logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

4th Ghosting: Randall Santillan

  "KUMUSTA naman ang pananatili at trabaho mo rito sa Santillan Farm?" 
    "Ay, kabayong lasing!"  Randall just chuckled. After their first encounter, ngayon lang niya nilapitan ang bagong kahera ng Ran'santi's Coffe Shop. Ashey pala ang pangalan nito. At tama siya ng hinuha na Fil-Am ang babae. Fil-Irish. Mapusyaw ang pagka- morena at mas lamang kasi kay Ashey Brown ang pagka- Pilipina. Mahigit isang linggo na rin ito sa farm. Sa isang linggo na 'yon, napuna ni Randall na napakailap nito sa tao. Hindi bagay maging kahera. Ang kahera, dapat palagian na may nakahandang ngiti. Kung sa paggawa ng sales report naman, wala siyang masasabi sa babae. Pero, sa personality nito, marami. Una, 'pag hindi ito naka- uniform na siyang suot sa shop, ang suot nito ay palda na abot sakong at long sleeves. Pagkahahaba. Kahit pa may araw na napakainit. Panay itim din ang kulay. Natatakpan lang ang itinatagong hubog ng katawan na nahulmahan na ng mga mata niya. Nanghihinayang siya. Maging ang buhok nito ay parating nakapusod. Wala sa istilo kung manamit at pati ang buhok. Ang salamin sa mata, napakataas ng grado. Natatabunan ang magandang mukha. Weird ang pananamit at personalidad na pinapakita nito-- yeah, that's it. 
    "Ahm, okay lang sir." Sapo ni Ashey ang dibdib, nagulat sa biglaan na pagsulpot at paglapit ng boss. Oo, boss pala niya sa farm na 'yon ang lalaking halos hubad na nakita niya no'ng unang araw niya rito. Ang kauna- unahan na lalaki na nakita niyang hubad at nakabukol ang ano..
    "Ano ang hinahanap mo d'yan?" 
    "Ah.. wa--la. Nahulog kasi ang five peso coin ko rito. Oo, nahulog nga!" Wala ng maisip na p'wedeng hanapin ni Ashey sa halamanan na ang tinutumbok ay malawak na ilog kung hindi, ang coin. 
    "Five peso coin? Talaga lang ha, kasi ang lugar na 'to ay hindi puntahan ng tao. Ba't mas pinipili mo na rito pa umistambay?" Randall just asking. Isa pa sa napupuna niya sa babae ay ang pag- istambay nito palagi sa palibot ng ilog na nag- uugnay sa farm niya sa dam. 
    "Oo. Coin lang talaga, sir." Nakagat ni Ashey ang sariling dila. "Ahm, mauna na po ako sa inyo. Papasok na 'ko sa loob, sir at maglalaba pa po ako." 
    "Randall. Call me Ran. Walang nagsi- sir sa'kin dito." Napuna na rin naman 'yon ni Ashey. Kaya lang, nakakailang naman na ang bago-bago niya ay maki- Ran siya sa boss. 
    "Okay." She said, even if her nod was hesitant. Tatalikuran na niya sana ang boss nang awatin siya nito sa braso. 
    "Ganyan ka ba talaga?"
    "Po?" 
    "Ganyan ka ba talaga sabi ko."
    Nagulat si Ashey sa paghawak nito sa braso niya. Parang may kuryente na ewan siyang naramdaman. Ang mga mata ng boss niya ay mataman na nakatitig sa kaniya.. na naman. Kagaya ng titig na binigay nito sa kaniya no'ng nakaraan. 
    "Hindi ka marunong manalamin.." Kinuha ni Randall ang salamin siya sa mata at pinunas 'yon sa laylayan ng shirt nito. "Malabo na rin talaga ang salamin sa mata na 'to" 
    "Sir--" Isinuot ni Randall muli ang salamin sa mata niya. 
    "May kulangot ka pa kasi oh." May tinuro ito sa bridge ng ilong niya.
   Agad naman na kinapa ni Ashey, wala naman siyang nakapa na.. 
    "B'wisit!" Nauto siya nito! Tatawa-tawa ito sa kalokohan. Mabilis na nag- martsa na si Ashey sa pagtalikod. Pinukol niya pa muna ang boss niya ng mga nadaanan na maliliit na bato, nakakainsulto kasi ang halakhak na pinakawalan nito.
    Sapo ni Randall ang sariling t'yan sa kakatawa, nang malingunan niya. Inirapan niya na lang 'to bago tuluyan na talikuran.
    "MAY sasabihin ako sa'yo.." 
    Kung p'wede lang irapan ni Ashey sa harap ng mga katrabaho niya ang boss nila na ngayon ay nakatunganga at nakapangalumbaba sa kaniya sa harap ng counter, ginawa na niya. Dumaan na naman ito sa coffee shop na pag- aari nito, para mang-asar. 
    "Alam mo ba na mas maganda ka kung ngingiti ka.." 
    Nagulat si Ashey sa sinabi ni Randall, aaminin niya. Wala pa naman kasing lalaki na nagsabi sa kaniya no'n. Pero nakangisi ang boss niya sa kaniya na halatang nasa joke time mood na naman. Exposing his dimples and braces. Sa totoo lang, cute ang boss niya kung hindi lang, turn off ang pagiging babaero nito. Sa inaraw-araw yata ay iba't-iba ang kasama na babae. Psh. Major turn off!
    "Sir, masakit po ang t'yan ko.." 
    "Huh? e, ba't hindi ka pa mag- undertime--" 
    "Kumain po ako ng fishball sa 'babaran ng sandok."
    "Huh? Fishball?" 
    "Po? Oo nga po.."  Ang tawanan ng mga kasama niya sa trabaho ay hindi na- gets ng boss nila. 
    "Bossing, jino- joke time ka ni Ashey," sabi ng barista na si Jepoy. 
    "Sa tiktok 'yan sir e. Naku, hindi kasi alam ni Sir Ran ang tiktok, Ashey!" Sabi naman ng crew na si Erwin. 
    "Tiktok?" Nagtatanong na tinignan ni Randall ang mga empleyado. Well, "ano 'yon?"
    "Opo master." Nginisian niya si Randall. Nakaisa rin siya sa boss niyang wala ng ibang i- joke time kung hindi, siya. Mukha ngang hindi nito alam ang tiktok base sa pagtataka na nakarehistro sa mukha. Sabagay, never nga na nakita ni Ashey na nakababad ang farmer- slash- businessman sa cp nito. Sinearch din niya kung may socmed account 'to, google lang ang nakita niya, just flexing his farm-- checking lang, hindi stalk! Defensive bigla ang isang bahagi ng utak niya. Simple lang ang boss nila, actually. Randall Santillan wearing shirt and a ripped jeans mostly. Ang kicks nito ay katulad lang ng palagian na shirt na suot, paiba-iba ng kulay pero iisa ang istilo. Gray, white, black, sa tatlong 'yon umiikot ang kulay ng suot nito maging ang cap. Kahit halata na branded, dinadala nito 'yon sa paraan na simple. 
    "Stop, Ashey. You're not funny," saway nito sa kaniya na hindi niya intindi.
    "Salamat, master." Halakhakan ang mga nasa background. This time, pati ang magbabarkada na customer nila na nasa mesang malapit.
    "Sir, I'm a tiktokerist. Maybe you want me to dance with you while we're here in your coffee shop? You have a very nice coffee and cakes here, by the way." Lumapit ang isang 'kano na bagets sa kanila. Pinakilala ang sarili. Alam daw nito na si Randall ang owner ng coffee shop. The teenager artist want to content their coffee and cakes to his socmed accounts by dancing with the owner. 
    "Sasayaw na 'yan!" Kant'yaw niya kay Randall. Mayabang na pumorma naman ito na mukha ngang marunong sumayaw? Aba! 
    "Dance ba 'kamo?" Pinagpagan pa kunwari ni Randall ang balikat. Binaliktad ang pagkakasuot ng cap.
    "Watch me." Mayabang pa na sabi nito sa kaniya. 
Sumayaw ito ang binatilyo sa saliw ng "Into the thick of it." Ang ingay ng crowd. Malambot pala ang katawan ng boss nila! Tuwang-tuwa na nag- cheer ang lahat. Ashey can't express her feelings, kung tatawa siya, hindi na siya 'yon. Pero, ang pagtawa ay kasali sa buhay. Hindi lang siya nasanay noon dahil walang rason para tumawa ng may buhay at malakas. But this time.. 
    Ang pagtatapos ng sayaw ay pagkembot ng p'wet sa mga audience. After the beat, kinindatan siya ng boss niya at malawak na nginitian. Ashey can't help but reciprocate that wide smile of her boss..
     Er,
   "Pa- cute ka na, Ashey Brown!"

Bình Luận Sách (371)

  • avatar
    MoonEumi

    I love the flow of the story pati sumasakit na ulo ko kakaisip kung sino ung killer but I love it!❤️❤️

    10/01/2022

      1
  • avatar
    Rhea Sales

    Isang magandang istorya na kapupulutan ng aral. Nagsasabi na hindi dapat sa lahat ng oras ay magtiwala sa mga kakilala. Dahil sa kabaitan maaaring mapagsamantalahan.

    18/12/2021

      1
  • avatar
    Felicito Naguillen

    good

    23/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất