logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Back To December (Love Symphony Series #1)

Back To December (Love Symphony Series #1)

snowqueencel


Prologue

Tiffany
It was on the second semester of our first year in college when I first noticed Travis Vernon. He’s a kind of man that every girl in all year level dreams to be with, and I admit that I’m one of his fangirls too.
Who wouldn’t anyway?
He has a good voice that you will never tire of hearing, a good actor when it comes to the role-playing and theater activities and one of the top students from the College of Mass Communication. He also has a smile that can make you fall for him in an instant and has a boy next door look.
Pero ako ang tipo ng humahanga sa kanya na tahimik lang siyang sinusubaybayan sa isang tabi. Hindi ako katulad ng ibang mga babae na bulgaran kung magpapansin at magpahayag ng nararamdaman nila sa kanya.
Siguro ay dahil lumaki rin ako na mayroong istriktong mga magulang. Kaya halos wala akong kalayaan pagdating sa maraming bagay.
Maging sa pagpapahayag ng tunay kong nararamdaman.
May mangilan-ngilan din namang mga nanliligaw sa ‘kin. Kaya naman ay sinubukan kong ibaling sa kanila ang atensyon ko. Alam ko naman kasi na hindi gano’n kadaling maabot ang isang lalaki na katulad ni Travis.
Ngunit sa bandang huli ay siya pa rin ang patuloy na hinahanap ng mga mata ko, ang guwapo niyang mukha ang pumupuno sa isip ko, ang malamyos niyang boses ang patuloy kong naririnig at ang kanyang malawak na ngiti at mapupungay na mga mata ang madalas na laman ng aking panaginip.
At first, I thought that he will just remain a dream and a fragment of my imagination. A kind of star that I cannot be reached.
Not until that night happens.
We were in our second year in college, and it was a rainy evening in July when I discovered that my parents were planning to have a divorce. I just got home from school when I overheard them talking about that silly thing.
I was devastated back then. Yes, I heard and saw the two of them fought a lot of times. But it never occurs to me that they will actually end up with that kind of decision.
I ran away from home that night. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino ba ang dapat kong kausapin. Basta dire-diretso lang akong tumakbo sa ilalim ng malakas na ulan. Tila maging ang panahon ay nakikisimpatya sa nararamdaman ko ngayon.
I didn’t mind the weird stares that I am receiving from the people that I passed by. Mabuti na lang din at umuulan. Dahil kahit papaano ay hindi ako magmumukhang mas kaawa-awa tingnan.
Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang parke na malapit sa burol. Mula rito ay tanaw ko ang nagkikislapang mga ilaw mula sa mga kabahayan at nagtataasang gusali sa siyudad.
Napagpasyahan kong umupo sa isang bench na nakasilong sa ilalim ng mayabong na puno at nagpatuloy sa pag-iyak. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Mabuti na lang at mayroon akong suot na jacket ngayon.
How could they make such decision without even considering my feelings? I know that I am not a kid anymore. But they should still think about how would I feel.
After all, I am their only child.
Ramdam kong nagsisimula na akong manginig nang dahil sa lamig na bumabalot sa buong sistema ko, kahit pa hindi na ako gaanong nababasa nang dahil sa kinapupuwestuhan ko.
Kung pwede lang din sanang balutin ng lamig ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Kasalukuyan akong nakatungo at nakatingin sa damuhan nang biglang maharangan ng puting panyo ang paningin ko.
Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng kaba. Ngayon ko lang napagtanto na walang ibang tao rito pagkarating ko maliban sa ‘kin.
Dahan-dahan kong tiningala ang bagong dating kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
Pero ang lahat ng takot at kabang nararamdaman ko ay biglang nawala nang mabungaran ko kung sino ito.
He genuinely smiled at me. Suddenly, I forgot the reason why I am in pain right now.
This is actually the first time that he noticed me. And to make it worse, he saw me crying in our first official encounter.
I held my breath that moment our eyes met. For a second, it seems like we were both lost in our own world.
I can’t believe that he’s actually standing right in front of me. While the rain keeps on pouring, and he’s holding an umbrella.
“Ayos ka lang ba? Pasensya na, hah. Napansin kasi kita kanina na patungo rito sa parke. Pero mukhang hindi mo ako nakita dahil malalim ang iniisip mo kaya sinundan kita. Wala kasing gaanong napunta rito, lalo na kapag ganitong oras kaya nag-alala ako na baka mapano ka.”
Muli niyang inabot ang hawak na puting panyo sa ‘kin. “Pero alam kong sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan ay sumasabay ang pagpatak ng luha sa mga mata mo.”
Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. How could he...
“Sa totoo lang ay matagal na kitang gustong kausapin. Kaya lang ay nahihiya akong lapitan ka sa school dahil parang ilag ka sa ‘kin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip kung may nagawa ba akong mali para iwasan mo.” Alanganin siyang ngumiti.
Nahigit ko ang hininga nang dahil sa sinabi niya. Nag-alala siya kaya sinundan niya ako? At matagal na niya akong gustong kausapin?
Pero bakit?
I was about to ask when the thunder suddenly roar, followed by a loud flash of lightning.
Napatungo ako at hindi ko napigilan ang mapatili at takpan ang magkabila kong tainga. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang takot na biglang lumukob sa ‘kin.
Ngunit unti-unti akong kumalma nang mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong kamay.
It feels like as if he’s giving me an assurance that everything will be alright. That there’s nothing to be afraid of, and he’s just there for me.
Hanggang sa narinig ko siyang nagsimulang kumanta.
Muli ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bumungad ang nakangiti niyang mukha sa ‘kin, habang sinserong kumakanta. Nakaharap siya ngayon sa ‘kin at nakaupo na rin sa bench.
Indeed, he has a soothing voice that can make me feel at ease. And I still can’t believe that he’s actually singing in front of me right now.
In an instant, the lightning seems to be just a background music. It’s the first time that I was able to calm down despite the continuous flash of it.
Little did I know, that night is the start for me to finally reach him.
*****
Tahimik akong nakaupo dito sa bench sa parke na malapit lamang sa ‘min ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman ‘tong kinuha mula sa loob ng aking bulsa at nang makita kung sino ang tumatawag ay biglang kumirot ang aking dibdib. Nagpakawala ako nang malalim na hininga, bago ito tuluyang sinagot.
“Babe, bakit nauna ka na riyan? Hindi ba ang sabi ko ay susunduin kita?” Mahihimigan ng magkahalong inis at tampo ang kanyang boses.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. “Pasensya na. Sumunod ka na lang dito.”
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at agad na ibinaba ko ang tawag. Napatingin naman ako sa orasan ng aking cellphone. Pasado alas-sais na rin pala ng gabi.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig na akong tunog na nagmumula sa isang tumigil na sasakyan. Pero hindi ako lumingon at nanatiling nakatingin sa ilog na nasa aking harapan.
I almost flinch when I felt his soft lips touched my cheeks. Napakurap ako nang maharangan ang aking paningin ng isang bungkos ng kulay pulang rosas.
“Happy second anniversary and Merry Christmas,” masigla ang boses na bati sa ‘kin ni Travis.
That’s right. Today is our anniversary, as well as the Christmas day.
Sabihin na nilang masama ako dahil ngayong araw ko pa piniling gawin ang plano ko. Pero pakiramdam ko kasi ay ngayon ang tamang oras para gawin ang isang desisyon na ilang linggo ko ring pinag-isipan.
After that night of our first encounter, we started to become good friends. Until he decided to court me, and we became official.
A dream come true it is.
Travis has been a good and sweet boyfriend to me. Almost perfect, ika nga. Isa kami sa most admired couples ng Hamilton University. He never fails to surprise me.
Madalas din kung ihatid at sunduin niya ako. Gusto rin niya na palagi kaming magkasama. To the point na halos hindi ko na mapaglaanan ng oras ang mga kaibigan ko at ang mga dati kong nakagawian bago pa maging kami.
Sa totoo lang ay sobrang saya sa pakiramdam. Ni hindi ko na ininda ang paghihiwalay ng mga magulang ko. I feel so loved and special.
Kaya lang ay nagising ako isang araw sa pakiramdam na parang sinasakal na ako. Tipong gusto ko ng kumawala at sumabog.
Sa tuwing umaalis kami ay hindi ako puwedeng magsuot ng short, medyo maikling palda o dress. Kung magsusuot man daw ako ng mga ganoong klase ng damit, dapat ay ‘yong lampas tuhod man lang daw ang haba.
Tutol ako noong una dahil nakasanayan ko na talaga ang magsuot ng mga gano’n. Hindi kasi ako kumportable sa pantalon. Pero ng tumagal ay hinayaan ko na lang upang maiwasan na magtalo pa kami.
Sa tuwing may gala naman kaming magkakaibigan ay madalas na kasama rin namin siya. Kung hindi man ay palagi naman niyang tinatanong kung sino ang mga kasama ko. He would even ask for a picture to confirm it.
I confronted him once because of it. Pakiramdam ko kasi ay wala siyang tiwala sa ‘kin. Pero ang dahilan niya ay gusto lang naman daw niyang masiguro na nasa maayos akong kalagayan at hindi ako mapapahamak lalo na kapag hindi ko siya kasama.
It’s not that he didn’t trust me. But the people that I am with. Muli ay pinalampas ko na lang ‘yon.
Kapag may inuman naman ang barkada, kahit kasama ko naman siya ay pinagbabawalan pa rin niya akong uminom. Pagkatapos ay hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa upuan ay bigla na lang siyang mag-aaya na umuwi. Sa totoo lang, hangga’t maaari ay hindi ko siya gustong isama sa lakad naming magkakaibigan dahil ‘yon na nga lang ang oras ko na kasama sila, tapos ay kasama ko pa rin siya at palagi pang nagmamadali.
Hindi naman siya gano’n noong una, eh. Kaya nagulat na lang ako sa unti-unting pagbabago na ipinapakita niya.
Then one day, the realization hit me. Unti-unti akong naging cold sa kanya, pero hindi ko alam kung sadyang hindi lang niya nahahalata ‘yon o nagmamanhid-manhiran lang siya.
Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng gana. I’m in love with him, there’s no question on that. But I lose myself as well in the process of loving him.
Kaya naman ay humantong ako sa isang desisyon. Kung saan ang sarili ko muna ang pipiliin at iintindihin ko.
“Babe, you okay?”
Umangat ang tingin ko sa kanya at bumungad sa ‘kin ang nag-aalala niyang mukha.
Tumayo ako at sakto naman na iniabot niya sa ‘kin ang bulaklak na hawak. Walang pagdadalawang-isip ko namang kinuha ang mga ito at inilapag sa bench, bago siya muling hinarap. Ang nag-aalala niyang mga mata ay napuno ng kaguluhan.
“B-Babe?”
Humugot ako nang malalim na hininga, bago ko ito dahan-dahang pinakawalan at tiningnan siya ng diretso sa kanyang mga mata.
“I’m sorry. Let’s break up.”
Napakurap siya. Bago muling kumurap. Hanggang sa nakita kong nagsisimula ng mamasa ang kanyang mga mata.
I looked away. Hindi ko siya kayang makita na nagkakaganito.
Naramdaman ko ang pagdantay ng dalawa niyang kamay sa magkabila kong balikat. Pilit niya akong ipinapaharap sa kanya.
“Why? May nagawa ba ako? Tell me, Babe! We can fix this, r-right?” Garalgal ang kanyang boses kasabay ng kanyang mahinang paghikbi.
Umiling ako at pilit na pinigilan ang mga luha na gustong kumawala sa ‘king mga mata.
“I’m really sorry.”
Nakayukong tinalikuran ko siya at hindi na muli pang lumingon kahit ilang beses niya pa akong tinawag. He tried to go after me, but I ran away as fast as I can. Lihim kong ipinagpasalamat ang hindi na niya pagsunod sa ‘kin gamit ang kanyang kotse.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo palayo sa lalaking una kong minahal. At kasabay ng pagtulo ng luha sa ‘king mga mata ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Bình Luận Sách (49)

  • avatar
    MagastinoElson

    kailangan ko ng dias para sa mlbb 200 dahil naiinggit ako sa iba

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Jaycel Balungday

    nice

    03/03/2025

      0
  • avatar
    Zyanah Gagasa Villanueva

    pretty

    31/08/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất