logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 Alluring Emena

ARAW ng biyernes at ito ang unang araw ko bilang kawaksi sa Del Noria Residence. Ala una nang dumating ako sa malaking bahay, agad kong isinuot ang aking uniporme.
Napangiwi ako dahil bakit na-iba ang uniporme ko sa lahat ng kawaksi. Nasa loob ako ng maid's quarter, may malaki doon na salamin.
Sinuyod ko ang aking repleksiyon sa salamin, napa-iling ako bakit maiksi ata itong sa akin, hanggang gitna lang ng hita ko at sa mga kasamahan ko ay hanggang ibaba ng tuhod nila.
"Baka matandang maniac tong amo ko! hindi naman siguro." Agad kong bawi sa naisip.
"Oh my gulay! Ano bayan naubosan siguro ito ng tela," ani sa loob ko kaya hindi ko nalang pinansin at tuluyang lumabas ng silid.
Bumungad sa akin ang napakalawalak na bahay, napakadaming kwarto, pakiramdam ko tuloy para akong maliligaw, sino bang prinsipe ang seserbisyuhan ko? At napaka espisyal.
Sabi ng kasamahan ko ay mga alas siyes daw ang uwi ni Seniorito Luwei, na intriga tuloy ako kung ano ang hitsura nito.
Ilang minutong binaybay ko ang pasilyo'y sinapit ko ang sinabi nilang master's bedroom daw, sa laki ng bahay nangangatog tuloy binti ko.
Ang hirap pala pag mayaman at malaki ang bahay kung may multo, mahihirapan silang tumakas dahil sa laki nito.
Paano kung masi-cr nagkataon na nasa malawak na living room naku! matatae na lang siguro sa suot nito hindi pa sinapit ang banyo.
Lihim akong nagpasalamat kahit maliit bahay namin, komportable naman kami, eh kung ganito tapos kami lang dalawa ng nanay ko eh isang linggo hindi pa kami magkikita dahil sa taas nang lalakarin namin.
Napangiwi ako medyo napa-eksaherada ko tuloy ang paglalarawan ko.
Maingat kong pinihit ang doorknob ng master's bed room. Nanlaki ang aking mga mata sa nabungaran.
"Silid pa ba ito sa lagay na ito?" bulalas ko sa sarili nang makita ang loob ng silid. Kalimahin o kasampuin siguro ang bahay namin dahil sa laki.
Dahan dahan kong hinakbang ang paa papasok. Abalang nilinga ko ang paningin sa paligid, manghang mangha ako sa nasaksihan, may malaking bed, may sariling sala ata ang silid na to eh, may sariling banyo, at ke-laki ng banyo parang bahay na namin.
May mamahalin ding kasangkapan na yari sa mamahaling muebles. May malaking LCD flat screen tv na parang sa sinehan ang laki at kung ano ano pa basta lahat ay malaki.
Napakislot ako sabay kagat sa aking labi, hindi ko matatapos ng isang oras lang, kailanganin ko ng dalawa ay hindi tatlo ay hindi parin, apat? Ah basta mahabang oras.
Nagsisimula na akong maglinis, sa linis ng bahay kailangan ko parin maglinis dahil metikuloso daw ang amo namin, o siya masunurin naman ako kaya gagawin ko ang gusto ng amo ko. Kailangan ko pang tumuwad para malinisan ng maigi ang sahig.
"Lintik," nainis tuloy ako dahil sa iksi ng uniporme ko, wala pa naman akong short, naku kung meron akong kasama kanina pa ako nasilipan.
Ilang mahabang oras ang nakalipas ay natapos na rin ako, napalitan ko na ang bedsheet lahat ng kakailanganin ng amo ko ay nagawa ko na.
Gusto ko munang maupo, pero nagdadalawang isip akong maupo baka pagalitan ako. Pero pwede naman siguro kahit saglit lang. Kaya dahan dahan akong naupo sa ibabaw ng malambot na kama. Napasinghap ako sabay pikit ng aking mga mata.
"Oh ang lambot naman, ang sarap mahiga."
Nilinga ko ang paningin sa gilid sa ibabaw ng maliit na mesa na nakahilera sa tabi. Ayon! Nakita ko naman ang picture frame na nakalagay sa tabi ng lampshade, picture iyon ng isang pamilya, isang babae't lalaki na may dalawang batang hawak babae at lalaki din, pero iyong batang lalaki parang pamilyar sa akin, saan ko ba iyon nakita, kanina pa kasi ginulo ang utak ko sa larawan iyon, sino bang batang iyan?
Mayamaya ay nakadama ako ng antok, nakalimutan ko tuloy na nagtatrabaho ako at wala sa aming bahay, hindi ko napigilan at unti- unting pumikit ang aking mga mata at hanggang nilamon na ako nang antok at nakatulog, nakatulogan ko ang isiping hindi ko man lang nasagot.
Ilang minuto ang nakalipas ay may pumasok sa silid, hindi na iyon namalayan ng dalaga dahil mahimbing na ang pagkatulog nito.
Naupo ito sa tabi ng kama, masugid na pinanuod nito ang dalagang nakapikit ang mga mata at walang kamalay malay.
He drew a wide smile on his lips while watching her sleeping on his own bed. The lady looks like a innocent baby, she is hot. Yes. She is simple. Yes, absolutely, yet she is attractive.
Sinuyod nito nang tingin ang dalagang natutulog, bahagya pa itong napalunok when he saw her fair thighs and legs.
He couldn't stop himself from watching the young lady sleeping soundly, he couldn't stop staring at her alluring face.
Bahagyang niluwagan ng binata ang kanyang necktie nang masuyod niya ang kabuuan ng dalagang nakahiga sa ibabaw ng kama.
This binibini looks like an angel. She has beautiful complexion. Her face is free of even a single acne, her cheeks are naturally pinkish. Her sharp nose fits her small face. She has a perfect brows, a thick curvy lashes and she has a natural pinkish lips. A few strands of her hair separated and covered on her forehead. She may be exhausted but that didn't diminish her natural beauty.
Even though she was simple, her face was not smeared with make-up. He can really see that she has a natural beauty.
He bit his lip unconsiously, when he saw the lady's sexy and inviting lips. In the sight of Luwei he wanted to taste those lips.
Napangiwi ang binata, paanong nag-isip siya nang ganun sa kanyang personal maid?
SherylS|SBS

Bình Luận Sách (538)

  • avatar
    Mea Sablaon

    ang ganda po ng story nyo

    4d

      0
  • avatar
    J Bardaje

    it is beautiful story of this publish

    5d

      0
  • avatar
    Analisa Tantan Revilleza

    nice story

    6d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất