logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6

CHAPTER 6
Natapos ang paggagamot niyang iyon at umalis na siya sa harap ko para ibalik ang medicine kit.
Pagbalik niya nagsalita ako. "Drew akala ko ipapalaundry mo na ang damit ko? Kailangan ko na kasing makabalik sa karenderya eh," malumanay kong ani.
"You will not going back there, may pinabili na akong damit para sayo." maawtoridad niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, akala mo kung sinong tatay ko kung makapagbawal.
"Bakit ikaw ang nagdedesisyon sa akin? Kailangan kong bumalik doon dahil sayang ng kikitain ko," inis kong buntong sa kanya.
"I will give you money kung iyan ang ang pinoproblema mo, basta hindi ka muna babalik doon!" galit niyang saad.
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Naiinis ako, Naikuyom ko nalang ang kamao ko.
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Ng may nagdoorbell. Agad siyang tumayo at lumapit doon. Binuksan ang pinto, lalaking nakaunipormeng puti na may dalang mga paper bags at supot. Pagkabigay sa kanya niyon, nagpasalamat siya at umalis na iyon.
"Let's eat before you go," mahinahon niyang sabi at inilapag niya ang inorder niyang pagkain sa dining table.
Oo nga pala, tanghali na kaya nagugutom na ako.
Tumayo na ako at lumapit. Tinulungan ko na siyang maghain.
Kumain kaming hindi nagiimikan. Kutsara at tinidor lang ang naririnig ko at kalansing ng plato. Nasa tapat ko siya at nakayuko lang ako habang kumakain hanggang sa matapos. Ako na ang naghugas ng pinggan.
Parang ang ganda tumira sa ganito, ang gaganda ng kagamitan at ang lilinis, nakalagay ang lahat ng gamit sa maayos na lalagyan.
Pagkatapos ko doon lumabas na ako ng kusina at nakita siyang nakaupo sa sofa habang may kinakalikot sa cellphone. Umangat siya ng tingin.
"Wear this para mahatid na kita pauwi." sabi niya at inabot ang paper bag sa akin. Agad ko namang kinuha iyon at nagmartsa na ako papuntang banyo. Nagulat pa ako ng makita ko ang laman. Tatlong pares ng underwear. Bakit ang dami yata? Namula ako, ang driver niya ang bumili nito? Nakakahiya. Tinignan ko ang isang paper bag, Isang skinny jeans at blouse na puti na mukhang branded. Isusuli ko nalang ito sa kanya.
Dali-dali na akong nagbihis para makauwi na ako. Paglabas ko, nakita ko naman ang mapanuri niyang titig sa akin mula ulo hanggang paa.
"Ah Drew, isusuli ko nalang ito kapag nalabahan ko na."
"Sayo na yan, hindi ako nagsusuot ng ganyan," inis niyang sabi at tinalikuran na ako. Natawa ako sa sinabi niya..
Pinahatid ako ni Drew sa driver niya dahil may emergency daw sa office niya. Natawa pa ako ng maalala ang pag uusap namin kanina.
"Ah Drew, isusuli ko nalang ito kapag nalabahan ko na."
"Sayo na yan, hindi ako nagsusuot ng ganyan." inis niyang sabi at tinalikuran na ako. Natawa ako sa sinabi niya.
"Hoy pwedi naman to masuot ng girlfriend mo ah, kung sakaling ka size ko." natatawa kong saad.
Lumingon siya saakin na madilim ang mukha. Nakagat ko nalang ang pang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko.
Napailing nalang ako sa naalala. Bakit ang sungit ni Drew ? Siguro meron siya ngayon! Natawa nalang ako sa naisip.
Pagpasok ko ng bahay si Ramona agad ang bumungad sakin at nagulat pa ang bakla.
"Ohmygeee! Anong nangyari sa suot mo bebe girl? Ang ganda mo! Mukha ka nang babae. Namaligno ka ba ha? O nakapag isip-isip kana na kailangan mo ng magbago para makabingwit kana ng mayamang foreigner?" Gulat na bungad niya sa akin.
"Baka ikaw ang namalignong bakla ka, kahit ano na lang ang napapansin mo sa'kin," napapagod kong wika sakanya. Wala akong gana sa kalokohan niya.
Umikot ikot pa siya sakin at tinitignan ang etiquette ng damit kong suot. Parang nagiinspection.
"Ano ba Ramon!" asik ko at tinapik ang kamay niya sa damit ko.
"Aba! branded, mukhang mahal ah, saan galing?"
"Wala kana dun!" at nilayasan ko na siya at pumunta sa kwarto ni lolo. Naabutan ko siyang tulog kaya lumabas ulit ako.
"Teka, anong nangyari sayo at may sugat ka sa bibig at namamaga?" nagaalala niyang tanong ng matignan ni Ramona ang mukha ko.
Hinawakan ko iyon, oo nga pala nakalimutan ko na may sugat pala ako.
Huminga muna ako bago ng salita. "May nambastos kasi sakin sa karenderya, pero okay naman na ako." hindi na siya nakapagtanong pa ng iwan ko na siya.
"Magpapahinga na muna ako" at agad na akong pumasok sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan sa manipis kong foam na higaan. Bumigat ang talukap ko at nakatulog na.
DREW
It's evening now, but I don't feel like going home. I'm here at my office massaging my temple. I'm exhausted and my mind was occupied the whole time thinking of Isay. I heavily sigh.
I think I need a drink to sleep peacefully the whole damn night! I get my coat and I walked out the door of my office and I drive my car heading to the bar.
As I walk inside bar. The dim light and loud music occupy the whole place that makes the people their getting wild there.
I sat at the bar counter and ask for my favorite drinks.
Nang  mainom ko na iyon, someone sit beside me.
"Hey! Why the demi God like you drinking alone here. Can I join you?" she ask in a sexy voice. She is sexy as I look at her body. But I don't mind looking at her face. I nod.
Wala ako sa mood makipagflirt sa babaeng ito kaya I drink silent on my own. Kinakausap niya ako but I answered her a nod or a smile. Maya-maya lang iniwan ko na siya. He shout in frustration at me, but I didn't care.
ISABEAU
Nagising ako isang umaga, hindi muna ako bumangon. Naisip ko si Drew, hindi ko na siya nakita, limang araw na ang nakakaraan noong nakapunta ako sa condo niya. Nasaan kaya ang kanong iyon? ah siguro busy.kausap ko sa sarili ko.
Bumangon na ako at nagligpit ng higaan. Dahil linggo  ngayon wala akong  trabaho. Buti na lamang hindi na bumalik sa karenderya iyong nambastos sa akin noong nakaraang araw, kung hindi irereklamo ko talaga sila sa baranggay.
Balak kong isama si Lolo sa pagsimba ngayon.
Lumabas na ako ng kwarto dahil magluluto na ako ng agahan, nakita ko pa ang nakangangang si Ramona habang natutulog sa sala sa mahabang upuang kawayan.
Sana pasukan ng langaw ang bibig niya.Saad ko sa isip ko. Tawang-tawa ako sa kanya.
Nakangiti ako habang nagluluto dahil kay Ramona. Pagkatapos kong maghain sa hapag, naglakad na ako patungo sa kwarto ni Lolo para gisingin na siya at makapagsimba kami ng maaga.
Pagpasok ko, agad akong lumapit sa kanya. "Lo, gising na, mag-aalmusal na po tayo para makapagsisimba tayo ngayon, " gising ko sa kanya at tumingin sa katawan niyang nakatalukbong ng kumot. Hindi siya nagmulat.
Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan niya. Agad bumalong ang kaba sa aking dibdib ng hindi ko siya magising.
"Lo!" naiiyak ko ng tawag.  Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Hinawakan ko ang kamay niya, Malamig iyon pero mainit ang noo niya.
Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.
"Ramona! Gising! Tulungan mo ako si Lolo!" malakas kong tawag sa kanya kaya agad naman siyang napabangon ng wala sa oras.
"Tumawag ka ng tricycle, dadalhin natin si Lolo sa hospital!"agad naman siyang tumalima at lumabas ng bahay.
Pinuntahan ko ulit si Lolo. Hindi ko talaga siya, magising.
"Lolo gising!" umiiyak kong tawag sa kanya.
------------------
Nadala agad namin si lolo sa hospital. Sabi ng doctor inataki daw si Lolo kanina dahil sa sobrang taas na ng BP niya. Mabuti na lang at nadala namin agad kung hindi baka na-stroke na si Lolo . Malala na din daw ang sakit ni Lolo sa baga niya. Nagkaroon siya ng Pneumonia at kailangan ng operahan.
Malaking halaga ng kakailanganin ko sa pagpapaopera kay Lolo, hindi ko alam kung saan ako huhugot o uutang ng ganong halaga. At saka wala din akong maayos na trabaho para makabayad ako.
Nakatingin ako ngayon sa nakahigang si Lolo, hinahawakan ko ang kamay niya.

Diyos ko sana gumaling na si Lolo , siya nalang ang meron ako. Tulungan niyo din po ako na makahanap ng paraan para mapaopera ko siya. Taimtim kong panalangin.
Ako muna ang nagbantay kay lolo dahil pinauwi ko muna si Ramona para kumuha ng gamit namin, at pagkain narin dahil gabi na.
Maya-maya lang dumating na siya.
"Hoyy ikaw na babae ka, hindi ka nagsasabi sa akin na nakabingwit kana pala ng foreigner ha!" bungad niya sa akin. At inilagay na ang mga gamit namin sa ibabaw ng mesang naroon.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Masyadong maiskandalo ang bibig nito, nasa isang kwarto pa naman kami na marami ang pasyente dahil hindi namin kaya ang presyo ng private room dito sa hospital. Napatingin tuloy sa amin ang mga naroon.
"Ano naman ang pinagsasabi mo diyan!" inis kong baling sa kanya.
At nakita ko ang isang bulto na inisip ko kaninang umaga at nasa harapan ko na ngayon.
"Drew." bulong kong sabi, habang nakatitig sa kanya.

Bình Luận Sách (378)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    hehehe

    11h

      0
  • avatar
    CruzCris ian

    500

    1d

      0
  • avatar
    AboyMaryann

    sobrang ganda

    1d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất