logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 2

“DIYOS ko naman, Sunny! Ano, gusto mo na bang sumunod kay Tita Lilian?” 
Nakapamewang pa siyang sinisermunan ang babaeng nakaupo na sa kama habang nilalantakan ang cheese burger na binili niya sa pinakamalapit na fast food chain doon. Pinaharurot niya pa ang sasakyan nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang lalaking nagpakilala na nagdala kay Sunny sa ospital. Hindi man ito nagpakilala pero pamilyar sa kanya ang boses nito. Hindi niya na rin naitanong ang pangalan nito dahil matapos nitong sabihin kung nasaang ospital ang kaibigan ay binaba na nito ang tawag. 
“Hindi naman kasi sa ganoon ‘yon, Jek. Kung hindi lang talaga tatanga-tanga ‘yong driver na muntik na akong masagasaan, wala naman talaga ako rito sa ospital. Nandoon na sana ako sa convenience store at kumakain ng hotdog in a bun. Nalagyan ko na rin sana ng adhesive bandage ‘tong paltos ko,” dahilan pa ng babae habang puno ng pagkain ang bibig. 
Inirapan siya ng kaibigan. “Ewan ko sa ‘yo. Pasalamat ka nga at mabait ‘yong lalaki. Siya pa nagbayad ng hospital bill mo.” Naupo pa ito sa gilid ng kanyang kama. 
“Anong pasalamat? Kasalanan niya kung bakit hindi ako makapunta kina Jun ngayon. Sayang ‘yong isang araw! Binayaran niya nga ‘yong bill ko, wala naman akong sasahurin ngayon. Dapat hindi lang pagpalo ginawa ko sa kotse noon, eh!” 
Napasapo ng noo si Jekka dahil sa tigas ng ulo nito. “Ayan. Hindi ka na naman matigil sa panggagalaiti mo. Kumain ka na nga lang diyan. Hayaan mo, pahihiramin kita ng pera. Bilisan mo na riyan nang makauwi na tayo. Paniguradong naghihintay na sa ‘yo sina Tito Melvin. Nagdala na rin ako ng panghapunan kasi roon ko na balak kumain sa inyo. Ano palang sasabihin mo sa kanila at alas siete ka na ng gabi nakauwi?”
Nahinto siya sa pagnguya. Ayaw niya naman na mag-alala ang kanyang ama pero hindi siya pwedeng magsinungaling. 
“Grabe ‘yong haba ng tulog mo, grabe. Oo nga pala, sa susunod, pwedeng huwag lang isang pirasong biskwit at isang bote ng tubig ang dalhin mo. Akala mo ba hindi ka gugutumin? Utak ang ginagamit mo sa interview kaya naman magdala ka ng marami. Hayaan mo, hahanapan kita ng trabaho. Baka hindi ka talaga para riyan.” 
Sa isang iglap ay naubos ni Sunny ang bigay nito. Simot at wala talagang natira. 
“Makakahanap din ako ng trabaho pero salamat kung mahahanapan mo rin ako. Hindi ko na nga alam kung ano ang a-apply-an ko, eh. Hindi rin naman ako choosy sa paghahanap ng trabaho.” 
“Anong hindi? Ayaw mo ngang mag-apply bilang maintenance, sa sales, o ‘di kaya’y kasambahay, eh tapos sasabihin mo na hindi ka choosy? Sa panahon ngayon, kung ano ang trabahong nariyan, kunin mo!” Tinaasan niya pa ng kilay si Sunny. 
“Halika na nga. Paniguradong hinahanap na ako ni Papa sa bahay. Nandoon na rin siguro si Rainier. Sasabihin ko na lang ang totoo kung bakit ako ginabi.” 
Tumayo siya at kinuha ang mga gamit. 
“Tama ‘yan. Huwag ka nang magsinungaling…” 
“Oo na. Tara na.” Marahan niya pang tinulak si Jekka palabas ng emergency room habang hawak nito ang discharge slip. Pasalamat siya at dala nito ang kotse dahil kung hindi, aabutin pa sila hanggang mamaya dahil sa dami ng mga trabahanteng nag-uuwian ngayon. 
“Huwag sana tayong abutan ng traffic. Nagugutom na ako.” Pinaandar ng babae ang kotse at nagsimula na silang bumyahe. 
“Sorry na. Wala naman talaga akong kasalanan kanina. Kahit pa ipa-pull out mo ‘yong mga CCTV doon sa freedom park, wala akong kasalanan,” hirit pa niya sabay ang pagkamot-ulo. 
Saglit na tumahimik si Jekka. Hindi niya alam kung paano niya io-open up sa kaibigan ang tungkol sa pinaplano ng mga ito na reunion kasama ang mga kaklase nila noong fourth year high school. Malakas ang kutob niyang hindi ito sasama pero mas maganda na ‘yong subukan niyang mapasama ito. 
“Ah, Sunny. Ano kasi…nagbabalak sina Mariel na mag-organize ng reunion para sa section natin. Baka naman this time, gusto mo nang sumama?” mahinahon niyang pahayag. 
Nanahimik si Sunny pero narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Alam niyang ‘yon lang ang makapagpapatahimik sa kaibigan niya. Magmula noong magtapos sila ng high school ay ilang beses na nila itong inaawitan na sumama sa mga mini reunions pero umiiwas talaga si Sunny. 
“Wala ka pa ring balak na um-attend?” tanong pa niya. 
“Jek, alam mo naman kung ano ang sagot ko riyan. Hindi na magbabago pa ang isip ko.” Hinilot nito ang sintido kasabay ang pagsandal ng ulo nito sa head rest. 
“Bakit?” 
“Ayoko pa. I mean, ayoko talaga. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung sakali mang magkita kami.” 
“Teka…ikaw na ang nagsabi na wala na ‘yon sa ‘yo, hindi ba? Eight years na ang nakakalipas. Napakarami nang nangyari. Hindi nga natin alam kung nasaan siya ngayon, eh. At saka, imposible na sumama ‘yon sa mga reunion.” 
Humarap sa kanya si Sunny. “Paano kung noong pasama ko, eh nataong nandoon siya?” 
“Eh, ‘di maganda, hindi ba? Makakapag-usap na kayong dalawa nang masinsinan. It’s time to talk about it, Sunny. Ang tagal na noon.”
Umiling ang babae. 
“Kahit naman ano’ng sabihin niya, hindi naman na magbabago ang tingin ko sa kanya. Siguro, makikinig lang ako sa sasabihin niya pero hindi ko kayang tanggapin ‘yon. Naka-move on na ako, Jek. Bata pa naman ako noon. Sixteen lang yata ako. Ilang taon na ako ngayon. Hindi na big deal sa akin ‘yon…” 
Pasimpleng napangisi si Jekka. Alam niya naman na hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin naman ng babae ang nangyari noon. 
“’Yong hinanakit, nandiyan pa rin, ‘no?” 
Umayos si Sunny sa pagkakaupo nang makitang malapit na sila sa kanilang bahay. 
“Huwag na natin siyang pag-usapan. Ayoko na rin na maalala ‘yon. Actually, nawawala na nga sa alaala ko, eh. Bumabalik lang kapag nauungkat at napagkukwentuhan kaya ayoko na sanang pag-usapan natin ang tungkol doon. Hindi ako pupunta. Pwede siguro akong mag-ambag pero hindi ako sasama.” 
Pinatay ni Jekka ang makina at binuksan ang pinto. 
“Fine. Sige na. mauna ka na muna sa loob. Paniguradong hinahanap ka na nila. Kukunin ko lang ‘yong pagkain sa compartment.” 
Tahimik ang buong bahay pagpasok ni Sunny. Wala ang kanyang ama sa kahoy na kamang palagi nitong hinihigaan kapag nadadatnan niya ito sa pag-uwi. 
“Pa…Rainier…” tawag niya sabay baba ng mga gamit sa sofa nilang tuklap na. 
Narinig niya ang kaluskos sa kusina kaya nagpunta siya roon. Paghawi niya ng kurtina ay nakita niya ang dalawa na dahan-dahang naghahain ng ulam. 
“A-ano’ng ginagawa n’yo?” Nakita niyang may nakahain nang adobo at sinangag sa mesa. 
“Pasensya ka na, anak. Susurpresahin ka sana namin pero mukhang nahuli mo na kami,” saad ni Melvin na nilapitan siya. 
“Para saan, Pa? Wala namang special na nangyari ngayong araw. Galing pa nga ako ng ospital.” 
Tinapunan ni Melvin ng nag-aalalang tingin ang anak. “Bakit? Ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba?” 
“Ayos lang po ‘yan si Sunny. Nagkasabay lang ‘yong pagod at gutom niya kaya hinimatay siya kanina. Mabuti na lang, may nagmagandang-loob na isugod siya sa ospital. ‘Yong lalaki pa ‘yong nagbayad ng bill niya,” sabat ni Jekka na tinulungan ni Rainier sa mga bitbit nito. 
“Hay naku, ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa lalaking ‘yon. Kasalanan niya naman talaga kung bakit ako napunta ng ospital, eh. Anyway, nandito na ako, Pa. Safe and sound. Walang nangyaring hindi maganda sa akin. Tama si Jekka, nalipasan na kasi talaga ako ng kain kanina. Dapat talaga bago mag-alas singko, nandito na ako sa bahay, eh.” 
“Tara po. Dinagdagan ko na ‘yang mapagsasaluhan natin.” 
Habang inaayos ng mag-ama ang mga binili ni Jekka, masinsinan niya itong kinausap sa may sala.
“Ikaw, magsabi ka nga sa akin…” 
“Ano ‘yon?” tanong pa nito. 
“Paano mo nalaman na nandoon ako sa ospital?”  
Kanina niya pa gustong itanong iyon sa kaibigan dahil tatawagan pa lang sana niya si Jekka kung nasaan siyang ospital pero nandoon na ito paggising niya at sinimulan na siyang sermunan. 
“Actually, ‘yan din nga ang pinagtataka ko. Alam niya ang pangalan ko at number. Kilala ka rin niya. As in Sunny Gallardo pa nga ang banggit sa pangalan mo. Tatanungin ko rin sana siya kung sino siya at paano niya nalaman ang number ko pero binabaan niya na agad ako, eh.” 
“Pwedeng akin na ‘yong number niya?”
Tumaas ang kilay nito. “At bakit? Halos sumpain mo na siya kanina tapos hinihingi mo ngayon ‘yong number para magpasalamat? Ayos ka rin, ah!” 
“Excuse me? Hindi ako magpapasalamat sa kanya. Malay ba natin kung stalker ko ‘yon. Akin na. Papakinggan ko lang ‘yong boses. Baka sakaling kilala ko.” Inilahad pa niya ang kamay. 
“Hindi mo nga namukhaan tapos makikilala mo pa sa boses? Ayos ka lang?” 
“Basta, akin na! Ako naman ang kakausap, hindi naman ikaw.” 
Kinuha ni Jekka ang cellphone mula sa bulsa at hinanap ang recent call kanina. 
“Oh, heto ‘yong number.” 
Mabilis na nagtipa si Sunny sa cellphone at walang anu-ano’y tinawagan niya nga ang numerong ‘yon. Ilang beses itong nag-ring. Nagulat pa nga siya nang biglang magsalita ang isang lalaki. Lumayo siya kay Jekka nang marinig niya ang boses nito. 
“H-hi. Ako si Sunny Gallardo, ‘yong—“
Biglang naputol ang tawag. 
“Ano?” bulong sa kanya ni Jekka. 
“Wala na yata akong load.” 
“Subukan mo ulit.” 
Muli niyang tinawagan ang lalaki at sumagot ito. 
“Hello. What do you want?” 
“Ah…ano…gusto ko lang sanang sabihin na nakalabas na ako.” 
“Good to know. Get ready to pay what you did to my car.” 
Sasagot pa sana siya ngunit pinatayan na naman siya nito. 
“Antipatiko!” sigaw niya sa cellphone at saka ito hinagis sa sofa. 
“Ano’ng sabi?” 
“Maghanda raw ako na bayaran ‘yong ginawa sa kotse niya.” Umirap pa siya. 
“Sabi ko sa ‘yo, hindi magandang tinawagan mo pa siya, eh.” Inakbayan siya nito patungo sa dining area. 
“Hindi ko palalampasin ‘tong ginawa niya. magdasal siyang huwag na sanang magtagpo ang landas naming dalawa dahil bubutasin ko ang isa sa mga gulong no’n kung sakali man na magkita kami.” 
Napailing na lang si Jekka. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil matapos ang ilang taon, nakahanap na rin ito ng katapat. 

Bình Luận Sách (52)

  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    hindi nakakasawa basahin

    18d

      0
  • avatar
    Lawrence Maravillia

    good

    10/08

      0
  • avatar
    MacaurogJasmine

    nice story 💓

    05/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất