logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Si Rain

Si Rain

Amry EL


Chapter 1 : Si Rain

Grae's P.O.V.
7 am tulak tulak ni mama ang aking wheelchair papunta sa terrace ng aming bahay. Maganda ang panahon at maaliwalas kaya naisipan ni mama na ilabas ako. Para kahit papaano daw eh masayaran manlang ng araw ang balat ko .
Kung ako ang masusunod ay ayoko na talagang lumabas sa aking silid. Kahit silip manlang sa labas. Pero hindi yun hinahayaan na mangyari ng aking pamilya. Pinayagan muna nila akong huminto sa aking pag aaral dahil na rin sa nangyari sa akin.
"Dito ka muna anak ha. Mag paaraw at mag pahangin ka muna dito. Para makalanghap ka na rin talaga ng hangin hindi yung puro hangin lang ng aircon sa kwarto mo."
Turan ni mama sa akin. Tumango naman ako sa kanyang sinabi dahil wala naman akong magagawa. Naramdaman kong umalis na si mama sa likuran ko.
Nakatingin ako ngayon sa katapat naming bahay. Sa isang desenteng subdivision naman kami nakatira. Yung subdivision na kahit wala kayong gate ay ok lang. Safe naman sa lugar namin. May security guard sa labas ng subdivison at may nagroronda din na mga guards sa umaga at gabi. May mga cctv camera din na nakakalat kada kanto.
Muli sa aking pagtingin sa bahay na katapat namin ay napansin ko na may nakatira na pala dito. Bago mangyari ang masaklap na aksidente at trahedya sa aking buhay ay wala pa ditong naninirahan.
2 years na ang nakakalipas at 19 years old palang ako nun. Nilalabas naman ako ni mama paminsan sa terrace namin pero hindi ko napansin na may tao na pala dito. O sadyang wala lang akong pakialam.
Muli akong nakaramdam ng lungkot. Naalala ko na naman ang dahilan ng aking pagkalumpo at ang pagkawala ng babae na minahal ko ng sobra.
"Grae, ano ba ihinto mo tong kotse." Sigaw sa akin ni Marie na halata ang pagkabahala at takot sa kanyang boses.
"Hindi ko ihihinto tong kotse at lalong hindi ka makikipaghiwalay sa akin." Galit kong sigaw sa kanya.
At lalo pang bumilis ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan. Huli na ang lahat, hindi na ako nakapagpreno dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. At dahil din sa lakas ng ulan ay hindi ko na nagawang iwasan ang nakasalubong kong truck. Naisugod pa si Marie sa hospital ngunit hindi rin nagtagal ay namatay din ito.
Sobrang nagsisi ako sa nagawa ko. Ngunit kahit anong dami pa ng luha ang iluha ko at dasal, hindi na maibabalik ang buhay ni Marie.
Nakikipaghiwalay sa akin si Marie nung gabi na yun. Ngunit dahil sa sobra ko siyang mahal ay hindi ako pumayag. Hindi na daw nya ako mahal at may iba na daw siyang napupusuan. Wala akong maalala na ginawa ko sa kanya na masama upang ako ay kanyang iwan. Lahat ay ginawa ko para sa kanya.
Sikat na cheerleader sa campus namin si Marie dahil na rin sa angkin nito na kagandahan. Kulay brown ang mga mata niya at may taas na 5'5.
Isa naman akong varsiety player sa parehong campus na pinapasukan namin. Kaya hindi naging malabo na nagkadevelopan kami. Sikat din ako sa school namin, dahil sa angkin kong kagwapuhan at syempre nga dagdag pa na basketball player ako. Kahit maraming nagkakagusto sakin ay hindi ko pinapansin, dahil ang mga mata at puso ko ay para kay Marie lang.
Kahit 15 years old palang kami noon ay sa kanya lang umikot ang mundo ko. Kahit nung naka graduate na kami ng highschool ay napagpasyahan namin na sa iisang University lang pumasok.
Nung nag kolehiyo na kami ay marami na akong naririnig tungkol kay Marie. May nakakakita daw dito na may kasamang ibang lalake. Ngunit pag tinatanong ko si Marie ay itinatanggi nya to. Dahil sa sobrang mahal ko siya ay naniniwala naman ako sa sinasabi nya.
Hanggang sa bago magsimula ang ikalawang taon namin nun sa kolehiyo ay nakikipaghiwalay na nga ito. Balak na din nyang magtransfer sa ibang school. Ayos lang sakin ang paglipat nya ng ibang University pero ang pakikipaghiwalay ay hindi ko matanggap. Maswerte ako na hindi ako dinemanda ng mga magulang niya. Dahil kilala nila ako at alam nilang hindi ko naman sinasadya ang lahat.
Napahinto ako sa pag iisip ko sa nakaraan dahil naramdaman ko ang pamamasa ng aking pisngi. Pinahid ko naman agad ang aking luha at akin ding napansin na umuulan na pala. Buti na lang at may bubong ang terrace namin. Napabuntong hininga ako kaya pala sobrang lungkot ko dahil biglang umulan. Mas lalo kong naaalala ang nakaraan pag ganito ang panahon.
Naisipan kong bumalik na sa loob. Kaya ko naman itulak ang aking wheelchair sa pamamagitan ng pagtulak sa gulong neto. Aandar na sana ako ngunit may pumigil sa aking silyang de gulong. Lumingon ako sa gumawa nun, ngunit sa aking paglingon ay nagulat ako sa taong pumigil neto.
" Hi! ako nga pala si Rain. "
Author's note:
Hi! mga ka novelah. Sorry po sa mga errors ko. This is my first novel pero gagawin ko ang lahat para paghusayan pa ang pagsulat. Keep safe everyone .

Bình Luận Sách (280)

  • avatar
    Desiree Figares

    so beautiful ❤️

    3d

      0
  • avatar
    Zhally Libunao

    Magaganda ang mga binasa ko

    11d

      0
  • avatar
    Hazell Hazell

    Soo good

    16d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất