logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 8

Kabanata 8
Smile
--
"May practice na agad dahil malapit na ang christmas party," ani Klara habang naglalakad kami palabas ng mansyon.
Tumango ako. "Matagal na ba silang nagpapractice, yung dance troupe? Masyado na ba akong huli? Kasi nagpapractice na kami ng sayaw sa dati kong school bago ako pumunta rito."
Tumango si Klara. "Pero ang alam ko kasisimula palang naman nila. Hindi ka pa naman siguro huli. Tsaka madali ka naman dibang maka gets ng steps? Sabi mo?"
Ngumiti ako at tumango. "Ako pa? Amora Cruz yata to."
Tumawa kami roon. Muli ko syang inakbayan. Napapadalas ang pag akbay ko sa kanya dahil maliit lang sya. Balikat ko lang yata ang ulo nya.
"Pero hindi ka ba mahihirapan dyan sa pagsasayaw? Hindi ba nakakapagod yan?" Ani Klara.
Humalakhak ako. "Syempre nakakapagod. Pagsasayaw nga, eh."
"Pero marami kasi kung gumawa ng sayaw ni Lia tuwing may mga okasyon. Sobrang rami. Minsan nakikita ko, ang hihirap pa ng mga steps. Gusto kasi ni Lia na hype palagi ang buong school kapag may mga ganitong okasyon. Kaya hindi ka ba mahihirapan roon?"
Nagkibit balikat ako. "Passion ko ang pagsasayaw. Kaya kahit mahirap, nag e-enjoy pa rin ako kasi gusto ko naman ang ginagawa ko," ngumiti ako sa kanya.
Nanliit ang mga mata nya. "Pagsasayaw ba ang gusto mo kaya ayaw mong mag modelo?"
Humalakhak ako. Nahuli nya ako roon.
"Bata palang ako nahihiligan ko na ang pagsasayaw. Kapag may nakikita akong video na may mga taong sumasayaw, naiisip ko palagi na gayahin sila, na gayahin ang mga galaw nila. Hanggang sa nung mag highschool ako, sumali na ako sa dance troupe dahil napagtanto ko na iyon pala ang gusto ko."
Tumango tango si Klara. "Wala ka nang ibang gustong gawin? Pagsasayaw lang?"
Umiling ako. "Wala na..." ngumiti ako.
Natigil muli kami sa paglalakad ni Klara nang makita si Sir Joshua na nakasandal sa kanyang kotse. Napabuntong hininga ako nang makita ang mga libro nya sa kamay.
Mukhang alam ko na ang gagawin nya.
Lumapit sya sa amin at bigla nalang binigay sa akin ang mga libro dahilan para agad ko iyong masapo. Tumingin ako sa seryoso nyang mga mata nang maayos ko ang mga libro sa aking braso.
"Dalhin mo yan sa school," anya.
"Pero, Sir--"
"Magrereklamo ka na naman?"
Ngumuso ako. "Hindi po..."
"Tss..." anya tsaka tumalikod na sa amin at pumunta sa kanyang kotse.
Busangot akong tumingin sa kanyang likod. Sa laki ng kotse nya, hindi kasya ang mga libro? Sya nga kasya dyan, libro pa kaya? Kabuset tong isang to. Talagang gusto nya akong pahirapan nang pahirapan. Umirap na lamang ako sa kawalan.
"Halika na..." hila sa akin ni Klara nang magtagal ang matalim kong titig sa kotse ni Sir Joshua na paalis.
"Tsh," inis kong sabi at nagpahila na lamang kay Klara. "Seryoso ba sya? Pagbubuhatin nya ako ng ganito karaming libro hanggang school?"
"Gusto mo tulungan kita?"
Tinignan ko sya at ang katawan nya. Sa huli ay napailing iling na lamang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Ngumuso sya. "Bakit?"
"Baka kapag pinagbuhat kita, mas mauna ka pang bumigay. Napaka lambot ng balat mo tapos napaka hinhin mo pa. Wag nalang."
Mas lalo syang ngumuso. "Grabe naman to. Pero di nga? Kaya naman kitang tulungan."
"Hindi na talaga. Kaunti lang naman to. Kaya ko na..."
Kaya ko na kahit walong libro ito na sobrang makakapal. Gosh. Ngayon pa nga lang ay sumasakit na ang braso ko, paano pa kaya kapag nagtagal na? Hayyss.
Sumakay kami ng jeep ni Klara. Nagpasalamat ako roon dahil naipatong ko sa mga hita ko ang libro. Gosh. Mabuti nalang talaga hindi kami naglalakad ni Klara.
Pinalagay ni Sir Joshua ang mga libro sa kwarto nila rito sa school. Sinunod ko nalang yon at nag inat inat nang maibaba ko lahat ng libro sa lamesita.
Gosh. Nangawit ako roon, ah.
"Yan. Dyan. Sige pa..." sambit ko habang hinihilot ni Klara ang mga braso ko.
"Ayaw mo naman kasing tulungan kita kanina. Ayan tuloy..." nguso nya.
"Tsh," ngumisi ako.
Ilang minuto nya pa akong hinilot nang hinilot hanggang sa makuntento ako at makahinga ng maluwag. Gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi ko alam na magaling pala si Klara sa mga ganito. Grabe. Ang sarap.
"CR lang ako," paalam ko tsaka tumayo na.
Ginalaw galaw ko ang mga braso ko habang naglalakad. Napangiti ako nang hindi na yon sumasakit hindi tulad kanina. Tsh. Grabe talaga si Sir Joshua. Pwede naman kasing sa kotse nya nalang ilagay yung mga libro pero talagang ako pa ang pinagbuhat nya. Wala syang galang sa mga babae. Che!
Mabilis lang akong nagbanyo at bumalik na agad sa classroom. Ngunit ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang maabutang sinisira ni Ella ang kung anong dino-drawing ni Klara kanina. Umiiyak na si Klara at pinapanood lang na sirain ni Ella ang kanyang papel.
Agad akong tumakbo papunta sa kanila.
"Ano? Ganito ang napapala ng mga kagaya mong pakialamera!" Singhal ni Ella sa natatakot at umiiyak na si Klara.
Agad kong hinablot ang mga papel kay Ella at tinulak sya para matakpan ko si Klara. Agad akong hinawakan ni Klara sa braso para pigilan.
Mapaklang tumawa si Ella nang makita ako. "Isa ka pa! Pakialamera ka din!"
"Ano na naman ba ang ginawa namin sayo? Ella, pwede bang tantanan mo nalang kami?" Singhal ko.
"Nang dahil sainyong dalawa, ayaw na akong kausapin ng pinsan kong si Zil! Mga pakialamera kasi kayo! Dapat kasi hindi nalang kayo nag aral rito! At tantanan?" Mapakla syang tumawa. "Hindi ko kayo titigilan--"
"Pwede ba, Ella? Ikaw ang dahilan kung bakit nagagalit man sayo ngayon si Zil! Dahil masama ang ugali mo! Napaka sama ng ugali mo!"
"How dare you shout at me!"
"Bakit, sino ka ba? Girlfriend ni Sir Joshua? Ipinagmamalaki mo yon?" Mapakla akong tumawa. "FYI, pare pareho lang tayong tao rito. Hindi mo pwedeng saktan ang kahit na sinong tao at hindi mo rin pwedeng sirain ang mga bagay na pag aari nila. Girlfriend ka man ni Sir Joshua o ng kung sinong lalaking mataas ang pinanggalingang pamilya! Wala kang karapatan!"
Nanggagalaiti syang tumingin sa akin. "Walang hiya ka!"
"Bakit?" Tumawa ako. "Tinamaan ka ba? Napahiya ka? Dapat lang yan sayo!"
Nang dahil sa sobrang pagkagalit nya ay agad agad nya akong sinugod at sinabunutan. Agad ko rin syang sinabunutan, mas masakit pa sa sabunot nya sa akin.
"Amora!" Umiiyak na pagtawag ni Klara.
Kahapon pa ako nagtitimpi sa isang ito, eh. Hindi ko alam kung bakit palaging si Klara ang pinupuntirya nya. Nang dahil lang sa maid sya? Nang dahil lang mahirap sya? Bakit? Ganon na ba ang tinitignan ngayon? Ranggo na ba ng isang tao ang tinitignan ngayon? Na kapag mayaman ka, dapat hinahangaan at iniidolo ka. Pero kapag mahirap ka lang, iinsultuhin at mamaliitin ka. Ganon ba? Ganon na ba ang mundo ngayon? Ganon na ba ang mga tao nagayon? Eh, kingina mas mabuti nalang palang gumunaw nalang ang mundo kesa may mabuhay pa na ganitong mga tao.
Nasobrahan na ang galit ko.
Binitawan ako ni Ella at malakas na sinampal dahilan para bahagya akong mapa atras. Agad rin syang sumugod sa akin at tinulak ako dahilan para tuluyan na akong mabuwal at mapaupo sa sahig. Pumatong sya sa akin at sinabunutan ako nang sinabunutan. Hindi agad ako nakalaban nang may maramdamang matalim na bagay sa aking braso na kumayod dahilan nang impit kong pagdaing.
"You don't know me para sabihan ako ng mga ganyan! Hindi mo ako kaya! Maid ka lang! Mababa! Mahirap! Salot sa lipunan!" Sigaw ni Ella habang patuloy ang pagsabunot at pagsampal sa akin.
"Ella!" Isang pamilyar at galit na boses ang umalingawngaw sa buong classroom habang nagkakagulo ang lahat at nanonood sa amin. "Stop!"
Inalis ni Sir Joshua ang nakapatong sa aking si Ella na nagwawala at kumakawala pa sa kanya, gusto pang sumugod sa akin.
"Let go of me!" Sigaw ni Ella.
Lumapit sa akin si Klara at tinulungan akong tumayo. Nanginginig sya habang umiiyak pa rin.
"M-May dugo..." nanginginig na sabi ni Klara nang mahawakan nya ang braso ko.
"Stop it, Ella!" Malakas na pagsigaw ni Sir Joshua, parang kulog dahilan para matahimik si Ella at ang ibang nanonood.
"Are you okay?" Hinawakan ni Zil ang braso ko.
Agad ko iyong nilayo nang maramdaman ang hapdi. Ngumiwi ako at kinagat ang aking labi.
Sobrang haba ng kalmot na iyon sa braso ko. Matindi rin ang dugo at halos umiyak ako dahil pakiramdam ko napaka lalim ng pagkaka kalmot, sobrang hapdi.
"Bakit ba palagi nyo nalang kinakampihan ang mga maid na yan?!" Singhal ni Ella kay Sir Joshua.
"They doing nothing to you," Kunot noong sinabi ni Sir Joshua.
"Anong wala? Bakit? Nakita mo ba ang buong nangyari? Sya ang unang nanakit sa akin!"
Napatingin ako kay Ella nang sabihin nya yon. Nagtiim bagang ako. Gusto kong magsalita at komprontahin ang sinabi nya pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Lalo na nang tumingin sa akin si Sir Joshua habang kunot pa rin ang noo, na para bang naniniwala sya sa girlfriend nya.
Nag iwas ako ng tingin. Ayoko nang magpaliwanag. Ayoko nang magsalita. Wala rin namang mangyayari kung papatulan ko pa ang sinabi nya. Magkakasagutan lang kami ulit. Mas lalo lang lalaki ang gulo. Gusto ko na lamang umalis rito.
Nangilid ang luha ko kaya naman mas lalo ko nang gustong umalis roon. Naglakad na ako palabas habang hawak ang braso kong tumutulo ang dugo.
"A-Amora," ani Klara at sumunod sa akin.
Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para wala nang makakita.
"Amora!" Paghabol ni Klara.
Hindi ko na sya pinansin at dumeretso na lamang sa banyo. Habang naglalakad ng mabilis ay hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Sunod sunod na iyon na parang gripo.
Bakit ganon? Bakit napaka hina ko? Bakit sa tuwing nakikita ko ang mga tingin ng karamihan sa akin ay nasasaktan ako? Nakikita ko sa mga mata nila ang mga tingin ng mga taong naka saksi kung paano kami iwanan ni Papa, kung paano nya ako iwan. Nakikita ko sa mga mata nila ang awa at pagtatawanan. At nasasaktan ako ng sobra roon. Parang bumabalik ang nakaraan.
"Amora..." naiiyak na pagtawag sa akin ni Klara nang makarating na rin sya sa banyo.
Naghilamos ako sa gripo at hindi tumigil hanggat hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ako tumigil sa paghihilamos hanggang sa napa hikbi na lamang ako at napahawak sa sink sa pagod at pagsuko.
Agad akong niyakap ni Klara at pinatahan. "A-Ayos lang yon, Amora. Pagsasabihan na sya nina Zil. Hindi na sya uulit. Hindi ka na nya sasaktan..."
Mas lalo akong napahikbi. Gusto kong sabihin ang totoo kay Klara dahil hindi naman ako iiyak nang dahil lang sinaktan ako ni Ella. Ngunit hindi ko kayang sabihin. Hindi ko na kayang magkwento. Nadudurog lang ako ng sobra. Sana nandito ang mga kaibigan ko. Sana nandito sila para may mas nakakaintindi sa akin. Sila ang mas nakakakilala sa akin. Alam nilang lahat ang tungkol sakin.
Nahimasmasan ako ilang minuto ang nakalipas. Maayos na rin ang mukha ko at hinugasan na lamang namin ang sugat ko dahil magsisimula na ang klase, wala na kaming oras para gamutin yon.
Masama pa rin ang tingin ni Ella nang makarating kami sa classroom. Blangko ko na lamang syang tinignan pabalik at umupo na sa aming upuan. Pagkatapos noon ay hindi na muli ako tumingin sa gawi nya. Ni ang pansinin ang mga pagpaparinig nya ay hindi ko na ginawa. Nagbasa na lamang ako ng tahimik.
Bago kami makapunta ni Klara sa cafeteria para maglunch ay pinatawag ako ni Sir Joshua. Pinauna ko na lamang si Klara dahil baka magutom pa sya. Paniguradong marami na namang iuutos si Sir Joshua.
"Hindi ka na gagalawin ni Ella. Pinagsabihan na sya ni Zil," sambit ko.
Tumango sya. "Alam ko..."
"Sige na. Mauna ka nang kumain."
"Sigurado ka?"
Tumango ako at ngumiti para sabihing ayos lang talaga.
"Sige..." kumaway sya sa akin bago umalis.
Bumuntong hininga ako at pumunta na sa kwarto nina Sir Joshua rito sa school. Hindi yon kalayuan sa classroom namin. Ilang classroom lang ang pagitan noon.
Nang makarating roon ay nakita kong naka awang ng bahagya ang pintuan ng kwarto. Lumapit ako roon at bubuksan na sana nang marinig ang isang musika na nanggagaling sa gitara. Napahinto ako at napasilip sa naka awang na pintuan.
Nakita ko si Sir Joshua na nakaupo sa sofa, nasa kandungan nya ang kanyang gitara habang inii-strum iyon ng dahan dahan.
Lumapit pa ako ng kaunti sa pinto at bahagya iyong binuksan habang pinagmamasdan si Sir Joshua. Seryosong seryoso sya habang kinakalabit ang gitara. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanyang mukha.
Gwapo si Sir. Kahit inis na inis ako sa kanya minsan, hindi ko naman maitatangging gwapo talaga sya. Simula sa buhok nyang bahagyang magulo at yung iba ay napupunta na sa kanyang noo, sa mga mata nyang nakapikit na ngayon habang patuloy pa ring kinakalabit ang gitara, ang mga mata nyang palaging seryoso kung tumingin, ang ilong nyang sobrang tangos, ang pisngi nyang hindi ganon katambok ngunit mukhang malambot kung pipisilin, ang panga nyang perfect ang hugis at ang labi nyang manipis at mamula mula.
Hindi ko rin maitatangging bagay na bagay sa kanya ang uniform namin. Malakas ang dating nya at kahit ano yata ang kanyang isuot ay babagay sa kanya. Malaki ng bahagya ang katawan nya, hindi ko rin maitatangging maganda talaga ang katawan nya. Yung para bang saktong sakto lang para sa isang college student? Marami rin syang ugat sa braso papunta sa kanyang kamay na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.
Ngumisi ako. Kung nandito lang ang mga kaibigan ko, baka kanina pa nahimatay ang mga yon. Tsh.
Kumatok ako dahilan para matigil sya sa akmang pagkanta. Napadilat sya at deretso agad ang mga mata sa akin.
Tumikhim ako at tuluyan nang pumasok sa loob. Nasa akin lang ang paningin nya habang naglalakad ako palapit. At nang makalapit ako ay lumipat ang tingin nya sa gilid ko kung nasaan ang aking braso.
"Ano pong iuutos nyo, Sir?" Tanong ko.
"Your arm is still bleeding," kunot noo nyang sinabi. "Bakit hindi mo pa pinapagamot?" Baling nya sa akin.
Napatingin ako sa malaking hiwa na iyon sa braso ko. Bahagya pa ngang dumudugo iyon. Bahagya na lamang akong tumagilid para hindi na nya yon makita at tumingin muli ako sa kanya.
"Ipapagamot ko po ito mamaya. Ano pong utos nyo?" Tanong ko muli.
Bumuntong hininga sya at tinabi ang kanyang gitara sa gilid. Sumandal sya sa sofa at nakahalukipkip na tumingin sa akin.
"Are you okay? Iyan lang ba ang natamo mong sugat?" Tanong nya.
Galing sa pagkakayuko ay napatingin ako sa kanya at napatitig. Seryoso lang naman syang nakatingin ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata ang concern nya para sa akin.
"A-Ayos na po ako. Ito lang naman po ang nasugatan..." sambit ko.
Tumango sya at muling bumuntong hininga. "I just want to say sorry for what Ella did. Don't worry, pinagsabihan ko na sya. Hindi na ito mauulit."
Natigilan ako ngunit nakabawi rin agad. Gusto kong ngumisi dahil kahit papaano naman pala ay mabait itong isang to. Pero pinigilan ko dahil baka kung ano pa ang isipin nya.
Tumango ako. "Ayos lang po. Tsaka sa susunod po sana... wag na kayong humingi ng tawad sa kasalanang hindi nyo naman po ginawa. Hindi nyo po yun kasalanan..." kinagat ko ang aking labi pagkatapos sabihin yon.
Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo sa sinabi ko at pinakatitigan ako. Bahagya naman akong nailang. Napakurap kurap ako at sa huli ay nagbaba na lamang ng tingin.
Narinig ko ang bahagya nyang pagtawa kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. Naka angat ang gilid ng kanyang labi habang kagat kagat iyon. Tumango tango sya.
"Okay," anya tsaka naglapag ng isang libro sa lamesita. "Buy me snacks and drinks."
Napatitig ako ng ilang sandali sa kanya, hindi makapaniwala sa nakitang ngiti sa kanyang labi kanina.
Whoa. Ngumiti sya? Ngumiti ba sya talaga? Totoo ba yung nakita ko? O baka namamalik mata lang ako?
Hala! Akalain mong marunong ngumiti ang mga katulad nyang wala nang pag asa sa saya ng mundo?
"What?" Naging seryoso na ulit ang kanyang mga mata.
Napakurap kurap ako at naisarado ang naka awang na bibig. Napatingin ako sa isang libo na nilagay nya sa lamesita pagkatapos sa kanya ulit.
"Buy me snacks. Faster," kunot noo agad nyang sabi.
"Bakit snacks lang, Sir? Tanghalian na po ngayon, oh," tumingin ako sa itaas ng pintuan kung saan may orasan tsaka binalik ang tingin sa kanya.
Tinignan nya lang ako. "Bakit ka nakikialam?"
"Eh, kasi baka makasama yun sa kalusugan nyo, Sir. Tanghali ngayon kaya dapat kanin ang kinakain nyo. Kapag snacks lang ang kinain nyo, baka magkasakit kayo sa tyan nyan, sige kayo. Tsaka masasarap ang ulam sa cafeteria, Sir. Marami kayong pagpipilian," nag isip ako. "Hmmm... may manok, sinigang, adobo, menudo tsaka yung mga pagkaing pang mayaman, Sir? Anong tawag doon?" Nag isip ulit ako pero wala akong matandaan sa mga pagkaing pang mayaman roon. "Basta iyon, Sir. Maraming ulam kaya mamili nalang kayo. Ano pong gusto nyo?" Ngumiti ako sa kanya.
Tinitigan nya ako. Napakurap kurap naman ako. Pagkatapos ng ilang sandali ay ngumisi sya at inangat ang katawan para makapangalumbaba. Bahagya nyang tinagilid ang kanyang ulo tsaka ako tinitigan.
"S-Sir?" Pagtawag ko.
Ilang sandali pa syang ganon ang ayos at pagkatapos ay matunog syang ngumisi. Umayos sya at muling sumandal sa sofa. Naka angat pa rin ang gilid ng kanyang labi na para bang tuwang tuwa sa kung ano.
"Buy me snacks," anya.
Nawala ang ngiti ko at gigil na kinagat ang aking labi. Kinuha ko na lamang ang isang libong pera sa lamesita tsaka busangot na tumingin sa kanya.
"Opo, Sir," sambit ko at umalis na roon.
Hayyss. Sabi ni Ma'am Juliette alagaan ko ng mabuti ang anak nya. Paano ko aalagaan ng mabuti ito kung napaka tigas ng ulo? Mas matigas pa sa bato ang ulo ng isang to, eh.
Pero infairness, ah? Kinamusta nya ako. Tsh. May kabutihan rin naman palang tinatago, ayaw pang ipairal. Tsk..tsk..tsk.

Bình Luận Sách (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất