logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Cruel Love

Cruel Love

yoelwiyan


Prologue

'Year 2007
"Mommy, saan po tayo pupunta?" tanong ng pitong taong gulang na si Railee mula sa likod ng kotse.
Napatingin si Harold, ang kanyang ama, sa rearview mirror, habang ang ina niyang si Alessia ay sumulyap pabalik at ngumiti.
“Pupunta tayo sa ibang bansa, honey,” sagot ni Alessia.
Hindi na siya muling nagtanong. Tahimik siyang sumandal sa tabi ng kuya niyang si Carlisle, na abala sa cellphone at halos hindi napansin ang usapan.
Ilang minuto pa lang ang lumipas nang biglang — BLAG!
Isang malakas na bangga. Ang sasakyan nila ay sumalpok sa poste. Nagdilim ang paningin ni Railee. Nang idinilat niya ang kanyang mga mata, mahina at malabo pa ang lahat.
"Mama?... Papa?" tawag niya, halos pabulong.
Sinubukan niyang gisingin si Carlisle na naroon sa tabi niya. Ilang sandali lang ay dahan-dahan din itong dumilat.
“Pa?” tanong ni Carlisle habang pilit inuuga ang kanilang ama.
Nagising si Harold. Bumaling agad si Railee sa kanilang ina. “Si Mama…”
Sabay silang napatingin. Si Alessia ay walang malay. Dugo ang umaagos mula sa malaking sugat sa ulo nito.
“Mabubuhay pa naman si Mama, ’di ba?!” sigaw ni Railee, nanginginig ang boses.
Habang ang ama niya ay pilit ginigising si Alessia, napansin ni Railee ang isang lalaking papalapit. Naka-itim ito, at may suot na guwantes. Naghatid ito ng matinding takot sa kaniya.
Binato ng lalaki ang bintana ng sasakyan, sabay basag nito.
“At talagang buhay pa kayo,” malamig na sabi ng lalaki.
May kakaiba sa boses. Parang kilala niya.
“Hans,” gulat na sambit ni Harold.
Si Hans ay matagal nang kaibigan ng kanilang pamilya. Madalas bumisita sa bahay, dala pa minsan ng prutas o pasalubong.
“Gulat ka ba, kaibigan?” ani Hans, may bahid ng pagsisisi pero matigas ang mukha.
“Ano pa bang kailangan niyo?!” sigaw ni Harold.
“Pasensiya na, pare. Napag-utusan lang ako.”
Itinutok ni Hans ang baril sa mukha ni Harold.
Bago pa nito mapiga ang gatilyo, may dumating na kotse.
“Boss! Sakay na, may mga pulis!” sigaw ng lalaking galing sa kotse.
Agad umatras si Hans at sumakay. Sa loob ng ilang segundo, nawala ang sasakyan nila sa dilim.
Kasunod nito, dumating ang mga pulis at ambulansya. Kumislap ang mga sirena. Bumaba ang mga nurse at isa-isa silang inasikaso, isinakay sa stretcher, at doon na lang naputol ang alaala ni Railee.
_
Pagdilat ni Harold, ang unang bumungad ay ang maputing kisame. Tahimik ang paligid. Nakaramdam siya ng biglang kaba, at agad siyang bumalikwas.
“Nasaan ang mga anak ko?” tanong niya nang pumasok ang doktor.
“Maayos po sila,” sagot ng doktor. “May mga galos at pasa lang. Wala pong malalang pinsala.”
“Pwede ko ba silang makita?”
“Opo, nasa kabilang kuwarto po. Sasamahan ko kayo.”
Pagpasok sa silid, nakita ni Harold ang dalawang anak niyang mahimbing na natutulog sa magkatabing kama. Umupo siya at matagal na pinagmasdan ang mga mukha nila. Sa likod ng mga mata niya, naroon ang paghihinagpis. Naalala niya bigla si Alessia.
“Dok... ang asawa ko?” tanong niya, mahinang-mahina.
“Wala na po siya pagdating pa lang sa ambulansya. Sinubukan pa rin naming i-revive, pero hindi na niya kinaya.”
Alam na ito ni Harold. Sa totoo lang, sa loob pa lang ng kotse, ramdam na niya. Pero iba pa rin pala kapag sinabing totoo.
Lumapit siya kay Railee. Napansin niyang parang binabangungot ito.
“Railee?” marahan niyang tinawag habang ginising ito.
Pagdilat ng bata, agad siyang yumakap nang mahigpit.
Takot na takot. Nanginginig.
Pinakalma niya ito. Matapos mapainom ng gamot na reseta ng doktor, muling nakatulog si Railee.
_
Makalipas ang ilang oras, nagising si Railee. Ngumiti siya.
“Nasaan si Mama?”
Napatingin si Harold at Carlisle sa isa’t isa. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanilang mga katawan.
Hindi ba niya naalala?
Muling dumating ang doktor.
“Doc, parang... hindi niya alam?”
“Posibleng epekto ng trauma,” paliwanag nito. “Maaaring nag-shut down ang bahagi ng alaala niya para protektahan ang sarili. May posibilidad na makabawi rin sa tamang panahon, pero sa ngayon... hayaan muna siyang magpahinga.”
_
Isang linggo ang lumipas. Nakalabas na sila ng ospital.
Tahimik sa bahay. Wala nang tawanan. Walang musika. May butas sa loob ng lahat — lalo kay Harold.
Hindi na sila lumalabas. Hindi pa handa. At dahil sa pangambang may babalik para saktan sila, napagdesisyunan ni Harold na dalhin si Carlisle sa Amerika.
Pero hindi si Railee.
“Pa, sigurado ka bang hindi natin isasama si Railee?” tanong ni Carlisle, hindi maitago ang pag-aalala.
“Sigurado, anak,” sagot ni Harold. “Bata pa siya. Baka mas ligtas siya dito sa Pilipinas — may kamag-anak ang Mama n’yo sa probinsya. Doon muna siya.”
“Mabuti na rin ito... para magkaroon siya ng tahimik na buhay.”
Hindi niya alam, habang siya ay lumalayo, ang anak niyang si Railee — ay mapupunta sa tahanang walang pagmamahal.
Isang bahay kung saan hindi siya tinrato bilang anak, kundi bilang utusan. Habang unti-unti siyang lumalaki, dala niya ang sakit, ang tanong, at ang mga alaala na pilit niyang kinalilimutan.
At sa puso niya, may puwang na hindi kayang punan ng kahit sinong tiyahin.
End of Prologue

Bình Luận Sách (2)

  • avatar
    PascuaJulie

    maganda

    17d

      0
  • avatar
    Fran Reynald R. Pereyra

    5.0

    18d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất