logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 IV

Naoperahan si Tatay at gumaling din siya kahit paano noong 2017. Akala ko, pagkatapos no’n ay magiging maayos na ulit ang lahat dahil wala naman nang problema sa relasyon nina Mama at Tatay. Mali ako.
Matapos lang ang isang taon, nagkasakit naman ang kuya ko. Lima kaming magkakapatid, ako ang bunso at lahat ng nakatatanda kong kapatid ay lalaki. Ang panganay sa amin ang nagkasakit. Biglaan din ‘yon dahil walang sign man
lang na may sakit siya. Basta isang araw ay nakaramdam lang siya ng panlalata at kawalang gana sa pagkain. Nang ipatingin ni mama sa doktor, malala na. He was diagnosed of chronic kidney disorder. Agad-agad na rin niyang kinailangan i-dialysis noon dahil natunaw na raw ang parehas niyang kidney. Wala nang ibang paraan.
Matapos lang ang ilang linggo o buwan, bumagsak na ang pangangatawan ni Kuya. Nasa walong taon siyang nagtrabaho sa Maynila sa isang barber shop na malapit daw sa Adamson University. Madalas ay puro pagkain sa mga canteen ang kinakain niya ro’n kaya hindi na naaayos ang timpla kung sobra man sa alat ang mga pagkain. Ang sabi ni mama, baka rin daw palagi siya noong nagpipigil ng ihi niya sa tuwing marami ang customer na nagpapagupit.
Nang mangyari ‘yon, I again, had Eli. Ang gaan sa pakiramdam na naiintindihan niya ‘ko dahil magkatulad ng sakit ang kuya ko at daddy niya. Alam kong kasama ko siya noon na manalangin sa lahat ng pagsubok na nangyayari sa pamilya ko at pamilya nila. Hindi ko nakalilimutan ‘yong sinabi ko sa kaniya na sana, kung maaari, ay ‘wag niya akong magustuhan. Alam kong siya ang nangako, pero parang ako pa ang hindi makatutupad.
Hindi ko na maalala lahat ng detalye tungkol sa amin ni Eli. Pero hindi ko makalilimutan ‘yong araw na nag-sorry siya dahil hindi na raw niya kayang tuparin ang ipinangako niya sa akin. Madalas ko siyang nakakausap noon sa text.
May bilang kasi sa phone ko kung nakakailang text message na ako at ng kung sinuman ang kausap ko. There came a time na umabot na kami sa siyam na libong text messages. Ganoon na pala karami. Ang bilis lang. Ni hindi ko namalayan na gano’n na pala katagal na kausap ko siya.
Sabay kami noon sa paggawa ng kung ano-anong bagay tulad ng panonood ng telenovela noon na Meant to Be sa GMA. Hindi ko rin alam kung bakit naadik kaming dalawa sa palabas na iyon noon dahil gabi-gabi naming inaabangan ‘yon.
Magkausap kami sa text kapag commercial at ceasefire na kapag palabas na ulit. Sabay din kami noon na mag-urong o maghugas ng mga pinagkainan tuwing gabi. Madalas ay nagpapaunahan pa nga kami para mabilis makatapos at makagawa
na ng iba pa naming gawain.
Umabot na ‘yon nang higit isang taon. Ang sabi niya sa akin, gusto raw niyang siya ang makapag-send ng 10,000th message. Sabihan ko raw siya kapag malapit na kaming umabot doon. Then it came. Nasa classroom ako noon, grade 10 ako. I saw the 10,000th message in our thread. Nag-sorry siya dahil hindi na raw niya matutupad ‘yong promise niya sa akin dahil nagugustuhan niya na ako. Hindi rin naman daw niya talaga inakala na mangyayari ‘yon, but he guessed that he cannot do anything about it. Sa halip na magalit ako noon dahil hindi siya tumupad sa pangako, mas gumaan ang pakiramdam ko. It is because I felt the same way for him.
Sinabi ko rin sa kaniya kung ano ang totoong nararamdaman ko. Pagkatapos no’n, naging masaya lang kami. As I have said, I cannot remember everything about us anymore. Yet the feelings will never be forgotten. I knew I loved him. Iba iyon sa feelings na naranasan ko mula sa childhood crush ko. Kay Eli, mas panatag ako. Mas sigurado. Maayos siya mag-isip at hindi rin niya tinatanong ang mga bagay na alam niyang hindi ko pa kayang ibigay. Tulad ng official label. Dahil alam niyang kahit nariyan siya ay hindi iyon ang priority ko. I really think that being in a relationship is a matter of priority and commitment. Oo nga at sinasabi ng puso kong mahal ko siya, pero hindi iyon
sapat para maging kami na nga. But one thing is certain. That he loved me back.
I remember him calling me as his “sweet strawberry” and reminiscing that thing makes me realize that’s the corniest endearment I have ever heard in my whole life. Pero gano’n talaga dahil kapag nasa puntong iyon ka na, hindi na
magiging mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba. Eli, I could say is the man who’s very genuine. Not just to me, but in everything he does. Especially when it comes to his friends and loved ones. Since the time that we confessed how we felt for each other, everything actually changed between us. Aside from calling me “sweet strawberry,” he was very fond of using the term “cute” or “cutie” to call me. Palagi kong nire-reject ‘yong term na ‘yon dahil pakiramdam ko ay nagmumukha lang akong bata.
Incoming grade 11 na ako noon at incoming college naman siya. Ang sabi niya, sa PUP raw siya mag-aaral kaya kinukumbinsi niya rin ako na doon na rin mag-aral ng senior high school. May mga matitirhan naman akong kamag-anak sa Manila kaya plano rin talaga nila Mama noon na doon ako mag-aral. Ang sa kanila naman ay kung saan ko gusto, basta nakasuporta sila. Sinubukan ko na mag-inquire sa school na ‘yon pero hindi ko na rin naasikaso kaya hindi nangyari ang plano na sana ay schoolmates na kami.
Alam ko kung gaano niya kagusto na magkasama kami. Sinabi niyang gusto niya na raw akong sunduin sa bahay, ihatid kung saan man pupunta, kumain ng gummy bears, gummy worms at ng paborito kong choko-choko. At the age of 16 years old, I was not really sure what love was. Bata pa naman ako noon at hindi pa ganoon sigurado sa mga desisyon ko sa buhay. Even so, I could say that Eli was someone I became really sure of. Hindi man ako sigurado kung pag-ibig ba ‘yon, naging sigurado naman ako sa kaniya.
Wala rin talaga akong ibang nagustuhan noong high school maliban sa kaniya hanggang sa makarating ako ng grade 12. Maraming iba pa ang sumubok na manligaw noon. Kung tutuusin nga, halos lahat naman ng nagkakagusto sa akin ay p’wede kong magustuhan dahil mga matitino naman at nag-aaral nang mabuti. Pero kahit sino pa ang humarap sa akin, hindi ko natapunan ng pagkagusto man lang. Pakiramdam ko noon, lahat ay para kay Eli lang. Natuloy siya sa PUP pero hindi na ako umalis sa school ko. I think those moments in my life were very magical. Like is it really possible to love someone you haven’t seen yet, even once in your life?
Eli and I were both busy noong mga panahon na ‘yon. Pero kahit kailan, hindi naging issue ang busyness para hindi kami mag-work for three years. Minsan, kapag nagagahol na siya sa oras at libre naman ako, tinutulungan ko siya
sa paggawa ng iba niyang school works katulad ng movie review at pagsagot sa iba pang mga tanong sa assignments niya. Kaya naman niyang gawin ‘yon pero siguro, wala na rin talaga siyang time sa paggawa. Hindi ko lang siya noon matulungan sa physics niya dahil hindi pa naman naituturo sa amin ang iba nilang lesson doon o kung naituro man,
siguradong nakalimutan ko rin. We were not officially in a relationship, but he used to be the subject of all
my proses and poems I dared to post on facebook. Wala akong ibang sinulatan noon dahil siya lang talaga. Nakatago pa rin sa cabinet ko ‘yong sandaang piraso ng paper cranes na ginawa ko para sa kaniya. Bawat isang paper crane ay may nakasulat na mensahe para sa kaniya. Ang sabi kasi sa napanood kong movie noon na “Kita Kita,” p’wede raw mag-wish kapag nakagawa ng sandaang piraso niyon. Hindi ako naniniwala sa mga gano’ng bagay, pero ginawa ko pa rin. Nag-wish ako na sana, kaming dalawa na lang ni Eli ang maging magkasama hanggang sa susunod pang mga panahon. Tulad ng habang-buhay.
Gumawa ako ng maraming paraan para maramdaman niyang mahal ko siya. Despite our hectic schedules, we were still able to make time for each other. May mga araw, o linggo na hindi kami talaga nagkakausap. Walang ibang laman ang thread namin sa chat kung hindi paulit-ulit na “good morning” at “good night.” Pero tulad ng sinabi ko, kahit minsan ay hindi nawala kung ano man ang bagay na iyon na naramdaman ko para sa kaniya. Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang pagkakataon para mag-asikaso na ako ng mga requirements sa papasukan kong school sa college. Hindi na niya kailangan noon na sabihin sa akin na mag-take ako ng exam sa PUP dahil gagawin ko naman talaga iyon. Mas gusto ko kasing sa Maynila mag-aral. Mas gusto kong tumatag ang loob ko dahil iba ang takbo ng buhay doon kumpara sa kinalakihan kong probinsya. Kabi-kabila pa rin ang contest na sinasalihan ko noong grade 12. I had journalism, collaborative publishing, extemporaneous speeches and debates. Sabay-sabay halos dahil minsan, may mga araw na magkakasunod ang contest ko. Dagdag pa na maraming gawain sa loob ng classroom at kailangan ko ring
mag-aral para sa mga entrance exams ko sa iba’t ibang university.
It was October 19, 2019 when I had the schedule for PUP College Entrace Test (PUPCET). Eli wanted to finally meet me that time. Takot pa ako noon, dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa oras na magkita na kami, pagkatapos ng mahigit tatlong taon. Panay ang message niya sa akin na kahit busy raw siya ay willing siyang maglaan ng oras para sa akin. Hanggang sa huling araw bago ang exam ay nag-aalangan pa rin ako. I didn’t know what to expect, or what would happen when we finally met.
Noong October 18, 2019, lumuwas ako kasama ang dalawa kong kaibigan na sina Maica at Jenica para sa PUPCET. Excited sila dahil kilala naman nila si Eli, and they too, really wanted us to meet. Doon na kami natulog sa kamag-anak nila Jenica sa Mandaluyong. Malapit lang naman ‘yong condo sa PUP kaya sakto lang din para hindi kami ma-late kinabukasan.
Kinakabahan ako sa exam, pero mas kinakabahan ako na makita si Eli. Kahit ano kasing sabihin ko sa kaniya na ayaw ko pa munang magkita kami, hindi pa rin siya pumayag. Kaya wala na rin akong nagawa.

Bình Luận Sách (296)

  • avatar
    JunJun

    nice story

    14/06/2025

      0
  • avatar
    San BuenaventuraJemson

    thank you jsjsndidn

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Zedel Fernandez

    Quality

    15/03/2025

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất