Trang Chủ/Back To December (Love Symphony Series #1)/
Chapter 2
Tiffany Malakas ang simoy ng hangin na tumatangay sa mahaba at maalon kong buhok. Hindi ko na ito pinagkaabalahan pang itali at hinayaan ang mangilan-ngilang hibla nito na tumabing sa ‘king mukha. I smiled at the familiar sight in front of me. Wala ni isa mang tao ang nakatambay sa lugar na ‘to maliban sa ‘kin. Bibihira lang din kasi ang mga taong napapadpad rito. Dahilan para maging isa ang lugar na ito sa paborito naming puntahan noon. We found peace and freedom at this place. Or so I thought. Ang lugar na ito ang tanging piping saksi sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa ni Travis. Mula sa masasayang pangyayari hanggang sa masasakit. Sa katuwaan at maging sa kalungkutan. Gaano na nga ba katagal magmula ng huli akong pumunta rito? Mapait akong napangiti nang maalala ang nangyari ng gabing ‘yon. Halos apat na taon na rin ang nakalilipas. Pagkatapos ng gabing ‘yon ay ngayon na lang ulit ako nakabalik dito. O mas tamang sabihin na ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta rito. Sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Na para bang kahapon lang ng mangyari ang mga ito. Tandang-tanda ko pa kung paano tumingin sa ‘kin ang nagmamakaawang mga mata ni Travis. Ang malungkot niyang mukha at ang mga luha na walang tigil na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Ikinurap ko ang namumuong likido sa ‘king mga mata para pigilan ang tuluyang pagtulo nito nang dahil sa isang mapait na alaala. Ilang minuto pa ang lumipas ay nahigit ko na lamang ang hininga nang makarinig ng mahihinang yabag mula sa hindi kalayuan. Sa patuloy na paglapit nito sa direksyon ko ay unti-unti rin itong lumalakas. Kasabay ng mabilis na pagtambol ng aking dibdib. Tila biglang bumagal ang takbo ng oras nang bahagyang umingit ang kabilang dulo ng bench na aking kinauupuan. Tanda na mayroon ng umokupa sa puwestong ito. Ang pamilyar na amoy ng kanyang pabango ay agad na sumalakay sa ‘king ilong. Kumukumpirma na siya na nga ang bagong dating. It seems that Travis didn’t change his choice of perfume at all. Kaya naman ay masasabi ko na mayroon pa ring hindi nagbago sa kanya kahit papaano. I swallowed the lump in my throat while forming the right words in my head to speak up. Hindi ko nilingon si Travis at pinanatili lang ang tingin sa harap. I tried to calm down my wobbling knees. This is it, Tiffany. Nailed it. “I’m glad you made it. Ang buong akala ko ay hindi ka na makakapunta,” pagsisimula ko ng usapan. Gusto kong tapikin ang balikat ko para purihin ang sarili sa diretsong paglabas ng mga salitang ‘yon mula sa ‘king bibig. Dahil paniguradong hindi ko alam ang gagawin kung sakali mang nautal ako. “Nagkataon lang din na wala akong schedule ng ganitong oras.” Kalmado lang ang boses niya na para bang hinehele ako nito. Right now, I just confirmed that his soothing voice never failed to affect me. Napapikit ako nang mariin. How I missed his voice. How I missed his smell. And how I missed him so damn much! Napatango naman ako at napatitig sa ilog na nasa aming harapan. “Kamusta ka na pala?” lakas loob kong tanong sa kanya. Dumaan ang nakakailang na katahimikan at hindi ko naiwasan ang makaramdam ng kaba na sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko ay makaabot ito sa pandinig ni Travis. I know that deep inside his mind, tons of questions were popping on why the hell did I ask him to see me after almost four years of ignoring him and not seeing each other. Ang akala ko ay hindi na niya sasagutin pa ang tanong ko. Kaya bahagya pa akong nagulat nang bigla siyang nagsalita. “I’m fine.” His voice was cold this time that made me shiver. Pilit na inignora ko naman ang pakiramdam na ‘yon at nagpakawala ako ng isang maliit na ngiti. “That’s good to hear. How about Tita Sandy? Tito Tyron? Verina?” sunod-sunod kong tanong. Ngunit bigla naman akong nakaramdam ng kalungkutan nang maalala ko ang pamilya niya. Simula kasi ng maghiwalay kaming dalawa ay nawalan na rin ako ng koneksyon at balita sa pamilya niya. They still tried to reach me after we talk, though. Pero ako na mismo ang kusang umiwas. “They’re good,” tipid niyang sagot. Bakas na ang pagkainip sa boses niya na para bang gusto na niyang umalis dahil nag-aaksaya lang siya ng oras sa ‘kin. Sabagay, sino ba naman ako para paglaanan niya ng oras? I’m just his ex-girlfriend anyway. While Travis is now one of the well-known actor and leading men in the showbiz industry. A star that’s beyond my reach. Suwerte pa nga ako at kahit papaano ay napagbigyan niya akong makausap siya ngayon. Matagal ng pangarap ni Travis ang makapasok sa industriya ng showbiz. Ang oportunidad kasi na ito ang isa sa nakikita niyang mabilis na paraan para mas makatulong sa kanyang pamilya. Wala namang duda ang galing niya sa pag-arte sa tuwing may mga role-playing activities sa university noon. Higit sa lahat ay mahilig siyang kumanta at mayroong malamig na boses. Kaya naman ay hindi na ako nagulat sa narating niya ngayon. Saktong kahihiwalay palang namin noon ng malaman kong natanggap siya sa sinalihang audition para sa isang commercial. As much as I want to celebrate with him that time, I know too well that I will just ruin his precious moment. So I decided to decline his invitation to come at the party his friends throw at him. Sa isang iglap ay naramdaman ko ang tila mataas at makapal na pader na nakapagitan sa ‘ming dalawa nang dahil sa paraan ng pagtrato niya sa ‘kin. Naglaho na parang bula ang excitement na naramdaman ko kagabi. Pero hindi ko naman siya masisisi. Nararamdaman ko ring gustong-gusto na niyang umalis. Lalo na sa mismong kinauupuan naming dalawa ngayon. Ngunit hindi ko pa nasasabi ang talagang pakay ko. Lihim akong nagpasalamat dahil makulimlim ang panahon ngayon. Kaya naman ay medyo madilim ang kalangitan. Idagdag pa ang malamig na simoy ng hangin. Ngayon ako nagsisisi na iniwan ko ang jacket ko sa loob ng kotse. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang hikbi na gustong kumawala mula ro’n. Pilit kong iniinda ang kirot na nararamdaman ng puso ko ngayon. Kasalanan ko rin naman kung bakit ganito ang trato ni Travis sa ‘kin ngayon. I know that I deserve this kind of treatment from him, and I already knew that this will happen. Still, I ask for this. “Mabuti naman. It’s been a long time since I last saw them.” Napatungo ako at napatingin sa ‘king paa na para bang isa itong interesanteng bagay, bago nagpatuloy. “So, a leading man, huh?” “Yeah. Finally.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili at tuluyan ko na siyang nilingon. Doon ko lang napansin ang suot niyang aviator, kahit hindi naman mataas ang sikat ng araw dahil sa panahon. Sabagay ay mahirap na at baka kuyugin nga naman siya kapag may nakakita sa kanya. Kahit pa kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon ay mas okay na rin ang sigurado. Masilayan pa nga lang siya at wala pang ginagawa ay halos nahihimatay na ang mga fans niya. Ganoon kalakas ang hatak niya sa mga tao. From what I witnessed on his mall tours, the crowd will eventually go wild the moment he steps on the stage, then simply waved and smiled at them. Like he’s not aware how he made them breathless just by the sight of him. Malawak ang ngiting kumawala sa ‘king mga labi. “You know what, I’m really happy for you. I saw how you strive hard just to be on where you are right now, and to be who you are now. So, you deserve to be showered with the colorful fruits of your hard work.” Hindi ako nilingon ni Travis. Pero napansin ko ang pagsilay ng tipid niyang ngiti. Just enough to show his deep dimple. Matagal kong tinitigan ang mukha niya. From his pointed nose, to his red, sexy moist lips and defined jaw. I also noticed a growing stubble on his chin. Hindi ko naman maaninag ang mga mata niya nang dahil sa suot niyang aviator. Nang hindi siya nagsalita ay tuluyan ko ng pinaglandas ang mga mata ko sa kabuuan niya. Namilog ang mga mata ko sa pagkamangha. Those muscles and biceps. Naaalala ko pa kung paanong madalas na pasadahan ang mga ‘yon ng kamay ko. Hindi pa ‘yon gaanong halata noon pero ngayon... My eyes then wandered to his hair. Tila pinadaanan lang niya ng daliri ang bahagya pa niyang magulong buhok. Samantalang dati ay madalas na nakababa ito at malinis tingnan. Pero may isang bagay akong ipinagdarasal na sana ay hindi pa rin nagbabago kay Travis. “How about you?” balik tanong niya sa ‘kin, dahilan para bumalik din ang gumala kong kamalayan. I looked away. Hindi ako sigurado kung nakatingin siya sa ‘kin ng diretso kanina o hindi. Nevertheless, I felt as if he’s examining me like some kind of specimen. Napangiti naman ako nang maalala ang pinagkakaabalahan ko ngayon. “I have my own photography studio, and I’m now a professional photographer as well,” may pagmamalaki kong sagot. “That’s great,” walang buhay niyang aniya na para bang isang normal lang na pangyayari ang maabot kung nasaan man ako ngayon. Wala sa loob na napatingala ako sa kalangitan. Pilit na isinasantabi ko ang nararamdamang pamimilipit ng aking tiyan nang dahil sa lamig ng pagtrato niya sa ‘kin ngayon. “Ang ganda ng panahon ngayon, no?” Seriously, Tiffany? Is that all you can come up with? “Yeah.” Ilang sandali na naman kaming nabalot ng nakabibinging katahimikan. Tanging ang malakas na pag-ihip ng hangin lang ang maririnig na ingay sa paligid. Nabasag lang ito nang biglang may kung anong nag-ingay. Nilingon ko si Travis na ngayon ay kunot noong kinukuha ang phone niya mula sa bulsa. Upon seeing the screen of the phone, his face lit up. I wondered who the hell is calling for him to be that so happy. “Hey,” nakangiti niyang bati sa kung sino man na nasa kabilang linya. Damn that smile of him. Saglit siyang tumahimik, habang nakikinig sa kung ano man ang sinasabi ng kausap niya. Dahil doon ay mas lalo akong nagkaroon ng pagkakataon na matitigan siya ng husto. Gusto ko siyang hawakan, yakapin at... Halikan. But I’m refraining myself for this is not yet the right time for that. Baby steps, Tiffany. Mayamaya pa ay napatango si Travis at biglang napatayo. I feel alarmed. Hindi pa siya puwedeng umalis. Hindi ko pa nasasabi ang talagang pakay ko sa pakikipagkita sa kanya! “Okay. I’ll be there in thirty. Just wait for me. Don’t be so stubborn this time, Jela.” Bakas ang pagbabanta sa tono ng boses niya. But wait. Who? Hindi ko na naituloy pa ang akmang pagbuka ng aking bibig nang marinig ang pangalan na binanggit niya. Jela? Is that the girl who... Nagpaalam na siya sa kausap at tinapos ang tawag. Awtomatikong nawala ang ngiti niya nang bumaling siya sa direksyon ko. “I have to go. Someone is waiting for me and I still have a lot of more important things to do.” Bago pa man ako tuluyang makapagsalita ay ang likod na ni Travis ang humarap sa ‘kin. Leaving me behind with my mouth parted open. I used to be that someone who waits for him. I used to be his someone, and be the most important one beyond anything else. Beyond his dream. A lone tear escaped from my eye when he’s no longer in view. Maybe this is not yet the right time. If I can just only go back in time and change the decisions that I have made, to drop back the words that I have spilled and pullout the pain that it caused to him. Just wait for it, Travis. I promise to make it all right again.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
Chi phí 46 kim cương
Sự cân bằng: 0 Kim cương ∣ 0 Điểm
Bình Luận Sách (49)
MagastinoElson
kailangan ko ng dias para sa mlbb 200
dahil naiinggit ako sa iba
kailangan ko ng dias para sa mlbb 200 dahil naiinggit ako sa iba
18/05/2025
0nice
03/03/2025
0pretty
31/08/2024
0Xem tất cả