logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Two: The Heart Wants What The Heart Wants

Inip na inip na tinitigan ni Yuri ang wallclock sa harapan.She was feeling anxious habang binibilang ang mga minuto na lumilipas.Ten minutes more,at makikita na niya ulit si Hiro Andrade.
Binaba ni Yuri and tingin sa kanyang desk at excited na tinitigan ang English book.Kahit na kasalukuyan na Math ang kanilang subject,her mind is flying elsewhere.
She wanted to see his smiling ace again kapag nasasagot niya ang mga pop-up questions nito.Napakasarap pakinggan ng boses nito tuwing discussion.At----
Napapitlag sa kinauupuan si Yuri nang marinig ang school bell,huyat na tapos na ang official school hours at umpisa na ng Outreach Program lessons.
“Okay,class.See you next week.Don’t forget to review your notes this weekend,okay?” paalala ng kanilang teacher.
Hindi na nakasagot si Yuri.Dali-dali na siyang lumabas ng classroom,kipkip ang English book sa kanyang dibdib.Mula sa malawak na school basketball court,ankikita na niya ang school buses na pumaparada sa parking lot.Nakita niya na sabay bumaba si Kuya Ren at Hiro mula sa bus.Mukhang nagkakatuwaan ang dalawa.She took a deep calming breath.Kailangan niyang payapain ang puso niya na tumatalon sa sobrang excitement at kaba.Then she walked towards them.
“Kuya!” kunwari’y tawag niya sa kapatid.
Napatingin si Kuya Ren.At binigyan siya ni Hiro ng matamis na ngiti.
Parang biglang nag-astral projection ang kaluluwa niya.
“Hindi ka rin naman masyadong ready,huh?” pang-aasar ni Kuya Ren when he saw the English book on her hand.
“Humanda ka sa akin mamaya,Kuya!” sigaw sa isip ni Yuri.
Yuri gave out a fake sugar-coated smile.
“The lessons are very interesting.Kaya na-hook agad ako.” Pa-innocent effect na sagot niya.
Ren answered her with a stupid grin on his face.
“Obvious nga.”dagdag nito.
Biglang sumabad sa kanila si Hiro,na mukha naming hindi nakahalata sa usapan nilang magkapatid.
“Talaga?And here I am thinking na baka boring ang nga lectures ko.” Pag-amin ni Hiro.
“Of course not!Bakit mo naman naisip yan?” Yuri quickly answered,as her heart went out for him.
Hiro just shrugged.
“Just a hunch.” He replied.
Nagsisimula nang umingay sa paligid nila.Isa-isa na kasing nagsisidatingan amng mga ibang freshmen mula sa iba’t-ibang section.At malapit nang mapuno ang basketball court.
“Pare,tayo na.” yakag ni Ren kay Hiro.
Hiro nodded.But before he walks off,tinitigan niya si Yuri.
“See you later.” Sambit nito,at sumunod na kay Ren.
Lihim na nagdiwang ang puso ni Yuri.Parang may fireworks na nagsulputan sa kalangitan.
“I can’t wait!” bulong niya sa sarili.
Binigyan sila ni Hiro ng 20 minutes para sagutan ang inihand nitong written quiz.Busy andg sampung kasama ni Yuri sa pagsagot,samantalang siya ay tapos na.Natapos niya ang quiz sa look lamang ng sampung minuto.Inuubos niya ang natitirang oras sa pagtitig kay Hiro.
But Hiro was reading something.Nakikita niya na kung minsan ay napapakunot-noo ito,at minsan ay parang wala lang.Bigla siyang nahigit ang paghinag nang biglang iniangat ni Hiro ang paningin at tumingin sa kanya.Nahuli siya na nakatanga!
“Are you finished with your paper?” he saked.
Nangatal sa pagkapahiya si Yuri.
“Y-Yes.” Utal na sagot niya,and passed the paper to him.
Kinuha ni Hiro ang papel mula sa kanya at ni-review ang mga sagot.Nangingiting ibinalik nito ang tingin sa kanya.
“I think you’ll get a perfect score…And aside from that ikaw pa ang unang nakatapos.For that----“ iginala nito ang tingin sa mga iba pang estudyante na busy pa rin sa pagsagot sa pagsusulit.
“Since si Yuri ang naunang magpasa ng kanyang testpaper,I have a prize for that…Here.” Kinuha ni Hiro mula sa kanyang bagpack ang Tootsie Roll Bar at ibinigay kay Yuri.
Namumula man,parang inililipad sa hangin si Yuri sa binibigay sa kanyang atensiyon ni Hiro.Nagpalakpakan ang kanyang mga kasama.
“T-Thank you…” nahihiyang sagot ni Yuri.
Hiro gave her again a smile.
“You deserved it.” He said.
They were smiling at his each other nang biglang sirain ng alarm ng cellphone ni Hiro ang moment nila.Tinignan ni Hiro ang cellphone at pinatay ang alarm.
“Okay,time’s up.Please pass your papers!” anunsiyo nito.
Matapos makolekta ang mga testpapers,kinausap ni Hiro ang buong klase.
“Class,may ibabalita ako sa inyo.At sana huwag kayong magulat o magtampo sa akin.” Pagsisimula nito.
Nagtinginan ang buong klase.Bigla naming kinabahan si Yuri.
“---Ito na ang huling lesson naming sa inyo sa kadahilanan na abala kami sa entrance exams sa pagpasok sa University…”
Yuri was frozen in shock,habang nakatitig kay Hiro.Hindi na niya maunawaan ang sumunod na sinabi nito dahil sa pagkabigla.
“Bakit wala ka man lang sinasabi sa akin,Kuya?!” ang pagsusungit ni Yuri sa nakatatandang kapatid.
Dahil sa sobrang pagkabigla sa announcement ni Hiro kanina,sinugod agad ni Yuri ang kuwarto ng Kuya niya and started interrogating him.
Lumingon sa kanya si Ren mula sa pagkakasubsob sa libro.
“At kung sinabi ko sa’yo,may magagawa ka ba?” ganting tanong sa kanya nito.
Natameme si Yuri.Biglang sumakit ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil na umiyak.
Looking resigned,ibinaba ni Ren ang hawak nitong ballpen attuluyan na siyanh hinarap.
“Hindi na tayo tulad ng dati,little sis.We are all growing up,ang kailangan naming gawin ni Hiro ang nararapat.Mag-aral mabuti,get into a good University,makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho.Maiintindihan mo rin ako dahil gagawin mo rin ito in the near future.But for now,enjoy being in highschool…Okay?” Ren explained,as he playfully ruffled his little sister’s hair.
“Ah!Ewan!” padabog na sagot ni Yuri.Umalis na ito at pumunta sa sariling kuwarto upang magkulong.
“I know you’ll get over him,sis…” ang bulong ni Ren sa sarili.
Naiiyak na ibinagsak ni Yuri ang sarili sa kama.Hindi niya maintindihan kung bakit lailangang magbago ng lahat…Can’t they go into a good University nang hindi sila mag-iiwan?What’s the big deal about going to college,anyway?
Matagal na siyang may gusto kay Hiro Andrade.Simula ng maging kaklase ito ng kanyang Kuya Ren.Natatandaan pa niya,elementary siya at 1st year highschool ang dalawa.
Naisama ni Kuya Ren sa bahay si Hiro upang gumawa ng isang project.Hiro was all-smile at her.Sinimangutan niya ito noong una.Busog kasi siya sa atensiyon ni Kuya Ren at ayaw niya ng may saling pusa sa atensiyon na iyonm.
Nakikisingit siya habang gumagawa ng project ang dalawa.Gumagaw rin siya ng assignment niya noon.Meron siyang tanong na hindi masagot kaya sinubukan niyang humingi ng tulong sa kanyang Kuya.Nang bigla naming nagprisenta si Hiro na tulungan siya…At doon nagsimula ang lahat.
Isinubsob ni Yuri ang mukha sa unan.After a few minutes ay nabasa na nito ang unan.Iniangat niya ang mukha at tumingin sa salamin.
Umiiyak na pala siya.
“Hanggang kailan ko siya iiyakan?”tanong ni Yuri sa sarili.

Bình Luận Sách (44)

  • avatar
    AngelioAj

    nice

    20/08

      0
  • avatar
    Gian Alaro

    and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in the office and I will be there at tinapay to be in t

    10/07

      0
  • avatar
    PatricioJayron

    ang ganda

    09/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất