logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 05

"Nasa unang choreo pa lang tayo puro ka na mali Abigail. Kaya mo pa ba?"
Napabuntong hininga ako at tiningnan si Bianca na team leader ng cheerdance ng school namin. Halata na sa mukha niyang hindi na siya natutuwa sa hindi na mabilang sa daliring pagkakamali ko. Ako rin naman, hindi ko na gusto tuwing nagkakamali ako. Nakakapagod umulit nang umulit.
"Pasensya na Bianca. Wala lang ako sa hulog ngayon, pero sinisiguro ko hindi na ako ganito bukas." Napapalabing saad ko
"Huwag kang mag-sorry sa akin Abigail. Sa mga kasamahan na'tin." Saad niya pa at lumingon siya sa mga ka-grupo namin na patuloy lamang kung saan kami nagsimula at natapos.
"Stop na muna kayo, guys! Break muna tayo one hour!" Sigaw niya at nagkaniya kaniya ng bagsak sa sahig ang ilang mga estudyante. Pagod panigurado. Ilang beses ba naman silang umulit dahil sa akin.
Nang magtama ang mga tingin namin at tumayo ang ilan at lumapit sa akin. Ngumiti ang mga ito at mahinang tapik sa braso ko.
"Naintindihan ka namin, mag-take ka na rin ng break mo para makahabol ka." Aniya ng isa na sinang-ayunan naman ng lahat.
Nahihiyang ngumiti na lang ako at humingi sa kanila ng pasensiya. Kalaunan ay sinabahin ako ni Bianca na huwag na munang mag-practice ngayon araw. Bukas na lang daw ako bumawi at maaga akong magpahinga para mahimasmasan ako. Siya na rin daw ang bahala sa subject ko. Automatic naman daw na excuse ako sa lahat dahil malapit na ang intramurals, lahat naman daw ng teacher ay inaasahan na ang mga kasali ay liliban ng ilang mga araw.
Pawisan kong tinungo ang bathroom namin at nilinis ang sarili ko. Pagkatapos ay nagsuot ako ng uniform. Ayaw ko munang umuwi. Wala naman si Tiya Anne sa bahay dahil niyaya siya ni Mang Arlando na mamasyal.
Napanguso ako.
Buti pa si Tiyang Anne, malinaw ang lovelife. Samantalang ako, heto, mukhang busted na naman. Hindi ko na nga alam kung ilang beses ko na siyang sinuyo at ilang beses na rin akong na-busted. Pero sa lahat ng iyon, ngayong salita niya ang pinakamasakit. Ewan, siguro dahil malalim na ang nararamdaman ko para sa kaniya kaya ganito ang epekto niya sa akin.
Mabilis na lumipas ang oras. Nagkita pa kami nila Bianca at tinanong kung bakit hindi pa ako umuuwi gayong pinagpaalam niya na ako. Nginisihan ko lang siya at sinabi sa kaniya ang dahilan ko. Sandali pa kaming nag-usap hanggang sa lumipas pa ang mga oras. Si Candy naman ay hindi kumikibo sa akin. Lilipas na lang ang bente kwatro oras hindi pa rin nawawala ang pagtatampo niya. Gusto ko siyang suyuin, pero parang pagod ang buong pagkatao ko. Baka mag-away lang kami. Kaya imbes na kulitin pa siya ay pinabayaan ko na lang.
"Abigail,"
Awtomatikong napabaling ang atensyon ko sa boses na nanggaling sa aking likuran.
"Jack."
Lumingon lingon muna siya sa paligid bago muling tumingin sa akin. Humakbang ito palapit at paatras rin akong humakbang. Tila napansin niya naman 'yon kaya't tumigil siya sa paghakbang.
"About yesterday..."
"Naiintindihan ko. Kung hihingi ka nang tawad. Wala lang sa 'kin 'yon—"
"Hindi ako nandito for that. Wala rin akong balak humingi ng sorry sa sinabi ko kahapon kasi it's your fault naman talaga."
Napalunok ako sa kaseryosohan ni Jack. Akala ko ba wala akong kinalaman doon? Bakit ngayon parang mayro'n na ulit?
Pagak akong napangisi.
"Wala akong ginagawa o ginawa, Jack. Paano ko naging kasalanan 'yon? Eh kita mong kadadating ko lang sa floor niyo nang maabutan ko ang magulo niyong senaryo." Sarkastikong sagot ko.
"Si Samuel ang nagsimula. He insulted my boyfriend." Bahagyang napataas ang kilay ko sa madiin niyang pagkakabigkas sa huling salita. Gusto ko siyang irapan at talikuran kaso magmumukha akong bastos sa paningin niya. "At alam mo naman si Troy, Abigail. Papatol lang siya kapag sumobra na."
"Oh asa'n ang kasalanan ko do'n?" Takang tanong ko at nagkamot ulo pa.
"Gusto ka ni Samuel, Abigail at hindi niya matanggap na kay Troy ka bumubuntot." Diretsong sagot nito. Sandali akong natigilan.
"A-Alam mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Na may gusto ka kay Troy at pumayag siyang manligaw ka dahil makulit kang tao?" Tumango siya ng marahan, siya na rin ang sumagot sa tanong niya. "Sa daldal ba naman ng mga estudyante dito, ano sa tingin mo?" Nag-iwas siya ng tingin at nagpamulsa. "Tatapatin na kita Abigail. Walang kaso sa akin kung ano ang nararamdaman mo para kay Troy, dahil normal lang naman 'yan. Naiintindihan ko rin naman si Troy kung bakit siya pumayag. Pero kung magpapatuloy na lagi niyang nakakasagutan si Samuel dahil sa 'yo, lumayo ka na sa kaniya."
Muli na naman akong napipilan. Kakasabi lang ni Troy sa 'kin niyan kahapon, mas torture lang nga ang kay Troy dahil pinapalayo niya talaga ako.
Save yourself. Malalim na ang nararamdaman ko, paano pa ako aahon?
"Kakausapin ko si Samuel." Tanging naisambit ko lang at nilingon ang mga gamit ko. Hindi ko kaya ang presensiya niya ngayon, 'yong tingin niya ay para bang natagos sa buong pagkatao ko.
I know him but not that well.
Hindi ko inaasahan na alam niya na pala. Pero kung sabagay, maraming bunganga sa paaralang ito, ano pa bang nakakapagtaka?
Wala sa sarili napangisi ako habang papalayo sa bulto ni Jack. Kung alam niya na, ibigsabihin puwede ko na ulit kulitin si Troy. 'Yon naman ang ikinakatakot niya, kaso ngayon mismong nobyo niya pa ang nag-kumpirma sa harapan ko.
Hindi mawala ang ngiti ko habang pabalik ako sa room. Sakto rin na matatapos na ang last subject, sasabay na lang ako kay Candy sa uwian tutal ay siya na lang ang problema ko.
"Tsaka na kita kakausapin kapag natigil ka na sa kahibangan mo sa taong may karelasyon na Abigail, kaya lumayas ka sa harapan ko dahil uuwi na ako." Irap ni Candy sa akin sabay hawi pa.
Napanguso ako at sinundan ang mabilis niyang mga yabag.
"Candy, huwag mo nga akong pahabulin sa 'yo! Naghahabol na nga ako sa isa pati ba naman sa 'yo?!" Sigaw ko at binilisan pa ang paglakad kaso parang desidido talaga siyang balewalain ako. Hindi man lang ako hinintuan pero may salita namang ibinabato sa 'kin.
"Sino ba nagsabing maghabol ka? Choice mo 'yan kahit nasasaktan ka na kaya bahala ka sa buhay mo. Hindi na ako naaawa sa 'yo kasi bawat pangaral ko naman sa 'yo binabalewala mo lang!" Aniya at biglang huminto. Muntikan ka pa siyang mabangga dahil nagmamadali ako para makahabol sa kaniya.
Napatitig ako sa namumula niyang mukha. Gusto ko siyang yakapin at mag-sorry gaya nang lagi kong ginagawa pero alam kong hindi na uobra 'yon.
"Narinig ko kayo kahapon. Pinapalayo ka na ni Troy, hindi ba?" Taas baba ang kilay niyang tanong.
Hindi naman ako sumagot. Bakit hindi ko siya nakita sa hallway kahapon? Andoon ba talaga siya o may iba lang na nakarinig sa amin at na-chismis sa kaniya?
"Anong plano mo?" Malumanay niyang tanong.
Nagkamot ako sa noo ko at pilit na ngumiti. "Alam mo na, hehe."
Napairap siya. "Alam mo ang tanga mo, Aby."
"Alam ko. Kaya nga sorry eh." Napapalabing saad ko.
Inaamin ko naman talagang tanga ako. Kung minsan sobra sobra pa nga, kaso anong magagawa ko? Kung pipigilan ko ang katangahan ko para ko na ring sinukuan si Troy. Hindi ko kaya. Ni umabsent nga ay hindi ko magawa para lang makita ko siya eh, 'yon pa kayang lumayo para hindi na ako maging tanga. Hindi ko kaya.
Rinig ko ang buntong hininga ni Candy, maya maya lang ay lumapit ito sa akin at inilahad ang braso niya. Agad naman akong napangiti at ipinulupot ang braso ko doon. Ngumiti rin siya at umiling.
"Ilibre mo ko ng donut, pagkatapos no'n bati na tayo." Aniya na hindi ko na kinontra kahit pa nga magbabawasan ang pambili ko ng bulaklak bukas.

Bình Luận Sách (5)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Wow!! subrang nagandahan aq sa love story nila. Thanks and congrats author ❤️❤️❤️

    14/11

      0
  • avatar
    Emil Albarico

    500

    10/11

      1
  • avatar
    manuelronald

    😍😍😍

    23/12/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất