logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

Naalimpungatan si Alysia ng may tumatapik-tapik sa mukha niya. Napabangon siya bigla. Hindi na mabigat ang pakiramdam niya nakakagalaw na rin siya ng maayos at nakakakilos na, pero naghihina parin siya. Ang buong katawan niya nanakit dahil sa pananakit sa kanya.
"Ano kailangan mo?" Sabi niya. Pilit siyang bumabangon.
" Wala tayong maid, Pinaalis ni Mommy ikaw na ang gagawa. Sa lahat ng gawain sa Mansion gaya nang mga katulong mula sa araw na'to. Bumangon kana diyan, at magsimula na. Tsaka nga pala huwag mong subukang tumakas! Ipahuhuli ka sa bagong bantay sa labas! Kung gusto mo pa mabuhay." Si Valerie. Tumalikod na ito. Matapos sabihin sa dalaga nais niyang sabihin.
{ Baliw ka ba?! Hindi ako katulong, idiot!}
Galit kong sabi. Ngunit useless lang. Dahil hindi naman niya ako naririnig.
Huminto si Valerie ng malapit na siya sa pinto. Ngumiti ito na parang aso. Saka ito tuluyang umalis may sinabi ito.
"Sa nga pala Alysia malaki itong kwarto mo sa akin na ito, ha? Sa maids room kana matutulog simula ngayon. Lilinisin mo na rin iyon. Kasi ang kalat, eh?"
Dagdag niya pa. Bago lisanin ang silid.
Bw*s*t!
Nagpapadyak sa inis si Alysia. Wala naman siyang nagawa ang sumunod sa gusto nila. At paghari harian ni Valerie sa Mansion.
Gusto kong magwala at magsisigaw, pagbasagin ang pagmumukha nila, pero wala akong lakas loob gawin iyon. Dahil maliban sa kapansanan ko, wala siyang malalapitang makakatulong sa kanya.
Kumuha siya ng mga panlinis, nang sumulpot sa harap niya ang babae. Bago sa paningin niya. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Hi!, Susan ang pangalan ko, ako ang makakasama mo dito."
Nakangising sabi nito sa kanya.
Si Susan ang bagong katulong na hinahired ng mag Ina sa Mansion
"Anong pakialam ko!" Pagtataray ng dalaga. "Hindi naman ako maid dito?" Mapait niyang sabi.
"Ah, Hehe... nakalimutan kung Pipi ka pala. Hindi ka makapagsalita.. bakit anong dahilan?"  Tanong nito sa kanya. Gustuhin man niyang sabihin dito. Pero wala rin kwenta. Hindi rin naman siya maitindihan.
Tinalikuran niya na lang ang babae. Nagsimula na siyang maglines pero nahinto ako ng pigilan niya. Inalis ko ang kamay niyang nasa kanang braso ko at sinamaan siya ng tingin pero hindi ito pinansin.
"Sabi ni Señorita Nikki, unahin mo raw linisin ang kwarto niya!" Sabi niya.
Euw! Feeling ha.. sino siya utusan ako! Ikaw na kaya maglines roon. Kung gusto mo! Bw*s*t!
Inis niyang tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kanya sabay alis.
"Hoy! Sige, ka pag iyon nagalit. Hindi ko kasalanan. Bahala ka na nga! Ang Hirap mo kausap na hindi nagsasalita!" Sambit nito. Nagkibet- balikat lang siya.
"Wala akong pakialam sa kanila! Sana kainin sila ng lupa!" Himutok niya. Hindi ito pinansin.
Pagod na pagod si Alysia ng matapos linisin ang silid ni Nikki. Hinila siya ni Nikki papunta sa silid nito para linisin niya at ipamukha na rin sa kanya na may relasyon sila ni Benedick. Masakit ang  buong katawan ni Alysia sa daming nilinis niya sa silid  ni Nikki. Mangiyak-ngiyak siyang naupo sahig, sa pagod nakataas ang dalawang tuhod at nagtalungko siya, nakapalibot ang dalawang braso niya, sa sariling tuhod at pinatong doon ang kanyang baba habang umiiyak. 
Ngayon ko na realize ang mga katulong, ay Hindi pala madali ang trabaho nila. Ando'n iyong pressure at pagod na maging malinis ang lahat. Pero ako! Wala akong puso basta nalang ako magtatanggal nang tauhan, without any reason. Kapag may hindi ako nagustuhan sa trabaho nila tanggal kaagad. Wala akong pakialam sa mga damdamin nila.
Kase gusto ko perfect ang lahat. Kunting mali lang sa ginagawa nila sinisigawan ko na sila at pinapahirapan. Hindi ko man lang iniisip ang paghihirap nila. Ngayon ko na realize ang lahat. Tumulo bigla ang mga luha niya sa sama nang loob. Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya sa kakaiyak.
"That's bulsh**t! Oras ng trabaho natutulog ka.." malakas na mura sa kanya ni Nikki.
Bigla siyang napabangon ng maramdaman niyang ginigising siya gamit ang isang paa nito. Wala itong pag-iingat na pinagsisipa siya. Tuluyang nagpagising sa diwa niya. Tiningala ko ito, nakita kong galit ito.
"Tumayo kana diyan! Oras ng trabaho natutulog ka! Hindi ka na Señorita, kung inaakala mo Alysia, na panaginip lang lahat ito. Nagkakamali ka? Lumabas ka ng kwarto at puntahan mo si Ate Valerie may ipapagawa siya sayo, dalian mo! Wag tatamad tamad!" Sigaw sa kaniya. Matapos pagsalitaan ng anu ano. Sa loob looban niya. Gusto ko na siyang sakalin. Pero iniisip pa lang niya iyon. Natatakot na siyang maparusahan naman.
Naalala niya ang banta sa kanya ni Sheilla, oras na saktan ko ni dulo ng buhok ng mga anak niya. Maramdaman niya ulit ang sakit na ginawa niya, kung sakaling saktan niya mga ito. Wala siyang magawa ang patayin sila sa mura. Pinihit na niya ang doorknob ng pinto nang lalabas na siya ng marinig niya itong magsalita.
"Wait, bibisita dito bukas si Benideck! Ang gusto ko, huwag kang magpapakita sa kanya, nagkaitindihan ba tayo. Isa pa bago ko makalimutan kami na ni Benideck, sinagot ko na ang panliligaw niya sa akin. Sinabi niya sa akin mahal niya ako at mahal ko rin siya. Masaya ako? Ang sarap pala sa feeling kapag mahal mo ang isang tao!" Natatawang sabi nito sa kanya.
Naka angat ang mga braso nito sa kanyang dibdib at nakatayo sa harapan niya si Nikki. Habang nagpaparinig sa kanya. 
"Di Wow! Wala rin akong balak magpakita sa kanya! Ayaw kung pagtawanan niya pa ako!"
Nakasimangot kung mukha. Pero sinarili ko nalang ang sakit na naramdaman ko. Parang may aspiling tumusok sa dibdib ko sa oras na iyon.
"Sorry, Alysia, ha? Mas masarap kasi ako magmahal, eh? Tsaka alam mo kagabi.. hinalikan niya ako!" Kilig na kilig si  Nikki. Habang nagkukwento sa kanya na may kasama pang action ang sinasabi niya.
Wala akong pakialam sa inyo! Kung gusto mo ilagay mo pa siya sa bulsa mo!
Nagngitngit ang kanyang kalooban. Tumalikod na ako. Nasa sala na siya ng masalubong ang madrasta ang laki  ng ngiti nito abot tainga. Parang nanalo sa lotto ang ngiti niya.
Malamang nakuha na nito ang gusto niya. Sapilitan siyang pinapirma sa Documents, nilipat lahat sa pangalan ni Sheilla ang pinamana sa kanya. Wala siyang nagawa. Ang pumirma. Kaysa ibenta siya sa bahay aliwan. Mas kaya pa niyang maging alila rito kaysa babuyin ang katawan niya sa kung sino sinong lalaki.
"Ows! Bagay pala sayo ang uniform sa pagiging maid! Pero salamat sa pag cooperate mo, ha? Dahil sayo nakabayad na ako ng utang. Kasi kung hindi ko iyon gagawin, ako ang papatayin nila. Pasinsiya kana, ha? Anak. e' push mo iyan, bagay sayo maging maid sa bahay na ito." Pang-aàsar nito sa kanya sabay tawa ng malakas.
Sinamangutan ko ito at tinalikuran siya.
"Karmahin ka sana!" Bulong niya sa hangin.
"Hoy! Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos ang bastos mo! Hangggang ngayon wala ka paring respito at walang mudong anak! Pero hindi bali, wala na rin akong pakialam sayo!"  Ang madtrasta niyang plastik. Lalabas talaga ang tunay niyang kulay kahit anong tago mo.
Lalo na ako! Wala rin akong pakialam sayo. Isa kang puta! Kung hindi kayo dumating sa buhay namin sana masaya kaming magkasama ni Daddy ngayon! Sana buhay pa siya..
"Ano ngayon ang pakiramdam ang walang silbe at walang magawa? Nakakasama ng loob, di ba?"
Dugtong pa nito sa sasabihin niya. Kumukulo na ang dugo ko sa mga pasaring nito sa kanya. Sawang sawa na siya sa mga parinig nito sa kanya.
May sariling isip ang mga kamay kong, hilahin ang bagong rebond nitong buhok. Nanglaban ito. Gano'n rin ako. Kanina pa siya nagpipigil kay Sheilla. Pero talagang maikli lang ang pasinsiya ko sa katulad niya. Sinuntok niya ako sa mukha, saglit umikot ang paningin ko.
Hindi pa ito nakuntento sinugod siya nito ng sampal at sinabunutan ng buhok. Umibabaw ito sa akin. Walang tigil sa pagsampal sa mukha niya at sabunot sa kanyang buhok.
"Bw*s*t kang babae ka! Sinagad mo ang pasinsiya ko, ha! Inutil ka na nga ang tapang mo parin."  Galit na galit si Sheilla.
Kinalmot sa mukha ang dalaga at gigil na gigil itong pagsampalin siya, hanggang sa mapagod ito.
Bw*s*t ka rin! Hindi ako patalo sa iyo gurang ka!
Pumaibabaw ako sa kanya ng magpalit kami nang position ni Sheilla. Punong- puno na rin ako. Gusto kung durugin ang pagmumukha niya sa pang aapi sa akin at panlulukong ginawa niya  Daddy ko.
Nagulat na lang ako ng tumilapon sa sahig. Tumama ang katawan ko sa pader. Napahiyaw ako sakit, gusto kung bumangon, pero hindi ko kaya dahil sa subrang sakit ng pagkatama ko sa pader. Pakiramdam ko mababalian ako ng buto sa lakas ng empak.
"Hayop kang babae ka! Papatayin mo si Mommy, ha!" 
Sinugod siya ni Valerie. Galit na galit ito. Para itong amazona sa lakas at tapang. Boyish itong kumilos.
Umibabaw ito sa nakahigang niyang katawan sa sahig at walang tigil siyang sinampal ulit at sinuntok sa sikmura, namaluktot siya sa sakit matapos siya sikmurain ni Valerie sa tiyan. Kahit saan parti ng katawan ko tumama ang mga kamay ni Valerie. Nawalan siya ng malay ng hindi niya nakayanan pa.
"Naku! Ate napatay mo si Alysia?"
Pagtitili ni Nikki ng makita ang kalunos-lunos niyang buhay.
"Mom.. hindi ko sinasadya! Gusto ko lang naman siya bigyan ng leksyon sa ginawa niya sayo hindi ko naman intention patayin siya." Takot nasa boses ni Valerie matapos siya mahimasmasan. Nakita niya ang bagsak na katawan nang dalaga. Hindi na ito gumagalaw.
"Sshh.. I know!" Sagot ni Sheilla.
"Nawalan lang siya ng malay, Valerie! "  sagot sa kanya ni Sheilla.
"Hindi siya patay?" Wala sa sariling tanong ni Valerie sa Nanay niya.
Walang lakas si Alysia tumayo sa ilang araw na hindi siya pinapakain. Para siyang dinaganan ng ilang sakong cemento. Matapos siyang mawalan ng malay. Nasa loob na siya ng maliit na kwarto, si Valerie sa kwarto niya ito lumipat. Dati pa naman gusto na niya ang kwarto ko at lahat ng mayroon ako inaangkin niya. Na ngayong walang na siyang silbing tao sa balat ng lupa. Hindi siya pinapakain bilang parusa niya. Kahit tubig walang binigay sa kanya.
Nakapadlock sa labas ng pinto ng kwarto niya nakakulong lang siya doon hindi, alam kung kailan siya pakainin ng mga ito. Naiiyak siya sa Frustration. Wala siyang taong pagkatiwalaan na makatulong sa kanya. Mag-isa siyang madusa at bumagsak sa lupa at maghihirap. Nasipaglaglagan ang mga luha niya. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya pinaghinaan ng loob. Nagulo lalo ang buhok niya sa walang magawa tanging pagtangis lang niya gabi-gabi ang narinig niya.
N/A She's not speaking because of her conditions. Please read and comment.

Bình Luận Sách (246)

  • avatar
    Jargo Hilot Alma

    Ang Ganda Ng kwento

    2d

      0
  • avatar
    EstradaRuenaMae

    nice story

    6d

      0
  • avatar
    Zairen Morales Villaflores Greño

    ganda

    13d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất