logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 1

Tiffany
Mariing nakatutok ang mga mata ko sa harap ng tv. Kasalukuyan akong nanonood ng isang telenovela na hindi ko naman karaniwan na ginagawa.
Well, this show is the only exception, since Travis is the male lead. It has a title of Still Loving You Tomorrow. The story is about the high school sweethearts that has been separated by their families and crossed their paths once again after ten long years.
I pressed my lips together. The story just reminds me of how our relationship is in the past, and how I just waste it. The difference is that, our families are not against our relationship. They’re in fact very supportive. And Travis’ character here is too soft and understanding.
Natigilan ako sa akmang pagsubo ng kinakaing titsirya nang dahan-dahang ilapit ni Travis ang mukha sa babaeng kapareha niya. Halos pigil ko ang hininga, habang hinihintay ang susunod na mangyayari.
Ngunit tuluyan kong nabitiwan ang hawak na titsirya nang magtagpo ang kanilang mga labi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit hindi pa rin siya nagkakaroon ng totoong kissing scene sa bawat palabas na ginaganapan niya.
They can fool the other viewers, but not me. Kung titingnan ay mukha talaga niyang hinalikan ang kaparehang babae. Pero kung tutuusin ay gawa lamang ito ng anggulo ng camera.
Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan at mainggit. Kahit pa alam kong trabaho lang naman ang ginagawa niya ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang posibilidad na mahulog siya sa kahit sinong babae na ipareha sa kanya.
Though I’m still curious on why he didn’t want to have a real kissing scene. But at the same time, I feel relief.
Dahil sa dinami-rami ng mga naging leading lady niya ay nananatili pa ring ako ang bukod tanging nakadama ng malalambot niyang mga labi.
As a certified fangirl and number one fan of him, I know better that ever since we broke up, and he had entered the showbiz industry that he yet to have a girlfriend again. Hindi naman maiiwasan na maiugnay sa kanya ang bawat nakakapareha niya. But I know better.
Tila bumagal ang takbo ng paligid sa pagkakahinang ng kanilang mga labi, bago tuluyang natapos ang palabas. Kinuha ko ang remote na nasa tabi ko at pinatay na ang tv.
Halos apat na taon na rin ang lumipas magmula ng gabing ‘yon. Pagkatapos ng nangyari ay pilit na iniwasan kong magtagpo ang landas namin sa university, dahil wala akong mukha na maiharap sa kanya.
Pero pinagbigyan ko ang mga magulang niya na nais akong makausap bilang respeto na rin. Hindi naman daw nila intensyon na manghimasok. Sadyang gusto lang talaga nilang maintindihan ang pinanggagalingan ko.
And I’m that they did. Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ko dahil hindi sila nagkaroon ng tampo o sama ng loob sa ‘kin.
Tumayo na ako at naglakad patungong kusina. Kasalukuyan akong umiinom ng tubig nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa.
Ibinaba ko ang hawak na baso at kinuha ang phone ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita na ang matalik kong kaibigan na si Jairus ang tumatawag. Dali-dali ko naman itong sinagot.
“Siguraduhin mo lang na mayroon kang magandang balita sa ‘kin, hah,” bungad kong aniya sa kanya, bago pa siya tuluyang makapagsalita.
Kahit hindi ko siya nakikita ay nasisiguro ko na umiiling siya ngayon.
“Woah. Magandang gabi rin sa ‘yo, best friend,” sarkastikong sabi naman niya.
Napasandal ako sa lababo. “So, did you get it?” hindi mapalagay kong tanong.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga sa kabilang linya.
“Yeah. Luckily, he’s available tomorrow morning. Then he has a photoshoot scheduled after lunch.”
Bigla akong napaayos ng tayo nang dahil sa narinig. Tila gusto namang kumawala ng puso ko mula sa kinalalagyan nito nang dahil sa lakas at bilis ng tibok nito, dulot ng magkahalong kaba at excitement.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Mukhang pumapanig ang pagkakataon sa ‘kin dahil wala rin naman akong nakaplano na gagawin bukas.
“That’s good to hear then. Sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ‘to ay makakausap ko na talaga siya,” paniniguro ko pa sa kanya.
Saglit na natahimik si Jairus sa kabilang linya, bago muling nagsalita. “Sigurado ka na ba talaga sa plano mo? Handa ka na ba?” Mahihimigan ng pag-aalala ang kanyang boses.
Napakurap ako upang pigilan ang luha na nagbabantang bumagsak mula sa ‘king mga mata.
“Of course. Ilang taon ko ring hinintay ang pagkakataon na ‘to. Kaya hindi ko na puwedeng palampasin ang pagkakataon.”
He sighed in defeat. “Fine. I’ll just send you his number as well.”
It made me smile. “Thank you for the support and help. I really appreciate it,” I said sincerely.
He chuckled. “Don’t mention it. I’ll do everything I can to help you. Always.”
Nagpaalam na ako sa kanya at tuluyang ibinaba ang tawag. Sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung sino ba ang nagbibigay ng mga impormasyon na nakukuha ni Jairus tungkol kay Travis sa industriya ng showbiz. Dahil bukod sa nagawa niyang malaman ang schedule ni Travis ay nakuha rin niya pati ang numero nito.
Naitanong ko na sa kanya ang tungkol sa bagay na ‘yon dati pa, pero hindi naman siya nagsalita. Kaya naman ay hindi na ako nangulit pa. Hinayaan ko na lang siya dahil malaki rin naman talaga ang naitutulong niya sa ‘kin.
Muling natuon ang atensyon ko sa hawak na phone nang tumunog ang notification tone nito. Binuksan ko ang mensahe galing kay Jairus at agad na idinagdag sa listahan ng contacts ko ang number ni Travis, bago muling nagpasalamat.
Siniguro ko munang nakasara at naka-lock ang mga bintana at pinto, bago ako pumunta sa kuwarto ko. Kinuha ko ang laptop mula sa ibabaw ng mesa at umupo sa kama. Binuksan ko ito at pumunta sa isang partikular na folder.
Napangiti ako nang biglang bumungad ang mga pictures ni Travis sa screen. Isa-isa ko itong tiningnan. Sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot at pangungulila sa kanya ay paulit-ulit kong tinitingnan ang mga kuha kong larawan niya.
All of his photos was a candid shot from his mall tours that I went to. Sinisiguro ko na palagi akong nasa unahan para makakuha ako ng litrato niya sa magandang anggulo, nang hindi niya namamalayan at sa kabila ng nagkakagulo niyang mga fans.
Pero wala akong pinost ni isa sa mga picture niya sa kahit anong social media accounts ko. These photos are for the own consumption of my eyes only. Isa pa ay ayoko ring isipin niya na gusto ko lang makipaglapit ulit sa kanya dahil kilala na siya sa industriya na kinabibilangan niya.
Kinagat ko ang ibabang labi, bago lakas loob na kinuha ang phone ko at nagtipa ng mensahe.
Me:
Hi. I know that it’s been a long time already, and I don’t have the right to ask for this. But if it’s okay with you, hopefully we can meet tomorrow morning. I have something important to tell you.
-Tiff
Sa nanginginig na kamay ay pinindot ko ang send button. Para akong timang, habang nakatitig sa screen ng phone ko at naghihintay ng himala na makatanggap ng sagot mula sa kanya.
Pero halos mabitiwan ko ang phone ko nang tumunog ang notification tone nito at tumambad ang pangalan ni Travis. Pigil ang hininga na dahan-dahan kong binuksan ang mensahe niya.
Napaawang ang bibig ko nang mabasa ang reply niya.
Travis:
Okay. Just send me the time and place.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. My body is trembling due to a mixed emotions.
Napaayos ako ng upo at muling nagtipa ng mensahe sa kanya.
Me:
To the usual place. Eight in the morning. Thank you.
I hit send. Hindi naman nagtagal ay muling tumunog ang notification tone nito.
Travis:
Okay.
Natigilan ako at pilit na pinoproseso pa sa utak ko ang nangyari.
Ilang sandali pa ay naisubsob ko na lang ang mukha sa unan at tumili. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon noong college palang kami na walang pagsidlan ang kilig na nararamdaman ko para sa kanya.
Nang makabawi sa pagkabigla ay dali-dali kong tinawagan si Jairus para ipaalam ang magandang balita.
“Guess what?” I asked him the moment he picked up.
“What? Did something good happened?” takang tanong niya.
Napasandal naman ako sa headboard ng kama. “Yes! So, listen carefully, okay?”
He blew a loud breath. “Fine. I’m all ears. What is it?”
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang impit na tili na gustong kumawala sa ‘king bibig.
“Travis agreed to meet me tomorrow!” hindi makapaniwalang aniya ko sa kanya.
“Wait. Really? Wow. That’s indeed good news,” gulat niyang sabi.
Napatango. “Yeah. It really is.”
Kung alam ko lang na gano’n pala kadaling kausap si Travis sa kabila ng nangyari ay matagal na sana akong naglakas loob na kausapin siya.
“Well, this is it, Tiff. I wish you luck. Let me know the details tomorrow. I hope that nothing bad will happen.” Napalitan ng pag-aalala ang tono ng boses niya.
Muli akong napatingin sa litrato ni Travis na nakapaskil sa screen ng laptop ko. Sa pagkakaalala ko ay nakuhanan ko ito noong panahon na nagpo-promote siya ng pelikula at kinakanta niya ang theme song nito sa mall tour.
“Thanks. But no worries. Because this time, I will make sure to make things right,” I said confidently and with finality.

Bình Luận Sách (49)

  • avatar
    MagastinoElson

    kailangan ko ng dias para sa mlbb 200 dahil naiinggit ako sa iba

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Jaycel Balungday

    nice

    03/03/2025

      0
  • avatar
    Zyanah Gagasa Villanueva

    pretty

    31/08/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất