logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Third Tears

Maaga akong nagising kahit magdamag na walang tulog. Namumugto ang aking mga mata sa walang tigil kong pag-iyak kagabi, naghilamos ako ng malamig na tubig para maibsan ang pamamaga nito. Napatingin ako sa kwarto ni Primo bago bumaba. Hindi ko alam kung nandiyan pa ang babae sa loob ng kwarto nito. Sariwa pa rin sa aking alaala ang mga kaganapan kagabi. Sa tuwing nagbabalik tanaw sa isip ko para akong masisiraan ng ulo. Pinilit ko na lang winaksi at sinimulan gawin ang gawaing bahay. May pasok ngayon sa eskwelahan kawawa naman mga estudyante ko kung liliban ako.
Nagluluto ako para sa agahan nang mapatingin ako sa dalawang tao na naghaharutan. Pababa sila sa hagdan, pawang nakabihis na silang pareho.
“Darling, thank you last night, sana maulit pa iyon,” malanding sabi ng babae.
Hindi ko makita ng maayos ang mukha dahil nakatagilid ito. Tanging magandang hubog ng katawan, mahabang buhok at maputing balat nito ang nakikita ko. Mukha siyang amerikana, saang lupalop kaya ng mundo nahanap ni Primo ang babaeng ito? Napaawang ang bibig ko nang dinikit nito ang halos nakaluwa niyang dibdib sa braso ni Primo. Nasasarapan naman ito sa ginagawa ng babae, kitang-kita ang pag-umbok ng pagkalalaki nito sa suot niyang pants. Naghalikan pa silang dalawa kaya mabilis akong nang-iwas ng tingin.
“Are you going to burn my house!” malakas na sabi ni Primo.
“Achoo! S-sorry,” nauutal kong saad.
Lutang ang isip ko hindi ko namalayan nasa harapan ko na sila. Naka-akbay siya sa babae habang nakayakap naman ito sa kaniya. Doon ko lang napuna ng mabuti ang mukha ng babae. Hindi naman kagandahan nalinlang siguro si Primo dahil sa makeup. Kung walang kolorete ito sa mukha para siyang bangkay sa kaputlaan. Pinilig ko ang aking ulo, mabilis kong inalis sa kalan at nilagay sa lababo, binabad ko sa tubig para lumambot. Nasunog ang niluto kong bacon dahil sa panonood sa kanila.
“Who is she?” mataray na tanong ng babae.
Kahit hindi ako nakatingin alam kong pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
“She's my maid,” sagot ni Primo. Inaasahan ko naman na hindi niya sasabihin kung ano ako sa buhay niya, pero ang sabihin niyang katulong sobrang pang-iinsulto para sa akin. Tiningnan ko siya at nagtama ang aming mga mata. Hindi nagtagal siya mismo ang umiwas. “Timplahan mo ako ng kape,” utos niya saka sila umalis sa harapan ko.
Nilapag ko sa mesa ang kape nito at saka umupo. Kinuhanan ko siya ng kanin at nilagay sa kaniyang plato. Inabot ko ang gatas at asukal saka nilagay sa kanin niya.
“Yuck! Ano iyang kinakain mo? Pagkain pa ba 'yan?” nandidiring tanong ng babae.
“Masarap ito, try it,” sagot naman niya sa babae.
“Eww! Huwag na lang,” maarteng wika niya.
Napaismid ako sa asal ng babae, akala mo kung sinong maganda nagmamaganda lang naman. Habang pinapanood ko ang kanilang lambingan kumuha ako ng pandesal saka pinalamanan ng ketchup. Hindi pa ako nakontento sinawsaw ko ito sa kape saka sinubo.
“Eww! Nakakadiri kang katulong. Umalis ka nga rito,” pagtataboy niya sa akin.
“Melissa!” tawag ni Primo sa pangalan niya.
“What?! Totoo naman na nakakadiri ang kinakain ng maid mo!” bulyaw na sabi nito. Nagsukatan silang dalawa ng tingin.
“Alam mo kahit nakakadiri itong kinakain ko pagkain pa rin ito na dapat ipagpasalamat. Anong magagawa ko kung ito ang trip ko. Sa kusina na lang ako kakain at least do'n mae-enjoy kong kumain hindi tulad dito palaging may matang nakatingin insecure siguro,” usal ko. Tumayo ako at binitbit ang kinakain ko.
Pagkatapos kong mag-almusal, hinanda ko ang baon naming dalawa. Bento box naglalaman ng garlic rice, adobo at pinakbet, lahat paboriti ni Primo basta Filipino food. Ilalagay ko na ang adobo nang makarinig ako ng yabag.
“Achoo!”
“Lumalala na ang allergy mo, magpatingin ka na sa doktor,” sabi ni Primo habang nakatingin sa ginagawa kong bento box.
“Alam mo naman na hindi ito allergy. Nakalimutan mo na ba sa tuwing naaamoy ko ang pabango mo nababahing ako,” depensa ko sa kaniyang sinabi. “Unang lapit mo pa nga sa akin noon binahing na ako,” giit ko pa.
“Kinalimutan ko na ang bagay na iyon,” mahinahon pero may diin ang pagkasabi niya. “By the way, huwag mong ipapaalam na may asawa ka na, pakitanggal na rin ang suot mong singsing.” Natahimik ako dahil tagos hanggang buto ang katagang binitawan nito. Gusto kong sumigaw para maibsan ang sakit.
“Heto pala baon mo para hindi ka na lumabas.” Pambawi ko para maitago ang aking paghihinagpis.
Nilahad ko ito sa kaniya, wala siyang naging reaksiyon basta na lang niya kinuha. Alam kong hindi niya iyon mahihindihan dahil isa sa paborito niya.
-----
“Class, answer page 143 of your book,” utos ko sa aking mga estudyante.
Katatapos ko lang mag-lecture, pinapasagutan ko sa kanila para malaman kung naintindihan nila ang topic. Nakamasid ako sa kanila habang sumasagot ang mga ito. Napuna ko ang dalawang estudyante na magkatabi sa upuan. Tahimik ang babae na sumasagot habang ginugulo naman siya ng lalaki. Naalala ko bigla nung high school days namin ni Primo. Ganiyan din kami noon na dalawa. Hindi ko matapos na sagutin dahil panay ang panggugulo niya sa akin hanggang umabot na sa kulitan.
“Class, no cheating,” sabi ko dahil may nakita akong nagpapakopya.
Natigil naman iyong lalaki sa pangungulit saka sinubsob ang mukha. Nahuli niya kasi akong nakatingin sa kaniya. Palihim akong napangiti dahil gano'n din ang ginagawa ni Primo. Kapag nahuli siya ng guro namin sinusubsob nito ang mukha para itago.
Sumapit ang tanghalian, dala ang bento box na ginawa ko, nakisabay ako sa mga co-teachers kong mag-lunch. May kanya-kanya rin silang dala na baon.
“Makiki-siksik ako sa inyo!” maingay na sabi ni Enan. “Wow! Ang sarap naman ng baon mo, Bea,” masiglang saad niya pagkaupo nito. Hindi ko napansin na sa akin pala siya tumabi.
“Kuha ka,” maikling turan ko sa kaniya. Dahil marami naman ang nilagay ko binahagi ko sa kanila. Nagbaon pa nga ako ng fruit salad para panghimagas.
“Sige ba, hindi ko iyan tatanggihan,” masaya nitong wika.
Habang kinakain ni Enan ang baon ko naalala ko si Primo, iniisip ko kung kinakain na rin niya. Napapangiti ako dahil nagustuhan ni Enan ang niluto ko halos siya ang umubos. Unti-unting nawala ang pagngiti ko nang sumagi sa isip ko na baka hindi nagustuhan ni Primo.
“Bea, sorry dahil naubos ko.” Paghingi ni Enan sa akin ng paumanhin.
“Oo nga eh, hindi mo nga kinain ang baon mo.” Nginuso ko ang baunan nitong nakatakip. Napakamot ito sa kaniyang batok na parang nahihiya. “Biro lang wala iyon sa akin, gusto mo araw-araw pa kitang dalhan ng bento box,” nakangiti kong sabi sa kaniya.
“Gusto ko iyan! Ilista mo na lang lahat ng nagastos mo at sa sweldo ko bayaran,” humagikgik na saad nito. Hinampas ko siya ng mahina sa braso dahil nagsisimula na naman siyang magpatawa.
Si Enan ang isa sa masayang tao na nakilala ko. Nakakahawa ang pagiging jolly nito. Kapag umiiyak ka bigla ka na lang matatawa. Sa school kami nagkakilala kung saan pareho kaming bagong pasok.
-----
Nasa dyip ako nang matanggap ko ang mensahe ni Primo. Magluto raw ako ng dinner pero naalala ko wala ng laman ang refrigerator. Bumaba ako sa tapat ng supermarket. Binili ko lahat ng kakailanganin para hindi ako pabalik-balik. Pagkabayad ko nag-abang ako ng taxi papuntang subdivision. Pagbaba ko ng taxi bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko makuha ang payong sa loob ng bag dahil marami akong bitbit. Tumakbo na lang ako hanggang marating ang main door. Bubuksan ko na sana ang pinto gamit ang susi nang bumukas ito.
“Nakauwi ka na pala. Akala ko wala ka pa,” sabi ko kay Primo habang pinupunasan ang basang buhok.
Nakapatay pa kasi ang mga ilaw kaya ang pagkakaalam ko wala pa siya. Dumating na pala ito, ba't hindi niya binuksan ang mga ilaw? Mayamang tao pero sobrang magtipid. Napapailing na lang ako sa aking isip.
“Bakit ka naligo sa ulan?” nakakunot ang noo nitong tanong. Binitbit ko ang mga pinamili saka dinala sa kusina. Hindi man lang niya ako tinulungang magbitbit. “Ano hindi ka sasagot?” naiinis na tanong niya ulit. Hindi ko alam na sinundan pala niya ako.
Tinigil ko ang pag-aayos saka siya hinarap. “Nasa gate na ako nang naabutan ng ulan. Hindi ko makuha ang payong dahil marami akong bitbit. Magbibihis muna ako saka magluto.” Nilagpasan ko siya at iniwan mag-isa sa kusina.
-----
Pagpasok ko sa kusina nakita ko ang bento box na pinabaon ko sa kaniya. Pagkabukas ko nanlumo ako sa aking nakita. Walang bawas at halatang hindi nagalaw. Masakit sa damdamin dahil nag-effort ako para sa kaniya pero wala rin pa lang halaga.
“Achoo!”
“Sinisipon ka na ba? Alagaan mo naman ang katawan mo kasi kapag nagkasakit ka walang kikilos sa bahay.” Nagtungo ito sa ref at kumuha ng tubig.
Napapikit na lang ako para pigilang mapaluha. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sinimulan ang pagluluto. Alam kong nakatingin siya sa akin habang pinapanood ang pagluluto ko. Hindi ko siya kinausap hanggang matapos ako baka may masabi na naman siya na makakasakit sa akin.
Paborito niya ang sinigang na sugpo kaya iyon ang niluto ko. Tamad si Primo na magtanggal ng balat kaya pinagbalatan ko muna siya bago ako kumain. Wala pa rin kaming imikan kahit gusto ko sanang kumustahin ang buong araw niya.
Pumunta ako sa hardin para magpababa ng kinain. Nakatingala ako sa langit nang maramdaman kong umupo si Primo sa kabilang upuan.
“Bakit hindi mo kinain ang baon mo?” tanong ko na hindi nakatingin sa kaniya.
“Marami akong ginawa kanina. Iyong binili ng sekretarya ko ang kinain ko. Huli na nang maalala kong may baon pala ako,” sagot niya sa akin at sumimsim sa iniinom na kape.
Lumingon ako sa kaniya at nginitian ng tipid. Hindi siya umimik kaya binalik ko ang tingin sa langit. Nasaktan ako dahil kung may puwang ako sa puso't isip niya hindi siya makakalimot. Nagpapatunay lang na wala talaga akong halaga sa buhay niya.
“Ang daming bituin. Naalala mo noon, kapag maraming bituin naglalatag tayo ng tela saka nakahigang pinapanood hanggang sa makatulog tayo. Magigising tayo kinabukasan ang dami nating kagat ng lamok,” natatawang wika ko.
“Kinalimutan ko na ang lahat ng alaala na iyon. Kaya kung puwede huwag mo nang ibalik at banggitin ang tungkol sa nakaraan. Para sa akin, wala ng halaga ang lahat ng iyon.” Nabasag ang tasa nung tumayo ito. Hindi niya iyon pinansin at iniwan akong mag-isa.
Nakatingala pa rin ako sa langit habang dumadaloy ang luha sa aking pisngi. Napayakap ako sa aking sarili nang humihip ang malamig na hangin.
“Pero para sa akin mahalaga ang lahat ng iyon dahil sa nakaraan doon ko lang naranasan ang maging maligaya lalo na nung tratuhin mo pa ako ng tama. Kaya kung ako ang papipiliin mas kakalimutan ko ang kasalukuyan kaysa nakaraan.”

Bình Luận Sách (263)

  • avatar
    Emie Cabanban

    super like the story.

    19d

      0
  • avatar
    Thor Odin

    Nice story

    22d

      0
  • avatar
    Zyrene Mendoza

    good

    26d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất