logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Choosing my Dreams (Book One)

Choosing my Dreams (Book One)

jhelly_star


SIMULA

Simula
Job
--
Naghikab at nag inat inat ako ng katawan habang nakapikit na napangiti sa ganda ng gising ko. Nilingon ko si Amara, ang kapatid ko, sa gilid ko na mahimbing na natutulog. Nilingon ko rin si Mama na nasa gilid ko na mahimbing ring natutulog.
Ngumiti ako at bumangon na sa banig na hinihigaan namin. I stretched one more time before standing up and straightening up. Pagkatapos mag ayos nagluto na ako ng agahan.
"Amara, gumising ka na dyan. Tatanghaliin ka sa school!" Gising ko sa kapatid ko pagkatapos magluto.
Nilagay ko ang sinangag na nakalagay sa malaking plato sa lamesa at tinignan ang kapatid kong nakaupo na at nagkukusot ng mga mata.
Ngumiti ako. "Good morning, napaka ganda kong kapatid! Bumangon ka na dyan at mag ayos."
Tinignan nya ako. "Sobrang aga pa, ate."
"Hayaan mo na. Napaka bagal mong kumilos kaya tumayo ka na dyan."
Bumangon na rin si Mama maya maya dahil siguro sa ingay ng bunganga ko. Inaya ko na rin syang kumain para sabay sabay na kami.
"Maglalabada ka ba ngayon, Ma?" Tanong ko. Nasa harap na kami ng hapag kainan.
"Titignan ko pa kung may magpapalaba, anak. Biyernes naman ngayon," sagot ni Mama.
"Wag na muna kayong magtrabaho ngayon. Tutal nung miyerkules at webes nagtrabaho ka naman na buong araw. May kaunting pera na tayo kaya magpahinga ka na muna."
"Oo nga, Ma," anang walang emosyon kong kapatid. "Wala ka nang pahinga palagi."
Natawa si Mama sa amin. "Ito namang mga anak ko. Eh, para sainyo naman itong ginagawa ko."
"Naiintindihan naman namin yon, Ma. Ang sinasabi lang namin ay magpahinga ka naman kahit isang araw lang," ngumuso ako. "May pera naman na tayo ngayon dahil sa pagtatrabaho nyo kahapon at nung isang araw."
"Oo na, oo na," tumawa sya muli. "Hindi na ako magtatrabaho ngayong araw."
Pagkatapos naming kumain naligo na kami. Naunang naligo si Amara sa akin. Naghintay lang ako sandali at nang matapos sya ako naman ang sumunod. I wore my uniform and shoes. Nag suklay, nagpabango, kaunting pulbos at pagkatapos noon kinindatan ko ang sarili sa salamin.
"Tsh. Ang arte mo, ate. Tabi nga," si Amara at bahagya akong tinulak para makapag suklay sya sa harap ng salamin.
Sumibangot ako. "Grabe naman to! Ngayon na nga lang ako umaarte! Che!"
"Hoy, mga kapitbahay! Oras na ng pag alis!" Narinig ko na ang maingay na bunganga ng kaibigan kong si Thea sa labas.
Ngumuwi ako.
"Bilisan mo dyan. Nandyan na ang maingay," sabi ko kay Amara at nauna nang lumabas.
"Amora!" Sinalubong ako ng yakap ni Thea.
Tumawa ako. "Parang ano naman to. Miss na miss mo na ako agad? Magkasama lang tayo kahapon!"
"Ayaw mo nun? May isang dyosang nakakamiss sayo?"
Inirapan ko sya at humalakhak. Sabay sabay kaming naglakad papasok sa school. Inakbayan ko ang kapatid kong nakahalukipkip lang at seryoso ang mga matang nakatingin sa kalsada.
"Hoy, Amara," pagtawag ni Thea sa kapatid ko. "Nakita kita kahapon na may kausap na lalaki, ah? Binibigyan ka ng bulaklak pero ayaw mong tanggapin? Sino yon, ha? Ikaw, ah!" Nanunukso nyang sinabi.
Kumunot ang noo ko. "Sino yon?" Tanong ko din.
"Wala yon. Nangungulit lang. Tinanggap ko na rin naman ang bulaklak dahil napapahiya na."
"Whoa! Grabe ka naman sa tao!" Humalakhak si Thea. "Pero ayos lang yon. Apir tayo dyan!"
Nag apir silang dalawa. Ngumisi si Amara nang makitang salubong ang kilay ko.
"Diba sabi ko kahit hindi mo gusto ang lalaki dapat hindi mo pa rin pinapahiya?"
"Hindi ko naman sya pinahiya. Tinanggap ko nga yung bulaklak, diba?"
"Tss. Sige ka. Baka tumatanda kang dalaga nyan."
Ngumisi lang sya at hindi na sumagot. Nagkulitan nalang kami ni Thea at nag usap sa kung ano ano.
"Hi, Amora!" Marami agad ang bumati sa akin pagdating sa school.
"Hello!" Bati ko rin.
"Grabe, hindi pa rin talaga nababawasan ang mga taga hanga mo, Amora," si Thea.
"Syempre, noh. Dyosa yata to."
"Sus!" Inirapan nya ako.
Humalakhak ako at sinalubong ang iba pa naming mga kaibigan. Una si Pearl, ang maingay, maarte at mayaman naming kaibigan.
Sunod naman ay si Bea, ang study first at maingay rin naming kaibigan. Mayaman rin ang isang ito.
Sunod ay si Sofia, ang lalakero at maarte naman naming kaibigan. Mayaman rin.
At si Joy na mahinhin at pag aaral lang ang nakikitaan ng interes sa buhay. Syempre, mayaman rin.
"Tignan mo yung isang yon, may bago na namang boyfriend," si Bea at nginuso si Sofia na nakikipag landian sa boyfriend nya.
"Hayaan nyo na," sabi ko. "Kapag nakahanap yan ng katapat, magsisisi yan sa mga pinag gagagawa nya."
Humalakhak si Pearl at lumingon sa gawi ni Sofia. "Hoy, Sofia! Halika nga rito!"
Lumingon si Sofia sa gawi namin. She said goodbye to her boyfriend. She kissed him on the lips before walking towards us.
"What? Abala naman kayo," si Sofia sabay irap.
"My gosh! Hindi ka ba titigil sa panlalalaki mo? You're hurting them!" Si Bea.
"They deserves it! Ano ba? Halika na nga. Pumunta na tayo sa classroom. Mala-late na tayo."
"Seriously, Sofia? Hindi lahat ng lalaki katulad nung ex boyfriend mo," si Joy.
Bumuntong hininga si Sofia at umirap. "Whatever."
"Huy," bulong ko kay Joy. "Bakit mo naman sinabi yon?"
Bumuntong hininga lang si Joy at nagkibit ng balikat.
I sighed and just shook my head. Nagdaan ang mga oras na puro kulitan lang ang ginagawa namin. Hindi naman minasama ni Sofia ang sinabi ni Joy kanina dahil nagkakasiyahan pa rin naman silang dalawa. Pero alam kong naapektuhan pa rin doon si Sofia, hindi nya lang pinapahalata.
"Bea, sinabi ngang hindi ako marunong dyan," sabi ko at sumubo sa pagkain ko. Nandito na kami sa canteen at kumakain.
"Liar. Ang taas taas kaya palagi ng grades mo sa science! Dali na!" Ginalaw galaw nya ang braso ko kaya medyo nagulo ang pagkain ko.
Iritado ko syang tinignan. "Tinatamad nga kasi ako!"
Ngumuso sya at tumigil sa pag galaw sa braso ko. "Napaka takaw mo talaga. Kapag pagkain ang kaharap mo, wala ka nang ibang nagagawa o nakikita manlang. Tsh!"
"Ano ba yan?" Tumatawang ani Pearl. "Let me see!"
"Marunong ka ba?" Mataray na ani Bea. "Diba bagsak ka sa science?"
"Excuse me? Kailanman hindi ako bumagsak sa lahat ng subject! Tutulungan na nga kita, eh, ayaw mo pa."
Ngumuso si Bea. "Sige na nga. Turuan mo ako mamaya, ah!"
"Oo!"
"By the way, bakit hindi mo naman sinabi sa amin na nagtayo pala kayo ng coffee shop sa Manila, Beatrice? Hindi tuloy kami nakadalo," si Sofia.
Nagulat ako roon. "Talaga?"
Umirap si Bea. "Duh! Kumalat na ang balitang iyon hindi pa man kami nakakapag patayo. Masyado kasi kayong busy sa pag aaral."
"Whoa!" Si Pearl. "Punta tayo next time!"
"Sus!" Ngumisi si Thea. "Gusto mo lang pumuntang Maynila, eh."
Nanlaki ang mga mata ni Pearl. "Hindi, ah!"
Humalakhak kami at tinukso sya. "Weee?"
"O-Oo nga! Bakit ganyan kayo?" Ngumuso sya.
"Naku, Pearl. Tigil tigilan mo kami dyan sa pasimple mong the moves. We know you just want to go to Manila because you want to see your crush actor," si Sofia.
Bumusangot si Pearl. "Kayo naman. Syempre... ang tagal na kaya nung huli ko syang nakita..."
We laughed and continued teasing her. I guess we are the only ones who are noisy here in the canteen. The other students were just eating quietly. Tsaka maliit lang rin kasi ang canteen namin, hindi ganon karami ang nakakakain. Yung iba sa classroom nalang nila kumakain.
"Narinig ko kanina sila Liam na nag uusap. Ian is planning to court you," kinikilig na bulong sa akin ni Thea.
"Ian?" Taka kong tanong.
"Oo. Katabi lang natin yung classroom nila. Yung mahiyain na palaging tinutukso sayo?"
"Naku! Talagang binalita mo pa yan, Thea?" Ngumisi si Sofia. "Sanay na si Amora sa mga ganyan kaya hindi na sya magugulat dyan."
"Oo nga. Napaka daming manliligaw nyan. Hindi naman sinasagot!" Si Pearl.
"Eh, ano namang masasabi mo, Amora?" Tanong ni Joy.
Nagkibit balikat ako. "Hayaan nalang natin."
Ngumuso si Thea. "Wala ka bang balak magpaligaw? Ang dami mo nang binasted, ah? Halos lahat yata nung nanligaw sayo hindi mo sinagot."
Humalakhak si Joy. "I'm sure nagdadalawang isip na si Ian ngayon."
"Right!" Humalakhak rin si Bea. "I'm sure you won't let him court you too, right?"
Tumango ako. "Gusto ko munang unahin ang pag aaral ko. Darating din naman tayo dyan."
"That's my girl!" Inakbyan ako ni Bea.
As we expected, Ian's group was waiting at the door of our classroom. I don't really know him. Pero ang sabi ni Thea ay yung palaging tinutukso sa akin kaya siguradong sya na ito.
My classmates screamed as they pushed Ian closer to me. This is the man I hear who likes me. But I'm not really interested.
Wow! Ang ganda mo naman pala, Amora!
Pero totoo yon. Ayaw ko munang magpaligaw. Gusto ko munang mag aral ng mabuti nang makatulong ako kay Mama sa lalong madaling panahon.
"H-Hi..." nahihiyang bati ni Ian. Nagkamaot sya ng kanyang ulo.
Ngumiti ako. "Ian."
Muling naghiyawan ang mga kaklase namin. Tinutukso sya dahil alam ko ang pangalan nya. Nasa likod ko lang naman ang mga kaibigan ko, nanonood sa mga mangyayari.
"G-Gusto ko lang sanang ibigay sayo to..." inabot nya ang isang pink na card.
Narinig ko agad ang bulungan ng mga kaibigan ko sa likod, naghahagikgikan sila.
Kinuha ko yon at ngumiti sa kanya. "Salamat..."
"Grabe! Ang cheap naman! A love letter? Gosh! Maka luma pala ang Ian na yon!" Iirap irap na sinabi ni Sofia.
Uwian na ngayon. Dumating na kasi ang teacher kanina kaya hindi na nasabi pa ni Ian yung mga gusto nyang sabihin sakin. Hindi na rin namin napag usapan ang tungkol roon at ngayon nalang ulit nagkaroon ng pagkakataon.
"Grabe naman kayo!" Singhal ko. "Pinaghirapan to nung tao, oh!"
"Oo nga pero... hindi ba parang masyado namang... cheap?" Nandidiri pang sinabi ni Bea.
"Tsh," inirapan ko sila at binuksan nalang ang letter.
Nakichismis sila agad.
"Oh, eh, akala ko ba cheap to? Wag nyong basahin!"
"Ito naman! Syempre curious pa rin kami sa kung ano man ang laman nyan! Dali na!" Si Pearl.
Inirapan ko nalang sila ulit at hinayaan silang makibasa. Alam kong dapat private lang to pero kahit ano namang gawin ko alam kong hindi ako titigilan ng mga yan kapag hindi ko pa pinabasa. Baka nga hindi pa sila umuwi. Tsh.
"Dear, Amora..." humagalpak sila sa unang basa palang ni Bea.
"Ano ba!" Inis kong singhal sa kanila. "Wag nyo namang insultuhin! Kapag kayo nainlove, baka gawin nyo rin to!"
"Ah, no. I will never do that," iling agad ni Sofia, natatawa pa rin.
"Me too," iling rin ni Joy.
Grabe tong mga to. Mga bwisit. Lalo na itong si Sofia. Naku! Kapag talaga nagkagusto ito ng totoo? Sigurado akong aayawan sya nun!
"Pasensya ka na kung nahihiya ako sayo. Pasensya na rin kung nalaman mo sa iba ang nararamdaman ko. Gusto ko sanang sakin mo unang malaman pero kumalat na agad dahil sa mga kaibigan ko. Pasensya na. I'm sorry. But I still want you to know from me that I like you. I like you, Amora. Gustong gusto. So please give me a chance to court you. I will admit that I was a little hesitant to court you because of the men you disliked and I'm afraid you might dislike me too but I would still hope. I hope you allow me to court you. Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapasagot. Nagmamahal, Ian..." humagalpak muli ng tawa si Bea. Sumunod na rin ang iba sa kanya.
Hinablot ko nalang sa kanya ang letter at nilagay sa bag ko. Mga bwisit na to. Kapag sa kanila nangyari to, sigurado akong pagsisisihan nila to. Tsh.
"Grabe!" Halos mamatay sa kakatawa si Sofia. "Napaka agrisibo sa sulat pero napaka mahiyain sa personal!" Humagalpak sya ng tawa. "His ass sucks!"
"Tsk. Tumigil ka na nga. Ang sama ng bunganga mo, ah. Wag nyo nang insultuhin!" sabi ko.
Pero nagpatuloy pa rin sila sa pagtawa. Ngumuso nalang ako at inirapan sila. Nakakainis. Pati si Joy nakisama na rin sa pagtawa nila. Grabe.
Nagpaalam na sina Sofia, Bea, Thea at Joy nang makarating kami sa tapat ng practice room. Kami ni Pearl maiiwan rito para mag practice ng sayaw. We are part of the dance troupe. We will practice for the christmas party at twenty one. Magpapasko na.
Binati kami ng iba pa naming mga kasamahan sa dance troupe pagkapasok namin. Agad kaming nagbihis ni Pearl ng pampractice. At nang matapos ay nagsimula na ang leader namin sa pagtuturo.
"Amora, Pearl, Rain at Yuna, kayo ang magkakasama sa iisang grupo since kayo ang pinaka magaling sumayaw rito at madali rin kayong matuto. Kayo rin ang tuturuan ko. Yung iba ay iba ang magtuturo, okay?" Anang senior na leader naming si Jackie.
"Opo!" Sagot namin.
Our practice began. We will dance a Christmas song. Jackie mixed the music to make it lively and sound rock for the dance break we were supposed to do. And for the dance break, I was supposed to be in the front.
We practiced there for over an hour. Medyo sandali lang dahil kauumpisa palang magpractice. Sa susunod na mga araw medyo gagabihin na.
Nasa kalahati na ng kanta ang nagawa naming steps dahil nga madali lang naman kaming turuan. We can easily pick up the steps.
"Great job, guys! Sa lunes ulit!"
Nakangiti kaming lumabas ni Pearl sa practice room. Pawis na pawis pa kami dahil napaka bilis at napaka hirap ng mga steps.
"Grabe! Napagod ako," si Pearl.
Humalakhak ako.
"Ano? Dito ka muna? Pwede kitang isabay rito?" Si Pearl nang makarating kami sa labas at nandoon na ang sundo nyang kotse.
Umiling ako. "Hindi na. Hihintayin ko pa si Amara. Sumali sya sa quiz bee, eh."
"Oh," tumango sya. "Okay! See you on monday, then!"
Kumaway ako sa kanya. At nang tuluyan nang makalayo ang sasakyan nila ay sumandal ako sa pader na nasa gilid lang ng gate ng school.
While waiting for Amara, I saw a black van approaching our school. It stopped in front of our gate.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka kung sino yun.
Sa ganda kasi ng van, feeling ko mayaman ang may ari nito. Hindi sya bagay sa school naming hindi ganon kagandahan. Hindi naman sa minamaliit ko ang school namin. Pero sobrang gara kasi ng kotse. Halatang mayaman talaga ang may ari. Sobrang kintab.
Bumaba roon ang isang babaeng siguro ay kaedad lang ni Mama. Nakapula syang dress na hanggang ankle nya ang haba, pula rin ang mataas nyang heels. Ang labi nya ay may pula rin na lipstick. Tapos may kulay pula rin syang sumbrero. May nakapayong sa kanyang mukhang isang bodyguard, nakasalamin ito at derestso lang ang tindig.
Pero naalis ang atensyon ko sa kanila nang isang matandang babae ang lumapit sa akin. Hirap na syang maglakad, bahagya na rin syang nakakuba, marumi ang buong katawan at walang sapin ang mga paa.
Agad agad akong lumapit nang akma syang matutumba. "Hala! Lola, ayos lang po ba kayo?"
"Ayos lang, hija. Salamat..." anya.
"Mag iingat po kayo sa susunod, lola. Marami pong bato rito, baka masugatan ang paa ninyo."
Nag angat sya ng tingin sa akin. Ngumiti sya at tumango. Humawak sya sa tyan nya at nagsalita.
"Maaari mo ba akong bigyan ng kaunting pagkain o maiinom manlang, hija? Gutom na gutom na kasi ako..."
Agad akong nataranta sa sinabi ni lola at nahugot sa aking bulsa ang pera kong bente pesos nalang. Baon ko pa ito dapat bukas pero nakaka awa masyado si lola para baliwalain.
"Sige po, lola. Ibibili ko po kayo ng pagkain. Upo muna po kayo rito," inalalayan ko syang umupo sa malaking bato roon. "Babalik din po ako agad!"
Agad akong naglakad papunta sa fishballan na nandoon. May mga tinda rin silang tinapay kaya yung tinapay nalang ang binili ko imbes na fishball, gutom si lola kaya hindi dapat fishball ang kainin nya. Binili ko rin sya ng juice at pagkatapos noon ay bumalik na ako kay lola.
"Ito po, oh. Pasensya na po kung iyan lang, wala po kasi ako masyadong pera ngayon," sabi ko at inabot sa kanya ang pagkain.
"Maraming salamat, hija. Sapat na sa akin ito. Maraming salamat..."
Ngumiti ako at tumango. Kinagatan nya ang tinapay at mas lalo akong ngumiti.
"Hija?"
I jumped in shock when someone suddenly spoke behind me. Nagugulat akong napabaling sa babaeng maganda at nakapula na lumabas kanina roon sa magandang van. Napakurap kurap ako. Hindi ko napansin na lumapit pala sya sakin.
Ngumiti sya. "Napaka bait mo naman..."
"A-Ah..." umayos ako ng tayo at nahihiyang ngumiti sa kanya. "S-Salamat po..."
"What's your name, hija?"
"P-Po?" Natigilan ako sa biglaan nyang tanong.
"What's your name?" Ulit nya.
"Uh..." nakamot ko ang ulo ko. "Amora po. Bakit po?"
Ngumiti sya muli. "Amora. Napaka gandang pangalan..."
Awkward akong ngumiti. "Ah, eh, salamat po..."
Ang weird naman. Bakit nya tinatanong ang pangalan ko?
"Do you mind if I offer you something?" Tanong nya.
"Uh..." hindi agad ako nakapag salita. Naguluhan na naman ako sa tanong nya. "A-Ano po yon?"
"Do you want to have a job?"
Natigilan ako. "J-Job? Trabaho po?"
"Yes," napaka ganda nyang ngumiti. "My son needs a personal maid. Gusto sana kitang kunin."
"P-Po? P-Personal maid?" Gulat ko na namang tanong.
Tumango sya at inabot sa akin ang isang card. "Pasensya na kung biglaan. But you still have time to think. Just call me if you have already made a decision. Okay?"
Napatingin ako sa card na inaabot nya. Napatingin ako sa kanya pagkatapos ay balik ulit sa card. Napalunok ako at dahan dahan iyong tinanggap.
Marami akong tanong tulad ng 'bakit ako?' eh ang dami dami namang iba dyan. Tsaka kakikilala palang namin. Kakikita ko pa nga lang sa kanya. Kaya bakit nya ako kinukuha? Pero dahil naisip ko ang kahirapan ng buhay namin, tinanggap ko nalang ang card nang walang tanong at pag aalinlangan.
Mas lalo syang napangiti. "I will wait for you, hija."
Tinitigan ko ang card. May number roon. Contact number nya panigurado. Nakalagay rin roon ang pangalan nya.
Juliette Salvador.
"I'm sorry if I'm in a hurry. I need to go inside the school," muli syang ngumiti. "Again, I will wait for you, Amora..."
Pinanood ko syang pumasok sa loob ng school namin habang nakapayong pa rin sa kanya ang kanyang bodyguard.
Muli akong napatingin sa card na kanyang binigay tsaka napalunok.
Personal maid?

Bình Luận Sách (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    18d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    23d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất