logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 2

Mag iisang linggo na siyang nagkakulong sa kanyang silid. Matapos basahin ang last will Testament ng kanyang Ama. Sa kanya pinamana lahat nang ari-arian naiwan ng kanyang Ama. Dahil iisang pamilya sila. Manatiling legal guardian ang Stepmother sa kaniya. Hanggang kaya na niya ang kanyang sarili. Kahit labag sa kalooban niya. Hindi na siya nagreklamo pa. May isa pa itong habilin sa kanya isang proviso at nakasaad iyon dun. Alam na niya kung ano ang nilalaman ng proviso na iyon kahit hindi niya basahin.
Noong una nagprotesta ang Madtrasta niya kung bakit sa kanya pinamana ang lahat, maliban sa limampung Melyon sa bank account nito. Bakit iyon lang ang makukuha niya mula sa aking Ama. Siya naman ang asawa at nakakasama nang matagal ng kanyang Ama. Noong lumayas siya.
Dapat rin daw mas lamang ito kaysa sa kanya. Subalit, dahil iyon ang huling habilin ni Don Domineck, walang magawa si Sheilla ang sundin ang nakasaad sa Testaminto. Kahit masama ang tingin nito sa akin pinagkibit-balikat niya na lang. Hindi sila nagreklamo pa. Wala rin naman siyang pakialam sa mga ito. Dahil napatunayan niyang pera lang talaga ang habol nila sa Daddy niya.
Nagpasya si Alysia mag-ikot sa buong Hacienda. Noong nabubuhay ang kaniyang Ama. Ginawa niya ang pag-iikot sa Hacienda ng makaramdam nang pagkabagot, Suot ang maong pants at boots na paborito niya saka long sleeves na pang itaas. Ayaw niyang mamula ang balat sa gitna ng araw.
Katahimikan ang sumalubong sa kaniya sa buong Mansion. Matapos mabasa at makatanggap ng kani-kanilang mga Mana mula sa Daddy niya. Nag vacation sila kaagad sa Europa. Hindi niya alam kung kailan ang balik nila, baka nag eenjoy sila at nilulustay ang natanggap na pera.
Sa kuwadra ang punta ni Alysia ng makita siya ng mga tauhan nang Daddy niya. Yumuko sila bilang paggalang. Pero diretso lang ang tingin niya at hinanap ang paboritong kabayo niya. Wala ito.
"Andoy... si Tiffany nasaan siya?" Nangunot ang noo ni Alysia ng makitang wala ito sa mga kuwadra. Mahigpit niyang pinagbilin at lalo sa Ama niya na huwag pabayaan, ang kabayo niya kapag wala siya.
"S-señorita.. w-wala na po iyong kabayo niyo." nanginig ang boses sa takot. Lalo na ng makita nito ang nanglilisik niyang mga mata.
"Ano? Ano ibig mo sabihin ha? wala na, Andoy?" Hindi napigil ni Alysia ang magtaas ng boses. Nun pa man ilag na mga ito sa kanya, kapag nasa Hacienda siya.
Hindi siya nakipagkaibigan sa mga katulong sa Haceinda o nakipag-usap sa isa sa kanila. Mga pili lang ang mga kaibigan niya, lahat sila tagapagmana. Ganon ang prinsipyo niya.
"P-patay na po... se---?" Hindi na siya pinatapos ni Alysia. Basta nalang lumipad ang latigo ng kabayo kay Andoy. Walang awang pinaghampas ito ng dalaga, Sa ulo ang unang tama matapos napaluhod si Andoy sa lupa, habang nagmamakaawa sa dalaga.
Mainit ang ulo niya, mahigpit niyang pinagbilin, huwag pabayaan ang kabayo niya. Dahil iyon ang huling regalo sa kanyang Ina kaya niya iniingatan. Kaya masakit sa kanya na pati ang nag iisang bagay na mahalaga sa kanya ay mawala pa. Mahirap ba iyon gawin. Natigil lang siya ng dumating si Benedick. Inagaw sa kamay niya ang latigo.
"Itigil mo iyan Alysia sira na ba ang ulo mo? Gusto mo bang makulong sa ginawa mo kay Andoy? Pwide ka niyang kasuhan sa pagnanakit mo sa kanila!" Madiin niyang sabi sa dalaga matapos niyang awatin ito. Hindi parin ito nagbabago, tulad ng dati. Masama ang ugali.
"Wala akong pakialam! Mag demanda siya kung gusto nila! Handa akong harapin sila! Kahit saan korti nila gusto. Madali lang pinagawa ko sa kanila! Ang ingatan ang kabayo ko, mahirap ba iyon gawin!?" Pasigaw niyang sabi. Nasalat niya ang kanyang noo. Dahil sa galit at pangingialam ni Benideck.
Ang ayaw niya sa lahat iyong pakikialaman siya.
"May pakialam ako, Alysia! Kung wala kang pakialam pero ako may pakialam. Dahil ayaw kung makulong ka? Please tumigil kana!" Natigilan si Alysia sa sinabi ni Benideck para siyang na statuwa sa kinatayuan niya. Nagsalubong ang mga mata nila at magkalapit ang mga mukha nila sa isat-isa. Ang tibok ng puso niya napakabilis. Nakakabingi.. sa bilis.
Bumaba ang tingin niya sa labi nito parang gusto niyang halikan siya. Dahil sa pagkakataon na ito, bigla may kakaiba siyang nararamdaman dito. Pero hindi niya alam kong ano ito.
Humugot siya ng malalim na hininga.
Naitulak niya si Benideck ng matauhan, sa mga pumapasok sa isipan niya. Nakagat ni Alysia ang labi niya sa hiya.
Napabuntong-hininga si Benedick napagtanto niyang kumalma ito. Noon pa man hindi na maganda ang ugali ni Alysia, stubborn na nga spoiled brat pa. Lahat nang gusto niya na susunod. Palibhasa nag-iisang anak.
Kung lahat ng tao takot sa kanya wala nang maglakas loob na pigilan siya sa mga masamang ugali niya. Siya lang hindi takot sa dalaga. Natatakot rin naman siya pero ayaw rin naman niyang patuloy siyang ganito. Gusto rin ni Benideck na magbago siya kahit alam niyang maliit lang ang chance.. magbago ito. Pero hindi siya sumusuko.
Lahat ng mga kalaro niya pili lang, dahil hind ito nakipaglaro sa ibang mga bata. Masungit ito at maarti. Lumaki sila ganoon parin ito. Kahit ayaw nito sa kanya, pero sige, parin siya paglapit sa dalaga. Hanggang sa nagbibinata at nagdadalaga sila.. mas lumala ang ugali ni Alysia. Ilang beses ng nakipag areglo si Don Duminick sa mga kaanak ng tauhan niya. Dahil sa pananakit na ginawa ni Alysia sa mga ito.
Mabait ang Don sa kanila pumayag na rin. Pero ngayong patay na siya, hindi niya alam kung sino pa ang magtatanggol sa dalaga, maliban sa kanya. Kung patuloy siyang maging masama ang ugali. Hindi niya alam ang maging kinabukasan balang araw.
Two years ago nagkita sila ni Don Dumenick sa California sinadyang puntahan siya, sa hindi malaman ang dahilan. Kasalukuyang, nag re' review si Benideck sa Bar exam noon ng makipagkita ito sa kanya.
Sinabi sa kanyang natutuwa ito sa kanya, dahil tinuloy niya ang pag-a-abogasya. Pangarap niya ito nung bata pa siya. Kahit walang kakayahang magpa-aral ang kanyang ina nun. Ngunit hindi hadlang sa pangarap ni Benideck ang maging abogado. Si Don Domenick ang nangakong sasagot sa pag-aaral niya. Hindi alam ni Alysia. Hindi pa nagkaayos ang mga magulang niya nun. Pero nang maka-graduate siya ng High School dumating ang papa niya.
Dinala siya sa America at doon pina-aral. Pitong taon siyang nawala. Laking gulat niya ng dumating si Don Dumenick sa Dorm niya. Kinausap siya ng masinsinan ni Don Domenick. Gusto ng Don pagkapasa niya sa Bar exam kung maari umuwi siya ng Pilipinas at bisitahin si Alysia. Dahil sa pakiusap at utang na loob niya kay Don Domenick hindi niya ito natanggihan. Kaya siya nandito ngayon.
"Ano ba nangyari sa kabayo ng Señorita niyo?" Tanong niya. Alam naman lahat ng tao dito sa Hacienda kung anong ugali ng Amo nila. Bakit hindi sila nag iingat?
"Kasi po.. k-kapanganak lang ng kabayo ni S-señorita ng araw na iyon ng sapilitang gamitin ni Señorita Valerie ang kabayo ni Ma'am.. Hindi po niya nakayanan na stress po ang kabayo, iyon po ang kinamatay ng kabayo ni Señorita." Ang paliwanag ni Andoy. Namula ang balat nito. Dahil sa latigong tumama sa balat nito.
"Ano?! Bakit niyang pinakialaman ang hindi sa kanya?" Sa mataas na boses na sagot ni Alysia. Naningkit ang mga mata niya sa galit.

Bình Luận Sách (246)

  • avatar
    Jargo Hilot Alma

    Ang Ganda Ng kwento

    2d

      0
  • avatar
    EstradaRuenaMae

    nice story

    6d

      0
  • avatar
    Zairen Morales Villaflores Greño

    ganda

    13d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất