logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Paglilis

Paglilis

Daradarsi


Chapter 1

DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and others incidents are either the products of the Author's imagination or use in a fictitious manners.
Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidential.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!
All rights reserved ©2022
————————————————
CHAPTER 1
KATATAPOS ko lang mag-blower ng buhok ko na basa mula sa pagsulong ko sa malakas na ulan. Para lang maka-uwi dito sa bahay. Hindi kasi ako nag-dala ng payong. Tapos ang ulan, walang ganang tumigil. Kaya nabasa ako...
Tiningnan ko ang oras sa wall clock na nakasabit dito sa loob ng kuwarto. Alas-dyes na pala, gabi na.
Tumayo ako at lumapit sa bintana. Para silipin kung ano na ang lagay mula sa labas. Malakas pa rin ang ulan na ang bilis ng bawat pagbagsak nito. Narinig ko pa nga ang kulog at kidlat. Kaya sinara ko na ang kurtina ng bintana ng aming sliding-window. Nandito sa second floor ang kuwarto na kung saan ako ngayon. Hanggang sa second floor ang bahay namin.
Hindi ko maririnig ang lakas ng ulan dito sa loob ng kuwarto. Dahil nga may kisame ang bubong. Kaya hindi maririnig kung malakas ba o mahina 'yong ulan na nasa labas ng bahay.
Hihiga na sana ako sa kama ko. Nang marinig kong may kumakatok mula sa labas. Alam ko na si Manang Fely iyan. Kaya nang lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob para buksan. Hindi nga ako nagkakamali.... Si Manang Fely nga.
Lumiwanag ang mukha nito pagkakita n'ya sa akin. Nang wala nang pinto ang nakaharang sa aming dalawa ngayon. “Hija... Pinagtimplahan kita ng gatas,” sabay taas nito sa isang tasa na dala n'ya na nagagalak.
Binigyan ko siya ng malapad na ngiti bago ko kinuha mula sa kaniya ang hawak n'yang isang tasa ng gatas. Humigop muna ako ng konti. Kaso, mainit pa. Ramdam ko rin ang init ng tasa na ito sa kaliwang palad ko na nasa ilalim nitong tasa. Tama lang ang init na nagpapaganda sa temperatura ng katawan ko ngayon na taglamig.
“Si, Don—”
“Naku! Wala pa. Pero si Prima ay nakatulog na,” bigay alam nito sa akin na ikinatango ko.
Bakit wala pa ang lalaki na iyon?
Kunsabagay, minsan umaga na siya umuuwi dito sa bahay.
At my age thirty, may asawa at anak na ako ngayon.
May anak na ang cute at stress reliever ko. At asawa na... Hindi asawa ang turing sa akin. Para sa kaniya, maalagaan ko lang ang anak namin ay okay na siya. Hindi kami 'yong tipo ng mag-asawa na sweet... Saka... Hindi naman kami nagmamahalan dalawa.
Walang respeto iyon sa akin. Kagaya nalang ngayon! Wala pa rin siya. Dapat kanina pa siya nandidito sa bahay. Alam ko, aware ako na hindi twenty-four hours open ang bangko na pinagtatrabahuhan n'ya.
Hayst! Palagi n'yang rason? Niyaya no'ng Chad na... Feeling ko nga may relasyon silang dalawa. Palaging nando'n. Pero mag-bestfriend lang daw silang dalawa.
Bago umalis si manang. Hinintay n'ya na ma-ubos ko ang isang tasa ng gatas na itinimpla siya sa akin. Dahil huhugasan n'ya raw. Sabi ko, bukas nalang n'ya hugasan. Ayaw n'yang magpatinag na hinugasan n'ya.
“GOOD MORNING BABY!” Malakas na tili ko nang makita ko ang only girl ko sa hapag-kainan ngayon na nag-br-breakfast.
Nanlaki ang mga mata nito nang marinig ang boses ko na ang lakas. Saka siya tumayo mula sa kinauupuan n'ya, sabay takbo para salubungin ako ng isang mahigpit.... na yakap ngayon.
Pinugpog ko siya ng maraming kiss sa cheek, ulo, buhok at sa kung saan abot ng labi ko sa parti ng katawan nito. Sa upper part lang.
Anim na taon na ngayon ang anak kong ito at Grade-One na siya sa isang private school na nandito sa Quezon City.
Prima Dona Alvaro, ang totoong pangalan nang nag-iisa kong anak. Unica-iha si Prima. Love na love siya ng daddy n'ya. Kahit hindi na ako ang mamahalin ng daddy n'ya, okay lang. Daddy’s girl.
“Mommy....” Nilumos nito ang magkabilang pisngi ko kung saan hawak ng magkabilang kamay n'ya ngayon. Parang sumingkit ang magkabilang mata ko sa ginawa n'ya.
Tumawa ito na natatawa sa itsura ko. Pinagdiskitahan n'ya na naman ang mukha ko....
Pero okay lang. Makita ko lang na masaya ang baby girl ko ngayon ay happy na rin ako.
Tumayo ako mula sa pagkayuko ko. Nang hindi na hawak ni Prima ang magkabilang pisngi ko. Yumuko kasi ako para mapantayan ang anak ko.
“Nasaan si Manang?” hanap ko kay Manang. Hinawakan ako ni Prima sa kanang kamay ko sabay hila sa akin papunta sa hapag-kainan.
Kung saan siya bago lang nanggaling. Sabay na kaming umupo dalawa. Tinulungan ko siya na makaupo ng maayos sa silya na inuupuan nito kanina pa. Lalo na hindi n'ya pa masyadong abot sa liit n'ya. Ang tamis ng ngiti nito sa akin na matutunaw ang puso ko.
“Hija...” Si Manang na may dala ngayon ng isang bandehadong kanin para sa almusal.
Seven years nang naninilbihan sa amin ngayon si Manang Fely. Mabait ito sa amin at para na rin namin siyang kapamilya. Malapit ang bahay nila dito sa amin sa Quezon City.
Evey Sunday, umu-uwi siya sa pamilya n’ya para mag-kasama rin sila at magkaroon ng family bonding. Fifty years old na rin si Manang Fely.
“Kain na kayo— Prima... 'Yong gatas mo, hija. Naubos mo na?” Baby talk nito sa anak ko. Hindi ko mapigilang ngumiti sa paraan ng pakikiusap ni manang sa anak ko.
“Yes, Nang!”
Nang, ang tawag ni Prima kay Manang Fely. Mula pagkabata si Prima, ito na ang tawag n'ya kay manang na nakasanayan n'ya.
Bigla kong naalala ang asawa ko. “Si Don, Manang?” Tiningnan ako ni manang na may inaalala ito.
“Hindi pa ba naka-uwi?” Umiling ako na hindi pa naka-uwi hanggang ngayon ang asawa ko.
“Mommy... Finish na po ako!” Biglang salita ng anak ko na aking ikinangiti. Nakalimutan ko tuloy ang daddy n'ya. Sa isang iglap lang, nawala rin ang lahat...
“Tara na, Prim... Sipilyo na tayo,” aya ni manang sa kaniya na tinulungan ang anak ko na makababa mula sa inuupuan nito.
“Ahm, alis na siguro ako. Manang... Kayo na po bahala kay Prima, ha? Bye na baby.” Binuklat ko ang magkabilang braso ko para magpayakap sa anak ko. Niyakap n'ya ako na k-in-iss ko siya sa buhok nito.
“Teka! 'Di ka ba mag-aalmusal?” Nang makita ako ni Manang na tumayo mula sa kinauupuan ko. Umiling ako na may matamis na ngiting sumilay mula sa aking mga labi.
Sa mga titig ni manang. Para ako nitong pinagbabantaan. Ayaw n'ya kasi na umaalis ako na walang almusal na kinakain. Actually, hinintay ko lang si Prima na maubos nito ang kaniyang kinakain. Wala talaga akong gana ngayon.
Hinintay ko na dalhin ni manang si Prima sa banyo na nandidito sa baba ng aming bahay. Nang makapasok na silang dalawa ay siya ring paggalaw ko sa mga binti ko para ma-i-hakbang at makalabas sa bahay.
Pag-labas ko, may dumaan na taxi na pinara ko n huminto. Kaya pumasok ako sa loob na sinakyan ko papunta sa Bakeshop ko ngayon— Namin ni Yana na best friend ko.
Hindi nag-tagal, nandito na ako sa harapan ng isang maliit na shop na ang nakalagay na name sa ibabaw ay 'PRIMA'S BAKESHOP'
Aming dalawa ito ni Yana na best friend ko mula pa noon. Same kami ng kinuhang kurso which is, HRM.
Pagka-graduate namin, nag-hanap muna kami ng trabaho. Sa isang hotel kami parehong tinanggap dalawa. Naging maganda ang trabaho namin pareho doon sa isang five star hotel. One year yata ako doon.
Kaso, nabuntis ako. Kaya tumigil muna pansamantala at... Hindi na ako nag-trabaho pa ulit. Dahil ayaw ng asawa ko. Si Prima nalang daw atupagin ko.
Mother's do for the sake of her only child.
Kaso, boring... Two years ago lang namin napag-usapan ni Yana na... What if mag-ta-tayo nalang kaya kami ng Bakeshop?
Pumayag ang BFF ko. Umalis sa hotel! Kung saan manager na siya doon. Two years na siyang manager. Gusto kasi akong makasama. Hindi na raw siya masaya dahil hindi na ako ang kasama n'ya. Ayaw mawalay sa akin...
Dahil wala kaming may ma-isip na name ng bakeshop namin. S-in-uggest ni Yana na i-sunod nalang sa name ng anak ko, na inaanak n'ya. Ang magiging name ng bake shop namin. Two years na itong bakeshop na mina-mangge namin pareho ni Yana.
Papasok na sana ako aa loob. Nang tumunog ang cellphone ko. May message ako. Pag-tingin ko... Ang asawa ko.
Donwo:
Nasa school na ba si Prima?
Nandito kasi ako sa bahay ni Chad. Dito ako kagabi natulog.
Puro nalang Chad! Chad! Chad! CHAD!
Chad-charin ko siya, eh!
————————————————
KUMUSTA ANG FIRST CHAPTER?
————————————————

Bình Luận Sách (64)

  • avatar
    Ann Conchas

    it's really good

    4d

      0
  • avatar
    Macanas Angelica

    thanks you

    16d

      0
  • avatar
    Merlita Roque

    maganda Ang storya sana complet.para Hindi nakakabitin

    08/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất