logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chpater 4

Lala's Point of View
"M-MAMA!"
Nahinto ako sa ginagawa nang nasa kusina ako dahil sa pagtawag na 'yon. Animo'y guniguni na makarinig ng boses ng bata lalo na't tanghaling tapat. Dahil akala ko'y guniguni lang ay hindi ko pinansin, ngunit nng maulit at talaga namang nagsitayo ang mga balahibo ko sa buong katawan.
Hindi ko sigurado kung boses ba ni Rio dahil parang iba sa aking pandinig. Pinakiramdaman ko kung may ibang presensiya sa paligid dahil kami lang ni Raven ang naroon at laking-gulat kong maramdaman ko nang dalawang parating.
Si Tatay Eros at ang anak ko. Bukod sa kanilang dalawa ay may isa pang munting nilalang na tila nag-aagaw-buhay at halos hindi na maramdaman ang presensiya.
Mabilis akong naghugas ng kamay at nagpunas sa laylayan ng apron kong suot upang salubungin sila sa kanilang pagpasok sa pinto ng bahay.
"M-Mama!" muli kong nagdinig na pagtawag sa akin at sa pagkakataong 'yon ay nakumpirma kong si Rio ang may-ari ng tinig kanina.
Mugto ang mga mata niya at maluha-luha pa, ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko sa lahat. Ang pagtawag niya sa akin na unang beses pa lamang niyang nagagawa dahil ang anak ko'y wala pang alam na bigkasin na tuwid na salita.
Naguguluhan ako't nagulat nang mga sandaling 'yon. Natutuwa rin, ngunit may emergency at pasyente akong dapat asikasuhin.
"Mama! Tulungan mo ang puppy-kawawa siya," anang anak ko na walang suot na damit pang-itaas. Kung kanina'y nagulat na ako dahil nagawa niya akong tawaging mama, ngayon na narinig ko siyang nagsalita nang tuwid at napakarami pa ay parang hihimatayin ako.
"Mahabaging Bathala! Nagsasalita na ang anak ko!" naibulalas ko na lamang.
Gusto ko pa sana siyang kulitan at tanungin, ngunit kailangan kong asikasuhin ang nag-aagaw-buhay na maliit na nilalang.
"Dito tayo, Tatay Eros nang matignan ko siya," yaya ko sa may hawak sa puppy kuno sabi ng anak ko at pinalapag ko sa ibabaw ng lamesa ang nilalang na nakabalot ng damit na suot ni Rio nang umalis sina kanina.
Nasa kusina kami at doon ko siniyasat sa lamesa na amin mismong kinakainan ang nilalang dahil mataas. Inalis ko ang nakabalot na tela sa kaniya at nakita ang putikan nitong katawan. Bukod sa putik ay may mga bahid ng dugo ang kaniyang balahibo na ang iba ay natuyo na lamang doon.
"Anong nangyari sa nilalang na ito?" Bahagya akong nataranta habang patuloy siyang sinisiyasat dahil delikado na ang lagay niya. Nanghihina na ang nilalang at mukhang matagal na siyang nakalugar kung saan siya natagpuan nina Rio bago pa nila siya nakita't nasaklolohan.
Akmang magkukwento na sana ni Tatay Eros ngunit naunahan siya ni Rio at pinabayaan niya na lamang ito ilahad ang lahat. Daig pa ang armalite sa bilis niyang magsalaysay. Hindi ko nga napansin na huminga siya habang nagkukwento.
Napakamot na lang ng ulo si Tatay Eros.
"At iyon nga ang nangyari," dugtong ni Tatay Eros nang matapos si Rio magsalita at with feelings pa at paiba-iba ang facial expressions habang naglalahad siya.
Sa unang tingin ay para lang itong tuta kalaki pero may hawig ito sa isang hayoko na mabalbon na kung tawagin sa mundo ng mga tao ay Panda dahil sa puti at itim na kulay ng balahibo nito nito na talaga namang pareho sa nilalang na iyon. May bilugan din na itim na balahibo sa paligid ng isang mata nito na animo'y black eye.
Ang pinakamadaming natuyong dugo sa katawan nito ay ang nasa kaniyang likurang binti. Hindi lang basta sugat dahil injured at halos laylay na ang isang binti niya sa likod.
"Mukhang napuruhan po ang isang ito. Malalim ang sugat niya at mukhang nabalian ng buto," usal ko at ipinagpatuloy ang pagsiyasat.
Halos madurog na ang binti niyang iyon. Bukod pa roon ay may tama din ito sa ulo dahilan kung bakit labis ang kan'yang hilo at panghihina.
Halatang nasasaktan siya sa bawat angat ko ng binti niya dahil nagpupumiglas ito kahit labis na ang panghihina.
Kawawa naman. Mukhang masusubukan kong muli ang aking kapangyarihan.
Inilapat ko ang kanang kamay ko sa parteng napuruhan upang pamanhidin muna iyon bago ko siya gamutin at habang ginagamot ko siya ay may naririnig akong mahinang ungol habang ang mga mata niya'y naluluha.
"Tingin ko ay nahulog siya sa kung saan. Maaaring galing siya sa mataas na puno o kaya naman ay sa bangin. Nilagyan ko lang ng putik ang sugat niyang nagdurugo kanina upang hindi siya maubusan ng dugo at mukha naman nakatulong iyon dahil wala talaga akong makitang halamang-gamot sa paligid kung saan namin siya natagpuan," salaysay ni Tatay.
"Susubukan ko po siyang gamutin gamit ang kapangyarihan ko. Wala na po akong pagsasanay sa panggagamot dahil alam mo naman po ang sitwasyon sa kabilang mundo," wika ko kay Tatay Eros at muling hinawakan ang nilalang.
Tahimik lang si Rio at nanonood sa ginagawa ko. Nanlaki pa ang mata nito nang makita ang puting liwanag na bumalot sa maliit na nilalang na nasa harap niya nang palabasin ko ang kapangyarihan kong taglay.
"Nandito na pala kayo." Pumasok si Raven mula sa likod-bahay at dala ang mga inihaw niyang isda. Walang pumansin sa kan'ya at tinuon ko lang ang konsentrasyon ko sa nilalang.
Malubha ang pagkakadurog ng buto nito at kinakailangang ibalik sa ayos. Nanginginig ang katawan niya sa sakit kahit sinubukan ko itong pamanhidin. Nahihirapan ako sa ginagawa dahil may mga piraso ng buto na durog na talaga at duda na ako kung maisasalba ko pa.
"Ano 'yan?" nadinig kong tanong ni Raven. Hindi pa rin namin siya pinansin. "Saan n'yo nakuha ang nilalang na 'yan, tiyo?" sunod niyang tanong, ngunit wala pa ring sumasagot sa kaniya sa aming tatlo.
Ewan ko, mukhang naawa si Rio sa Papa niya dahil walang sumasagot. Inulit niya ang pagkukwento at habang nagsasalita siya ay wala akong narinig na kahit anong salita sa tatay niya.
"Magiging maayos na siya," anunsyo ko nang magawa kong pagdugtong-dugtungin ang mga buto niya. Pinagpawisan ako, ngunit ayos lang dahil nakapagsalba ako ng buhay na kay tagal na mula nang huli kong ginagawa.
Nagawi ng tingin ko kay Raven na halatang hindi makapaniwala na ang anak niya ang nagsasalita. Nakaawang pa ang labi at mapapasukan na ng langaw kung hindi niya pa isasara.
"Tapos na po?" Biglang iniwanan ni Rio ang Papa niya at sa akin tumingin.
"Oo anak," mabilis ko namang sagot.
"Paano niyo po siya napagaling? May magic ka ba mama? Turuan mo naman po ako!" Halos magningning ang mga mata niya habang sinasabi ang mga 'to sa labis na pagkamangha.
"Hay naku anak, kahit anong taglayin mo o manahin sa amin ng papa mo, magagamit mo alinman doon sa pagligtas ng mga buhay rin." Iyan na lamang ang naging sagot ko. Hindi naman kasi maaring matutunan ang ginawa kong panggagamot. Tanging ang mga White lamang ang may kaya niyon at kung mamana man ni Rio ang kakayahan ay magagawa niya ring magbigay lunas.
"Teka nga anak-kailan ka pa natutong magsalita?" singit ni Raven sa aming pag-uusap mag-ina.
"Oo nga, Rio-kailan pa?" segunda ko naman nang maiba na ang usapan.
"Hindi pa ba nagsasalita ito?" tanong ni Tatay Eros na mas naguguluhan ang itsura sa amin ni Raven.
Hindi makasagot si Rio. Hindi niya rin daw alam paano.
***
Naging maayos na ang paghinga ng nilalang pati na rin ang pagtibok ng puso nito makalipas ng ilang oras.
Kumain kami ng tanghalian pero panay pa rin ang tanong ni Rio kung paano ko pinagaling ang nahanap niyang nilalang ni Tatay Eros. Pinangalanan niya na itong Milky at puppy niya raw ito kahit mas mukhang pusa ito na parang panda sa paningin ko.
Parang mas okay pa sa akin noong hindi pa siya marunong magsalita. Hindi kasi makapagtanong, ngunit itong nagagawa na niyang magsalita ay parang matanda ang kausap namin at walang tigil ang bunganga.
Ayon kay Tatay Eros hindi mabangis na nilalang si Milky kaya wala raw kaming dapat ipag-alala at masyado pa raw itong bata para makapanakit ng sinuman.
Matapos mananghalian ay pinagtulungan namin ni Raven ang pagliligpit. Si Tatay Eros naman ay animo'y di mapakali dahil pabalik-balik ito sa kusina at mukhang may malalim na iniisip.
Nang mapansin ko ay mahina kong siniko si Raven at sumenyas sa direksyon kung nasaan si Tatay Eros palakad-lakad.
"Anong nginunguso mo r'yan?" pilyong tanong ni Raven sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil doon. Mukhang iba kasi ang iniisip.
"Tadyak gusto mo?" banta ko sa kan'ya at mabilis naman siyang nagseryoso.
"Di ka naman mabiro," aniya at nilingon ang tinuturo ko.
"Kausapin mo kaya. Mukhang may something," utos ko sa kan'ya at dahil wala naman siyang magagawa kundi sumunod ay iniwan na niya sa akin ang pagpupunas ng mga hinugasang kasangkapan.
Nilapitan na niya ito at tinanong kung may bumabagabag ba sa kaniya. Pinakikinggan ko sila, hindi sumagot si Tatay Eros, ngunit umalis silang dalawa.
Nakapagtataka na kailangan pa nilang lumayo. Mukhang seryosong bagay ang pag-uusapan nila.
Nang matapos ako sa ginagawa ay pinuntahan ko na lamang si Rio. Naroon pala sina Raven di layuan kung saan si Rio at nagbabantay ng alaga niya.
Base sa mga ekspresyon sa mukha nila ay seryosong bagay nga ang kanilang paksa. Tinignan ko muna ang pasyente namin kung ano na ang lagay. Dahan-dahan kong inangat ang binti nitong napinsala. Hindi naman na ito nagpumiglas kagaya kanina. Sinyales na naisaayos ko ang buto niyang nabasag nang tama.
"Puwede ko po ba siyang paliguan kapag gising na siya?" biglang tanong ng anak ko.
"Oo naman, pero kapag malakas na siya para hindi siya magkasakit. Ayos ba 'yon? " sagot ko.
"Ayos po!" kaniyang mabilis na pagsang-ayon at binigyan ako ng pagkatamis-tamis na ngiti at mahigpit na yakap.
Madungis pa kasi ang alaga niya kahit natuyo at nalaglag na ang mga putik sa balahibo nito. Bakas pa ang dugo kahit pa napunasan na namin kanina ang iba.
"Dito ka muna ha, pupuntahan ko lang sila Papa mo," paalam ko kay Rio nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.
Tumango lang ito bilang sagot at iniwan ko na siya roon matapos iwanan ng halik sa kaniyang noo.
Habang palapit ako kina Raven ay sabay silang napalingon sa akin.
"Tama nga tayo ng desisyon," ani Raven na hindi ko maintindihan kung anong eksakto ang tinutukoy niya.
"Anong ibig mong sabihin?" laking-pagtatakang tanong ko.
Si Tatay Eros ang sumagot. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari sa pamamasyal nila ni Rio kanina nang buong detalye. Laking-gulat ko na lamang sa bawat maliliit na detalyeng nadiskubre ni Tatay Eros tungkol sa anak namin ni Raven.
Ang alam lang naming mag-asawa ay lapitin siya ng mga paru-paro at may marka sa likod niya kakaiba. Ang mga bagong natuklasan ni Tatay Eros ay pawang napakarami para sa edad nya at pati ang bigla niyang pagsasalita nang tuwid ay kasama.
"Pitong taon ang normal na paglabas ng natural na abilidad ng isang Celestial, ngunit si Rio-, ani Raven na hindi niya nagawang tapusin.
"Hindi ako magtataka kong magkaroon siya ng abilidad ng kagaya sa inyong dalawa lalo pa't espesyal ang kan'yang ina pero mukha yatang mas espesyal pa sa espesyal ang inyong anak Camilla," lahad ni Tatay Eros na labis nagbigay ng kaba sa aking sistema.
Nagkatinginan na lang kami ni Raven at napaisip ako. Magiging delikado kapag nalaman ng iba lalo na ng masasamang nilalang ang kakayahan ni Rio.
"Maaring mayroon pang mga bagay na kayang gawin ang anak ninyo. Ang marka sa likod niya ay hindi basta-basta marka. Panahon lang ang dapat antayin at malalaman rin natin kung ano talaga iyon. Hindi ninyo kailangang mangamba. Nandito ako para tulungan kayong proteksyunan siya," ani Tatay Eros na kahit hindi namin hilingin, batid naman naming kaniyang gagawin para sa amin.
Ngunit natatakot ako para sa anak ko. Alam kong mas ligtas siya rito pero masyado pa siyang bata para at hindi niya pa maiintindihan. Oo, tama nga siguro ang naging pasya namin na bumalik dito upang ilayo si Rio, ngunit naawa rin ako sa anak ko dahil inilayo namin siya sa buhay na normal na pangarap namin ni Raven umpisa pa lamang.

Bình Luận Sách (10)

  • avatar
    TimbolLorna

    nice

    19/06

      0
  • avatar
    LOr Jem

    ghj

    13/06

      0
  • avatar
    SmithJin

    nice story

    19/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất