logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 7 Accidental Laughs

Mayroong scientific explanation kung bakit masarap ang pagkain kapag galing ka sa heartbreak o stress. Something about dopamine, serotonin, at 'yung fact na ang taba ng baboy ay natural antidepressant.
Nasa "Samgyup-Salamat" kami ngayon sa may West Avenue. Ang ingay. Ang usok. Ang gulo.
"Pre, bantayan mo 'yung beef! Sunog na!" sigaw ni Jap habang nilalantakan 'yung kimchi na parang wala nang bukas.
"Ako na nga nagluluto, ako pa sisigawan mo?" reklamo ko habang mabilis na binabaligtad ang mga manipis na hiwa ng karne sa grill. Talsik-mantika is real. "Ikaw kaya dito? Puro ka utos."
"Sorry na, busy ako sa side dishes," sagot ni Jap, sabay subo ng lettuce wrap na halos kasinlaki ng kamao niya.
Sa tapat namin, tahimik lang na kumakain si Mika. Pero hindi 'yung tahimik na awkward. Tahimik siya kasi focus na focus siya sa pag-assemble ng perfect samgyup wrap.
Pinanood ko siya saglit.
Kumuha siya ng lettuce. Nilagyan ng konting rice. Isang piraso ng karne dipped in sesame oil. Nilagyan ng kimchi. Tapos nilagyan ng cheese. At ang finishing touch: isang piraso ng raw garlic.
Nanlaki ang mata ko.
"Kakain ka ng bawang?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin, hawak ang lettuce wrap na parang trophy. "Oo. Bakit? Bawal?"
"Ah... hindi naman. Matapang lang kasi amoy niyan. Baka umamoy hininga mo," sabi ko, medyo conscious. Usually kasi, kapag may kasamang 'date' (kahit friend date lang 'to), iniiwasan ang bawang.
Ngumiti siya nang nakakaloko. "Ethan, wala naman akong balak makipag-kissing scene mamaya. So, okay lang."
Sabay subo ng buong wrap.
Nabulunan si Jap sa tawa. "Boom! Wala daw balak, pre! Umasa ka pa naman!"
Ramdam ko ang init sa tenga ko. "Wala akong iniisip na ganun! Concerned lang ako sa... sa dental hygiene."
"Dental hygiene," gaya ni Mika habang ngumunguya, her cheeks puffed out like a hamster. "Ang arte mo talaga. Masarap ang bawang. Pampahaba ng buhay. Pampataboy ng aswang. At pampataboy ng mga lalaking maarte."
Natawa ako. Hindi ko napigilan.
"Grabe, so aswang pala tingin mo sa akin?"
"Pwede," kumuha siya ng tissue. "Vampire shift ka, diba? So baka takot ka sa garlic."
It was chaotic. It was messy. And surprisingly, it was fun.
Dati, kapag kumakain kami ni Adrian sa labas, laging fine dining o kaya mga hipster cafes na bawal mag-ingay. Kailangan "aesthetic" ang pagkain. Kailangan presentable. Bawal magkamay. Bawal magkalat.
Pero dito?
Tumalsik ang mantika sa braso ni Mika. "Aray ko po!" sigaw niya sabay tawa.
Nalaglag ni Jap ang chopsticks niya nang tatlong beses.
Ako, nagkamali ng inom at nainom ko ang coke ni Jap.
Walang pressure. Walang poise. Just three people drowning their weekday stress in grilled meat.
Pagkatapos ng halos dalawang oras na kainan, sumuko na kami. Food coma malala.
Si Jap, nakasandal na sa upuan, himas ang tiyan na parang buntis ng tatlong buwan. "Di ko na kaya. Feeling ko puputok na ako. Tawagan niyo na ambulansya."
"Ang takaw mo kasi," sabi ko. "Pang-limang refill mo na 'yon ng pork."
Mika looked satisfyingly full too, pero composed pa rin. "Worth it. Good job sa pag-iihaw, Ethan. Pwede ka nang mag-apply na grill master kapag nagsawa ka na sa graphic design."
"Salamat sa validation," ininom ko ang tubig ko. "At least may career option na ako."
Tinignan ni Jap ang relo niya. "Hala, 9:30 PM na. Lagot ako kay Mama, pinapauwi ako nang maaga. May family meeting daw kami about sa... ewan, baka sa mana na wala naman kami."
Biglang tumayo si Jap, medyo hirap gumalaw dahil sa kabusugan. "Mauna na ako mga pre. Mag-Ggrab na lang ako."
"Hatid ka na namin," offer ko.
"Huwag na!" pigil niya, may kakaibang kislap sa mata. "Out of way ang bahay namin. Sayang gas. At saka... gusto ko mag-isa. Mag-mumuni-muni ako sa loob ng Grab habang nagdi-digest."
Tumingin siya kay Mika, tapos sa akin. Then he winked. Isang malaking, obvious, annoying wink.
"Ingat kayo ha. Kayo na bahala sa isa't isa. Don't do anything I wouldn't do!"
At bago pa ako makapag-react, tumakbo na siya palabas (o naglakad nang mabilis habang hawak ang tiyan).
Naiwan kaming dalawa ni Mika sa mesa.
Katahimikan.
Not the awkward kind, but the shifting kind. The kind where the dynamic changes from "trio" to "duo." Mas intimate. Mas delikado.
"So," Mika started, wiping the table with a tissue out of habit. "Iniwan na tayo ng pambansang third wheel."
"Oo nga. Bwisit 'yon, halatang plinano," bulong ko.
"Hayaan mo na. Baka natae lang talaga."
Natawa ako ulit. She creates these blunt, gross jokes that shouldn't be attractive, but somehow, they make her more real.
"Uwi na tayo?" tanong ko.
"Maaga pa," sabi niya, checking her phone. "At sobrang traffic pa sa EDSA ngayon. Check mo Waze. Puro pula."
Chineck ko. Oo nga. Carmageddon.
"Saan tayo tatambay? Alangan naman dito? Amoy usok na tayo," sabi ko, smelling my shirt. Amoy samgyup na ako for the next three business days.
Nag-isip siya saglit. "UP Diliman? Malapit lang dito. Maganda maglakad-lakad para bumaba kinain natin. Unless takot ka sa dilim?"
"Hindi ako takot sa dilim," sagot ko. "Takot ako sa lamok. Pero sige, game."
Nagbayad kami (KKB, dahil modern independent woman daw siya at ayaw niya ng utang na loob), at sumakay sa kotse ko.
The drive to UP was short. Pagpasok namin sa campus, iba na agad ang hangin. Mas presko. Mas tahimik. The acacia trees loomed over the road like giant guards protecting the students from the noise of the city.
Nag-park ako malapit sa Sunken Garden. Bumaba kami at naglakad sa Oval.
Madilim na, pero may mga street lamps naman. May mga nagjo-jogging pa rin, may mga mag-jowa na nakaupo sa benches (na obvious kung anong ginagawa sa dilim), at may mga estudyanteng mukhang stress sa thesis.
Naglakad kami nang mabagal. Hands in pockets. Social distancing na slight.
"Alam mo," sabi ni Mika, looking up at the trees. "Dito ako madalas tumambay nung college. Kapag bagsak ako sa plates, dito ako umiiyak. Sa ilalim ng puno na 'yon."
Tinuro niya ang isang malaking Acacia tree.
"Talaga? Favorite spot?"
"Oo. Ang tawag ko dyan, 'Tree of Tears'. Dyan ko narealize na hindi para sa lahat ang Architecture. Pero dyan ko rin narealize na sayang naman tuition ko kung susuko ako, kaya tinuloy ko na lang."
Natawa ako. "Practicality over passion."
"Exactly. Ikaw? Saan tambayan mo nung college?"
"Sa computer shop," pag-amin ko. "Dota 2. 'Yun ang coping mechanism ko. Kapag stressed sa plates, papatay ako ng creeps. Kapag sawi sa pag-ibig, trash talk sa kalaro."
"Healthy," sarcasm niya.
"Very."
Huminto kami sa isang bakanteng bench na nakaharap sa Sunken Garden. Umupo kami. Ang dilim sa gitna ng field. Only the distant lights of the buildings illuminated the vast grass.
"Ang tahimik," bulong niya.
"Nakakatakot?"
"Hindi. Nakaka-relax." She breathed in deeply. "Sa trabaho ko, laging maingay. Drill, pukpok, sigaw ng foreman, reklamo ng client. Dito, parang... pause button."
Tumingin ako sa kanya. The dim yellow light from the lamp post highlighted her profile. Her glasses reflected the trees. She looked serene, but her eyes held a certain weight.
"Mika," I started, hesitant. "Bakit sabi mo kanina... 'kapag sawi sa pag-ibig'?"
Lumingon siya sa akin. "Ha?"
"Sabi mo kanina, nung nag-joke ako about Dota. Tumawa ka lang. Pero naisip ko lang... na-heartbroken ka na rin ba nang malala? I mean, sabi mo 'love can wait'. Usually, sinasabi lang 'yan ng mga taong napagod na maghintay o napagod na masaktan."
She looked away, back to the darkness of the field.
She was silent for a while. Akala ko na-offend ko siya. Akala ko masyado akong personal.
"Sorry, 'wag mo na sagutin. Masyadong heavy for a Tuesday night," bawi ko agad.
"No, it's okay," she said softly. "Friends share stories, right?"
Huminga siya nang malalim.
"His name was Leo," she began. "High school sweetheart kami. Hanggang college. Seven years, Ethan. Seven years. Akala ko kami na talaga. Planado na lahat. Sabi niya, pagka-graduate namin, magpapakasal kami. Magtatayo kami ng firm. 'Villanueva & Santos Architects'."
Napalunok ako. Seven years. That’s a lifetime.
"Anong nangyari?"
She laughed softly. A dry, humorless laugh. "Funny story actually. Iniwan niya ako para sa blockmate namin. Ang reason niya? Masyado daw akong 'chill'. Masyado daw akong 'independent'. Hindi daw niya maramdaman na kailangan ko siya."
Napataas ang kilay ko. "Huh? Hindi ba 'yun naman ang gusto ng mga lalaki? Low maintenance?"
"Apparently not," she shrugged. "Gusto niya pala 'yung babaeng pabebe. 'Yung kailangan siyang i-text every hour. 'Yung magagalit kapag hindi siya nag-goodnight. Ako kasi, kampante ako eh. Tiwala ako. Sabi ko, 'Okay lang yan, busy siya'. Hindi ako nagger. Hindi ako selosa. I gave him peace."
Tumingin siya sa akin, and her eyes were glistening slightly.
"But he chose chaos. Sabi niya, 'Mika, ang boring natin. Parang magkaibigan lang tayo, hindi magka-inlove'."
Natigilan ako.
Masyadong chill. Boring.
Kabaliktaran ng nangyari sa akin.
"Ako naman," I found myself speaking before I could stop myself. "Kabaliktaran mo."
She looked at me, waiting.
"My ex... si Adrian. Iniwan niya ako kasi masyado daw akong... involved. Masyado daw akong nagmamahal. Sabi niya, 'Ethan, nasasakal ako. I need space to find myself'. Binigay ko naman lahat. Oras, effort, understanding. Pero sa huli, kulang pa rin. O baka sobra? Ewan ko."
Nagkatinginan kami.
Two people sitting on a bench in the dark.
One was left for being too little.
One was left for being too much.
Silence stretched between us. Mabigat. Masakit.
Then suddenly, Mika snorted.
Tapos tumawa siya.
"Ang tanga lang 'no?" sabi niya habang tumatawa. "Tayo 'yung perfect example ng 'lugar lang ang may wrong, love wala'."
Natawa na rin ako. "Oo nga. Kung nagpalit kaya tayo ng jowa noon? Edi sana masaya sila Leo at Adrian? Sila na lang nagkatuluyan, pareho silang demanding."
Mas lumakas ang tawa niya. "Oh my god. Imagine. Adrian asking Leo, 'Why didn't you reply?' tapos sasagot si Leo, 'You're suffocating me!' Bagay sila!"
We laughed. Really laughed.
Tumawa kami sa sakit. Tumawa kami sa katangahan ng past selves namin. Tumawa kami sa irony ng buhay.
Ang ingay namin sa quiet zone ng UP. Pinagtitinginan kami ng mga nagjo-jogging, pero wala kaming pakialam.
"Grabe," sabi ni Mika, wiping a tear from her eye (from laughing, or maybe not). "Seven years of building a future, tapos ang ending, papalitan ka lang ng babaeng nag-iinarte sa Starbucks."
"At least ikaw pinalitan," sabi ko. "Ako, iniwan para sa 'self-discovery'. Tapos malalaman ko, 'yung 'self' na hinahanap niya, nasa ibang lalaki pala. Nasa gym pala nahahanap ang sarili."
"Hahahaha! Sa gym!" Mika slapped her knee. "Baka spotter lang ang hanap, hindi soulmate!"
Tawa lang kami nang tawa. Para kaming mga baliw.
But underneath that laughter, something shifted.
Noong tumigil na kami sa pagtawa, huminga kami nang malalim. We were catching our breaths, but we were also catching something else.
Understanding.
Connection.
Tumingin ako kay Mika. Her face was flushed from laughing. Her eyes were bright.
She wasn't just the calm, observant girl anymore. She was wounded, just like me. She carried a scar that looked suspiciously like the missing puzzle piece of my own scar.
"Kaya pala," she said softly, her voice dropping to a whisper. "Kaya pala takot kang umulit. Kasi feeling mo, kapag nagmahal ka ulit, sobra ka na naman. At iiwan ka ulit."
Tumango ako. Wala nang denial. Wala nang sarcasm.
"At ikaw," sabi ko. "Kaya ayaw mo ng commitment. Kasi feeling mo, kapag naging kampante ka ulit, sasabihin na naman nila na boring ka. Na kulang ka."
She smiled sadly. "Bullseye, Mr. Designer. You see the details too."
Wind blew past us. Malamig na hangin ng UP. The leaves rustled above us.
"We're a mess, Ethan," she said.
"A beautiful mess," I corrected, trying to lighten the mood. "Parang abstract art. Hindi maintindihan, pero may value."
She chuckled softly. "Abstract art. I like that."
Tumingin siya sa langit. "Pero alam mo... nakakapagod maging takot. Minsan, naiisip ko... what if hindi naman lahat katulad nila Leo? What if may taong mag-aappreciate ng peace na kaya kong ibigay?"
Tumingin ako sa kanya.
What if may taong mag-aappreciate ng pagmamahal na kaya kong ibigay?
For a moment, gusto kong sabihin sa kanya: Ako. Maaappreciate ko 'yon. Gusto ko ng peace. Pagod na ako sa chaos.
Gusto kong hawakan ang kamay niya.
Pero pinigilan ko ang sarili ko.
Too fast. Too soon.
Rule #2: If someone makes you kilig, run.
Pero hindi ako tumakbo ngayon. Nakaupo lang ako.
"Malay mo," sabi ko na lang. "Malay mo nasa tabi-tabi lang 'yon. Baka nakasalubong mo na. O nabunggo sa pintuan."
She looked at me sharply. Did she catch that?
Then she smiled. A small, knowing smile.
"Baka nga," she said. "Baka magnanakaw pa ng sketch ko."
My heart skipped a beat.
She knew. She was playing along.
"Tara na?" yaya niya bigla, standing up and dusting off her pants. "Baka saraduhan tayo ng gate ng UP. Ayokong matulog dito kasama ng mga multo."
Tumayo ako. "Multo ng past?"
"Multo ng Ikot driver," tawa niya.
Naglakad kami pabalik sa kotse.
Tahimik na ulit. Pero iba na ang quality ng katahimikan. It wasn't empty anymore. It was filled with shared secrets and a mutual understanding that we were both damaged goods trying to function in a world demanding perfection.
Paghatid ko sa kanya sa bahay nila, hindi na lang "Ingat" ang sinabi niya.
"Ethan," tawag niya bago siya pumasok.
Binuksan ko ang bintana. "Bakit? May nakalimutan ka?"
"Wala," she smiled. "Thank you sa tawa. I needed that. Matagal na akong hindi tumatawa nang ganun."
"Ako rin," sagot ko. "Goodnight, Mika."
"Goodnight, Ethan."
Pumasok siya sa gate.
Nag-drive ako pauwi.
Wala nang music. Gusto ko lang namnamin 'yung peace.
Accidental laughs.
Accidental confessions.
Accidental bonding.
Sabi ko sa sarili ko, "Friends lang."
Pero habang inaalala ko 'yung tawa niya—'yung tunay na tawa na may halong sakit at paghilom—alam ko na sa sarili ko na nagsisinungaling na lang ako.
Hindi na lang 'to friendship.
It was becoming a lifeline.
At nakakatakot, kasi sa tuwing tumatawa kami nang sabay, parang unti-unting gumuguho 'yung pader na itinayo ko.
"Bahala na," bulong ko sa hangin. "Bahala na si Batman."
Or in my case, bahala na si SpongeBob.
For the first time in two years, I went to sleep not thinking a
bout the pain of the past, but the sound of her laughter.
And maybe, just maybe, that was worth the risk.

Bình Luận Sách (10)

  • avatar
    Rockie boy Bagona

    Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.

    11/06

      0
  • avatar
    My Personal use

    Enjoyable read. Looking forward to the next chapters.

    11/06

      0
  • avatar
    Rocky Boy

    nice

    11/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất