logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Game 03

Nanalo ang Blazers sa first game. Mabilis naman na nagsi-alisan ang Golden Bear nang matapos ang laro para puntahan si Clyde na isinugod sa school hospital.
Nang makarating sa ospital ay nakita nila si Clyde na nakahiga sa kama habang natutulog at chini-check ng doktor. Lumapit ang coach nila nang may pag-aalala sa mukha.
“How is he, Doc?” tanong nito nang makalapit. Tumingin muna ang doktor sa record nito bago tiningala si Coach Justin.
“He’s fine. Nahimatay lang siya and it looks like he had a trauma so you should be careful,” sagot nito. Nagtataka naman na nagtinginan ang mga kaibigan niya sa isa’t isa pero hindi na lang nila ito pinansin at hinayaan na si Clyde mismo ang mag-open sa kanila ng topic na iyon.
“Okay po, Doc. Thank you po,” sagot ni Lucas. Ibinaba nila ang mga gamit at pumalibot kay Clyde na unti-unting nagmulat ng mata. Inilibot nito ang tingin at inusisa ang paligid. Ang mga kaibigan naman niya ay nakatingin lang sa kaniya na parang naghihintay kung may sasabihin ba ito na masakit sa kaniya.
“Coach? Guys? Nasaan ako? Anong nangyari sa game?” nagtataka nitong tanong. Bahagya namang lumapit ang mga mukha ng kaibigan niya sa kaniya. Napaatras siya kahit na wala nang aatrasan ang likod niya sa kama. “Parang mga timang naman. Baka gusto niyong sumagot?” biglang pagsusungit nito dahil para pa rin siyang inoobserbahan ng mga kaibigan. Bumuntong hininga na lang si Coach Justin at inisa-isa silang hinila sa tainga.
“Aray, Coach!” angal ni Elijah.
“Aaaah!” sambit din ng iba sa kanila.
“Manahimik nga kayo sa gilid. Hindi kayo nakakatulong,” suway niya sa mga ito kaya tahimik silang gumilid. “At ikaw naman Clyde, kung masama ang pakiramdam mo pwede ka namang magsabi hindi ‘yong bigla-bigla kang mahihimatay sa loob ng court,” sabi nito nang nakatingin kay Clyde.
Muling inalala ni Clyde ang nangyari. Naalala niya ang pagkakatumba nila ni Ceejay sa isa’t isa. Napapikit siya ng mariin at bahagyang iniiling ang ulo para matanggal iyon sa isip. Pakiramdam niya ay masusuka siya dahil sa nangyari kanina.
“Sorry, Coach. Kumusta po ang game?” pagbabago nito sa usapan dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang nangyari sa kaniya.
“We lose. Pero don’t worry, first game pa lang naman kaya makakabawi pa tayo sa susunod na game,” he tapped the shoulder of Clyde to assure him. Ang matalo ang pinaka-ayaw ni Clyde na mangyari lalo na sa mga katulad ni Ceejay kaya hindi sila pwedeng magpabaya sa susunod na laro.
Dahan-dahang umupo si Clyde at inalalayan naman siya ni Lucas na nasa gilid niya. “Pwede na ako ma-discharge today?” tanong niya habang nakatingin sa dextrose na nakakabit sa kamay niya.
“Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Elijah at maya-maya lang ay dumating na ang doktor na tinanong din ang pakiramdam niya. Umirap na lang si Elijah dahil ngumisi lang ang doktor sa kaniya nang walang dahilan.
“Okay na po ako, Doc. Medyo masakit lang ang ulo but, I’m fine,” saad niya. The doctor just nod and check his fluids before answering Clyde’s question a while ago.
“After ng IV fluids mo you can be discharge but, make sure you take care of your health. Iwasan ang makakapagpa-trigger sayo,” paalala nito sa kaniya. Tumango si Clyde at nginitian lang ang doktor.
“Noted, Doc,” sabi niya at umalis na ang doktor ngunit binigyan muna nito ng huling tingin ang blangko na mukha ni Elijah.
Gustuhin man ni Clyde na iwasan si Ceejay ay hindi niya rin magagawa hangga’t hindi natatapos ang championship. Kahit na inis na inis na siya sa mukha nito ay hindi niya rin maiwasan na hindi ito tignan sa loob ng court. Mabuti na nga lang at magkaiba sila ng University kundi ay baka siya na mismo ang umalis sa varsity.
“Guys, bad news,” biglang sabi ni Andrew habang nakatingin sa cellphone niya. Sabay-sabay naman na nagtinginan ang mga kasama nila sa kaniya. Ilang segundo pa na naghintay sila Clyde ng sunod niyang sasabihin pero hindi ito nagsalita. Tila nag-iisip kung sasabihin niya ba o hindi. Bumuntong hininga ito. “Check the group chat. Nag-chat si Coach Andrea,” tukoy nito sa manager nila na naiwan sa stadium kasama ang ilan pang players.
Sabay-sabay naman nilang kinuha ang mga cellphone na nasa kaniya-kaniyang bag. Samantalang si Clyde ay naki-usyoso sa katabi niyang si Lucas. Para siyang pinumulahan ng mukha dahil sa inanunsyo sa kanila.
“Nagkaroon ng changes sa setting ng game. Both university will stay in one dorm until the end of the season,” basa ni Elijah sa message ni Coach Andrea.
Makaraan ang ilang araw ay nakarating na rin ang Golden Bear at Blazers sa dormitory na titirhan nila habang hindi pa tapos ang game. Hindi alam ni Clyde kung anong mangyayari sa kaniya sa loob ng isang buwan nila na kasama ang Blazers lalo na si Ceejay.
Okay sana kung magkahiwalay ang dormitory, eh. Kaso kwarto lang ang pagitan namin. Sabi ni Clyde sa isip niya.
Sa kabilang banda, Ceejay was delighted when they heard that they will stay in a dorm away from their university. Masayang-masaya siya dahil kahit papaano ay magkakapaglibot siya sa lugar at hindi puro university ang iniikutan niya. Simula kasi nang mag-umpisa ang CAA ay wala na silang time para lumabas sa University. Ibinuhos nila ang buong oras sa training. Hindi rin naman naging mahirap sa klase nila dahil automatic excuse sila since for international game ang laro nila.
Kinabukasan ay mabilis silang nakarating sa dormitory na ibinigay sa kanila. Medyo malayo iyon sa University dahil sponsor ng isang company ang game at sila ang nag-decide sa lugar.
Nang makapasok si Ceejay sa kwarto nila ay inilibot niya ang tingin sa loob. May apat na double deck doon at isang banyo. Ganoon iyon kalaki kaya namamangha niyang inusisa ang buong kwarto.
“Ang laki!” he exclaimed with excitement habang ang mga kasama niya ay nagsimula na ring pumasok at nag-agawan pa sa pwesto. Dalawang kwarto bawat team ang ibinigay sa kanila. Nakahiwalay pa ang para sa mga coaches.
“Parang mas gusto ko pang tumira dito kaysa sa dorm ng school,” nagbibirong sabi ni Liam. Nabatukan naman siya ni Aston.
“Gago, ‘wag kang uuwi after ng game ha? Kapag ikaw nakita namin sa University, ipapasako kita sa guard,” banta niya kay Liam.
“Ito naman, hindi na mabiro? ‘Yong team captain nga oh parang walang paki kung mawawalan ng member tapos ikaw g na g. Umamin ka nga, gusto mo ako ‘no? Sumbong kita kay Ceejay,” pahayag ni Liam sa nakasimangot nang mukha ni Aston. May mga hand gestures pa si Liam na mas nagpapikon kay Aston. Muli siyang binatukan nito. Lumapit naman sa kanila si Ceejay nang marinig ang pangalan.
“As if naman papayag akong agawin mo siya, Liam. Uunahan ko na ang guard at ako na ang magsasako sayo sabay tapon sa malayo nang hindi ka na nambubwiset,” banta ni Ceejay habang nakaakbay kay Aston. Ang nakaupong si Liam naman ay nangasim lang ang mukha sa kanilang dalawa.
“Get a room, please!” sabi niya na lang at umiwas na ng tingin sa dalawa. Humiga na lang siya sa kama at kunwari na matutulog. Natawa ang dalawa dahil mukhang naasar si Liam sa sinabi ni Ceejay. Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto nila.
Napatingin sila roon at nakita ang walang ekpresyong mukha ni Clyde nang buksan ni Ambert ang pinto.
“Pinapatawag na ang lahat sa gymnasium for orientation,” sabi nito at ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin bago mabilis na umalis ng kwarto.
Simula nang mawalan ito nang malay noong nakaraang linggo ay hindi na niya ito muling nakita lalo na at mas naging busy sila sa practice. Gusto niya man itong kumustahin pero alam niyang mainit ang dugo sa kaniya nito nang hindi niya alam ang dahilan. At wala rin siyang rason para kausapin ito dahil hindi naman talaga sila magkakilala.

Bình Luận Sách (105)

  • avatar
    Muhammad Rizal

    very good and nice story 😍🫶

    05/07

      0
  • avatar
    LazaldinJiha

    good novel

    04/07

      0
  • avatar
    corpuzMatheo james

    maganda

    18/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất