logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

It's positive!

SUNHO'S POV
"Where on earth is she?!" I hissed, walking back and forth on the same straight line.
"She's not answering, hyung!" Chan intoned as he placed his phone down.
I groaned! It's been three hours since we arrived at lolo's place pero hanggang ngayon, hindi parin nakakauwi si Ran!
Kaliwa't-kanan na namin siyang tinatawagan pero wala parin. We all gathered at the family hall, hoping for Ran to pick any of our calls but wala.
Maybe I went too far!
I stopped and sighed, shifting my gaze towards Eun who's sitting emotionlessly on the sofa.
"Ya! What are you doing?!" I hissed.
He turned towards me and sighed. "Ahh... sitting down? I can't call her since tinatawagan niyo naman na siya."
"Then show some concern at least," Yi whined.
"Look, hyung..." Eun uncrossed both of his arms and legs and looked straight at us. "What do you expect her to act? She's obviously grieving right now since she's forced to break up with her boyfriend. Give her some space at least! Apparently, I have half of the shoe she's wearing so I understand."
Lahat kami natahimik sa sinabi niya.
"Eun has a point," Yohanne intoned. "Hayaan muna nalang natin siguro siya."
"Hyung naman! What if something happened to her?" I disagreed.
"Will you please calm down? She's your cousin, isn't she? Trust her, at least!" Sabi ni Yi habang sinesenyasan akong umupo. "Hindi naman niya siguro ipapahamak sarili niya knowing she might be pregnant... MIGHT!" He emphasized.
Napabuntong-hininga nalang ako saka dahan-dahang naglakad papunta sa kinauupuan nina Seiji at Cheon at uupo na sana nang marinig naming magbukas 'yong pintuan.
Karipas kaming lahat na napatayo at sabay na napatakbo papunta doon. Malawak kasi 'tong bahay kaya medyo distansya ang family hall sa main door.
"My goodness!" Usal ko nalang nang duguang tumambad si Ran sa harapan namin.
Magulo ang buhok niya't basa ang ibang parte ng kanyang damit. Ang dumi din ng suot niyang sapatos na para bang nahulog siya sa bangin o nakipagbasagan ng mukha sa mga tambay sa kalye.
"W-what happened to y-you?" Utal na tanong ni Eun habang ugagang lumalapit sa kanya.
Ran only gave him a blank stare, as if she haven't heard anything, averted her gaze and then walked away leaving all of us dumbfounded. We only followed her with confused stares until she turned right on the intersection and vanished.
"What the hell was that?!" Yohanne whimpered.
"Did she get into an accident, hyung?!" Ten, who's beside me, moaned shaking my arm.
"I-I don't know," I muttered. "But I'll to talk to her. You, guys, should get some rest."
All of them stared in obvious disagreement! They must be as curious as I am pero hindi ko naman sila pwedeng isama kapag kinausap ko si Ran.
I looked at Yi, signaling him to take these little shits to their rooms. He's the second leader of the group na mas sinusunod pa ng mga hangal kaysa sa akin hmm.
Sinunod naman agad ni Yi ang gusto ko kaya wala na silang nagawa kundi ang umalis saka na ako dumiretso sa silid ni Ran. Kumatok muna ako at papasok na sana pero lock 'yong pinto which took me aback lightly.
Hindi kasi nagla-lock ng pintuan si Ran kapag hindi siya tulog. Imposible rin namang nakatulog na agad siya? Humiga siya sa kama ng marumi ganun?
Besides, as far as I remember, Ran is a vampire. She sleeps a lot in the morning and less in the evening and nothing changed since nung tumira siya dito not until now.
I understand she hates Eun kaya ganun nalang ang asal niya kanina towards him but ignoring the rest of us is a different story.
Humugot ako ng malalim na hininga saka muling kumatok pero walang sumagot.
Maybe she's in the bathroom?
"R-Ran? If you can hear me. Let's talk when you already feel a little better, okay?" I intoned, hoping she heard me.
I waited for an answer for seconds but nothing but just when I was about to leave, the door creaked open.
My brows raised as I held the door knob and slowly pushed it open and there, I saw her sitting down the floor just beside the door. Hindi pa siya bihis at mukhang wala siya sa sariling nakatingin sa sahig kaya agad ko siyang nilapitan saka naupo sa harapan niya.
"W-what the hell happened to you, Ran?! Were you raped?!" Alala kong tanong.
Hindi agad siya sumagot at nakuha pang isara 'yong pinto saka ako binatukan.
"Tangina lang, Jung! Binababoy mo naman ako!" Inis niyang sabi.
"Ano ba kasing drama mo?!" Inis ko ring sagot habang himas-himas ulo ko.
Natahimik siya't yumuko, "s-something's wrong with me."
"L-like what?"
"Hindi ko maalala kung paano ako nakarating dito."
"Huh?! What do you mean na hindi mo maalala?" Kunot-noo kong tanong. "Eh, kakarating mo nga lang."
"'Yon nga, eh! Wala akong maalalang nakarating na ako at kung paano ako napunta dito. Sa pagkakaalam ko kasi nasa loob pa ako ng taxi tapos pagkurap ko, biglang andito na ako. Ni hindi ko nga maalalang binayaran ko 'yong driver o nabayaran ko nga ba talaga siya o hindi."
This time, ako naman ang hindi agad nakasagot. I just got lost in the middle of her story to the point that I could see quantum mechanics floating in the air as I was trying to figure out what actually happened.
"To be honest, I don't have any idea what you were talking about. Are you on drugs, perhaps?"
She heaved a sigh, pressed her lips together and stood up.
"Debil presidente dito sa Pinas pagdating sa droga, Jung. Wala akong planong makulong." She hissed. "Lumabas ka na nga at maliligo na muna ako. Mas sabog kapa kesa sa akin, eh."
"Teka lang naman! Ano nga palang nangyari sayo at parang basa ka?" Nakatingala kong tanong.
"Hindi lang baka," mataray niyang sabi. "Basta!! Bukas nalang tayo mag-usap! Patulugin mo muna ako."
Hinila niya ako patayo saka sapilitang itinulak papalabas. Napabuntong-hininga nalang ako nang pagsarhan niya ako ng pinto. Nahagod ko narin lang sintido ko at pakiramdam ko mag co-collapse na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
Ang yaman ko nga, talented at syempre, sobrang gwapo ahem! Pero mga problema ko, naka-helera in three sections.
I don't know much about Ran's condition. All I know is she's been diagnosed to have a very rare disorder and by the looks of it, it seems to be very serious. She maybe have alzheimer's disease! I honestly don't know what to do if that's the case! Should I ask Ran's dad about it o si lolo? Alam kaya niya?
Sa sobrang gulo ng isip ko, ang sarap ng magsisisigaw sa inis! Pero tinatamad ako, bukas nalang siguro kapag nagkausap na kami ni Ran.
Napairap nalang ako sa kawalan saka matamlay na naglakad papunta sa kwarto which is on the second floor.
Paakyat na sana ako ng hagdan nang salubungin ako ni Eun. He looks worried for all I care. Ang dami ko na kasi talagang isipin. Ayaw ko na sanang madagdagan kung pwede at feeling ko isang hipan nalang, magkikita na kami ni Lord sa langit.
"H-hyung? How is she?" Pautal-utal niyang tanong.
"Fine... I guess?" I doubtfully answered.
He sighed, "I'm sorry. Sorry kung dumagdag pa ako sa problema natin... problema mo."
"I wanted to be mad at you, to be honest, pero hindi ko naman magawa-gawa," I muttered. "I am your leader for many reasons and it's my job to protect you and as your friend, I want to defend you against all odds."
Natahimik siya sa naging speech ko probably because nakaka-touch ito o baka wala lang talaga siyang masabi. Aba ewan! Pati ba naman 'yan p-problemahin ko pa ba?!
"Have some rest! We still have a lot to do tomorrow and I want you to be ready. The situation you are in isn't a joke."
I tapped his shoulder and then walked away.
* * *
HERA's POV
Maaga akong nagising kinaumagahan which is unusual. Halos murahin na kasi ako ng araw bago pa ako magising.
Hindi talaga ako nakatulog ng maayos at ginugulo ako ng isipan ko! Umikot ako pakanan para kunin ang phone ko sa bedside table at napakurap-kurap nalang nang i-on ko 'yong screen.
Ang dami pala kasing tawag at texts galing sa iba't-ibang numbers, kay Jung lang ang nakasave.
Nag scroll ako sa call logs hanggang sa dulo at napatiim nalang nang tumambad ang pangalan ng bakla sunod kay Jerimy.
Meaning siya ang unang tumawag bago 'yong iba.
"Nakakatouch," bulong ko saka napaikot ng mata sabay tapon ng phone sa gilid.
Tumalon ako pababa ng kama saka nag-unat.
"Gorgon clan," bulong ko nang maalala ko 'yong siraulong si V.
Ayaw ko na sanang i-open ang topic na 'to kay daddy pero mukhang kailangan niya itong malaman especially now that the other half started showing up again kaya pagkatapos na pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush, tumawag ako sa kanya.
"Hello? Dad?" I spoke the moment he answered the call.
"Sprout? What is it?" He answered from the other line. "I tried calling you last night but you're line is busy. What have you been doing?"
"A-ah! Nothing, but dad! Listen..." naglakad ako papunta sa kama saka naupo sa dulo. "Gorgon clan is here and I've met some of them last night!"
"WHAT?! Did they hurt you?!"
"Y-yeah and the one who calls himself V is looking for her in me."
Dad went silent and all I could hear is his deep and heavy breathing. He already knew this would happen someday and that day has finally come. Even he himself fears the other person living inside me-the demon who's been kept imprisoned for a long time.
"I didn't expect her to show up this soon. You need to take your medications again."
Bahagya akong napakagat ng labi sa sinabi ni daddy. If only I could, dad. Pero kasi baka may dinadala talaga ako. Ayaw ko siyang magsuffer.
"And with the fact that the other clans started looking for you will only provoke her return even more."
"Y-you mean..." gulat kong sabi sabay takip ng bibig.
"I won't let them touch you again. Just wait for my return, okay? Daddy loves you so much, sprout!"
"Sprout loves you, too, dad!"
And by that, the call ended leaving me with a roller-coaster of thoughts!
Hindi lang pala ang Gorgon ang nandirito kundi pati rin ang Lacerta at Draco?! Basically, isa sila sa mga kilalang clan sa buong mundo and are one of our competitors.
Z or commonly known as the Scarlet Z, AKA Me, is the head of the five clans: Vulpecula, Snaca, Lioun, Hros and Scorpio.
She is known to be the most badass head master of all head masters and next to her is X, the head master of Draco and Lacerta who were obviously the ones who are chasing after Z's blury shadows in the form of me, Hye Ran Ji!
Z is just like the epitome of female heroes; like Wonder Woman and Super Girl dad used to tell me when I luckily found my way back. But unfortunately, that once a superhero suddenly became a villain who seeks power and chaos!
Many years ago, I was diagnosed of having dissociative identity disorder after waking up in a coma for 6 months.
Yes, hindi lang si Z ang naninirahan dito sa katawan ko. There are 2 other more personalities blending in the same world as me. It's just that Z, she's not a human. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag lumabas na naman ulit siya't papatakbuhin ang buhay na para ay sa akin.
"Hey? Gising ka na?"
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may kumatok at ito ay walang iba kundi ang bakla.
"Tulog pa kaya pwede ka ng umalis," walang gana kong sabi.
"I didn't come here to argue with you, okay? Gusto ko lang i-clear sayo na wala akong kasalanan sa kung ano man ang nangyari sayo kagabi."
"Umalis ka na bago ko pa maisipang ihampas ang pintuan sayo!" Banta ko.
"FINE!!" Sigaw niya pa talaga at syempre, reresbak din sana ako nang marinig ko boses ni Jung.
"It's too early for this and if you, two, won't stop... I swear to the goddamn universe-"
"Sorry na agad, hyung," mabilisang sabi ng bakla. "Aalis na eto naaaa!"
"Let's talk later." Pahabol ni Jung at mukhang sabay na silang umalis.
Napairap nalang ako saka dumiretso sa bathroom para maligo at ng mahimasmasan. Hindi na ako kumain at pasikretong umalis ng mansyon papuntang condo. Gusto ko kasi talagang magpakalayo-layo na muna sa kanila.
Naging maingat ako sa mga galaw ko't baka matunton na naman ako ng V na 'yon o kung anong clan man ang pwedeng dumukot sa akin. I don't know what exactly their motives are pero sa hinala ko, gusto nilang isuko ko sa kanila ang limang clans na pinalalakad ko since nawala nalang ako bigla but that can't happen without a proper ceremony.
None of them knows what happened and both daddy and lolo had to hide me for protection since nang makabalik ako as Hera, I went back to being a weak typical girl as well na walang ibang alam gawin kung hindi ang mag manage lang ng company.
I was really born to be that way pero nang dahil sa isang insidente, everything changed.
I wear mask all the time when I was her, and no one knows that she is me except for my dad, lolo and my right hand of course. I had to hide behind curtains and was only known by my code name, Z.
Tatlong linggo na ang lumipas simula nung may nangyari sa amin ni Eun at wala kaming ibang ginawa kundi any umiwas sa isa't-isa. Wala namang may alam sa namamagitan sa amin kaya kahit mag kita kami sa school, 'di kami nagpapansinan.
Natapos period ko 7th of May and that nightmare happened on the 22nd. Technically, it is a day beyond the 14-day calendar thingy which are the safe days, ika nga nila.
Every first or third day ako dinadatnan at potangina! June 10 na. Hindi ko sinabi kay Jung kasi ayaw kong pang patayin 'yong kakaunting pag-asa ko na sana'y, utang na loob, wala kaming nabuo na dalawa.
"Six, seven!" Napapikit nalang ako sa magkahalong inis at lungkot saka dahan-dahang tumayo at inayos palda ko.
Nasa loob ko ng cubicle ng girl's rest room habang taimtim na nagdadasal na sana'y dalawin na ako ni mother nature pero potangina, nawawalan na ako ng pag-asa at six days na akong delayed!
"Kailan ka pa ba matatapos diyan, kamahalan?" Rinig kong ungol ni Treshia sa labas kaya tumayo na ako't inayos ang uniform ko.
"Oh? Ba't parang binagsakan ka na naman ng langit, lupa, impyerno?" Tanong niya habang kinakanta 'yong langit-lupa na laro.
"Gusto ko lang naman ng payapang buhay, Tresh. Ibigay mo naman 'yon sa akin!" Ungol ko nalang saka tinignan sarili ko sa salamin.
"Hmm..."
Napatingin ako kay Treshia sa salamin nang sukatin niya ako ng tingin.
"Alam mo, for someone na halos hindi natutolog sa gabi, you're still oddly blooming. No offense! Hindi naman sa haggard ka lagi." Naningkit mata niya saka ako nilapitan para tignan ng maayos.
"There's something different about you."
Napalunok nalang ako nang biglang lumaki mga mata niya.
"Don't tell me!" Gulat niyang sabi sabay takip ng kanyang bibig. "Don't tell me in love ka?!"
"Matagal na." Ngiwi kong sabi.
"Ha?!"
"Ha?"
"Matagal ka nang in love?!" Maslalong nanlaki mga mata.
"Sabi ko antagal lumabas ng result ng removal mo."
Napanguso nalang siya. "At least, sure na akong pumasa 'yon."
"'Yan din sinabi mo last time."
"I'm constant kasi hmm." Mataray niyang sabi sabay irap pa't nauna nang lumabas.
Sakto namang pag sunod ko, nagkatagpo kami ng bakla na galing din ng comfort room. Magkaharap lang kasi ang pintuan ng men and women's.
Ilang segundo lang kaming nagkatinginan pero agad din akong umiwas at maraming mga matang nakatuon sa kanila dito.
Magkaiba kami ng section ni Treshia kaya naghiwalay na kami ng daan. Galing lang kasi kaming lunch break.
Mabilis lang din'g natapos ang araw at dumiretso na ako sa condo ko pagkatapos.
"You're just overthinking." Bulong ko sa sarili ko pagkatapos kong paulit-ulit na basahin 'yong pregnancy manual signs and symptoms and thank goodness, wala ako nun.
"AY PUCHA!" Mura ko nalang nang may umulan ng katok sa pintuan.
"PUNIETA MAY DOORBELL!" Pagmumura ko ulit. Walang sumagot kaya pinuntahan ko na bago pa mandilim paningin ko.
Bubuksan ko na sana ito nang tamaan ako ng hinala. Pumihit ako sa pintuan para sumilip sa peep hole at napahugot nalang ng hininga habang pairap-irap na binuksan ang pinto.
"May mukha pala talagang nakakasira ng araw." Ngumiti ako ng plastic.
"The moment this door opened, I instantly got what you mean." Ngumiti rin siya ng mas plastic.
"Magpatayan nalang siguro tayo total dun naman 'to papunta."
"Whateves!" Napaawang nalang bibig ko nang banggain niya ako't dire-diretso sa sofa para maupo.
Nahagod ko nalang batok ko't pakiramdam ko hinighblood ako bigla.
This person right here is really capable of getting into every last one of my goddamn nerves!
"Why are you here?" Kunwari kalmado kong tanong.
"Sunho hyung told me to follow you just in case! Feeling mo naman diyan na pupuntahan kita ng walang rason."
Sarkastiko akong napatango-tango. Pasimple ko narin lang na isinara ang pinto bago pa ako sapian ng pitong demonyo't maihambalos ko nalang ito bigla sa kanya.
"Here!"
May inihagis siyang paper bag sa center table nang hindi ako tinitignan.
"What's that?"
"Meds."
"For what?"
"Snacks! Baka kasi nagugutom ka--ouch!"
Napahiyaw nalang siya nang ibato ko sa kanya ang isang pares ng sapatos ko't sakto namang tumama sa kanyang noo.
"Holy shit! What the heck is wrong with you?!" Asik niya.
"Umayos ka!" Banta ko't akmang ibabato sa kanya 'yong isa pang pares ng suot-suot kong sapatos.
"No! I won't leave until we do it."
"Potangina mo!" Ngiwi kong sigaw at mukhang agad naman niyang na gets iniisip ko.
"Fck no!" Sigaw niya rin pabalik. "I meant to say, for you to do that!"
"Ang ano ba kasi?!"
"The pregnancy test, you green-minded freak!"
Natigilan ako bigla at parang nangilabot ako sa narinig ko. Bigla rin kasing sumagi sa isip ko 'yong gabing 'yon.
Ang sarap ding ihampas ulo ko sa pader, eh!
"Do you have the thing?" Tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Do I look like a pharmacy?!"
"Pet shop, oo!"
Pinandilatan niya ako ng mata at akmang ibabato sa akin 'yung snow globe na nasa tabi niya. Kinuha ko rin 'yung flower vase malapit sa akin at akma ring ibabato sa kanya.
"Oh, ano? Subukan mong ibato sa akin 'yan at hindi itong vase ang ibabasag ko sa ulo mo kundi ulo mo ang ibabasag ko sa vase na 'to!" Pananakot ko kaya umayos siya ng upo.
"I'll buy one then." Tumayo siya't umirap bago lumabas.
"Kunin niyo nalang ako, Lorrrrd!" Ungol ko't isinubsob mukha ko sa sofa.
Gumulong-gulong ako hanggang sa tumama paa ko sa center at nahulog ang paper bag na dala-dala ng bakla na may nilalamang gamot at apat na Melona ice cream melon flavor.
"How did that piece of shit even know my favorite ice cream?" Inis kong bulong bago kumuha ng isa. "Malamang sinabi ni Jung."
Agad ko naman itong binuksan at agad ring kumagat pero ewan ko lang kung bakit at bigla akong nakaramdam ng pagka-hilo nang malasahan ko ito't pakiramdam ko masusuka ako.
Pangiwi-ngiwi ko itong inihagis sa table saka kumuha ng panibago pero ganun parin.
"Siraulo talaga amputa!" Gigil kong sabi sa sarili ko't sakto namang dumating ang bakla.
Huminto ito sa may pintuan habang kunot-noo akong tinitigan. Ewan ko kung paano niya nagawa pero parang sobrang bilis niya lang atang nakabilin ng ano.
Nag fast forward ba o what?
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" Bulyaw ko pero hindi siya sumagot.
Tinignan niya lang ako saglit saka 'yong nasayang na ice cream sa mesa tas sa akin ulit.
"Why are you wasting those?" Walang kaemo-emosyon niyang tanong.
"Expired binili mong gago ka!"
Hindi ulit siya nag salita't pansin kong panay ang lunok niya.
"Get inside the bathroom, pali!"
Laking-gulat ko nalang nang bigla niya akong lapitan saka ako hinila patayo at itinulak papuntang banyo.
"Here!"
May inabot na naman siyang paper bag sa akin at agad na isara ang pintuan.
"Make it fast!" Sigaw niya pa sa labas.
Naiwan akong muntanga saglit bago ko naisipang silipin 'yong laman ng paper bag.
Pregnancy tests!
Numipis labi ko't pangiwi-ngiwing humarap sa salamin.
"Kaya natin 'to self!" Pagkausap ko sa sarili ko. "Asa lang tayong hindi tayo nagdadalang tao, oryt?!"
Abot-langit ang ngisi ko nang isang linya lang 'yong nakita ko sa result window pagkatapos kong ibabad 'yong absorbent tip.
"Salamat po, Lord!" Magiliw kong ungol at lalabas na sana ng banyo nang biglang naging dalawa 'yung linya.
"T-teka!" Nagulantang ako sa nakita ko.
"Hoy! Bakit ka naging dalawa diyan?" Pinitik-pitik ko pa ito ng ilang ulit pero hindi nagbago 'yung resulta kaya kumuha ako ng panibago pero magkapareha parin ang naging resulta kaya muntikan na akong atakihin sa baga!
"Nooooo!"
Napahawak nalang ako sa magkabila kong pisngi at napailing-iling habang nakatingin sa nakahilerang mga pregnancy test. Nagamit ko na kasi lahat at dalawang linya din lahat ng resulta.
"Uy? 'Di ka pa ba tapos diyan?" Pagkatok ng punyetang bakla at kung hindi pa ako lumabas, natibag na ata niya 'yung pintuan ko.
"And so? It's negative, right?" Pangiti-ngiti niyang tanong at matamlay kong inabot sa kanya ang dodosenang pregnacy test na binili niya.
"Anong meaning nito?" Taka niyang tanong.
"One line, negative. Two lines, positive." Walang-gana kong sagot tapos kumuha siya ng isa saka tinignan.
"Bakit dalawa ng linya nito?" Tanong niya at dahan-dahang nanlaki ang mga mata niyang minsan lang nakikita sa sobrang singkit.
"HOLY MOTHER OF TITANS!" Nabitawan niya ito tapos kumuha ng bago. Napailing-iling pa siya ng ilang ulit.
"Wala akong anak! WALA! BINUO MO SIYANG MAG-ISA MO!" Paulit-ulit niyang sigaw habang inaalog-alog 'yung pregnancy test. "How does this thing works?" Dagdag niya pa kaya napairap ako.
"Punyeta mo! 'Di magiging isa ang linyang nakalagay diyan kahit pa bali-baliktarin mo 'yan!" Untad ko saka siya nilapitan at inagaw 'ng pregnancy test sa kanya.
"God! I don't want to have a child with someone like you!" Pabulong niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang nandidiri siya. Napataas tuloy ako ng kilay.
"Wow? At ikaw pa talaga ang nagsasabi niyan?" Pagtataray ko, "That's supposed to be my line, you freak!"
"Ugh" Inis niya akong tinalikuran habang hinilot-hilot sintido niya.
"What am I gonna do with this? Alam mo bang may mahal akong iba, ha?" Banat niya.
"Alam mo din bang may boyfriend na din ako, ah?" Banat ko rin.
"Eh, tangina naman pala, eh! Bakit ka ba kasi pumayag na ako ang humatid sayo that night, ha?!"
"Si Jung sisihin mo 'wag ako, nginamong bakla ka!"
Nakita kong umusok ilong at tainga ng punyetang bakla kaya napangiwi ako.
"Bakla? Eh, kung bakla bakit ka nabuntis diyan?" Sigaw niya.
"Eh, 'di inamin mo ring anak mo 'tong dala-dala ko!"
Natahimik siya sa sinabi ko. Kitams? Bwesit talaga!
"I take it back! Bakla ako kaya 'di pwedeng maging akin ang batang 'yan!" Ngali-ngali niyang sabi.
"Luh? Sayo 'to, bakla! Ikaw lang naman kasi siguro ang first time ko, noh? At isa pa, nasa states boyfriend ko kaya imposible naman sigurong mabuntis niya ako samantalang hanggang tawagan lang naman kami. Ano 'yun? Online pregnancy?"
"Waahhh! BAHALA KA DIYAN BASTA 'DI SA AKIN ANG BATANG 'YAN! WALA AKONG ANAK!" Sabi niya saka tumakbo papalabas ng kwarto ko.
"Hoy! Bakla! Bumalik ka dito! Panagutan mo ako!" Sigaw ko rin pero 'di na bumalik ang gagu.
"MANIGAS KA!" Pahabol pa niyang sigaw bago ko narinig ang padabog na pagsara niya ng pinto.
"EUN BYUUUNNN!" Tili ko saka siyahinabol pero nagsara na 'yung elevator pag labas ko.

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    AguerroSania

    Yong humor talaga miss ma'am. Grabe ang galing

    11/02

      0
  • avatar
    GucciTikboy

    nice

    04/02

      0
  • avatar
    Fernandez CabasagVheami Whej

    its so nice

    27/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất