract ka sa newbie?” “Hindi 'yun,” sabay hugas ng kamay. “Lucas... careful ka. Alam mong ‘di pwedeng mahulog ka.” “Alam ko.”Napatingin ako sa salamin ulit. Pero bakit parang nahuhulog na nga ako... Habang palabas ng classroom, bigla akong tinabihan ni Rassel. “Riley, ‘no? Right?” “Oo. Bakit?” “Just… be careful. Hindi lahat ng nagpapakabait dito, mabait talaga.” “Si Lucas ba tinutukoy mo?” “Hindi lang siya. Lahat kami. May dahilan bakit nandito kami. You? Hindi ko pa alam kung saan ka lulugar.” Bago ko pa siya masagot, tumalikod na siya. Iniwan akong nakatayo sa hallway. Nagtataka.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
maganda
11d
05.0
12d
0Xem tất cả