logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5: Wala si Rain sa Tag -araw

Kinaumagahan masaya akong bumangon. Masigla din akong sumampa sa aking wheelchair at agad nang nagtungo sa bathroom na nasa loob din ng aking kwarto. Pinasadya kung gaano lang kataas ang lababo, yung taas na maabot ko lang. Ako kasi ang nagrequest neto sa mga magulang ko.
Dahil ayokong maging pabigat sa kanila. Pati na din ang lapad ng CR ay pinasadya din para magkasya ang wheelchair ko pagpasok sa loob. Nahihirapan lang talaga ako sa pag ihi dahil nga sa hindi ko talaga kayang iapak ang aking mga paa. Kaya madalas at kahit nakakahiya ay nagsusuot ako ng adult diaper.
Sa una inis na inis ako dahil sa ganung sitwasyon. Ngunit nang makita ko ang sobrang hirap ng mga magulang ko ay ako na mismo ang nag suggest na mag diaper na lang ako. Pero pag dudumi ako ay nagpapatulong talaga ako na makaupo sa toilet bowl. Yun kasi ang di ko kaya na gawin yung dumumi sa diaper. Kaya ko namang maghugas ng sarili ko at maligo ng mag-isa.
Ilang saglit pa ay tinutulak ko na ang wheelchair ko palabas ng aking kwarto. Hindi ko namalayan na masaya pala akong dumulog sa hapag kainan namin. Namamanghang nakatingin sa akin ang aking pamilya.
"Aba anak mukhang maganda gising natin ah." Turan sakin ng aking ina.
"Oo nga kuya, may nangyari ba na maganda ha." Panunukso naman ni Abby sa akin.
"Maganda lang po siguro tulog ko." Nahihiya kong sagot sa aking pamilya.
After two years ito lang muli ang pagkakataon na nakita nila akong masaya. Usually kasi ay lagi ng salubong ang kilay ko at nakasimangot. Kung hindi man ay parang wala akong nakikitang tao sa paligid ko. Inshort para akong patay.
"Sana lagi kang ganyan anak." Maluha luha pang sabi ni mama sa akin na agad naman nyang pinunasan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Si papa naman ay nakangiting hinawakan at pinisil ang aking mga kamay.
"O sige tayo ng magdasal at para makakain na tayo. Baka malate pa ko sa office at eto namang si Abby ay baka malate sa school nya." Sabi ni papa sa amin.
Si mama na ang naglead ng prayer. After nun ay nagsimula na kaming mag agahan. Masayang nagkukwentuhan ang aking pamilya. Hindi man ako sumasagot ay himalang pangiti ngiti ako. Ako man ay naguguluhan sa aking sarili. Simula nang makausap ko saglit si Rain kagabi ay ganito na ang aking naramdaman. Sa pagkaisip kay Rain ay bigla akong naexcite.
"Ma, ok lang po ba na after nating kumain ay tumambay ako sa may terrace?" Tanong ko kay mama. Bigla kasi ay nais ko siyang makita. Gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi ni mama.
"Sige anak walang problema dun." Masayang tugon sa akin ng aking ina.
After naming mag almusal ay nagpaalam na si papa at Abby samin ni mama. Si mama naman ay hinatid ako sa terrace. Masaya akong nakatanaw sa bahay nila Rain. Kumuha pa ko ng libro bago magpahatid sa labas para naman hindi ako mukhang tanga na nakamasid lang sa tapat naming bahay .
Habang binabasa ko ang aklat na dala ko, kahit na hindi ko naman naiintindihan ang kwento ay pasulyap sulyap ako sa kanilang bahay. Ang bahay nila Rain at bahay namin ay halos magkasing laki lang.
Mga ilang minuto lang ay may lumabas na ale sa bahay nila at nabuhayan ako ng loob dahil sa pag asang baka lumabas din si Rain. Nais kong tanungin ang ale ngunit naunahan ako ng hiya.
Lumipas pa ang isang oras ngunit walang Rain akong nakita. Nagpasya na lamang akong pumasok sa loob ng bahay namin. Agad naman akong napansin ni mama.
"O anak anong nangyari sa iyo? Kanina ang saya mo pa pero ngaun mukha kang nalugi." Hindi ko pinansin si mama at dirediretso ako na pumasok sa aking kwarto.
Hindi ko na nakita yung reaksyon ni mama sa inasal ko. Bigla naman akong may naalala at natigil sa pagmukmok ko.
"Linggo kahapon tapos ngayon naman ay lunes malamang nasa school yun. Ano ka ba naman Grae hindi ka nagiisip." Natatawa kong sabi sa sarili ko. Bigla ko rin naisip na dapat pala ay hiningi ko ang cellphone number nya. Naiiling ako sa isipin na bigla akong naging interesado kay Rain.
"Kasi kaibigan daw siya ni Marie kaya maaari mo siyang maka kwentuhan about sa iyong pinakamamahal." Pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.
Ngunit lumipas ang siyam na araw na walang Rain akong nakita. Siyam na araw na matindi rin ang sikat ng araw.
Ikasampung araw na ngayon at hindi ko parin nakikita ang babae na matagal ko ng inaasam asam, ngunit nandito na naman ako sa may terrace at nagbabakasakaling makita na siya sa pagkakaton na yon. Ngunit lumipas na ang dalawang oras ay napagpasyahan ko na lang na pumasok. Napansin ko din kasi na dumidilim na ang langit at mukhang uulan pa. Naalala ko ang ang huling sinabi sakin ni Rain.
"Magkikita tayong muli sa pagbuhos ng ulan." Tsk! tanging nasabi ko habang naiiling.
"Ang weird talaga niya." Agad ko ng pinaandar ang aking wheelchair ngunit nagulat ako dahil biglang bumuhos ang ulan. At pagkasabay nun ay biglang may pumigil sa wheelchair ko. Ramdam ko din ang dagling pag bilis ng tibok ng aking puso.
Author's note:
Ngayon palang po ay nagpapasalamat na ako sa mga makakabasa ng akda ko. Sana ay abangan nyo lang ang mga susunod pang mangyayari.

Bình Luận Sách (280)

  • avatar
    Desiree Figares

    so beautiful ❤️

    3d

      0
  • avatar
    Zhally Libunao

    Magaganda ang mga binasa ko

    11d

      0
  • avatar
    Hazell Hazell

    Soo good

    16d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất