logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Seven

Jane's Pov
Sunday *
Ilang beses ng nag ring ang phone ko dahil sa tawag ni Vince. Ni hindi ko magawang sagutin ang tawag nito.
Wala akong ganang kumain, after namin mag usap ni Andrea kahapon lutang ang isip ko.
Magdamag akong umiyak, sobrang gulo ng isip ko. Kakalimutan ko nalang kung ano man ang nangyare samin ni Vince.
-Monday-
Here comes the zombie!
Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin dito sa kwarto. Paano ko ba tatakpan ang pamamaga ng mata ko.
hays kakaloka, bumaba na ko ng kwarto para mag almusal.
Nasa hagdan palang ako ng makita ko si Vince, buti nalang at kasama nito si Tiff.
"Good morning sweetie" bati ni mom ng makita ako.
"Good morning din mom" at ngumiti ako ng bahagya dito.
"Oh bakit namamaga ang mata mo? Naku Jane tigil tigilan mo na yang panunuod mo ng Korean Drama." Inis na wika ni mom.
Napangiti naman ako sa sinabi ni mom. Dati kasi nangyare na din to. Namaga talaga yung mata ko dahil sa kakaiyak sa pinanuod Kong kdrama.
Pero ngayon kasi, iba na ang dahilan.  Mas matindi pa to sa mga k.drama na napapanuod ko.
"Good morning" nakangiting bati ni Vince sakin. Shempre ngumiti ako sa kanya, pero bakit nasasaktan ako.
Ma mimiss ko ang nga ngiti nya.
-School-
"Bakit di mo sinasagot ang tawag ko? Hindi mo ba alam na sobra na kong nag aalala sayo." Wika ni Vince.
Hindi ko sya pinansin dahil inaayos ko yung bag ko. Deadma naman itong si Tiff sa kabilang upuan.
"Jane naman, may problema ba tayo?" Malungkot na tanong nito.
Oo may problema Vince! meron!
"Pwede ba tayong mag usap? Please Jane" Pag mamakaawa nito.
"Para san Vince?" Walang ganang sagot ko.
"About satin, Jane gusto kong-"
"Kalimutan mo nalang Vince yung nangyare satin. Parehas tayong nakainom ng mga oras na yun".
Inunahan ko na sya sa sasabihin nya.
Baka mas lalo lang akong masaktan sa sasabihin nya.
"P-pero Jane totoo lahat ng sinabi ko sayo,-"
"Please Vince wag mo na ulit akong kakausapin about dito. Baka may makarinig pa satin". Pag putol ko dito.
"Sorry" wika nya at umayos na ng upo. Gusto ng bumagsak ng luha ko. akit sa tuwing sinusungitan ko sya nasasaktan ako.
*Breaktime*
Papunta ako ngayon ng Cr, papasok na ko ng may humila sakin.
Wala pa namang dumadaan na tao dito dahil malayo ang cr na to. Tinabunan nito ang bibig ko at sinandal ako sa pader.
Nag pupumiglas ako sa takot pero natigilan din ako ng makilala ko kung sino to.
"Ano ba Vince!" inis na sabi ko dito ng alisin nya ang kamay nya sa bibig ko.
"Jane please naman ayuko ng ganito tayo. Pakiramdam ko pinag tutulakan mo ko." Nakayukong wika nito.
Gusto ko syang yakapin pero hindi pwede. Lalo ko lang papahirapan ang sarili ko.
"Vince, mali yung nangyare satin. Hindi dapat natin yun-" Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng hinalikan nya ko sa mga labi.
Ilang sigundo ang itinagal nito pero itinulak ko sya.
"Vince ano ba! Hindi kita mahal! Please naman respetuhin mo naman ako!" Sigaw ko dito.
Halata ang pag kagulat sa muka nito.
"A-akala ko mahal mo rin ako, kaya nga d-diba pumayag ka Jane? Kita ko sa mga mata mo Jane na mahal mo din ako! Na gusto mo ko!" Sigaw nito.
Ibig sabihin totoo nga na mahal nya ako, totoo lahat ng sinabi nya kagabi.
Sh"t lang! Ano ba tong pinag sasabi ni Vince. Hindi to makakatulong sakin.
"Hahah ano bang pinag sasabi mo dyan Vince. Lasing ako ng mga oras na yun at hindi ko alam ang ginagawa ko. So paano mo nasabing mahal kita?" Pilit kong ginagawang katatawanan ang usapan namin.
Ayukong makita nya na naiiyak ako.
Baka lalo syang mag duda sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Jane sorry, pero mahal na mahal talaga kita. Hindi na si Andrea yung mahal ko kundi ikaw na." Wika nito at tuluyan ng bumagsak yung luha ko.
Paano si Andrea, paano yung pangako ko sa kanya.
Lalapit sana ito sakin pero tumakbo na ko paalis.
"Jane!!" sigaw nito.
Hindi ko na alam kung san ako pupunta. Sobrang labo na ng paningin ko. Ang gulo gulo ng sitwasyon.
Mahal ako ni Vince, diba dapat masaya ako? Pero bakit sa kabilang side nasasaktan ako.
Paano si Andrea? Nangako ako sa kanya na tutulungan ko sya na maibalik ang lahat sa dati.
Pwede bang wala ng Andrea? Pwede bang kami nalang ni Vince?
Hindi eh, si Andrea ang nauna. Ayuko syang masaktan dahil sa pagiging makasarili ko.
Hindi ko alam kung hangang saan nalang tatagal ang buhay nya. Ayukong ipag kait sa kanya ang alam kong makakapag pasaya sa kanya.
I'm sorry Vince pero hindi maaari.
*Blagg*
Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ko.
"Jane? Jane are you ok?"
Humagolhol na ko sa pag iyak.
"Sobrang sakit" wika ko.
"Aaan? Sh*t, Sorry Jane hindi kita napansin". Agad akong inalalayan nito.
Alam kong si Lucas ang lalaking nakabangaan ko. Ibang sakit ang tinutukoy ko.
"Lucas pwede bang ilayo mo muna ako dito sa school, please lang". Pakiusap ko dito.
"My problema ka ba Jane? Ano bang nangyare?" Pag aalalang tanong nito.
"I'll tell you later" Sagot ko dito.
Hinila ako nito sa kamay. Sana sa pag alis namin ni Lucas ma wala na ang lahat ng sakit n nararamdaman ko.
Nasa parking lot na kami ng university. Sinuot sakin ni Lucas yung helmet nya. Pag kasakay ni Lucas, umangkas na din ako.
"Kapit lang Jane" wika nito. 
Humawak ako sa balikat nito pero inalis nya ang kamay ko at nilagay nya sa bewang nya.
"Baka kasi mahulog ka, para safe" wika nito kaya hinayaan ko nalang sya.
Ang importante hindi ko makikita si Vince ngayong araw.
- After 1 week
Isang lingo na ang lumipas mula ng mag kausap kami ni Vince.
Nag palipat ako ng schedule para hindi kami mag kasabay sa pag pasok.
Nag palit na din ako ng number para hindi nya ko ma contact. Maging sa Fb ay blinock ko sya.
Mahirap pero kakayanin, pumasok na din ulit si Andrea.
Tulad ng dati parang wala itong sakit.
Tuwing nag kakasalubong kami nginingitian nya ko. Minsan nag uusap pa kami.
Si Lucas na ang madalas kong kasama.
Si Tiff may inaasikaso, tinatanong ko kung ano pero ayaw naman sabihin sakin.
1 pm to 7 na ang class ko di tulad before na 9 to 4.
Papasok na ko ng gate ng makita ko si Vince na nakasandal sa poste ng gate
Diretso diretso lang ako sa pag lalakad. Sana di nya ko mapansin.
"Hangang kelan mo ko iiwasan Jane?"
hindi ko sya pinansin at mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko.
Maya maya pa may humila sa braso ko.
"Tama na Vince! Tigilan mo na to! Ako na nga yung umiiwas pero lalo mo lang akong pinapahirapan! Hindi pa ba malinaw sayo na hindi nga kita mahal!" Sigaw ko dito.
"Pati ba naman ikaw Jane?? Akala ko mag kaiba kayo ni Andrea." Malungkot na sagot nito.
"Mag kaiba kami ni Andrea Vince. Dahil si Andrea mahal ka! Samantalang ako hindi. Kaya please layuan mo nalang ako, bumalik na nalang kay Andrea." Pag mamakaawang wika ko dito.
Yung puso ko parang ilang karayom ang sunod sunod na tumusok dito.
"Kung yan ang gusto mo Jane, hindi na kita kukulitin." Wika nito at tumalikod na sya sakin.
Sa pag layo nya parang gusto ko syang hilahin pabalik sakin at bawiin lahat ng mga sinabi ko.
"Umiiyak ka nanaman." Agad kong pinunasan ang luha ko.
"Ikaw pala" wika ko kay Lucas.
Inabot nito sakin ang panyong hawak nya.
"Huwag na baka di ko nanaman maibalik yan sayo." nakangiting wika ko dito.
"Ok lang basta mapunasan mo yang luha sa mga mata mo." Wika nito kaya  kinuha ko ang panyo nito.
Hinatid ako ni Lucas hangang classroom.
"Nililigawan ka ba ni Lucas?" tanong ng isa kong classmate.
"Hindi" agad na sagot ko.
"Weh? Eh bakit may pag hatid pa sayo kung hindi".
Hindi ko na to pinansin at naupo nalang ako sa silya ko. Natapos ang buong araw ko na walang pumapasok sa isip ko kundi si Vince.
--
after class sa bahay na agad ang diretso ko. Madalas dito lang ako nag papalipas ng Oras sa kwarto ko.
Maya maya pa nag Vibrate ang phone ko. Tumatawag si ate Janica.
"I'm on my way, paki sabi kay mom may kasama ako 5 kaming lahat. Dyan na kami mag didinner." Wika nito.
"Huh? Diba nasa mindoro ka? Sige sasabihin ko agad kay mom."
Sinabi ko naman agad kay mom na uuwi si ate at may kasama ito. Nag asikaso kami para sa dinner.
Ngayon lang ulit kasi mag kakaroon ng bisita ang bahay na to.
"Awww aww!" Tahol ni Cholo.
"Hindi to para sayo Cholo" wika ko.
After namin mag asikaso ni mom bumalik na ko sa kwarto ko para mag asikaso.
Naka tambay ako sa bintana ng kwarto ko ng makita ang dalawang kotse sa harap ng bahay namin.
Mukang sila ate Janica na to.
"Ate!!" sigaw ko ng bumaba ito mula sa kotse..
"Mama, papa nandito na si Ate"
Patakbo kong sinalubong si ate dahil nauna na si Cholo
Pagkayakap ko dito, agad naman akong napatingin sa kasama nyang babae.
Kumaway ito sakin at ngumiti. Maganda sya at sexy.
"Hi im Brenna Lyn Resse" pakilala nito.
"Im Jane" nakangiting wika ko.
Agad kaming nag kagaanan ng loob ni Brenna. Marami kaming pag kakaparehas nito tulad nalang ng pag ka adik sa k.drama.
Umakyat kami ng kwarto ko dahil nag uusap pa sila ate Janica at mga kasama nito.
Nag ikot ikot si Brenna sa kwarto ko at tiningnan ang ilang gamit dito.
"Sana payagan ako ni mom at dad na dito nalang tumira sa Manila" wika nito at umupo sa gilid ng kama ko.
Nag ring ang phone ko na nakapatong sa Study table ko. Sabay pa kaming napatingin ni Brenna dito.
Agad ko itong kinuha, kinabahan ako ng makita sa screen ang pangalan ni Andrea. Sinagot ko ang tawag nito.
"Hi Jane" masiglang bati nito sa kabilang linya.
"Hello Andrea, kamusta na?" masigla ding sagot ko dito.
"Ito maayos naman, i have a good news for you." Napalunok ako sa sinabi nito.
"ano yun?"
"Bumalik na si Vince sa barkada namin, salamat Jane" . masayang wika nito.
"Haha, wala yun Andrea. Kayo naman talaga ang kaibigan nya. Talagang umiwas lang sya sa inyo dahil sa nangyare before. Alam mo na nasaktan yung tao".
paliwanag ko dito.
Bakit ganun, nasasaktan pa din ako.
Diba dapat maging masaya ako kasi napasaya ko si Andrea.
"Jane, pwede bang maging part ka ng grupo namin? Gusto kasi kita makasama palagi." Wika nito.
"Huh? Naku Andrea wag na. Pwede naman tayo lumabas minsan. Baka kasi kung anong isipin ng mga schoolmates natin."
dahilan ko dito.
Mas masasaktan lang ako kapag sumama ako sa grupo nyo.
"Please Jane, pag bigyan mo na ko. Isa pa nandun naman si Lucas at Vince ehh. Siguradong di ka maiilang sa iba naming kaibigan."  Talagang mapilit itong si Andrea.
Ayuko naman na mag tampo sya sakin.
"Sige Andrea" sagot ko.
"Wahh! Thank you Jane. Super bait mo talaga. See you tom, Asahan kita ahh. Goodnight " wika nito.
"goodnight din"  at pinatay na nito ang call.
"Sino yun?" Nakakunot nuong tanong ni Brenna.
Mukang napansin nya yung pag iba ng emosyon ko habang nakikipag usap dito.
"School friend" nakangiting sagot ko at umupo sa tabi nya.
" I have a lot of friends sa mindoro pero hindi ko alam sa knila kung sino ang totoo." Wika nito kaya napatingin ako dito.
"Anong ibig mong sabihin?".
"Minsan kasi may nakikipag kaibigan lang dahil may kailangan sila sayo." Sagot nito.
Nagulat ako sa sinabi ni Brenna.
hindi naman siguro ganun si Andrea. Pati naiintindihan ko ang sitwasyon nya dahil may sakit sya.
"Brenna! Jane! Bumaba na kayo dyan at kakain na".
Boses iyon ni ate Janica.
Agad kaming bumaba ni Brenna.
"Nakakagutom yung byahe namin"
wika nito.
-
natapos ang dinner namin na si Kuya Leonard at Ate Janica ang Topic.
Pag kaalis nila bumalik na ko sa kwarto ko. Pag tingin ko sa phone ko may 11 missed call galing kay Lucas at Tiff.
Ittxt ko sana si Lucas ng biglang nag ring ang phone ko at lumitaw ang pangalan nya.
Agad ko naman itong sinagot.
"Nasan ka?" Agad na tanong nito.
"Nasa bahay" nag tatakang sagot ko.
"Wag kang aalis dyan sa inyo, i'm on my way na." Wika nito.
"Huh? bakit? San ka pupunta".
"Ipapaliwanag ko sayo later, basta hintayin mo lang ang tawag ko".
wika nito at pinatay na ang tawag ko.
Ibababa ko na sana ang phone ko ng mag ring ulit ito.
Ano naman kaya ang kailangan nitong si Tiff.
"Oh Hello bess" wika ko dito.
"Nandito ako sa labas, bilisan mo." wika nya.
Ano bang nangyayare sa kanila at nag mamadali silang pumunta dito sa bahay. Pababa ako ng hagdan ng makita ako ni mom.
"San ka pupunta Jane?" nakakunot ang nuo nito.
"Sa labas lang ma, nandyan kasi si Tiff mukang may kailangan" sagot ko.
"Ok, pumasok nalang kayo dito sa loob, malamig sa labas  " wika nito.
"Sige po" At patakbo kong tinungo ang pinto ng bahay namin.
Pag labas ko ng gate nandun nga si Tiff, naka jacket na black ito na may hood.
"Bess" Tawag ko dito. Palapit na ko kay Tiff ng mapahinto ako dahil sa liwanag ng ilaw ng kotse na huminto sa gate namin si Lucas yun.
"Jane!" tawag nito sakin
Hindi ko alam kung sino sa kanila ang lalapitan ko.
Pero mas malapit si Lucas kaya sya ang unang nakalapit sakin.
"Ano bang problema nyong dalawa at napa sugod pa kayo ng ganitong oras".
"Si Vince" sabay na wika nila.
Bigla akong kinabahan ng marinig ang pangalan ni Vince.
"A-anong nangyare kay Vince?"
" Nasa hospital sya ngayon, na aksidente dahil sa sobran kalasingan".
wika ni Lucas.
Bigla akong napaupo at nanghina sa narinig ko. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko.
"Bess, tahan na. Ok naman na si Vince eh, nakakuha lang sya ng ilang sugat sa ulo at pasa" wika ni Tiff.
"Samahan nyo ko kay Vince" nautal na wika ko dahil sa pag iyak.
"Pero Jane". wika ni Lucas.
"Please Lucas, kahit ngayon lang. Hindi mapapanatag ang loob ko hangat hindi nakikita ng dalawang mata ko kung anong kalagayan nya ngayon!"
Wala na kong paki alam, basta gusto ko makita si Vince. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Lucas.
Kahit hindi ko sabihin sa kanya,
alam kong alam nya na mahal ko si Vince.
"Tara na" wika ni Lucas.
Agad kaming sumakay ni Tiff sa kotse ni Lucas. Pag dating namin sa hospital pumunta agad kami sa room ni Vince.
Nasa pinto na kami ngayon, papasok na sana ako ng marinig ko ang boses ni Andrea.
"Anong problema?" pag tatakang tanong ni Tiff.
"Kayo nalang ang pumasok sa loob. Hihintayin ko nalang kayo." Wika ko dito.
"Ano! Eh diba gusto mong ikaw mismo ang gustong makakita kung anong kalagayan nya?" Inis na wika ni Tiff.
"Sito nalang ako, sisilipin ko nalang kayo." Wika ko.
Kita naman sa pinto kung sino ang nasa loob dahil may maliit na bintanang bubog ang pinto.
"Sigurado ka ba dyan? Paano kung tanungin ni Vince kung kasama ka namin? Anong isasagot namin?" Muling tanong ni Tiff.
"Sabihin mo nasa bahay ako, hindi nyo ko ma contact." Sagot ko dito.
Napakamot nalang ng ulo si Lucas.
"Bess naman!" reklamo ni Tiff.
"please Tiff" pag mamakaawa ko dito.
Napa buntong hininga ito at tumingin sakin na para bang may choice pa ba sya?
Pumasok na yung dalawa sa loob. Nakasilip lang ako sa bintana.
Tila may inaasahan na darating si Vince pero agad din nag bago ang expression ng muka nito.
Ilang minutong nag tagal sila Lucas sa loob at lumabas din sila agad. Naiwan si Andrea kay Vince.
Ako dapat yung nandun sa loob at nag aalaga kay Vince. Pero pinili ko ang lumayo sa kanya.
-
"Ok ka lang ba?" tanong ni Lucas. 
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. Tumango ako dito bilang pag sang ayon.
"I'm always here for you Jane" wika ni Lucas at niyakap ako.
"Thank you Lucas" Mahinang sagot ko dito.
Nag paalam na rin ito at agad na umalis. Pag pasok ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko.
Tumakbo sa kama ko at agad na dumapa. Dun ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Ginusto mo yan Jane, kaya ka nasasaktan. Sana sa pag iwas ko Maging maayos na ang lahat.
Sana maging ok na sila ni Andrea.
Handa akong kalimutan ang lahat para sa ikaliligaya nila. Magiging isang panaginip nalang ang lahat.

Bình Luận Sách (420)

  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Kainis ka author.Nakakahook mga stories mo.From nakakainis to super kilig.Highly recommended po.

    25/07

      0
  • avatar
    Remely Surila Lombreno Colina

    nice story but pls update for Mr. Very Wrong Man👃

    14/06

      0
  • avatar
    CasangLiza

    I like the story

    10/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất