Ako nga pala si Riley Torralba. Isang transwoman. Nagising ako ng alas-kuwatro ng madaling-araw, gaya ng dati. Sa maliit na silid na may kisameng may butas at electric fan na minsan lang umikot, inabot ko ang plantsado kong white blouse at palda. Pulbo, konting kilay, lip balm sapat para sa "pak na pak" pero di halatang nagpuyat. Pagbaba ko sa kusina, ando'n agad si Christopher walang damit, may hawak na cellphone, at laging may masamang banat. "Uy, pang-Miss Gay ang uniform ah," sabi niya habang humihigop ng Milo. "Akala mo pag naka-palda ka, babae ka na?" Wala akong sagot. Diretso ako sa kalan. "May lawit ka pa rin naman d'yan, 'di ba?" sabay tawa niya. Toxic. Walang respeto. Walang trabaho. Walang ambag sa bahay kundi laway. Lumabas na rin si Tiya Toyang, suot ang daster na may mantsa ng ketchup. Pawis agad siya, parang galing sa pustahan sa kanto. "Riley, kape. Tapos isampay mo 'yung labada sa likod. Yung brief ni Christopher, may konting talsik daw. Hugasan mong maigi." Inabot ko ang tinapay, nilagyan ng palaman, nag-abot ng kape. Tahimik lang ako. Ito na ang nakasanayan kong mundo - ako ang katulong, ako ang sumasalo ng bigat, ako ang walang pamilya. Pero may ina ako. Hindi sila. Si Mother Elaine, transwoman din, may sariling salon sa tabi ng palengke. Siya ang unang bumili ng feminine wash, lotion, at even binder noong nagsisimula ako sa HRT. Di ko siya ina by blood pero siya ang nagturo sa'kin paano maging babae na may dangal. Siya rin ang nagbigay ng baon ko, ng lakas ko, at ng pangarap ko. Isang linggo bago ang pasukan, may nangyari. ____ "Bes! Dali dito!" tawag ni Erin, bestfriend ko, habang sumisiksik sa pagitan ng mga bata sa computer shop ni Ate Jean. Umuusok ang lugar. Mainit. Amoy chichirya at lumang CPU. "Wait lang, loading pa 'tong Ragnarok ko!" sigaw ng isa. Pero si Erin? Kinabahan. May nakita raw siyang link: "Apply for SCHOLARSHIP: Full Tuition + Monthly Allowance. Confidential School. Private Training." Napa-angat si Ate Jean mula sa pagkakaupo. Pawis, stress, at sabay na paputla. "Uy, paki-close na lang 'yan agad kapag tapos na kayo ha. Huwag niyo masyado i-browse nang matagal. Sobra laki na ng utang ko sa Bumbay baka pati computer ko kunin na." Oo, malaki nga ang utang niya. Tatlong buwan na raw siyang 'di nakabayad. Si Bumbay, araw-araw na naniningil. Kahit gano'n, pinatuloy pa rin kami ni ate Jean. "Bes, seryoso 'to?" tanong ko. "Try lang natin. Wala namang mawawala." Kinunan kami ni ate Jean ng picture gamit ang kanyang malumang webcam, tapos sinabihan kaming "Bahala na si Lord." ____ Isang linggo na mula nang mag-apply kami ni Erin ng scholarship sa Santifiego University. Nang bumalik kami sa computer shop ni Ate Jean para tignan kung nakapasa kami, laking tuwa nang makita namin na nasa listahan kami na nauuna pa ako kaysa kay Erin. Parang baliw kami na nagtatalon at nagtitili sa loob ng shop kaya napatingin ang ibang gumagamit ng computer, pati si Ate Jean na may itsurang parang aso na may ari ng shop. Lumabas siya na galit na galit. "Mga gago kayo! Ang ingay nyo dito, tapos ako nanaman maghihirap magbayad ng utang ko sa Bumbay!" "Sori na po, Ate Jean! Congrats mo nalang kami," sagot namin sabay halakhak. ____ "Santifiego University" basa namin sa malaking arko ng eskuwelahan. Sa unang tingin, mukha lang itong ordinaryong paaralan malinis, tahimik, prestihiyoso. Pero sa sandaling makalapit ka sa gate ng Santifiego University, mapapansin mong may mali. Mukhang hindi ito ordinaryo. Malaki ang tarangkahan, itim na bakal, may ukit na gintong emblema sa gitna. isang agila na may hawak na baril sa kaliwa at libro sa kanan. Sa itaas, may mga CCTV na kumikislap sa araw, at may scanner na nagpi-ping sa bawat estudyanteng pumapasok. Pero ang pinaka-unang napansin namin? Ang mga lalaki sa magkabilang gilid ng gate naka-itim na coat, naka-shades kahit tirik ang araw, may ear piece, at hindi kumikibo. Hindi sila gwardya. Mukha silang trained. Sanay humawak ng baril. Tahimik, alerto, at parang pwedeng umatake kahit kailan. "Bes," bulong ni Erin sa tabi ko, habang dahan-dahang humahakbang. "Bakit parang... cartel hideout 'to?" "Baka hindi lang 'parang'," sagot ko. Sa loob, walang naglalakad na nagmamadali. Lahat ng estudyante ay may rhythm. Naka-unipormeng itim na blazer, puting panloob, leather shoes, at ID na may encrypted chip. Ang mga babae? Puro sleek ang buhok. Parang mga anak ng diplomat. Ang mga lalaki? Mukha nang graduate, may hawak pa 'yung iba ng dokumentong naka-seal. Sa bawat pader may CCTV, at sa bawat sulok may mga lalaking naka-itim na parang ghost unit ng military. Ang mga opisyal? Lahat naka-glove, may wrist device, at parang kayang magpatawag ng eroplano sa isang pindot. "Anong school 'to?" tanong ni Erin habang nagsusulat kami ng pangalan sa isang logbook na hindi pangkaraniwang mukhang passport form. "Hindi ko alam. Pero hindi ito normal," bulong ko. Narinig ko ang usapan ng dalawang estudyante sa likod namin. "Level 3 ka na?" "Oo. Nakalaban ko na 'yung taga-Room 900. Disarmed ko siya in less than five seconds." Ano raw?! "Bes, may levels dito?" takot na tanong ni Erin. "As in parang skill ranking?" Hindi ko na nasagot. Kasi sa dulo ng hallway, may lalaking naglalakad - matangkad, naka-black tactical uniform, may tattoo ng rosas na may blade sa leeg. Ang mga estudyante? Kusang tumatabi. Walang naglalakas ng loob magsalita. "Hay nako," umirap siya. "Sana pala nag-apply na lang tayo sa parehong fake school, 'yung tipong may 'University' sa dulo pero bahay lang sa Caloocan." Napatawa ako. "Eh 'di sana pareho tayong graduate sa 'St. Bakal and San Kamote University'." "Teka, may klase tayo ng gabi?" Biglang may humarang sa amin. "Uuwi na kayo? Hindi pa pwede!" sabi ng lalaki. Habang patuloy kaming naglalakad sa loob ng Santifiego University, biglang sumabog sa hangin ang malamig na tunog ng overhead speaker na parang galing sa intercom ng military base. "Welcome to Santifiego University," ani ng boses mula sa overhead speaker. "All new scholars, report to the gymnasium for orientation. No delays will be tolerated. Infractions will be noted.'' Napahinto kami ni Erin. "'Bes, gym agad?" tanong niya habang mabilis kaming nagkatinginan. "Parang ang tapang ng mic nila no?" Tahimik kaming naglakad papunta sa direksyong sinundan ng mga bagong estudyante. Sa bawat liko ng hallway, naroon pa rin ang mga lalaking naka-itim - parang hindi talaga security guard. Parang trained killers in disguise. Pagdating namin sa gymnasium, mas lalo akong kinabahan. Malinis. Masyadong malinis. Wala ni isang banner, streamer, o stage decor. Walang kulay. Ang buong gym ay parang training ground ng assassin unit. May naka-line up na mga upuang itim, nakaayos parang military formation. Sa gitna ng entablado, may isang podium na may ukit ng Santifiego seal - agila na may baril at libro. Pero sa bawat hakbang namin, palalim nang palalim ang pakiramdam ko... Ito ay hindi basta school. Ito ay para sa mga anak ng mga taong nasa ilalim ng lupa. Isang lugar ng pagsasanay, ng lihim, ng kontrol. At mula sa araw na 'to, kabilang na kami sa mundo nila. "Bes..." bulong ni Erin habang naglalakad kami. "Parang hindi 'to university. Para tayong ipapasok sa secret agency." Pagpasok namin sa gymnasium, parang wala kami sa school kundi sa loob ng isang elite operation base. Tahimik. Walang decoration. Puro itim at ginto. Ang gitna ng stage, may podium na may ukit ng agila, baril, at libro - ang seal ng Santifiego University. Walang backdrop. Walang welcome sign. Ang mga upuan? Black leather, naka-grid, parang military seating arrangement. Biglang nagbukas ang pinto sa gilid ng gym. Tumigil ang lahat. Dumating siya. Isang babae. Matanda. Diretso ang lakad. Naka-all black suit. Stiletto heels. Pulang lipstick. May suot na itim na gloves at may tattoo ng itim na rosas sa gilid ng leeg. Ang presensya niya? Tahimik pero matalim. Pumapasok siya na parang hindi mo pwedeng tingnan nang diretso - pero hindi mo rin kayang umiwas. Umakyat siya sa entablado, humawak sa podium, at nagsalita sa malamig na boses. "Ako si Lourdes Wernualos. I'm the head teacher. I also run the South Wing. So if you break rules... I'll know." Walang ni isang nag salita o gumalaw. "Santifiego is not just a university. It is a system. A training ground. A selection." "Ang scholarship ninyong pinirmahan? Confidential. Irreversible. You are now part of something larger than yourselves. You are tools, weapons, assets." "Hindi niyo kailangan ang kaibigan ko dito. Ang kailangan niyo ay talino, disiplina, at tapang. Kung ang plano niyo lang ay magpa-cute o makapasa nang madali, umalis na kayo habang maaga pa." "Hindi ito playground. Training ground ito para sa mga gustong mabuhay sa matindi at mabagsik na mundo." "Yes, we did background checks. Alam namin lahat ng lihim niyo - fake man ang documents, utang man ang ginamit para makapasok, o papalit-palit ng pangalan." "Kaya wag kayong magpakalakas ng loob dito. Hindi kayo ligtas." May nagtataas ng kamay. "Put your hand down. Hindi ako tumatanggap ng tanong." "Makinig kayo ng mabuti." "Mag-aaral kayo ng subjects na bawal sa ibang eskuwelahan. Combat Tactics. Crime Strategy. Psychological Warfare. Weapons Familiarization." "Tandaan: Rule 1 - Wag kang tanga." "Rule 2 - Huwag mo akong subukan." "Rule 3 - Huwag kang magtiwala kahit kanino. Hindi sa kaklase mo, hindi sa propesor, at lalo na hindi sa sarili mo." "Welcome sa Santifiego University. Mabuhay kayo... kung kaya niyo." Si Erin, napatingin sa akin. "Bes... ano bang napasukan natin?" Tahimik pa rin ang buong hall. Walang gustong magsalita. Ni isang kaluskos, parang lahat ay natulala pa sa presensya ni Ma'am Lourdes Wernualos ang head teacher na mukhang puwedeng sampalin ang multo gamit lang ang kanyang titig. Matapos ang opening speech tungkol sa survival, loyalty, at 'wag maging tanga, humigpit lalo ang hawak niya sa mic. Tumingin siya sa amin na parang sinisigurado kung sino ang unang bibigay sa pressure. Then, she spoke again - this time tungkol sa dormitory rules. Hindi ko alam kung dapat akong matakot o tumawa. Pero sure ako, hindi biro ang tono niya. Nang matapos na ang orientation, lumabas kami ni Erin na parang bagong laya sa preso. Ang bigat ng hangin, pero ang usapan namin ay hindi pa rin nawawala sa dorm rules. "Girl," bulong ni Erin habang binubuksan ang mineral water bottle, "parang may dugo sa boses ni Ma'am Wernualos." "You will live on campus. No one enters or exits without clearance. Room assignments are final. Roommates are not optional. And remember - every mistake is a lesson, but some lessons may cost blood. We have 24/7 security biometrics, CCTVs, and roaming enforcers." May dalawang babaeng staff ang lumapit sa gitna, dala ang mga tray ng dorm keycards. Isa-isa kaming tinawag. "Torralba, Riley." Lumapit ako. Kinuha ng babae ang card mula sa tray, binasa, tapos tumingin sa akin nang matalim. at napangisi. "Room 666." Magkalayo kami. Paglingon ko, nakatingin sa akin si Maam Wernualos diretso, walang ngiti. "If you're assigned to 666, then you're either very unlucky... or very interesting." _____ Habang nilalakad namin ni Erin ang hallway papunta sa dorm, unti-unting nauubos ang mga tao sa paligid. Ang mga ilaw, kumikislap para bang hindi lang maintenance ang problema. "Girl, anong dorm number mo?" Binunot ko ang papel mula sa envelope ko at binasa. Nag-pause ako. "Uhm... 666." Tumigil siya sa paglalakad. Literal. "As in... six-six-six?" Tumango ako. "Yup. Hindi ako nagbibiro." "PUTRAGIS." Tumawa ako, pilit. "Baka naman lucky number lang nila..." "Lucky sa impyerno, maybe." Pumunta ako sa pinto. May tatlong lock: code lock, thumbprint scanner, at keyhole na may ukit na ahas. Bumukas ito... mag-isa. Pumasok ako sa loob. Amoy lumang kahon, at pabango ng lalaking at sobrang madilim. May surveillance monitor, lumang laptop, at cabinet na may secret drawer. May framed photo ng lalaki sa black suit na hindi ko kilala. "Parang kwarto ni Batman," bulong ko. ____ Pag-uwi ko, nilapitan ko si Tiya Toyang. "Tiyaa..kailangan ko nang lumipat sa dorm." "Malaki ka na riley, bahala ka na sa buhay mo!." Ito na 'yung chance ko. Hindi na ako pwedeng manatili dito. Hindi lang eskuwelahan 'to. Malaki ang laban na tatahakin ko. Tumingin siya sa akin nang matagal. "Bahala ka na. Pero kung may mangyari sa'yo, huwag mong akong asahan!." Habang inaayos ko ang gamit ko, naririnig ko ang tunog ng ulan sa kisame. Hawak ko ang susi ng Room 666, nilalapitan ang isang bagong simula na may halong takot at pag-asa.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
maganda
12d
05.0
12d
0Xem tất cả