logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6:

Celeste’s POV
Ang sahig ng safehouse ay kasing lamig ng pakikitungo ni Lucian sa akin. Nakahiga ako sa kama, nakabalot ng makapal na kumot, pero ang lamig ay tila nanggagaling sa loob ng buto ko. Naririnig ko ang mabagal at kontroladong paghinga ni Lucian mula sa sahig. Kahit sa pagtulog, disiplinado pa rin ang gago.
"Lucian?" bulong ko. Walang sagot. "Alam kong gising ka. Hindi ka marunong matulog nang nakatikom ang kamao."
Narinig ko ang pagbuntong-hinala niya. "Matulog ka na, Celeste. Maaga pa tayo aalis bukas."
"Paano kung ayoko? Paano kung gusto ko lang mag-usap? Tungkol sa... Project Chimera. Tungkol sa kung sino talaga ako."
Natahimik ang silid. Sa dilim, tanging ang liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ang nagbibigay ng anino sa kaniya. Dahan-dahan siyang naupo, isinandal ang likod sa dingding.
"Sabi ni Viktor, impostor ang isa sa atin," panimula ko, ang boses ko ay nanginginig. "Buong buhay ko, akala ko ang pagiging rebelde ko ay nasa dugo ko. Akala ko, kaya ako ganito ay dahil Vane ako. Pero ngayong nalaman kong hindi pala... sino na ako, Lucian? Kung hindi ako Vane, sino si Celeste?"
"You're still Celeste," sagot niya, ang boses niya ay malalim at may halong lungkot. "The blood doesn't define you, the same way my position doesn't define me. Ang problema, ang mundong kinalakihan natin ay hindi tinitignan ang pagkatao—ang tinitignan nila ay ang label."
Lucian’s POV
Tinitigan ko ang anino ni Celeste sa ibabaw ng kama. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kahit sino pa siya, siya lang ang nakakakita sa totoong Lucian sa likod ng SSG President facade. Pero ang pangako ko kay Tito Thorn at ang loyalty ko kina Papa ang pumipigil sa akin.
"Napanaginipan ko sila kanina," mahinang sabi ni Celeste. "Hindi sina Papa Cain. Kundi dalawang taong hindi ko makilala ang mukha. Nasa isang lab daw kami. Maraming salamin. At puro puti ang paligid."
Napatingin ako sa kaniya. Ang Project Chimera ay hindi lang basta adoption; ito ay isang operasyon. Kung si Celeste ay kinuha mula sa ibang branch ng pamilya, ibig sabihin ay may mga taong sadyang naghiwalay sa kaniya sa tunay niyang mga magulang para lang magkaroon ng "spare heir" ang mga Vane.
Biglang naging mabilis ang paghinga ni Celeste. "Lucian... hindi ako makahinga. Ang panaginip na 'yun... parang totoo. Ang amoy ng gamot, ang tunog ng mga makina..."
Nagsisimula na siyang mag-panic attack. Hindi ko na natiis. Tumayo ako mula sa sahig at naupo sa gilid ng kama niya.
"Celeste, look at me. Breathe," utos ko habang hinahawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Hindi ko kaya, Lucian. Parang kinukulong ako sa loob ng salamin—"
"Hush. I'm here. I'm not leaving." Inalalayan ko siyang maupo at isinandal ko ang kaniyang ulo sa balikat ko. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan.
Celeste’s POV
Ang init ng katawan ni Lucian ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya, nilalanghap ang amoy ng kaniyang balat. Ang bango niya pa rin, kahit pagod na pagod kami.
"Bakit kailangang maging ganito kahirap?" bulong ko sa kaniyang balat. "Bakit kailangang magtago tayo?"
Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko—isang mabilis at maingat na halik, tila ba natatakot siyang mahuli ng sarili niyang konsensya.
"Because the truth will destroy everything we love, Celeste. My mother, your father... they fought so hard for this peace. Kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa Project Chimera, magsisimula na naman ang gulo. At hindi ko kayang makita kang maging sentro ng gulo na 'yon."
"But I'm already in the middle of it, Lucian. Since the day I met you."
Hinarap niya ako. Ang aming mga mukha ay inches na lang ang layo. Gusto kong angkinin ang mundo pero kailangan kong makuntento sa isang segundo ng pagkakalapit.
Hinawakan niya ang kamay ko, dahan-dahang pinag-intertwine ang aming mga daliri. "Isang gabi, Celeste. Dito sa kwartong 'to, let's forget everything. We're not Vane or Conrad. We're just... us."
"Just us?" tanong ko, ang puso ko ay tumatalon sa tuwa at takot.
"Just us. But only until the sun rises. Paglabas natin sa pinto na 'yan bukas, I am your President. And you are my cousin."
Ang sakit ng kondisyon niya, pero tinanggap ko. Dahil ang isang gabi kasama ang totoong Lucian ay mas mahalaga kaysa sa habambuhay na kasinungalingan sa labas.
Humiga kami nang magkatabi, hawak-kamay sa ilalim ng kumot. Walang nangyaring higit pa roon, pero ang katahimikan ng gabi ay napuno ng mga bagay na hindi namin kayang sabihin nang malakas.
Sumikat ang araw, at gaya ng usapan, back to reality na. Pero dahil ako si Celeste Vane, hindi ako papayag na matapos ang gabi nang walang remembrance.
Nagising ako na nakayakap pa rin sa braso ni Lucian. Ang bango-bango niya pa rin kahit bagong gising—unfair! Dahan-dahan kong hinalikan ang dulo ng tenga niya para lang mang-asar.
"Good morning, my dear pinsan. Ang sarap mong kayakap, para kang unan na may abs," bulong ko sa kaniya.
Agad na napadilat si Lucian. Mabilis siyang lumayo at naupo sa gilid ng kama, hinihilod ang mukha niya na tila ba nandidiri sa sarili niya dahil sa tinamasa niyang tulog kagabi.
"Celeste, stop it. Ang usapan ay hanggang sumikat lang ang araw," malamig niyang sabi, pero nakita ko ang pamumula ng kaniyang tenga.
"E, sumisikat pa lang naman ang araw, hindi pa tirik. At tsaka, bakit ka ba nandidiri? Hindi naman tayo magkadugo. Kahit anakan mo ako ngayo—" ngisi ko habang nag-uunat, sinasadyang ilitaw ang kurba ng katawan ko.
Nang pumasok sa utak ko ang sinabi ko ay mabilis akong napaayos ng upo. Tumigil sa naisip na kalokohan.
"You're impossible!" tumayo na si Lucian at mabilis na isinuot ang kaniyang polo. "Mag-ayos ka na. Nandiyan na si Tito Thorn sa labas. We need to go back to the mansion. Viktor is already there."
Lucian’s POV
Ang babaeng ito ay talagang susubukin ang bawat hibla ng pasensya ko. Pagkatapos ng madamdaming usapan kagabi, heto na naman siya—balik sa pagiging mapang-asar at walang preno ang bibig. Pero aaminin ko, mas gusto ko ito kaysa makita siyang umiiyak.
Lumabas kami ng safehouse. Nandoon na si Tito Thorn, seryoso ang mukha habang may kausap sa satellite phone.
"Lucian, Celeste, handa na ang convoy. Pero babala: ang Vane-Conrad Mansion ay puno ng mga tauhan ni Viktor. He’s claiming that he has the legal right to take over the estate because of the 'Biological Discrepancy' clause in the testament," ulat ni Thorn.
"Legal right? In front of my parents?" tanong ko.
"Your parents are currently in Europe for a business summit. Sinadya ni Viktor na kumilos habang wala sila. At ang target niya? Ikaw, Celeste. He wants to prove you're an impostor to freeze the Vane accounts."
Tumingin ako kay Celeste. Nakita ko ang panandaliang takot sa kaniyang mga mata bago ito napalitan ng kaniyang usual na "walang-pake" look.
"Edi patunayan niya. I'll just tell him na hindi ko kailangan ng pera nila, basta ibigay niya sa akin 'yong SSG President nila," biro ni Celeste sabay kindat sa akin.
"Celeste, be serious for once!" saway ko sa kaniya habang sumasakay kami sa SUV.
Ang mansyon na dati ay simbolo ng kapayapaan nina Mama Azy at Papa Cyprus ay puno ngayon ng mga lalaking naka-suit. Sa gitna ng grand hall, nakaupo si Viktor Romanov, may hawak na baso ng scotch.
"Welcome home, the golden couple," bati ni Viktor nang makita kaming pumasok. "O mas saktong sabihin... the illegal lovers?"
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Celeste, itinatago siya sa likod ko. "Get out of our house, Viktor. Your legal tricks won't work here."
"Tricks? Lucian, I have the DNA results. I have the Project Chimera archives. Isang click ko lang, malalaman ng buong mundo na ang SSG President ng pinakasikat na university ay nakikipag-relasyon sa kaniyang pinsan, na hindi naman pala niya pinsan, pero impostor ng pamilya."
"Ano ba talagang gusto mo?" tanong ni Celeste, lumabas siya mula sa likod ko. "Gusto mo ng pera? Gusto mo ng lupa? O gusto mo lang talagang sirain ang lovelife namin dahil wala kang ka-date?"
Natawa si Viktor. "Matapang ka pa rin, Celeste. Pero paano kung sabihin ko sa inyo na ang Project Chimera ay hindi lang tungkol sa adoption? It's about a hidden wealth that only the true biological heir can unlock. At ayon sa testamento, ang heir na 'yon ay kailangang magpakasal sa isang Conrad para ma-merge ang dalawang pamilya nang tuluyan."
Napatigil kami ni Lucian. Isang arrangement? Isang fixed marriage mula sa nakaraan?
"The catch is," pagpapatuloy ni Viktor, "the testament states 'Biological Heirs'. Since you, Celeste, are not a biological Vane, the inheritance is void. Unless..."
"Unless what?" tanong ko.
"Unless you can find the real biological heir of Cain Vane. Ang batang itinago ni Isabel Vane bago siya mamatay. Ang batang siyang tunay na pinsan mo, Lucian."
Napatingin ako kay Celeste. Kung may tunay na pinsan ako, ibig sabihin... si Celeste ay talagang walang kinalaman sa pamilya. She's just a girl caught in a web of lies.
"So, kailangan ko lang maghanap ng ibang babae para pakasalan?" tanong ko, ang boses ko ay naging matalim.
"Exactly. Or you lose everything. The University, the Empire, the Name."
Tumingin si Celeste sa akin. "Lucian... kung kailangan mong humanap ng tunay na pinsan para makuha ang yaman niyo, gawin mo. I mean, okay lang naman sa akin, basta 'wag siyang mas maganda sa akin."
"Shut up, Celeste," bulong ko. Hinarap ko si Viktor. "I don't care about the wealth. At hindi ako magpapakasal sa kahit kanino para lang sa testamento ng isang baliw na matanda."
"Then you've chosen to be a nobody, Mr. President," ngisi ni Viktor. "Security! Escort them out. They are no longer part of this estate."
Bago pa kami mahawakan ng security, isang malakas na tunog ng helicopter ang narinig sa labas. Isang boses ang umalingawngaw mula sa intercom ng mansion.
"Sino ang nagsabing pwedeng paalisin ang mga anak ko sa sarili nilang bahay?"
Napangiti ako. Si Cyprus Conrad ay nakauwi na.

Bình Luận Sách (2)

  • avatar
    Xiamara L. Zafiro

    try koto

    14/02

      0
  • avatar
    MarcialCatherine

    wow ang ganda ng sotry

    12/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất