logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

“MA'AM, ‘yong order kanina ni Maam Carol, na pina-reserve n'ya. Nakuha n'ya na ba?”
“Ah...Oo, Joy. Ang driver n'ya ang kumuha kanina dito,” sagot ko sa tanong ni Joy.
Siya kasi kanina ang umasikaso ng order ng isang customer na ube flavor cake. Tapos, sa akin n'ya binilin. Dahil may bina-bake pa sila sa likod.
“Sige po. Balik na ako sa likod,” paalam nito sa ‘kin. Hinatid n'ya lang kasi ang cake na bagong bake nila para i-display namin dito.
Wala pa rin ngayon si Yana. Dahil masama pa rin ang pakiramdam n'ya. Umabsent na rin si Jake sa trabaho nito para maalagaan siya. Sana all...
“Good afternoon, lola,” bati ko kay lola, na loyal customer namin dito. Palagi siyang nandito para bumili ng cakes na buo. Para i-gift n'ya sa apo nitong palaging may achievements.
“Hello, Miss Jen.” Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko sa bati nito. Kinikilig ako kapag may tumatawag sa akin na Miss.
Kahit ang totoo ay kasal na ako at dapat ay Misis na ang itatawag sa akin. Kinasal kami sa simbahan ni Donwo. Sa kagustuhan ng ina nito na pakasalan ako. Ayaw ni papa. Dahil sa alam n'yang nabuntis lang ako. Si Donwo rin, hindi siya payag na magpakasal kaming dalawa.
Pero mommy ni Donwo ang nasunod. Kaya natuloy ang kasal. Seven years na kaming kasal at mag-asawa dalawa.
“May Mocha pa kayo?” Yumuko ako para tingnan kung may mocha na cake pa ba kaming naka-display dito.
“Yes, Lola.” Nakangiti kong sambit sa kaniya. Matapos makita ang isa pang mocha cake na katabi ng chocolate cake na nasa ibaba.
“Four-fifty?” Tumango ako sa pagtanong nito ng price. Kabisado n'ya ang price ng mga cake na bine-benta namin. Dahil sa palagi siyang bumibili dito. Nakatutuwa...
“Heto na po, Lola.” Pag-lahad ko kay lola ng isang box na nasa loob na ang cake na in-order n'ya.
“Salamat... Heto, four-fifty.”
Apat na papel ng one-hundred pesos bill at saka isang papel ng fifty pesos bill, na sakto. Ang inabot ni lola sa akin.
“Salamat po... Perfect na naman ng apo n'yo ang test n'ya, 'no?” masaya kong tanong sa kaniya na kaniya namang nginitian.
Ngiti n'ya na proud lola sa apo nito. Sa kaniya na kasi lumaki ang kaniyang apo na sobra n'yang mahal.
“Oo. One to fifty— Perfect n'ya. Sa science nilang test, hehehe....” Umawang ang bibig ko na natutuwa ngayon.
“Elementary na po siya, 'no?”
“Oo, grade five, hehehe...” Nakikita ko na masaya ito. Habang kinukuwento ang apo n'ya na masasabi kong super proud siya. Nahahalata sa mukha at ngiti n'ya.
Sa pagkakaalam ko, ang parents ng apo ni lola ay nasa Amerika, kapwa mga pinoy. Bale ang anak n'ya talaga ay babae na isang nurse doon sa America. Tapos ang apo n'ya ay naiwan sa kaniya dito sa Pilipinas.
Kapag perfect sa quiz, exam or kung ano pa na achievement ng apo ni lola? Binibilhan n'ya talaga ng cake, na dito mula sa Cakeshop namin. Masaya ako, kami. Kasi 'yong feeling na, naging part din kami na— Sa pamamagitan ng mga cake na gawa namin. Napasaya namin kahit papaano ang apo ni lola. 'Di ba, nakakatuwa?
Hindi lang kay lola. Kung hindi sa iba pa naming custumers. Sa tuwing monthsary nila ng jowa nila, anniversary, birthday, and other celebration. Ang gandang isipin na 'yong cake namin ay naging parti ng celebration nila. Ang saya lang isipin na nakatutuwa...
Alas-siyete na nang gabi. Uuwi sana ano. Kaso, may dalawang cake pa ang natira dito na kukunin ng mga umorder. Hinihintay ko nga.
Pinauna ko nalang sila Joy at Lovely na umuwi. Mamaya pa ako. Kapag may kukuha na nitong mga cake na ang sabi, ngayon daw nila kukunin. Kaya hihintayin ko.
Binalikan ko nalang ang nilalaro ko kanina sa cellphone ko na candy crush. Favorite na laro ito ni Prima. Kapag pinapahiram ko sa kaniya ang cellphone ko. Masaya akong nilalaro ito at nag-e-enjoy talaga ako.
“Hello,” may biglang bumati. Kaya in-off ko ang cellphone ko para harapin. 
Pagka-angat ko ng tingin ko ay nagulat ako kung sino ang nandito.
Binundol ng malakas na tibok ang puso ko ngayon.
'Umayos ka Jenily!' Pagpapakalma ko sa aking sarili. Para akong matatae dito. Jusko nalang...
Si Ivan, ang Ex ko no’ng highschool. Eight months din nang naging kami nito.
Tapos, no’ng nag-college na kami... Biglang naputol ang ugnayan, communication naming dalawa. Wala kaming proper break-up talaga. Basta nalang kaming— WALA NA! Ghosting...
“J-Jeni?” Naguguluhang tanong nito sa pangalan ko. Dahil siguro namukhaan n’ya ako agad, na hindi siya sure kung ako ba ang nasa harapan n'ya ngayon. Wala naman akong may binago sa itsura ko, hahaha... Kaya alam ko na madali n'ya lang akong mamukhaan.
Ten years yata, nang huli naming nasilayan ang bawat isa. Matagal na rin.
“Oo, hahaha... Bibili ka ng tinapay?” Pag-iba ko nalang sa usapan. Umawang kasi ang bibig n'ya na napatulala sa kagandahan ko ngayon, char!
“Kumusta ka na?” masayang tanong nito sa akin. Halata sa kaniya na natutuwa siyang makita ako ngayon dito at mukhang miss na miss n’ya ako. Pero matagal naman iyon. Nang naging kami. Naka-move on na nga ako, at sana siya rin...
“Heto, nag-be-benta ng tinapay, hahaha...” Sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung paano ko ba siya pakitunguhan at kausapin. Hindi naman siya robot. 'Yong naiilang ako sa kaniya na kaharap ko siya ngayon.
“Ah! Ahaha… Matagal na akong walang balita sayo.” Tawang-tawa na sambit nito na aking nginitian.
“Ay! Nga pala, nag-order ‘yong asawa ko dito ng cake...” Agad ko naalala 'yong order ng asawa n'ya. Familiar lang ako sa apilyedo.
“Kay... M-Misis Mendez ba?” Kunot-noong sambit ko na sinisigurado ko. Kung tama ba.
Agad naman siyang tumango. Mendez kasi apilyedo ni Ivan. Kaya madali kong nahulaan na sa kaniya itong cake na may nakalagay sa ibabaw ng box na 'Misis Mendez' ang pangalan.
Kaya kinuha ko nalang ang naka-box na cake sabay abot sa kaniya. Bale isa nalang ang natira na need kong hintayin ang may ari nito. Para makauwi na ako.
“Heto. Birthday ng anak n’yo ngayon?” curious na tanong ko sa kaniya na kaniyang tinanguan na nakangiti.
“Oo. One years old na siya ngayon. I-ikaw... May anak ka na rin ba?” Lumapad ang ngiti ko sa tanong nito pabalik sa akin.
“Six years old na siya ngayon,” proud na sagot ko. Nakita ko ang gulat na mukha nito. 'Di yata siya makapaniwala na may anak na ako ngayon na malaki na.
“Babae. Only child, hehehe...” ngiting tuloy ko sa pag-ku-kuwento ko sa kaniya na ikinangiti n'ya rin.
“Lalaki sa amin. Only child din. May balak nga kami na sundan na. Baka sa susunod siguro, hahaha... Matanda na rin kasi kami ng misis ko ngayon.” Pag-kuwento nito at saka ito tipid na ngumiti.
Magka-age lang kami ni Ivan. Thirty years old
“Dagdagan niyo nalang, hahaha...” sabat ko na biro ko lang naman sa kaniya. Pero tumawa siya.
“Ahm, paano, mauna na ako,” sabay turo nito sa pintuan na ang ibig n'yang sabihin, ay lalabas na siya para umalis.
“Masaya ako na nakita kita ngayon muli,” natutuwang dugtong nito sa pahayag n'ya sa akin na nginitian ko naman.
Hanggang sa lumabas na siya ng shop na bitbit ang cake na in-order ng asawa n'ya kanina.
Tumaba siya. Dati payatot siya na ang tangkad n'ya na ka-height n'ya ang mga basketball players. Marunong din siya mag-laro ng basketball ball dati. Guwapo siya. Kaya nga naging kami, eme...
May kumuha na rin ng isang naka-box na cake. After umalis ni Ivan. Isang oras akong humintay dito. Bago kunin nang nag-order.
Makakauwi na rin sa wakas...

Bình Luận Sách (64)

  • avatar
    Ann Conchas

    it's really good

    3d

      0
  • avatar
    Macanas Angelica

    thanks you

    15d

      0
  • avatar
    Merlita Roque

    maganda Ang storya sana complet.para Hindi nakakabitin

    08/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất