logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 Five

𝗦𝗛𝗔𝗜𝗥𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩
Sinundan ko si Ashton sa kwarto niya.
Okay lang kaya siya? Nagaalala ako sa kanya.
"Ash?" tawag ko sa kanya habang binubuksan ko ang pinto ng kwarto niya.
Walang Ashton na sumagot kaya pumasok nalang ako, pagpasok ko sa loob naabutan ko siya na nakahiga sa kama kaya nilapitan ko siya.
"Ash, masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ko habang umuupo sa gilid ng kama niya.
Bigla naman itong nagmulat. "Ayos lang ako" mahinang sagot nito.
Humaba ang nguso ko ng marinig ang mahinang sagot nito. "Hindi ka maayos, tingnan mo nga yang mukha mo, namumutla" saad ko habang sinusundot sundot ang pisngi niya.
"Masakit ba ang tiyan mo?"
"Huwag kang magalala, ayos lang ak--" sagot nito.
"Teka!" pigil ko sa pagsasalita niya.
"Dahil ba to sa pinakain ko sayo?" puno ng pagaalalang tanong ko.
Narinig kong napabuntong hininga ito. "Nakainom na ako ng gamot kaya huwag ka ng magalala"
"Kahit na, kasalanan ko parin--"
Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko.
"Ginamot mo na ba tong sugat at mga paso mo?" biglang tanong nito habang sinusuri ang parte ng kamay ko na nasugatan kanina.
Nakita pala niya.
"Ginamot ko na yan" imporma ko sa kaniya.
Hinaplos nito ang palad ko. "Sa susunod huwag ka ng magluto" seryosong saad nito.
Kaagad naman akong napangiti.
"Nagaalala ka ba na baka masugatan na naman ako sa susunod?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
Kaagad naman itong umiling. "Hindi ako nagaalala sayo, nagaalala ako sa sarili ko. Baka kasi sa susunod, hindi lang sakit sa tiyan ang abotin ko dahil sa pagluluto mo" saad nito na ikinasira ng mukha ko.
"Ang sama mo, huwag kang magalala kasi sa susunod--" Bigla akong napahiyaw ng bigla nitong hinila ang kamay ko, dahilan upang napadagan ako sa kaniya.
Ipinulupot nito ang braso sa beywang ko. "Huwag kang malikot, sumasakit ang tiyan ko" saway nito.
"Mas lalong sasakit ang tiyan mo kasi nakadagan ako sayo" nakabusangot na sagot ko.
Bumuntong hininga ito. "Tumahimik ka nalang jan,  baka nakakalimotan mo, kasalanan mo kung bakit sumakit ang tiyan ko" pangungunsinsiya nito.
"Ang weird mo" imporma ko sa kaniya. "At teka nga! Luwag luwagan mo nga ang pagkakayakap sa akin, hindi ako makahinga! pagangal ko.
Tumawa ito ng mahina. "Para lang akong nakayakap sa isang walis ting ting" pangungutya nito sa akin.
Wala sa sariling napatingin ako sa braso. "Hoy Ashton, hindi pa ako ganyan ka payat!" pagangal ko sa sinabi niya.
Grabe naman yung walis ting ting.
"Naaalala mo pa nung mga bata pa tayo" biglang pag-iiba nito sa usapan.  "Gustong gusto mong niyayakap ako" natatawang saad nito.
Umikot naman ang mata ko ng dahil sa sinabi niya "Syempre naalala ko pa,  noong mga panahong gustong gusto kita na niyayakap, pero tinutulak mo ako kaya palagi akong nalalaglag mula sa kama! Alam mo bang ang dami dami kong mga bukol noong mga bata pa tayo dahil sayo" mahabang litanya ko.
Gumalaw ang balikat nito. "Para ka kasing bola noon, ang sarap mong pagulongin" natatawang saad nito.
Hinampas ko ang balikat niya kaya tumigil ito sa pagtawa. "Ang sama mo!" nakabusangot na anas ko.
"Pikon ka talaga"
"Iwan ko sayo!" saad ko at kaagad na umalis sa pagkakadagan sa kaniya,
sa hindi ko kasi malamang kadahilanan naging abnormal ang pagtibok ng puso ko.
Kailangan ko munang lumabas sa kwarto nato, para kasi akong nasapian ng pagiging Alien.
𝗔𝗦𝗛𝗧𝗢𝗡'𝗦 𝗣𝗢𝗩
Maayos na ang pakiramdam ko kaya bumangon na ako mula sa kama.
Mabuti nalang at okay na ang tiyan ko. Iba talaga ang tama ng halimaw na pinakain sa akin  ni Shaira.
I swear, kahit na maputol pa yang kamay ni Shai hindi na talaga ako kakain ng pagkain na niluto niya.
Baka kasi trip to cr na naman ang bagsak ko.
Hindi madali ang pinagdaanan ko ngayong umaga, kasi kung pwede nga lang sa banyo na ako magkampo,  gagawin ko talaga. Taga minuto nalang nagaalburoto ang tiyan ko.
Ang bagsik ng epekto ng luto ni Shaira.
Pagbaba ko mula sa kwarto ay dumeretso na ako sa kusina para uminom ng tubig.
Pero pagkapasok ko sa kusina ganun nalang ang pagputla ng mukha ko ng makitang naghahanda na naman ng pagkain si Shaira!
Tatakbo sana ako pabalik sa kwarto pero bigla itong bumaling sa gawi ko at nakita niya ako.
"Ash, maayos na ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong nito. "Upo ka dito, kailangan mong kumain,
nakatitiyak akong wala pang laman yang tiyan mo kundi puro gamot" paganayaya nito, pero nakaestatwa lang ako sa kinatatayuan ko habang namumutlang nakatitig sa lugaw na hinahanda niya.
Ayaw ko ng maranasan ang naranasan ko kanina.
Bigla itong napatawa habang nakatingin sa mukha ko. "Huwag kang magalala, hindi ako ang nagluto nito" imporma nito na ikinaginhawa ng pakiramdam ko.
Umupo ako sa kaharap na upuan. Nagugutom na din kasi talaga ako, naubos ata ang laman ng tiyan ko dahil sa kakabalik ko sa banyo kanina.
"Sino pala ang nagluto niyan?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Misteryosong ngiti lang isinagot niti sa akin.
Parang nakakaduda to.
"Binili mo ba yan?" tanong ko na naman sa kanya.
Pero imposible namang binili niya yan kasi sa pagkakaalam ko walang pera si Shaira.
"Parang ganun na nga" sagot niya habang inaabot sa akin ang isang bowl na lugaw.
Nagdadalawang isip man ay kinain ko parin ang lugaw. Kahit anong klaseng pagkain basta hindi luto ni Shai ay kakainin ko.
Napangiti ako ng matikman ko ang lugaw. Masarap siya, hindi katulad ng luto ni Shaira na nakakamatay.
"Masarap ba?" nakangiting tanong ko.
Tango lang isinagot ko at nagpatuloy sa paglamon ng lugaw.
"Alam mo kasi, naglalakad lakad ako kanina sa labas" saad nito habang umuupo sa kaharap na upuan.
"Lumabas ka sa bahay?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Tumango ito. "Oo, at habang naglalakad ako sa labas, may nadaanan akong isang karenderya dito sa loob ng village niyo" imporma nito.
"Binili mo to?" kunot noo ko na namang tanong sa kanya.
"Naku hindi" natatawang tanggi nito. "Inutang ko yan" saad nito dahilan upang naibuga ko ang lugaw na nginunguya ko!
Nababaliw na ba ang babae nato?!
"Anong sabi mo?! hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito. "Wala kasi akong pera kaya umutang nalang ako ng kakainin mo" nakangising saad nito. "At isa pa, sa pangalan mo nga pala nakalista yang lugaw na inutang ko" anito na ikinalaglag ng panga ko.
Naibagsak ko ang kutsarang hawak. "Ano ka ba Shai, hindi ako nangungutang" nanghihinang saad ko.
Mamamatay talaga ako ng maaga dahil sa babae nato.
"Kinain mo naman yung inutang ko eh" mahaba ang ngusong saad nito.
Sumasakit ang ulo ko, gusto kong manakal ng babaeng nagngangalang Shaira.

Bình Luận Sách (179)

  • avatar
    AbacoAngela

    🫶🏻🫶🏻🫶🏻

    12d

      0
  • avatar
    Merlina Lawis

    MARTIN

    27d

      0
  • avatar
    Honeylyn Pregoner

    it's okay

    05/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất