logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Encounter

Third Person's POV
Matapos ipakilala ang unang guild, ang Warrior's guild, isinunod naman ang pagpapakilala sa guild ng Redflames.
At nagsalita si Agameya, "Bigyan natin ng pagpupugay ang Redflames!!" At nagpalakpakan ang mga Pure Blood at Half Breed nang tawagin ang Redflames.
Sabay-sabay silang umakyat sa entablado at bumati sa mga bagong kasapi ng bawat guild. Pinamumunuan ito ng kanilang master na may kakayahang bumuga ng apoy ng kagaya ng isang dragon, si Sicarius. Sya ang pinaka-bata sa lahat ng master ng bawat guild, dahil nailuklok sya sa posisyon noong nag-traydor sa kaharian ang dating guild master ng Redflames na si Sanderix.
Ngayon ay isa na itong kampon ng kadiliman, pinili ng dating master ng Redflames na umanib sa kasamaan dahil na rin sa paghahangad nito ng mas mataas na posisyon sa kaharian kaya naman ng malaman ng reyna ang tungkol sa kanyang kataksilan, hindi na sya muling pinayagang makatungtong pa ng kaharian.
Ang guild ng Redflames ay binubuo ng 30 na miyembro. Ang bawat isa sa kanila ay may angking galing sa pag-kontrol ng apoy. Kahanga-hanga ang bawat kapangyarihan na kanilang pinapakita kaya naman maituturing din na isa sila sa mga pambato ng kaharian.
Pagkatapos ng Redflames bumati sa mga baguhang kasapi ng bawat guild ay bumaba na sila ng entablado. Hindi na sila nagpakilala pa dahil sa kanilang dami kung kaya't binigyan na lamang sila ng pagkakataon na magsalita.
"Maraming Salamat sa mainit na pagtanggap nyo sa ating mga bagong miyembro," saad nya sa mga taga-Redflames matapos nitong magbigay ng kanilang mainit na pagbati.
"Sunod naman natin, ang guild na kung saan may kaisa-isang babaeng master, ang Earthings!" Muling pagpapakilala ni Agameya sa sumunod na guild.
At ganoon din ang kanilang ginawa, umakyat sila sa entablado at bumati ng pagpupugay sa mga bagong Pure Bloods.
Ang guild naman na ito ay pinamumunuan ni Amberly, s'ya ay may dugong mortal, ngunit pambihira ang kanyang kapangyarihan kung kaya't mabilis s'yang tinanggap ng kaharian at itinalaga bilang isang master ng Guild.
Ang mga taga-Earthings ay nagtataglay ng kapangyarihan mula sa kakayahan ng kapaligiran kagaya ng mga puno, halaman, hayop at maging ang apat na elemento at kaya nilang kontrolin. Ito ay malugod na ibinigay sa kanilang ng Inang kalikasan kung kaya't malaya nilang makakamit ang kapangyarihan ng kalikasan.
"Maraming Salamat, Earthings! Ngayon naman ay tawagin nating ang Uniquesig!" pakilala ni Agameya sa mga taga-Uniquesig.
Kung ang kapangyarihan ng Earthings ay nangagaling sa kalikasan, ang guild naman Uniquesig ay nagtataglay ng kakaiba kapangyarihan na hindi mo akaling sa kanila mo lang makikita ang ganoong kapangyarihan. Sa guild na ito matatagpuan ang mga matatalino at malikhaing mga Pure Bloods at Half Breed.
Pinamumunuan ito ni Rhenur, ang lalaking may mahaba at puting buhok. Madalas s'yang may hawak na rosas kung kaya't napagkakamalan s'yang may dalawang kasarian sa mundong ito ngunit dahil isa s'yang mahusay na master ng kanilang guild, mataas ang respeto ng lahat sa kanya.
"Opaniryi sieha! Ang ikalimang-guild, ang Stonehard!" at muli na naman nagpalakpakan ang mga Pure Blood at ginantihan naman sila ng matatamis na ngiti ng mga baguhang Pure Bloods.
Ito ang guild na pumapangalawa sa may mga malalakas na kapangyarihan, ang Stonehard. Ang guild na ito kung saan napapabilang si Sebry ang bestfriend ni Mellea na Elyena na ngayon. Nagtataglay si Sebry ng natatanging lakas na nagmumula mismo sa kanyang katawan. Nakakaya nilang basagin ang mamalang bato, nakakaya nilang buhatin ito na dalawang daliri lamang ang ginagamit.
Sa kanilang grupo din madalas kinukuha ang mga mandirigma na isinasama sa mga paglalakbay. Malaking tulong ang kalakasan nila ng katawan dahil maaari silang magsilbing kalasag sa pag-atake ng mga kalaban. Pinamumunuan ang guild ito ni Armedis, matalik ng kaibigan ni Xephus, ang ama ni Sebry.
"At syempre, maaari bang magpahuli ang mga taga-pangalaga ng tubig?"
"Hindi!" sigaw ng mga miyembro ng Skywater guild bilang tugon sa tanong ni Agameya.
"Kung ganoon! Maaari nyo nang ipakilala ang inyong mga sarili!" At humaharap naman ang Master ng Skywater na si Dymen. Sumunod ang ilan sa mga pinuno ng Skywater.
Naghiyawan ang ilang mga kakabaihan nang sya na ang nagsasalita sa harapan. Hindi nga naman nakakapagtaka kung ganoon na lamang ang reaksyon ng iba, ubod nga naman ng kisig ang lalaking na sa kanilang harapan.
Ang Skywater, kung saan napapabilang si Elyena, pangunahing kapangyarihan ng mga taga-Skywater ang tubig. Sila ang may kontrol sa tubig, ito rin ang pinakamalakas sa apat na elemento ng daigdig, ang tubig. Kaya nitong wasakin ang mundo ng isang iglap lamang.
Kalmado ang mga taga-Skywater ngunit malalim mag-isip. Karamihan sa kanila, tahimik lamang ngunit maabilidad sa pag-lutas ng mga suliranin. Pangalawa sila sa may mga matatalinong miyembro. Sa guild na ito, matatagpuan ang may mga mala-dyosang kagandahan. Hindi nakakapagtakang mapalad ang guild na ito dahil napupuno ng kagandahan.
Kaya naman hindi nakakapagtaka kung madalas dayuhin ang kanilang ng mga kalalakihan dahil sa pagbabaka-sakaling makatagpo ng kanilang mapupusuang dilag. Ngunit, hindi ito pahihintulutan ng kanilang master na si Dymen. Si Dymen na ubod ng kagwapuhan kaya naman nahuhumaling din sa kanya ang ibang mga estudyante galing sa ibang guild.
Si Dymen na tahimik at strikto. Malalim mag-isip at ubod ng lamig kung ikaw ay makikipag-usap sa kanya. Ni-minsan hindi pa sya nagmahal kung kaya't wala syang alam sa salitang pag-ibig. Marahil ay alam, ayaw nya lang n'yang gawin dahil ayon sa kanya walang maidudulot na maganda ang pag-ibig kundi pait lamang.
Sebry's POV
Pagkatapos na pagkatapos ng pagpapakilala, umalis kaagad ang reyna at bumalik sa Kaharian. Naiwan kaming lahat dito kasama ang mga opisyal ng Constellatopia at ang ibang Pure Blood at Half breed Nasa teritoryo kami ngayon ng Skywater Guild kung saan ginaganap ang pagtitipon. Malapit nang dumilim kung kaya't ang iba ay piniling mamahinga muna habang ang iba naman ay nasa silid-painuman.
Nagkaroon ng konting salo-salu na dinaluhan ng iba't-ibang guild. Nakahain sa aming harapan ngayon ang iba't-ibang putahi na ni-minsan hindi ko pa natikman sa tagal ng pananatili ko dito sa Constellatopia. Kung titignan ko ang mga pagkain ay talagang nalalaway ako. Parang ang sarap ng mga niluto nila. Anong kayang lasa ng mga 'yan?
"Psst. Maghintay ka! Magpapasalamat pa tayo kay Bathala bago tayo kakain." saway ni Eno sa akin.
"Oo na." nakasimangot kung sabi.
Matapos basbasan ni Amberly ang mga pagkain, nagkakanya-kanya kuha na kami ng pagkain na gusto namin. Gusto pa sana ako pigilan ni Eno sa pagkuha ng pagkain dahil may iba pa na kakain ngunit hindi nya na lang ginawa.
"Palaban ata ako kumain. Ha.ha.ha.ha. Pagkain ang sumusuko sa amin ni Mellea." Bigla akong nasabi.
~~
Nasa highschool pa kami nun ni Mellea noong umattend kami ng birthday party ng kaklase namin. Noong una nagkakaihiyaan pa kami kung kukuha ba kami ng pagkain kasi naman ang daming bisita ng kaklase namin at puro lahat mayayaman. Kami lang nga ata ang mga mukhang mga pulubi doon eh.
"Bes, ikaw na kasi!" pamimilit ko sa kanya habang tinutulak sya palapit sa lamesa na may pagkain.
"Ayoko nga! Nakakahiya kaya!" tugon naman nya.
Hindi pa kami nakakalapit naaamoy na namin ang lechon at ang iba pang handa sa lamesa. Nakita din namin ang nagtataasang cake ng kaklase namin. Talagang napapa-wow na lang kami ni Mellea ng mga oras na 'yon.
"Sige kapag ako kumuha sumunod ka na rin ah,"
"Oo susunod ako!"
Maya-maya pa ay lumapit sa amin ang birthday celebrant, sinabihan nya kami na kumuha na ng pagkain na gusto namin pero oo lang kami ng oo sa sinasabi nya. Ang hirap naman kasi itago ng hiya, ayaw naman naming ipakita na mga patay-gutom kami.
"Hahatiin ko na 'yong cake, samahan nyo ko sa gilid para mabilis lang kayo makakuha." pag-aaya nya sa amin. Walang segundo nasa tabi na ng cake si Mellea.
Nauna pa sya sa maghahati ng cake, nakakahiya talaga. Halos mapatakip na lang ako ng mukha habang palapit sa kanya dahil sa mga kinikilos nya. Payaw-ayaw pa kanina tapos ngayon nauna pa sa amin. Natawa na lang si Saira, yong birthday celebrant, sa kanya. Para kasi s'yang bata na sabi na sabi sa cake.
Matapos mahati ang cake na 'yon, binigyan kami ni Saira ng malalaking hati dahi natutuwa daw sya kapag nakikita kami. Bumalik kami sa upuan namin ni Mellea na may maraming dalang pagkain.
Tawa kami ng tawa habang kumakain dahil naaalala namin 'yong mga kahihiyang ginawa namin ngayon para kaming mga patay-gutom na kulang sa aruga ng magulang.
Kung nandito lang mama ni Mellea, tiyak na magagalit 'yon sa amin dahil hindi kami makapagpigil sa mga pagkain.
Pero ngayon na sa ibang mundo na ako, malabong mangyari paulit ang bagay na 'yon. Na sa kabilang mundo sya ako naman ay nandito sa mundo ng mga immortal.
Sino mag-aakala na ang dating hindi mapag-hiwalay na samahan ay nagawang paghiwalayin ng tadhana nang dahil sa pagkakaiba ng mundong pinag-mulan namin.
Ngunit, ang pagkakaibigan ay hindi matatapos dahil lang sa nagkalayo at magkaiba ng mundo dahil ang totoong kahulugan ng kaibigan ay nasa puso, na kahit ilang milya pa ang layo n'yong dalawa, mananatili at mananatili ito sa puso ng bawat isa.
~~
"Sebry! Sino si Mellea?" tanong ni Eno. At sya namang pagbalik ko sa reyalidad.
Sa tanong n'yang 'yon nakaramdam ako ng lungkot. Muli ko na namang naalala ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung nasaan sya. Kung ayos lang ba sya ngayon, kung inaalagaan din ba sya ng maayos ni Prince.
"Sebry? Sino si Mellea?" muling tanong nya.
"Matalik kong kaibigan." mahinang sagot ko.
"Eh nasaan sya ngayon?"
"Hindi ko alam. Simula noong pumunta ako dito wala na akong naging balita pa sa kanya."
"Wag kang mag-alala, may alam akong paraan at lugar para malaman mo kung ayos lang ba sya at kung nasaan sya." at matamis na ngumiti sa akin si Eno.
"Talaga?" Para akong nabuhayan sa sinabi nya. Posible pa lang gawin yun dito.
"Oo naman, Sebry! Nakakalimutan mo atang nasa Constellatopia ka. Maraming nakakamanghang bagay ang pwede mong gawin sa mundong ito," napangiti ako sa sinabi na iyon ni Eno.
"Kaya ipagpatuloy mo na 'yang pagkain mo, baka maunahan ka pa ng mga langaw." sabay tawa nya. Napangiti na lang din ako.
Muli akong nabuhayan sa pag-asa na pwede kong makita at makausap ang kaibigan ko. At sa oras na magkita kami o magkausap, ipinapangako ko na sasabihin ko ang lahat sa kanya.
"Thank you, Eno ah." seryosong sabi ko.
"Salamat ang ibig-sabihin n'yan hindi ba?"
"Oo!" At tumango naman sya.
Mabilis akong natapos sa pagkain ko dahil sabik na sabik na akong makita si Mellea. Hindi ko alam kung ano 'yong sinasabi ni Eno na lugar at paraan pero kung ano man 'yon nakahanda ako para sa kaibigan ko.
"Bilisan mo dyan! Ang kupad mo kumain!" utos ko sa kanya at saka tumayo na kinauupuan ko.
Napansin ko ang dami ng Pure Blood na naglalakad sa paligid. Ang iba ay nagkikwentuhan lang at nagtatawanan. Ang iba naman ay nagsisikap na magkaroon ng kaibigan. May mga iba naman na walang kasama at mas piniling mag-isa na lang sa isang tabi.
"Para kang tigre kung kumain. Immortal ka ba talaga?"
"Malamang immortal ako! Gusto mo subukan ko sayo." sabay hawak ko sa kamao ko na medyo matagal-tagal na ring hindi dumadampi sa makinis na mukha.
"Teka...teka! Nagbibiro lamang ako!" Tinago ko na lamang ang ngiti ko dahil nakahanda na ang braso nya na sanggain ang anumang pag-atake na gagawin ko.
"Takot ka pala e. Duwag!" saad ko sabay tawa ko. Napansin ko naman na nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya.
"Hindi di ako takot sa anumang labanan pero pagdating sayo naduduwag ako." seryosong sabi nya.
Hindi ko akalain na uso din pala sa mundong 'to ang punch line. Kasi kung 'yon talaga ang balak nya ay ang patamaan ako, sinasabi kong nagtagumpay sya dahil kumalabog talaga ng malakas ang puso ko.
"A-ano sabi mo?"
"Wala!" mabilis na bawi nya sa sinabi nya pero sigurado ako sa narinig ko sa kanya.
Gusto ko lang naman na ulitin nya 'yong sinabi nya dahil baka nag-kakamali lang ako ng narinig. Pero dahil itinatanggi nya na, wala na akong magagawa kundi ang paniwalaan ang una n'yang sinabi.
"Okay. Sigurado ka, wala lang 'yon?"
"O-oo."
Tumalikod na ako sa kanya dahil hindi ko na mapigilan ang ngiti ko na kanina pa gustong kumurba sa labi ko. Hindi ko alam na magagawa ko pang maging masaya ng ganito sa kabila ng pangungulila ko sa kaibigan ko. Malaking bagay na nandito si Eno sa tabi ko dahil kahit papaano, may nasasabihan ako ng mga nararamdaman ko at may nalalapitan ako. Hindi ko naman magawang kausapin si dad dahil abala sila sa palasyo.
Nang dahil sa kanya, naranasan kong muli ang saya nang may nagmamahal na minsan hindi ko pa nararanasan. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal. Kahit anong corny ng isang tao basta kapag galing sa kanya, pahahalagahan mo ng sobra-sobra. Tila ba lahat ng ginagawa mo nagkakaroon ng halaga.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Eno.
"Sa lugar kung saan makikita mo ang matalik mong kaibigan."
Hindi na ako nagtanong pa at sumunod na lang sa kanya. Tumawid kami sa gitna ng maraming Pure Blood, nagkalat kasi sila sa daan. May iba pa na may dala ng malalaking baso, sa pagkakaalam ko alak ang nakalagay sa lalagyang iyon.
Habang naglalakad kami ni Eno, hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin sa paligid. Tila ba may gustong makita ang mga mata ko na hindi ko alam kung sino. Nais ko lang talaga makita at makilala ang mukha ng bawat Pure Blood at Half breed na nandito. Kaya di ko napansin na nahuhuli na pala ako sa paglalakad.
"Sebry!" sigaw ni Eno. Agad namang hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses na 'yon hanggang sa tanaw ko sya na malayo na sa akin.
"Sandali!" sigaw ko. At patakbong lumapit sayo sa kanya.
Tumakbo na kaagad ako sa direksyon ni Eno pero noong malapit na ako sa kanya, bigla akong natigilan dahil may biglang bumangga sa akin. Hindi ko napansin kung sino dahil naka-suot pa sa kanyang ulo ang kapa nya. Kaya di ko agad nakita ang mukha nya pero alam kong lalaki ang bumangga sa akin. Hindi ko na sana papansinin ang lalaking bumannga sa akin. Ngunit humingi sya ng paumanhin sa akin at agad kong nakilala ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki.
"Prince?" bulong ko.
Huminto ako para lingunin ang lalaking nakabangga sa akin para alamin ang hinala ko. Hindi ako maaaring magkamali. Kay Prince ang boses na iyon.
"Sebry!" tawag muli ni Eno sa akin pero hindi ko sya pinansin. Muli kong inikot ng tingin sa buong paligid, sinusuri ko bawat Pure Blood na naglalakad.
Nagsimula na akong maglakad pabalik at nilalapitan ang mga Pure Blood na makikita ko. Alam kong hindi ako papatulugin ng mga katanungan ko kaya naman nais kong masigurado kung tama ba ang iniisip ko.
Makailang beses ko nang naririnig ang boses na 'yon ngunit hindi ko lang binibigyan ng pansin dahil baka nagkakamali lang ako. Noong una nakita ko din sya sa lagusan at inisip ko lang na isang guni-guni lamang ang bagay na 'yon. Ngunit ngayon, hindi ko mapalalagpas ang gabing ito na hindi ko nalalaman ang totoo. Malakas na ang kutob ko na si Prince ang lalaking 'yon.
"Sebry! Ano bang nangyayari?" tanong ni Eno at sabay hawak nya sa braso ko.
Sa isang iglap ay nandito na kaagad sya sa harapan ko.
"May narinig akong pamilyar na boses, 'yong lalaking bumangga sa akin...alam kong kilala ko sya."
"Oh sige, sino ba sya? Anong pangalan nya?"
"Prince. Prince ang pangalan nya."
"Prince?" kumunot ang noo nya. Tumango naman ako.
"Ang pangalang Prince ay ginagamit lamang namin para sa katawagan ng prinsipe at hindi sya ginagamit na isang pangalan. Pero kung ang tinutukoy mo ay nag-iisang Prinsipe ng Constellatopia, kilala ko sya."
Nanlaki na ang mata ko sa paliwanag ni Eno, hindi nagtatagal ay mas lalong lumalakas ang kutob ko na si Prince ay nandito din sa Constellatopia.
"Si Prince..."
"Eno?! Sabihin mo na!" Hindi makapag-hintay sa bulalas ko sa kanya.
"Si Prince Cleyton."
At sa oras na pagsabi nya nito, halos di ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Natulala na lang talaga ako sa hangin at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil sa rebelasyon na ito. Naalala ko nung nag-eenrol kami sa Dean's Office, malinaw kong nasulyapan ang buo nyang pangalan. Hindi ito isang aksidente. Ang kutob ko at ang mga nakita ko ay totoo.
Alam nya kayang nandito ako?
Si Mellea kaya alam nya kung nasaan at kamusta?
"Puntahan natin sya Eno...dalhin mo ako sa kanya," pamimilit ko kay Eno na ngayon ay nakatingin lang sa akin at nagtataka sa ikinikilos ko.
"Enoooo!" desperadang pagpupumilit ko.
"Oo...pero ano bang kaugnayan mo sa kanya? H-hindi mo naman siguro sya kasintahan, hindi ba?"
"Seryoso ka, Eno?! Yan talaga itatanong mo sa akin. Kailangan kong makita si Prince para malaman ko kung ayos lang ang kaibigan ko tapos yan ang pa ang itatanong mo sa akin." naiinis na sabi ko.
"Patawad. Sige, pero paano natin sya hahanapin sa ganito karaming Pure Blood at Half Breed. Batid kong wala sya sa palasyo ngayon."
"Edi gamitin natin ang kapangyarihan natin." suhestyon ko.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at ginawa na namin. Ginamit ni Eno ang kapangyarihan n'yang maghanap gamit ang isipan. Kailangan nya lamang ituon ang konsentrasyon upang mabilis n'yang mahanap ang kinaroroonan ni Prince.
Habang ako naman at pinakikinggang ko ang bawat boses na nasa paligid. Hindi ko mayasdong magawa ng maayos dahil ito ang unang beses na gagamitin ko ito. Hindi ko rin mahanap ang boses dahil ang daming Pure Blood at Half breed na nandito.
"Nahanap mo na?" tanong ko sa kanya na halata namang bala sa ginagawa nya.
Natutuwa naman ang puso ko habang nakikita syang tumutulong talaga sa akin.
"Na sa gawing kanan sya ng silid-kainan, kasama nya sina Andrexa at Serron!" At mabilis na iminulat ni Eno ang mata nya at nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Ha?" naisambit ko lang.
"Tara na." aya nya sa akin at sabay hila sa akin. Tumakbo kami palapit sa direksyo nila. Ngunit, imbis na maubos ang oras namin sa pagtakbo palapit sa kanila. Gumawa na lamang ako ng eksena para mabilis n'yang mapansin ang presensya ko.
"Prince Cleyton Crossen!" malakas na sigaw ko na halos mabasag ang mga lalagyan ng mga alak. Nayanig ang buong guild sa ginawa ko kaya naman nagsigawan ang iba at napaupo para takman ang tenga. Nagdulot ito ng malaking pinsala sa silid-kainan at hindi rin ako makapaniwala sa aking nagawa. Kulang na lang ay mawasak ang silid kainan.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa lahat, ako, si Eno at si Prince lamang ang naiwang nakatayo. Mabuti naman ay nagawa nya akong marinig sa pagsigaw kung 'yon. Walang umiimik sa paligid o kumikibo man lang. Pansin ko namang nagulat din si Eno sa ginawa ko. Dahil kahit sya ay di rin nabantayan ang gagawin ko. Hindi talaga ako mapipigil basta may gusto akong makuha at malaman.
Sa pagkakataon na to, nakita ko na rin sya. Nakatingin ako sa kanya at naghihintay na ipakita nya ang kanyang sarili sa akin. Dahan-dahan n'yang ibinaba ang suot nyang hood sa ulo. Hanggang sa ang hinala ko ay naging katotohanan na nga. Tuluyan nang lumatad sa mga mata ko si Prince. Malaya ko na ngayong nakikita ang mukha nya. Nakatingin sya sa akin na tila ba hindi nagulat nang makita ako.
"Ikaw!" tawag ko sa kanya at naglingunan ang lahat sa kanya. Naglakad naman ako palapit sa kanya para makapag-usap kami ng masinsinan.
Sa pagsigaw ko, narinig ko ang bulong-bulungan ng iba sa paligid. Bahagya akong napatingin sa kanila at napansin ko ang pagtaasan ng mga kilay ng mga babae habang ang ibang mga lalaki naman ay nakatunganga lang sa akin.
"Ano bang problema ng babaeng 'to?"
"Nasisiraan ba sya ng bait, bakit nya tinatawag ng ganun ang Prinsipe ng Consteallatopia?"
"Baliw na sya. Walang galang sa Prinsipe ng Constellatopia."
"Sebry! Ano bang ginagawa mo? Igalang mo ang Prinsipe." bulong ni Eno sa gilid ko. Ngunit hindi ko sya pinansin.
Hindi ko akalain na nasobrahan pala ang aking ginawa. Atsaka wala akong pakialam sa mga sinasabi nila sa akin. Ang mahalaga ay makausap ko sya tungkol kay Mellea. At marami akong tanong sa kanya na kailangan nyang sagutin ng maayos.
Naglakad ako palapit sa kanya hanggang sa magkaharap na kami Nagtataka ako sa nababasa ko sa mga mata nya, tila ba labis na kalungkutan ang nakaukit dito.
Ano kayang nangyari?
Bakit parang sa mga tingin nya kinakabahan ako na may halong takot?
"Wag tayo dito mag-usap." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis syang nawala sa harapan ko at pumunta sa isang sekretong lugar.
Nakita ko pa na susunod sana si Eno sa amin pero umiling ako para wag na s'yang sumunod pa sa amin. Marami akong tanong na nais kong malaman kay Prince saka isa pa, paano na si Mellea ngayon. Wala na syang kasama sa mundo ng mga tao.
Mellea's POV
Nang matapos ang pagsalubong, napag-desisyunan kong pumanik na sa guild namin upang magtungo sa kwarto ko
Nang matapos ang pagsalubong, napag-desisyunan kong pumanik na sa guild namin upang magtungo sa kwarto ko. Nais kong magpalit ng damit dahil kumpara sa damit ng mga kasama ko masyadong bongga ang akin. Saka isa pa mainit at mabigat sa pakiramdam.
"Ahh. Gusto ko na magpahinga." nahiga ako sa aking kama.
May bintana ang aking kwarto, komportable at parang bumalik ako sa sinaunang disenyo ng mga silid. Gawa ito sa magagandang klase ng kahoy ngunit magara ang mga gamitan sa loob.
Gusto ko ang ganitong klase ng kwarto, may ilawan na nakasabit sa dinging ko at sa kisame. Nagbibigay ito ng madilaw na liwanag sa paligid ng kwarto ko. Hindi masakit sa mata at nakaka-relax sa pakiramdam.
"Gutom na ako." nakasimangot na sabi ko. Hindi na ako nagtagal pa sa higaan ko at nagpalit na ng damit.
Nang matapos ako ay tumakbo na ako palabas dahil hindi ko na kaya ang pag-aalburuto ng tiyan ko.
Pagkaba na pagkababa ko, tumambad sa akin ang mala-dagat ng mga Pure Blood at Half Breed. Halos mapanganga na lang ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ni-hindi ko alam kung nasaan ang kainan nila dito.
Muli kong narinig ang pagrereklamo ng tiyan ko. "Kailangan ko na talaga kumain. Nasaan ba ang kainan nila dito?" bulong ko.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at puro Pure Blood at Half Breed lang ang nakikita ko. Para akong matatabunan sa dami nila ngayon dito. Napansin ko lang na kakaiba ang kinikilos ng iba para kasing may nangyari nang hindi ko alam.
"Mellea!" sigaw ng isang lalaki sa likuran ko. Napahinto ako at nilingon sya. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang lalaking tumawag sa akin.
"Sabi ko na nga ba, ikaw yan!" saad nya. Hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis nya akong niyakap.
"Teka...teka. S-san...sandali." bulong ko naman at humiwalay naman sya.
"Gutom ka na ba?" nakangiting sabi nito sa akin.
"Eh anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Bakit nga ba ako nandito...Parehas lang ta---" at bigla na namang kumulo ang tiyan ko.
"Gutom na ako, tara na! Saan ba kainan dito?" pag-iiba ko sa usapan dahil halatang pinipigil nya lang ang tawa nya sa akin.
Mabuti na lang talaga nakita ko si Janus dito at dahil sa kanya nakakain na ako ngayon. Nakatingin lang sya sa akin habang kumakain ako ngunit hindi ko na lang sya pinapansin dahil sadyang nakakapa-tahimik ng tiyan ang sarap ng mga pagkain dito.
"Kumain ka lang nang kumain. Maraming pagkain sa mundong 'to." komento nya pa.
Iaabot din ako ng ilang minuto sa pag-ubos ng mga pagkain ko at ngayon nakasandal ako sa upuan ko dahil punong-puno na ang tiyan ko. Pinagmamasdan ko lang mga Pure Blood at Half Breed na naglalakad sa paligid. Nakakatuwang makita sila dito at masayang nag-uusap ng ibang mga Pure Blood at Half Breed.
Hindi ko lubos maisip na ang isang ordinaryong estudyante lang ng Constenopy University ay isa na ngayon Pure Blood at nasa ibang dimensyon ng mundo.
Ang mundong napapanood ko lang sa mga pelikula at nababasa sa mga libro ay totoo pala. Ngayon nandito na ako, nakatapak ang mga paa at masayang nakikipagkwentuhan sa mga kauri ko. Ito ang mundong pinagmulan ko at masaya akong makabalik sa mundong ito.
Masaya ang lahat na tila na hindi nangangamba sa balakid ng tadhana sa aming mga buhay. Ang ingay nila na nagsisilbing musika sa akin at nakakapag-palakas ng kalooban, na sa labang ito hindi ako nag-iisa dahil sa mga oras na 'to alam kong matibay ang pagkakaisa at pagtutulungan.
"Ama, ina masaya akong nabuhay sa mundong ito." bulong ko sa aking sarili.
Habang inaaliw ko ang aking sarili na panoorin sila, napansin ko mga basag na lalagyan ng alak sa gilid ng mga lalaking nag-iinuman sa gitna. Nagtaka ako kaya naman nagtanong ako kay Janus na kasalukuyang tumutungga na rin ng alak.
"Janus. Anong nangyari sa mga 'yon?" tanong ko.
At nagets naman nya ang tinutukoy ko, "Ah 'yon ba, may isang babae kasi dito kanina na biglang sumigaw. Tinawag nya ang Prinsipe nang Constellatopia...sa lakas ng sigaw nya nabasag ang mga lalagyan 'yon." paliwanag nito.
Tumango naman ako, "Ah kaya pala 'yong mga babae doon kanina, piang-uusapan nila 'yong babae."
"Sa totoo lang kilala mo nga 'yong babae na 'yon e, kaklase din natin sa Physics class natin sa Constenopy." dagdag nya pa kaya napakunot naman ako ng noo.
Sino naman kaya 'yon?
"Si Seb---" Hindi na naituloy pa ni Janus ang sinasabi nya dahil biglang may sumulpot na lalaki sa likuran nya. Nangangamoy alak na ito kaya naman dumistansya na ako kaagad.
"Januuuuus!"
"Oy pare!" bati ni Janus sa kanya.
Naupo sa gitna namin ang estrangherong ito kaya naman mas lalong dumistansya na ako. Hinayaan ko lang sila na mag-usap nang mag-usap dahil mukhang may tama na rin si Janus.
"Janus, babalik na ako sa silid ko. Salamat nga pala." paalam ko sa kanya.
Nagpasya na lang ako na umalis na roon at maglibot-libot na lang sa buong paligid ng guild namin. Hindi naman masama kung ipapamilyar ko ang bawat sulok nito. Medyo may kalakihan din kasi guild namin na gawa sa bato.
Wala akong nakikita na moderno ang istilo ng mga bagay dito kundi puro sinauna pa. Ngunit hindi naman pangit tignan dahil para sa akin mas maganda pa ang mga bagay na may tanda ng nakaraan dahil wala ang hinaharap kung wala ang nakaraan.
Sa paglilibot ko, dinala ako ng mga paa ko sa lugar kung saan malaya kong napagmamasdan ang ganda ng kalangitan. Namangha ako at sobrang napa-ibig sa ganda nito. Dalawang buwan ang nakikita ko sa kalangitan at napakalalaki ng mga bituin na tila ba ang lapit-lapit ng mga ito sa akin.
Napapayakap naman ako sa aking sarili dahil sa malambing na paghalik ng hangin sa akin. Nakapasariwa nito na at ang sarap langhapin. Akala ko hindi ko na mamasdan ng ganito kaganda ang kalangitan, nagkamali pala ako dahil sa oras na 'to, ang tala ang nagsisilbing gabay ko sa dilim na dinaranas ko ngayon. Nakahanap ako ng kaibigan at masasandalan sa bisig ng mga bituin at ng buwan. Mawala man ang lahat sila pa rin ay mananatili upang magsilbing liwanag sa kawalan pag-asa ng iilan. Kaya naman kapag tumingala lahat ng pagod at hirap ay mawawala dahil yan ang totoong kapangyarihan ng mga bituin, ang magpagaling ng mga pusong nahihirapan.
Kahit saan mundo ka pa mapunta ang problema, pighati at pagdurusa at hindi mawawala hangga't tayo'y nabubuhay. Mawawalan ng saysay ang buhay natin kung hindi natin mararanasan ang mga ito. Dito natin masusukat kung talaga bang nagkakaroon ng kahulugan ang buhay natin. Ngunit, ang pasuko ay hindi kasagutan dahil sa bawat pagtingala natin at bulong sa hangin ay alam nating may nakikinig sa atin.

Bình Luận Sách (86)

  • avatar
    Jemjem

    ayos talaga tong story na to, ang ganda. habang pahaba nang pahaba yung story, paganda din nang paganda. more chaps pa author. 😘😘😘

    09/12/2021

      1
  • avatar
    Nathalie Kate Elizaga

    nice

    21d

      0
  • avatar
    TanomnaJessibelle

    in this first chapter maganda na agad

    27d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất