logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 11

Kabanata 11
Bad Dream
--
Nagdaan ang isang araw na hindi na ako masyadong inuutusan ni Sir Joshua. Hindi ko alam kung pangmatagalan na ba yon o ngayon lang dahil alam nyang galit pa rin ako sa kanya. Pero ano bang pakialam nya kung galit ako? Sa pagkaka alam ko, wala naman syang pakialam sa akin. Tsh. Baka guilty lang yon sa ginawa nya sa akin.
Medyo matamlay pa rin ako sa nagdaang isang araw. Pero unti unti na rin naman akong nakabawi. Nakakatakot ang nangyari sa akin, nakaka trauma. Pero wala namang mangyayari kung magmamaktol at iiyak lang ako sa kwarto. Mas mabuti nang kalimutan ko na lamang iyon kahit pa hindi talaga maganda ang nangyari. Ganon lang palagi ang ginagawa ko sa tuwing may hindi magandang nangyayari sa akin, kinakalimutan ko at pinipilit ibalik ang sarili sa normal. Ganon para sa akin ang buhay, kung madapa ka man, tumayo ka lang at tumawa sa sarili mo. Sabihin mo sa sarili mo, ang shunga shunga mo.
Nasapo ko ang gitara na bigla nalang binigay sa akin ni Sir Joshua. Lunes ngayon, nandito na naman sya at naka abang sa amin para lang pagbuhatin ako ng kanyang gitara. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Hindi ba kayo nakokonsensya sa ginawa nyo?" Pagod kong tanong sa kanya.
Tinignan nya ako tsaka nagkibit balikat. "Nagsorry na ako. Hindi ko na problema kung hindi mo yun tatanggapin," yun lang ang sinabi nya tsaka tumalikod sa amin at pumasok sa kanyang kotse.
Inis naman akong napapikit tsaka umamba ng suntok sa kanyang likuran. Psh! Talagang wala syang puso. Napaka sama nya. Hinding hindi ko talaga sya mapapatawad!
"Alam mo? Palagi nalang akong nagugulat sayo," halakhak ni Klara.
Nandito na kami ngayon sa school. Maaga pa kaya tumambay muna kami rito sa napaka laking field ng school. Makulimlim ang langit at napaka lamig ng hangin. Magpapasko na kaya ganito ang klima ngayon. Wala rin masyadong tao rito. Mga kaunting students na nakaupo rin rito kagaya namin sa bleachers habang nagbabasa ng kung ano anong libro.
Tumingin ako kay Klara. "Bakit naman?"
"Mabilis kasi laging nagbabago ang mood mo. Takot na takot ka nung nahulog ka sa swimming pool pero kinabukasan maayos ka na. Hindi ko alam kung ganon ka lang ba talaga o talagang ayaw mo lang ipakita ang totoo mong nararamdaman,"
Ngumiti ako at tumingala sa makulimlim na langit. "Ayoko lang na nalulungkot at umiiyak ako palagi. Para kasing napaka drama. Hindi maganda ang ginawa ni Sir Joshua dahil muntik na talaga akong mamatay roon. Pero wala, eh. Gusto ko nalang palaging tawanan ang mga problema ko. Ayokong umiiyak..."
Ngumiti sya habang nakatingin sa akin. "Ang tapang mo..."
Tumingin ako sa kanya tsaka natawa. "Wag na nga nating pag usapan yan. Nandito ako para magrelax, okay?"
Humalakhak sya tsaka tumango na lamang. Pareho kaming tumahimik na pagkatapos noon. Bahagya lamang akong nakangiti habang nakatingin sa langit.
Ayokong maging negative. Kasi kung mag iisip ako ng ganon, maaaring maapektuhan noon ang pagtakbo ng buhay ko. Maaaring mas lalong dumami ang problema ko. At maaaring maging dahilan pa iyon para mawala ako sa mundo.
Marami na kasi ngayong kabataan ang nagpapakamatay dahil sa mga problemang kaya namang solusyunan. At ayokong magaya sa kanila. Lahat ng nararanasan natin ay pagsubok lamang. At lahat ng pagsubok na binibigay ng Diyos ay sinisiguro nyang makakaya natin. Kaya dapat palagi lang positive ang ating iniisip. Ayokong magaya sa iba na down na nga, mas lalo pang ida-down ang sarili. Hindi dapat ganon. Kailangan lumaban ka, kailangan magpakatatag ka. Dahil walang enjoy ang buhay kung hindi ka madadapa at masasaktan. At kung susuko ka agad, ikaw lang ang matatalo sa huli. Baka pagsisihan mo pa yon.
Nawala ang ngiti ko nang mamataan ko sa ibaba si Sir Joshua kasama si Zil. Papunta sila sa amin. Mukhang maayos na silang dalawa. Pareho pang seryoso ang mga mata nila.
Umirap na lamang ako at umayos ng upo.
Tumayo si Klara. "Sir..." anya.
Napa angat ang tingin ko sa kanya tsaka ngumuwi. Tsh. Akala mo naman nasa bahay.
Nang makarating sina Sir Joshua at Zil sa tapat namin ay tumayo na rin ako. Humalukipkip ako at nagtataray na tumingin sa malayo.
Nilahad ni Sir Joshua ang kanyang kamay. "My guitar," anya.
Tinignan ko sya at nakitang walang emosyon ang kanyang mukha. Bumuntong hininga na lamang ako tsaka kinuha ang kanyang gitara sa tabi ng inuupuan ko. Inabot ko iyon sa kanya at agad naman nya iyong kinuha.
"Are you okay now?" Tanong sa akin ni Zil.
Bumaling ako sa kanya. Tumango ako at ngumiti. Mabuti pa itong kaibigan nya, mabait. Tsh. Napapaisip tuloy ako lagi kung bakit nya nagiging kaibigan ang mga mababait, hindi naman sya ganon kabait. Gosh. Kung ano ano na ang nasasabi ko.
"Ayos na ako. Salamat," sabi ko.
Tumango sya tsaka tumingin kay Klara na nakayuko lang. Ngumisi ako nang makita na naman ang pamumula ng kanyang tenga.
Tumikhim si Sir Joshua. "Let's go," anya kay Zil.
Bumaba na si Sir Joshua at ilang sandali pa bago sumunod si Zil dahil sa paninitig kay Klara. Ngingisi ngisi akong umupo muli at ganon rin naman si Klara na napaka inosente pa rin ng mukha, wala syang alam sa paninitig ni Zil dahil nakayuko sya. Napailing nalang ako.
Normal lang ang naging araw ko ngayon. Hindi na rin kami pinapakialamanan ni Ella ngunit nandoon pa rin ang palagi nyang pag irap. Hindi nalang namin pinapansin ni Klara dahil nakakainis lang ang pagmumukha nya.
Noong lunch rin ay wala nang inutos na marami si Sir Joshua. Nagpasalamat naman ako roon dahil nakakain na ako sa wakas ng maayos. Ngunit ang iirap irap na si Ella ay hindi pa rin tumitigil. Talagang pati sa lunch ay walang tigil ang mga mata nya. Talagang hinihintay nyang tumingin kami sa gawi nila para lang mairapan kami. Tsk. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa nalang sa kanya. Parang syang bata.
Naghiwalay kami ni Klara nang mag uwian na. Magpapractice kasi ako ng sayaw habang sya ay may practice rin sa music room.
Natawa ako nang maalala yung sinabi nya sa akin kanina. Nung tinanong ko kung maayos ba ang pagpapractice nila, ang sabi nya maayos naman daw pero naiilang sya dahil sya lang ang nag iisang babaeng kasali sa banda. Hindi ko lang magawang matawa sa harapan nya dahil sa kacutan nya, baka magalit sya sa akin.
"Yeah, that. A little bit more fast. Yan. Lagyan mo pa ng swag," si Lia habang nagtuturo sa amin.
Kanina pa kami nagpapractice. Mahigit isang oras na. Yung iba ay hindi ganon kadaling turuan pero natututo din naman. Habang ako ay ginagawa ang lahat para matutunan agad ang tinuturo ni Lia. Pagod na kasi sya sa pagtuturo sa iba. Kaya rin minsan ay tumutulong na ako dahil alam ko naman na ang ibang moves ng sayaw.
"Great job," ngumiti sa akin si Lia at nakipag high five. "Ang dali mong turuan,"
Ngumiti ako. "Salamat,"
Nagdadala na ako ng damit rito pampractice tsaka pamalit. Madalas kasi akong pagpawisan ng sobra kaya kailangan talagang magpalit ako agad kundi magkakasakit ako.
Nang matapos na akong magbihis sa banyo ay nakita ko na agad si Klara na nakaupo sa bench dito sa loob ng dance practice room. Agad syang ngumiti nang makita ako.
"Bakit ang tagal nyo yatang natapos ngayon?" Tanong ko habang inaayos ang aking bag.
Ngumuso sya. "Pinag aaralan pa kasi kung paano tugtugin sa drums, piano at gitara ang mga kantang kakantahin namin. Medyo mahirap yon para sa mga tutugtog kaya medyo natagalan kami,"
Tumango ako. "May solo ka ba?"
Tumango sya. "Tutugtog ako ng gitara,"
"Talaga?" Gulat kong tanong. "Anong kakantahin mo?"
"Syempre secret muna," halakhak nya. "Maririnig mo rin yon,"
Ngumuso ako. "Ang daya mo naman,"
Humalakhak lang sya sa akin. Nang matapos kong ayusin ang paglalagay ng damit sa bag ko ay nagpaalam na ako sa iba ko pang kasamahan roon at umalis na. Inakbayan ko si Klara habang naglalakad palabas ng school.
"Ilan lang kayong kakanta?" Tanong ko.
"Tatlo lang kami nina Sir Joshua at Zil. Yung iba ay mga tutugtog lang ng instrument dahil hindi naman sila marunong kumanta. Tsaka iyon lang daw ang gusto nilang gawin,"
Humalakhak ako. "Hindi ba awkward roon? Nag iisa kang babae?"
Ngumuso sya. "Nahihiya nga ako, eh..."
Mas lalo akong humalakhak. "Kung marunong lang akong kumanta, sinamahan na kita don,"
Mas lalo syang ngumuso. Nag uusap kami hanggang sa makalabas na kami sa school. Blue na ang langit, pagabi na. Binilisan na lamang namin ang paglalakad para hindi abutan ng dilim.
"Magso-solo rin sina Sir Joshua at Zil?" Tanong ko maya maya.
"Mmm," tango nya. "Kakanta si Zil ng mag isa, tapos kaming dalawa naman sa isa. Si Sir Joshua hindi pa namin alam kung ilan ang kakantahin nya,"
"Bakit?"
"Depende kasi yon. Kapag kasi may mga ganitong okasyon, maraming students ang gustong kumanta sya ng love song. Nagsusulat sila sa maliliit na papel ng iba't ibang title ng kanta tapos pipili si Sir Joshua roon ng gusto nyang kantahin,"
Napatango tango ako roon. Grabe. Sobra pa rin talagang rami ang nagkakagusto sa kanya kahit ganon ang ugali nya. Tsk.
"Wala pa rin sina Ma'am Juliette?" Tanong ko kay Jana nang makapasok kami ni Klara sa kwarto.
Binaba ko ang bag ko at nagtanggal ng sapatos.
"Wala pa, eh. Ang alam ko sa isang araw pa ang uwi nila," sagot ni Jana na nasa kanyang kama.
Tumango tango ako at nagpalit na ng damit sa banyo. Mamaya na ako maglilinis ng katawan dahil pagod pa ako.
Nang makabalik sa kwarto at nakapag bihis na ng preskong damit ay umupo ako sa isang table roon para gawin ang mga assignments ko at para makapag review na rin dahil kahit parating na ang pasko, sandamakmak na quiz pa rin ang pinapagawa sa amin. Pero ayos lang yon, doon tumataas ang grades ko, eh. Hehe.
Lumabas sina Klara at Jana para magluto ng hapunan. Ako naman ay hindi muna tumulong at talagang nag review ako. Medyo naapektuhan kasi ang pag aaral ko nitong mga nakaraang araw dahil sa mga nangyayari. Nabalitaan rin ng mga teachers ang away namin ni Ella kaya pareho kaming binawasan ng grades ng mga teachers bilang parusa. Parang gumuho ang mundo ko non.
"Amora, tawag ka ni Sir," sumilip sa pintuan si Klara.
Tumingin ako sa kanya at tumango. "Susunod na ako,"
Tumango sya at sinarado na ulit ang pinto. Binilisan ko naman ang pagsasagot sa aking assignments dahil baka magalit sa akin ang isang yon kapag natagalan ako. Pero napaka rami kong assignments kaya hindi agad ako nakalabas ng kwarto.
Naalala ko tuloy si Klara. Napaka raming assignments, bakit hindi nya muna inuna to? Hayyss. Yung babaeng yon talaga.
Bente minutos pa ang nakalipas bago ako natapos sa ginagawa. Kaya naman hindi na ako magkandaugaga noong nagliligpit na ako ng gamit. At sa sobrang pagmamadali ko ay natatapon pa ang iba dahilan para mas lalo akong matagalan.
Gosh! Ano ba yan! Mapapagalitan na naman ako ng isang yon, eh.
Dali dali na akong lumabas nang matapos sa pagliligpit. Tinatali ko ang aking buhok habang nagmamadaling umakyat sa hagdan para makarating agad sa kwarto ni Sir Joshua.
Nang makarating sa tapat ng kanyang kwarto ay agad na akong kumatok. Ngunit walang naging pagtugon roon. Kumatok pa ako nang kumatok pero wala talagang nagbubukas. Kumunot ang noo ko sa pagtataka at dinikit ang tenga sa pintuan para pakinggan kung may tao ba sa loob.
Ang sabi lang ni Klara tinatawag ako ni Sir. Hindi nya naman sinabi kung saan.
Nasa likod kaya sya?
Pero natigil ako nang may marinig na pagdaing. Mas lalo ko pang dinikit ang tenga ko sa pintuan at may naririnig nga akong parang nasasaktan.
Agad agad kong binuksan ang pintuan at nagpasalamat na hindi iyon naka lock. Nakita ko si Sir Joshua na nasa kanyang kama at pawis na pawis. Nakakunot ang noo nya habang bahagyang nagpapabaling baling ang ulo na para bang may hindi napapaginipang maganda.
Agad agad akong lumapit sa kanya at tinignan syang mabuti. Nataranta ako nang wala talaga syang tigil sa pagdaing.
"Sir," inalog ko ang braso nya. "Sir Joshua,"
Nakailang alog ako sa balikat at braso nya ngunit hindi pa rin sya nagigising. Patuloy sya sa pagdaing na para bang sinasaktan sya sa kanyang panaginip. Mas lalo akong nataranta. Gosh!
"Sir! Ano ba? Gumising ka nga!" Sigaw ko pa.
Pero wala pa rin talagang talab. Kaya naman mas nilakasan ko pa ang pag hampas at alog sa kanyang braso.
"Sir Joshua!"
Napadilat sya at napabangon nang hinihingal. Nagugulat akong natigil at napatitig sa kanyang mukha na para bang sumabak sya sa karera. Napakurap kurap ako.
"A-Ayos lang kayo, Sir?" Tanong ko.
Napatingin sya sa akin. Pawis na pawis ang kanyang mukha. At ang tingin sa kanyang mga mata ay kakaiba. Para bang natakot talaga sya sa kung ano mang nangyari sa kanyang panaginip.
"Sir?" Pagtawag kong muli nang tumitig lamang sya sa akin.
Hinawakan nya ang kanyang ulo at dumukmo sa kanyang tuhod. Mas lalo akong nag alala roon.
Ano ba kasing napaginipan nya?
Ilang sandali syang nasa ganoong ayos habang ako ay nakatingin lang sa kanya, hindi alam ang gagawin o sasabihin. Malalim at mabilis pa rin ang kanyang paghinga na para bang nakikita nya pa rin hanggang ngayon ang kanyang panaginip.
Unti unti kong inangat ang aking kamay at nilapat iyon sa kanyang likod. Tinapik tapik ko sya ng dahan dahan para pakalmahin.
"A-Ayos lang yan, Sir. May napaginipan po ba kayong hindi maganda?" Sambit ko.
Ilang sandali syang hindi sumagot at maya maya ay nag angat ng tingin sa akin. Nag abang naman ako sa kanyang sasabihin pero wala syang sinabi. Nakatitig lang sya at hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya.
Maya maya pa ay umiling sya at humiga ulit sa kama. Naiwan sa ere ang kamay kong tumatapik sa kanyang likod na agad ko ring binaba.
"What are you doing here?" Tanong nya na para bang walang nangyari, mabilis pa rin ang kanyang paghinga.
"P-Pinapatawag nyo daw po ako sabi ni Klara..."
Pumikit sya at huminga ng malalim, para bang pinapakalma ang sarili. Maya maya ay dumilat sya at tumingin sa akin.
"You can leave now. Magpapadala lang sana ako ng snacks,"
"G-Gusto nyo po dalhan ko po kayo--"
"Hindi na," putol nya. "Just leave,"
Napabuntong hininga ako at umayos ng tayo. Tinitigan ko sya habang sya ay seryoso lang ang paningin sa kung saan. Bahagya ring nakakunot ang noo na para bang galit sa kung saan.
Muli akong bumuntong hininga at kinuha ang upuan ng kanyang study table at nilagay iyon sa tabi nya. Napatingin sya sa akin habang ginagawa ko yon. Hindi ko naman pinansin ang nakakunot nyang noo at umupo na lamang sa upuan.
"What are you doing?" Kunot noo nyang tanong.
"Umuupo, Sir," kaswal kong sagot.
"And why are you sitting there? I told you to leave,"
"Sasamahan po kita, Sir,"
"And why?" Kunot noo nya paring sabi.
Bumuntong hininga ako. "Babantayan ko po kayo,"
"At bakit mo ako babantayan?"
"Tsk," umirap ako. "Bakit ba ang dami nyo pang reklamo? Matulog na nga lang kayo dyan,"
"Do you think I can sleep when you're here? Leave," masungit nyang sabi tsaka nag iwas ng tingin.
"Psh," asik ko tsaka sumandal sa upuan at humalukipkip, walang balak umalis.
Dahil doon ay muli syang tumingin sa akin. Inis na sya. "Ano bang ginagawa mo?"
"Sasamahan nga kita, Sir,"
"Why?"
"Para hindi na kayo makapanaginipan ng masama," ngumiti ako.
Mapakla syang natawa. "Do you think that will help?"
Ngumuso ako. "Kapag po kasi may napapaginipan akong masama, binabantayan ako ng Papa ko. Hindi sya natutulog hanggat hindi ako nakakatulog. Binabantayan nya ako kahit pa mapuyat sya," yumuko ako sa mga daliri ko. "Hindi na ako nagkakaroon ng panaginip na hindi maganda sa tuwing ginagawa nya yon. Kaya gusto ko lang rin sanang gawin yon sayo, baka sakaling gumana rin at makatulong..."
Kinagat ko ang aking labi nang maalala ang mga pangyayaring yon, kung saan palagi nya akong binabantayan para hindi na ako matakot at para hindi na rin ako mapaginipan ng masama. Nakakalungkot balikan pero masaya ako na ginagawa ko sa iba ang ginagawa nya sa akin noon.
Psh. Sana lang hindi na magsungit si Sir Joshua. Ako na nga itong tumutulong, eh.
Hindi sya nagsalita ng ilang sandali kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. Agad syang nag iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin, para bang kanina pa sya nakatitig. Muli syang tumingin sa kung saan nang nakakunot ang noo, para bang galit talaga.
"Whatever..." anya.
Ngumiti ako at wala nang sinabi pa. Psh. Papayag rin naman pala, ang dami dami pang sinasabi.
Nanatili ako roon hanggang sa pumikit na sya. Nang dahil roon ay nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan sya.
Napaka amo ng kanyang mukha kapag natutulog. Gusto ko tuloy hilingin na sana palagi nalang syang natutulog.
Natawa ako sa naisip.
Pero totoo, sobrang amo ng kanyang mukha. Maamo na parang galit, alam mo yun? Pinaghalong mukha ni Ma'am Juliette at Sir Nicolas ang kanyang mukha. Cute rin syang tignan sa ibang anggulo at kapag naman kaharap mo ay sobrang gwapo.
Psh. Hindi ko sya type, ah? Ang sama kaya ng ugali nyan. Pinapahirapan ako lagi tapos nagawa pa akong patirin dahilan para makaharap ko ang pinto ng kamatayan. Mabuti nalang at hindi ako nakapasok. Psh. Gwapo lang talaga sya.
Napatitig pa ako sa kanya ng ilang sandali. Halatang malalim na ulit ang kanyang pagtulog at sa hindi malamang dahilan ay bahagya akong napangiti.
Kung hindi lang siguro ganito ang ugali nya, kung mabait lang sana sya sa akin at sa iba. Siguro may posibilidad rin na... magkagusto ako sa kanya.

Bình Luận Sách (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất