Trang Chủ/Back To December (Love Symphony Series #1)/
Chapter 3
Travis Napahigpit ang hawak ko sa manibela, habang binabaybay ko ang daan patungo sa mall na binanggit ni Jela no’ng tumawag siya kanina. Nagpadala rin siya ng mensahe kung saan ko siya eksaktong makikita. May ilang oras pa naman kaming natitira, bago magsimula ang photoshoot na pagsasamahan naming dalawa. Pero napailing na lang ako nang makita ang mahabang traffic sa harapan, bago ako dahan-dahang huminto. Habang naghihintay na umusad ang mga nasa unahang sasakyan ay naalala ko ang naging pagkikita namin ni Tiffany kanina. It’s been almost four years since she broke up with me. I thought I already moved on, and yet... I groaned in annoyance. It seems that she still has something important to say awhile ago. But here I am, regretting my actions of leaving her behind and without hearing more of her words. Just like how she turned her back at me that night. But I have no choice. I can’t let Jela go to the mall alone. That girl is really a pain in the ass. Nang sa wakas ay umusad na ang daloy ng trapiko ay mabilis na muli kong pinaandar ang kotseng sinasakyan. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating din ako sa mall. Pagkatapos kong maiayos ang pagkakahanay ng kotse ko sa parking lot ay nagsuot muna ako ng face mask at sombrero, bago tuluyang bumaba. May mga pagkakataon naman na hinahayaan lang kami ng mga fans at hindi ginugulo sa tuwing nasa pampublikong lugar kami. Pero gusto ko lang din manigurado. Isa pa ay mahirap na at baka magkaroon na naman kaming dalawa ng issue. Mahilig pa namang magbigay ng makahulugang sagot si Jela sa media kaya lalo tuloy kaming pinagdududahan na dalawa. Pagkababa ay naglakad na ako patungo sa entrance ng mall. Tiningnan naman ako ng guwardiya na may pagdududa. Marahil ay dahil sa ayos ko na mukhang hindi gagawa ng maganda sa paningin niya. Ngunit hindi naman siya nagsalita ng kung ano. Nang makapasok ay agad na namataan ko si Jela na nagtitingin-tingin sa labas ng isang bookstore. Mukhang hindi naman siya nakikilala ng mga tao sa paligid. As usual, she’s also wearing her aviator and favorite disguised item—her wig. Sa totoo lang ay marami siyang koleksyon ng gano’n. Pero dahil kabisado ko naman na ang mga pormahan niya sa tuwing gusto niyang maging lowkey ay alam ko agad na siya ‘yon. “Hey,” tawag ko sa kanya ng makalapit. Napalingon naman siya sa ‘kin at napangiti. “You really came!” I shrugged. “As if I have a choice. Ano ba kasi ang balak mong gawin dito?” She grinned. “Wala naman. Why do you look so irritated? Dahil ba nasira ko ang date mo?” Salubong ang kilay na napatingin ako sa kanya. “I don’t have a date.” She rolled her eyes as we started to walk. “Yeah, right. And the horse can fly.” Hindi na lang ako umimik pa para hindi na humaba pa ang usapan. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila patungo sa coffee shop na nadaanan namin. “The usual. Thanks for the treat!” Napangisi siya, bago naghanap na ng mauupuan namin. Napaawang ang bibig ko. Matapos akong hilahin papasok dito sa coffee shop ay ako pa pala ang manlilibre. This girl is really something. How did she even become my best friend in the first place? Napasimangot na lang ako at pumila. When it’s finally my turn, I feel awkward by the way the cashier is looking at me. “Is there something wrong, Miss?” I asked. Napailing naman siya. “Wala naman po. Pasensya na po, pero parang naalala ko lang po bigla ang artista na si Travis Vernon pagkakita ko sa inyo.” Natawa naman ako. “Sabi nga rin ng iba.” Gusto kong mapangiwi nang dahil sa sinabi ko. That sound’s too cocky in my ears. Napangiti naman siya. “What’s your oder, Sir?” “One caramel macchiato, one iced coffee and two slices of chocolate cake,” I answered without even looking at the menu. Inulit naman niyang banggitin ang lahat ng order ko. Pagkatapos ay inabot ko na ang bayad sa kanya pagkakita ko ng total amount. “Ano pong pangalan, Sir?” “Tiff,” walang pagdadalawang isip kong sagot. Ngunit agad akong natigilan nang mapagtanto ko ang nabanggit na pangalan. Why the hell did I spit out her name as if it’s just a normal thing? Akmang babaguhin ko ang naibigay na pangalan ng senyasan na niya akong maghintay sa isang tabi at mabilis na inasikaso na ang kasunod ko sa pila. I stomped my feet while patiently waiting. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar niyang nickname. “Tiff.” Napaangat ako ng tingin at mabilis na kinuha ang order namin. Inilibot ko ang tingin at agad na naglakad patungo sa kinauupuan ni Jela na nasa pinakadulo at sulok. Pagkalapag ko ng tray sa ibabaw ng mesa ay kunot noo niyang kinuha ang iced coffee niya. “Tiff?” Hindi makapaniwalang napatitig siya sa ‘kin. “Nakakatampo ka na talaga, hah. Ako ang kasama mo, pero siya ang nasa isip mo.” Ibinaba ko ang suot na face mask. “Just stop it, Jela. I’m not thinking about her.” I laid my back on the chair and sipped my caramel macchiato. Tinaasan niya ako ng kilay. “Really? You should be thankful to me. I save your ass back there.” She sliced a small portion of her cake. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “And why is that?” Binawasan muna niya ang iced coffee niya, bago sumagot. “Baka kasi bigla ka na lang himatayin nang dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso mo dahil apektado ka pa sa presensya niya. Mahirap na at baka hindi ka pa makapunta sa photoshoot natin mamaya.” I clicked my tongue. “I’m not affected by her presence.” Mariin niyang ipinagdikit ang mga labi na para bang nagpipigil ng tawa. “If you say so.” Jela is a best friend of mine ever since college. Sa kabila kasi ng mga babaeng nakapaligid sa ‘kin na bulgar kung magpakita ng interes at gustong makipaglapit sa ‘kin ay tanging si Jela lang ang napansin kong hindi man lang nagpakita ni katiting na atensyon sa ‘kin. Kaya naman ay naging magaan agad ang loob ko sa kanya noon. There’s no awkward feeling whenever I’m with her and I can be just myself in front of her. Sa pagkakaalam ko rin ay may ibang lalaki siyang natitipuhan noon. Wala nga lang akong ideya hanggang ngayon sa kung sino ang lalaking ‘yon dahil hindi ko naman siya mapilit magsalita. “Pero paano nga kaya niya nagawang makuha ang contact information mo, no?” Natigilan ako. That’s right. Isa pa ang bagay na ‘yon sa iniisip ko hanggang ngayon. Matagal na rin naman kaming walang komunikasyon at ilang beses na rin akong nagpalit ng number dahil sa iilang mga hindi ko kilalang tao na nagsasabing fan ko raw at nangungulit. “You said that you save me back there. And yet, you’re the one who replied to her text last night,” I answered instead when I remember what she did. She rolled her eyes. “It’s because you’re looking on your phone like a freaking statue after you read her text.” Napailing na lang ako sa kanya. “Whatever. Hurry up and we need to go already.” Hindi na siya umimik at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nang matapos ay dali-dali kaming umalis at lumabas ng mall. “Where’s your car?” tanong ko sa kanya pagkarating namin sa parking lot. “Pinauna ko ng umalis si Mang Ian. Sa kotse mo na ako sasakay.” She winked at me. Pinameywangan ko siya. “Ano bang problema mo at parang kagabi mo pa ata ako pinagtitripan?” nagdududa kong tanong sa kanya. She pouted and gave me an innocent look. “I’m not. Stop accusing me of such thing.” She looked down on her wristwatch. “We really need to go now, you know.” Malalim akong napabuntonghininga at pinagbuksan siya ng pinto, bago mabilis na umikot patungong driver’s seat. Ilang sandali pa ay binabaybay na namin ang daan patungo sa studio, kung saan gaganapin ang naka-schedule naming photoshoot ngayong araw. Mabuti na lang at sa pagkakataong ‘to ay nakisama ang biyahe dahil hindi kami nakaranas ng traffic habang nasa daan. Pagkarating namin sa studio ay agad na sinalubong kami ng manager namin na si Miguel. Kunot noong pinaglipat-lipat niya ang tingin sa ‘ming dalawa. “Nakita ko kayong bumaba pareho sa kotse ni Travis. May pinuntahan ba kayong dalawa?” nagtataka niyang tanong. Jela bit her lower lip. “Gusto ko lang sumabay sa best friend ko ngayon.” Nanliit naman ang mga mata ni Miguel. “Pero wala naman sigurong nakakilala sa inyong dalawa?” Napailing lang kami pareho ni Jela. Tila nakahinga naman siya nang maluwag. “Good. Ongoing pa ang teleserye ni Travis ngayon kasama si Jessica. Kaya hangga’t maaari ay hindi puwedeng magkaroon ng issue na posibleng makaapekto sa loveteam nila, okay?” tila nanenermong aniya ni Miguel, habang na kay Jela ang kanyang atensyon. Bahagyang umusli ang nguso ni Jela. “I know.” Napaiwas siya ng tingin at tila pilit na pinipigilan ang sarili sa pag-alpas ng kung anong emosyon sa kaloob-looban niya. Napatango naman si Miguel. “Okay. Dumiretso na kayo pareho sa dressing room at para maayusan na kayo.” Walang imik na nagtungo kami sa dressing room. Pilit na pinapanatili ko ang kalmadong ekspresyon, kahit gusto kong matawa may Jela na bakas sa mukha ang iritasyon. Ilang minuto rin ang itinagal ng pag-aayos sa ‘min, bago tuluyang sinimulan ang photoshoot. Kahit papaano ay kumportable naman ako sa proyektong ito, dahil isa ito sa bibihirang pagkakataon na magkakasama kaming dalawa ni Jela para maging brand ambassador ng isang produkto. Sa ngayon ay isang kilalang brand ng bag ang ini-endorso namin. Pagkatayo namin sa harap ng back drop ay agad na iniabot sa ‘min ng dalawang staff ang mga bag na imomodelo namin. The photographer started to gave instructions about our pose. I have a backpack with me as I remained standing, while Jela is holding a sling bag as she sat on a chair with her legs crossed. But the moment I heard the click sound of the camera, I can’t help but to feel distracted, making me winced a bit. Balewala na sa ‘kin ang umarte sa harap ng camera. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng ilang sa mga ganitong klase ng photoshoot. Ibang usapan din kasi kapag kinukuhanan ka na mismo ng litrato. Sa bawat pag-click ng camera ay hindi ko maiwasan ang mapakurap. Kaya madalas na umuulit kami. Maybe because she used to take a picture of me. Nang dahil sa kurso niya ay ako ang madalas na kinukuha niyang modelo para sa portfolio niya. But as much as I want to forget about it, every time I’m in front of a camera to have a shot, I just can’t stop myself from thinking about her. “Travis, may problema ba? As I said earlier, you should look fierce while holding the strap of your bag as it rests on your shoulder. Hindi mukhang malungkot na parang nalugi ka sa negosyo.” Tila nagpanting naman ang tainga ko nang dahil sa sinabi ng photographer. Akmang magsasalita ako nang bigla namang itinaas ni Jela ang kanang kamay niya na sadyang ipinagtaka namin. “What is it?” Miguel asked. “I have a suggestion. For me, it would be better if Travis will have his personal photographer for projects like this. That way, he only needs to deal with just one person and I know one who can actually fit the job.” She smirked. Nagsalubong ang kilay ni Miguel, habang tila nainsulto naman ang kasalukuyang photographer namin nang dahil sa sinabi niya. Ako naman ay napamaang na lang kay Jela. Kahit wala siyang binanggit na pangalan ay mayroon na akong ideya sa kung sino ang tinutukoy niya. Mariin akong napailing. “No fucking way!”
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 46 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (49)
MagastinoElson
kailangan ko ng dias para sa mlbb 200
dahil naiinggit ako sa iba
kailangan ko ng dias para sa mlbb 200 dahil naiinggit ako sa iba
18/05/2025
0nice
03/03/2025
0pretty
31/08/2024
0Xem tất cả