logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Please Give Me A Baby

PLEASE GIVE ME A BABY
Sofia's POV:
"Goodluck 'nak!"
"Thank you Mommy! Sana this time matanggap na ako sa kompanyang ina-applyan ko. Amen!"
"Tiwala lang anak, matatanggap ka din."
"Opo, 'My. Salamat."
"O siya, sige na baka ma-late ka pa."
"Sige po 'my," todo ngiti ako habang papalabas ng bahay.
Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko may taong nakasunod sa'kin. Subalit bawat tigil ko para tumingin sa likuran ko, wala namang tao. Kung gabi siguro ngayon baka natakot na ako, kaso umaga naman kaya kung sino man ang hangal na sunod ng sunod sa'kin bahala siya.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang hangal na nilalang na nararamdaman ko mula sa malayo na nakabantay sa akin. Taray ha, parang horror story lang 'te?
Nakasimangot akong lumabas ng Mall dahil sa kasamaang palad hindi na naman ako natanggap. Imagine, BS Business Administration yung natapos ko tapos ultimo pagsa-saleslady hindi ako matanggap? Ako ba'y pinaglololoko na ng mundo?
Hoy! baka sabihin niyo ang bilis ko namang nakarating ng Mall e naglalakad palang ako? Bakit, ano bang gusto niyo na i-kuwento ko pa kung ilang oras akong nag abang ng sasakyan at kung ilang steps yung nilakad ko? Huwag nga kayo, istorya ko 'to kaya 'wag kayong epal ha! Nangangagat ako ng mga taong epal. Rawr!
Paglabas ko ng mall ay muli ko na namang naramdaman na may tao talagang nakasunod sa akin. Paano ko naramdaman? Ah basta! Feeling ko talaga may matang nagmamatiyag sa'kin.
Kung sino man talaga ang hangal na 'to siguraduhin niya lang na mabibigyan niya 'ko ng trabaho dahil kapag hindi nako, makakalbo ko talaga siya!
Dahil nakaka curious na talaga kung ano ang pakay niya kaya naman umisip ako ng paraan kung paano siya mahuhuli.
Baka sabihin niyo na naman, buti nga may isip ako? Natural meron, kayo ba wala?
Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko at ng makarating ako sa isang kanto sakto may nakita akong pwede kong pagkublian na lugar. Ilang minuto din akong nagtago sa kantong 'to.
Sinasabi ko na nga ba! Nahuli ko rin ang hangal. Isang matangkad na lalaki ang palinga-linga ngayon sa bawat sulok ng bakanteng lote na 'to. Pilit niya ring tinatanaw ang bawat nagdaraang tao.
Minabuti ko pang magkubli sa—wait, nasa may basurahan ako? Wtf! Oo na, nagkubli ako ng mabuti dito sa may lata-latang tambak ng basurang bulok!
Hmm, infairness ha! May itsura siya. Ang guwapo niya sa suot niyang maroon na polo at jeans tapos ang tangkad niya pa. Mukhang mabango siyang tingnan.
Pinaningkitan ko siya ng maganda kong mata pagkatapos ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko, mahirap na baka mag amoy basura pa ako, edi nasira yung beauty ko diba? Oo, may beauty ako kayo lang naman ang wala.
"What do you think you're doing my dearest stalker?" Para kunwari sulit naman yung pang i-stalk niya sa'kin diba? Kailangan ko ding magmukhang sosyal.
Kunwari inis ko din siyang sininghalan para nga sosyal din ang dating kagaya no'ng mga napapanood ko sa mga drama series.
Gulat na gulat din siya sa ginawa ko. Akala niya siguro hindi ko siya napapansin na nakasunod sa'kin magbuhat pa sa bahay hanggang sa Mall na pinanggalingan ko.
"I'm asking you!"  Naniningkit ang mga mata kong sigaw sa kanya.
"I-I just want to—" Kaagad kong pinutol ang sasabihin niya, mukhang nahihirapan kasi siyang sagutin ang tanong ko. He seems like thinking a good answer.
"—you just want to?" Taas kilay kong tanong.
Ang tagal kasing magsalita kaya inunahan ko na siya.
"I just want to have a baby with you."
Muntik na akong ma-out of balance dahil sa sinabi niya.
"What? Are you fvckin' insane?"
Ako ba'y pinaglololoko ng lalaking ito? Ano bang akala niya sa'kin, ha?
"I am not, but I'm desperate." Seryosong sabi niya.
"Talk to the ground!"
Mabilis ko siyang tinalikuran ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay hinablot niya na ang braso ko dahilan para mauntog ako sa dibdib niya.
Tama nga yung hinala ko kanina, mabango nga siya. Parang gusto ko tuloy siyang singhutin ng singhutin. Kaya lang naalala ko, dapat pala sosyal yung dating ko kaya pinigilan ko ang sarili kong kagatin siya, ay este amuyin.
"I'm serious here Sofia, please talk to me." Bahagya akong napanganga sa sunod na sinabi niya. Did he just call me, Sofia? Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Wait, paano mo nalaman ang pangalan ko ha? Stalker ka ba?" Natural, sunod nga ng sunod sa'kin diba? Tapos tinawag niya pa ako sa pangalan ko. Confirmed! Stalker siya.
"Parang gano'n na nga, sige na please bigyan mo ako ng anak handa akong magbayad kahit na magkanong halaga."
Mukha ngang desperado na ang lalaking ito. Ano ba'ng akala niya sa mga pinagsasabi niya? Na gano'n lang kadali ang hinihingi niya? Para siyang bata na nanghihingi lang ng kendi sa nanay niya.
"You know what? I don't care and I am not interested with you! For your information, hindi ako basta babae lang na pwede mong hingan ng anak na sinasabi mo. I am a woman with dignity! I also—"
"Oo na! Ang dami mong sinasabi as if nagtatanong ako diba?" Taas kilay niyang sabi matapos niyang putulin ang pagsasalita ko.
"Wow, ha? Sinasabi ko lang sa'yo baka kasi bigla-bigla kalang sumusulpot sa harapan ko dahil akala mo easy to get lang akong babae. Well, no way!"
Teka nga lang, ba't ko ba pinag aaksayahan ng oras ang lalaking 'to? Tsk. Maka alis na nga lang.
"Where are you going?" Tanong niya kaya napatigil na naman ako.
"Sa bahay, saan ba sa tingin mo?" Inis kong sagot sa kanya.
"I'm not yet done talking to you Sofia."
"But me? I am done talking to you!"
Mataray kong sabi sabay talikod sa kanya with matching flip hair pa 'yan ha, para mukha talaga akong maldita.
"Wait," ayan na naman siya sa panghahablot niya. Isa pang hablot nito sa'kin makakagat ko na talaga 'to. Hindi niya ba alam na kahit NBSB ako e marunong din naman akong maakit sa mga lalaki, ha? Kung di lang ako nagpipigil naku talaga!
"Kuya, minor po ako, 17 years old pa lang ako hindi pa ako handa sa hinihingi mo." Nakataas ang dalawa kong kamay habang sinasabi iyon sa kaniya.
"Maybe your height fits at the age 17, but you're already 21, Miss Sofia Marie Hidalgo, aren't you?"
Kung kanina medyo pinagnanasahan ko pa ang hangal na stalker na 'to pwes ngayon natatakot na talaga ako. Paano niyang nalaman ang buong pangalan ko? Ang totoong edad ko? Napaatras ako ng tatlong beses palayo sa kaniya.
"K-kuya, huwag po. Maawa na po kayo sa'kin oh, kapag pinatay niyo 'ko kawawa naman ang mommy ko, wala siyang kasama sa bahay!"
"What? Hindi ako mamamatay tao. I am not a fvcking killer!" Nagtagalog na nga, may pag English pa talaga napakayabang naman ata ng lalaking 'to?
"By the way, I am Alexus Dean Smith." Pakilala niya sa'kin. Inabot niya rin sa'kin yung kamay niya at dahil sosyalin ako kaya syempre tinanggap ko yung kamay niya at nakipagkamay sa kaniya. Ang lambot ng kamay niya!
"Sige na, uuwi na ako at maghahanap pa ako bukas ng trabaho." Pagpapaalam ko sa kaniya ngunit wala talaga siyang balak na pakawalan ako.
"No!"
"Anong no, no, ka diyan? Haler! Normal akong tao at hindi ako basta basta papayag diyan sa inaalok mo! Manigas ka!"
Mabilis akong tumakbo para takasan ang desperadong lalaki na iyon. Mabuti nalang talaga at natakasan ko siya.
Pagkarating ko ng bahay nagulat ako dahil may nakaparadang kulay asul na kotse sa tapat ng bahay namin. Sino kaya ang bisita namin?
Para masagot ang mga katanungan sa isip ko kaya naman nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay.
Halos lumuwa ang mga mata ko matapos kong madatnan sa loob ng bahay itong Alexus, yung desperadong lalaki na stalker ko na nanghihingi ng anak sa'kin. Oo siya nga! Ang kapal ng mukha niyang magkape sa bahay namin ha!
Dito din naman pala ang punta niya pero hindi manlang ako isinabay. Hindi siya gentleman.
"Ikaw na naman?" Nasapo ko ang noo sa isiping sobrang desperado na nga talaga ng lalaking ito.
"Nak, huwag mo namang sinisigawan 'yang boyfriend mo." Biglang saway sa akin ni mommy.
"Boyfriend ko?" Gulat kong tanong.
"Oo,"
Bakit hindi ko alam na boyfriend ko pala ang hangal na lalaking 'yan?
Bakit?
"Hoy lalaki, mag usap nga tayo!"
Mabilis kong hinila si Alexus palabas ng bahay.
"Pumapayag ka na ba?"
Nakangiting tanong niya.
"Ako, papayag? Anong tingin mo sa'kin desperada? No way!"
"Sige na kasi oh, bigyan mo na 'ko ng anak please?"
"Please sofia, please give me a baby?"
Hindi ko alam kung maaawa ako sa kaniya na nakaluhod ngayon sa harapan ko at nagmamakaawang bigyan ko siya ng anak o maiiyak ako sa sobrang inis at sipain siya ng tuluyan ngayon.
Nakaka frustrate siya.
Promise!

Bình Luận Sách (286)

  • avatar
    QuilarioGengie

    Wow! grabe talaga kahit maikli lang naman ang storyang ito pero may mga bagay palang natutunan natin dito na sa umpisa parang joke lang pero may nasasaktan kaya super na appreciate ko yun lalong lalo na sa happy ending. Kudos sa writer & keep it up God Bless 😍♥️♥️♥️

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Marvss Villareal

    haha

    8d

      0
  • avatar
    Ramil Ngitngit

    Excellent and great story author.Ang linis ng story.Highly recommended po.

    9d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất