logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 The Young Seniorito Luwei

"Hoy lumaba—" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.
Maagap akong umatras baka kase matamaan ako sa pagbukas baka kung saan pa ako pupulutin. Halatang padabog ang ginawa nitong pagbukas ng pinto.
Wala sa oras na napatungo ako, tiningnan ko ang mamahalin nitong sapatos na dahan-dahang lumapat sa aspaltong kalsada. Hindi ko napigilang lumunok ng laway dahil bigla na lang nanuyo ang aking lalamunan. Imahe ng lalaki ang tumambad sa aking harapan.
Sinuyod ko sa aking paningin mula paa paakyat sa ulo, ulo pababa sa paa. Napakagat ako ng labi. "Girl!" gusto kong paypayan ang sarili dahil tila hindi ako makahinga na natunghayan.
Nang tuluyan itong makalabas ng kotse ay napatungo ako. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko, mukhang mali ata ang pinuntarya kong kalaban. Gusto kong sabunutan ang sarili. "Menang put* ka gurl!"
Napahagod ko tuloy ang paningin sa suot nitong mamahaling denim jeans, pinaresan pa nito ng abuhing upper shirt at pina ibabawan ng puting blazer jacket. Lihim akong napasinghap dahil sa lahat ata nang nakita kong lalaki ito lang ata ang binagayan nang ganung kasuotan at estilo.
Dahan dahan kong inangat ang aking paningin sa mukha nito, halos maputol na ang aking leeg dahil sa tangkad nito, nawala tuloy ang 5'6" na tangkad ko dahil sa kaharap, tantiya ko mga 6'ft ata mahigit ang lalaking kaharap ko.
Napaawang ko tuloy ang mga labi, lalong nanuyo ang lalamunan ko nang tuluyang natunghayan ang mukha nito, para atang aatakihin ako sa puso dahil bigla na lang tumambol ang dibdib ko na hindi ko mawari.
Para atang nakakita ako ng multo sa reaksiyon ko, ayyyy! hindi pala multo! kundi isang napagwapong nilalang na sa panahon ngayon ay indanger species na.
Ang mukha ng lalaki ay iyon bang kadalasang nakalagay sa pabalat ng mga libro na makikita mo kadalasan sa mga pocketbooks o kaya sa mga reading platform, iyon bang pang hero ang datingan. Stubborn jawline, dagdag pa na hindi pa nakapag-ahit ng ilang araw, ganun siya te! may mga pares ng matang mapupungay at pilikmatang malantik pa kaysa sa akin, binagayan pa nang katamtamang taas ng ilong, natural na mapupulang labi. Girl, sobrang swabe.
"Oh my! gurl kalma," saway ng isang bahagi ng utak ko nang mapansin kong nakaawang na pala ang aking mga labi dahil sa paghanga. Isang tikhim ang aking narinig pagkatapos.
Nang bumalik ang aking diwa sa kasalukuyan kanina pa pala nakatitig ang lalaki sa pagmumukha ko. Pinamulahan tuloy ako na animo'y parang kamatis na nais pumutok. Nakurap-kurap ko tuloy ang aking mga matang nakipagtagisan nang titigan sa lalaki. Game din itong makipagstaring contest eh.
Nang makabawi ay tumikhim din ako't inalis ang bumara sa aking lalamunan, wala gatol na nakipaglaban ako ng titigan sa mala macheteng lalaki sa aking harapan. Dapat hindi ako magpapadala, isang lihim na hininga ang aking pinakawalan.
"What is your problem, why are screaming out of nowhere, lady?" ang boses nitong napaka baritono.
Nanayo tuloy ang balahibo ko sa batok nang narinig ko ang napakagandang boses nito. "Dapat hindi magpapadala Emena dahil lang sa boses."
Muli kong binalik ang atensiyon sa kasalukuyan. Nagtiim bagang ako bigla. "Huh? Anong problema ko?" sarkastikong ulit ko sa tanong nito, kung makapag English daig pa nito ang banyaga, mukhang may lahi naman itong espanyol hindi na masama. Napakislot ako at muling nagsalita. "Tanungin mo kaya ang sarili mo kung anong nangyari?" Napa-irap ako't mas lalong tinaas ang mga kilay.
Naguguluhan ang tingin na pinukol nito sa akin nang marinig nito ang sinabi ko.
"Nagmaang maangan pa ang asungot na ito, sasakalin ko kaya ito hanggang sa malagotan ng hininga at mamatay."
"I'm asking you what's the matter and why are you upyelling at me? I dont know what happened," nalilitong tanong nito.
"Naku lagot itong macheteng ito, ang tanga! Gwapo nga! Ang tanga naman." Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan sabay pamaywang, tinitigan ko ito nang sobrang talas na animo'y nakakamatay. "Hindi mo alam hah? Tingnan mo nga palda ko oh—" asik ko sabay turo sa gula-gulanit kong paldang nakasukbit sa ilalim ng kotse nito. "—nahagip lang naman ng kotse mo!" walang preno prenong giit ko sabay tiningala ito, nakataas pa bahagya ang aking kilay.
Ngumisi ito, tumambad sa paningin ko ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin.
"Pwede maging model ng isang toothpaste ang isang to ha!" But wait nasa gitna kami nang dibate kaya isantabi na muna natin ang paghanga dito. "Ano? Magsalita ka mag sorry ka!" utos ko nang mapansing hindi mawala wala ang pagkangisi nito.
"So you think this was my fault? I don't think so?" yumuko ito bahagya upang magtapat ang mukha namin, dahil sa ginawa nito ay tarantang napa-atras ako.
"Diyos ko Lord!" wala sa sariling napasambit ako sa maykapal. Ikaw ba naman lapitan ng isang napakagwapong nilalang diba mawala ka rin sa katinuan. Tinambol tuloy lalo ang dibdib ko sa ginawa nito.
Tumikhim ako uli para makabawi. "Ah! ibig mong sabihin ako ang may kasalanan ha? Ako pa ang may kasalanan sa lagay na to ha?" patutsada ko, nakapamaywang na inilapit ko ang mukha sa lalaki. Keber, ano ako helo, papatol talaga ako sa tukwang ito.
Sunod sunod na tango ang ginawa nito at pagkatapos ay tumayo na nang maayos pinagkrus pa nito ang braso sa tapat ng dibdib, nanatili ang mga mata nitong nakatitig sa aking mukha.
" Yes, kung hindi mo mamasamain bakit kasi pakalat kalat ka sa gilid ng kalsada at hindi man lang tinitingnan ang paligid. Alam mo naman na public place ito, and then ano ka artista para itutok ko ang aking atensiyon sa iyo?" nakataas din ang kilay nitong sabi sabay na sinandal ang sarili sa gawing pinto ng kotse nito at pagkatapos pinagkrus pa ang binti.
Sobrang yabang nang porma nito na gusto kong pagtadyakan. Napakagat ako ng labi sabay na nalukot ko ang aking noo. "Ang yabang ano! Lintik inubos talaga nito ang pasensiya ko."
Isang palatak na tawa ang aking pinakawalan upang mainis ito sa akin pero parang hindi ata effective at nakangiting nakatingin lang ito sa akin at ako tuloy itong naiinis sa eksina namin.
"Hindi mo ba nakita ha?ako na ang nadedehado dito at nababastos dahil sa nangyari!" hasik ko na hindi pa rin sumusuko. "See... kita mo?" bahagya kong ipinangalandakan dito ang mapuputi kong hita. "Kung hindi ako nakashorts eh ano, hindi lang kahihiyan ang abutin ko, kaya magsorry ka ngayon din!" Matigas na utos ko sabay irap ng aking mga mata.
Nakita ko ang paglunok ng lalaki, dahil sa ginawa ko, mayamaya ay muli itong tumawa, isang pilyong tawa. "Sorry? Why should I?"
"Magsorry ka!"
Mas lumapad ang mga ngiti nito sa labi, mas lalong atang gumagwapo ito sa paningin ko.
"Excuse me? The word sorry is not in my vocabulary, lady. If you want me to say 'sorry', change your name to 'sorry' so that I can call you 'sorry'," nanunukso ang mga titig nito na tinapon sa akin.
Tinukso ba ako nito oh guni guni ko lang ayyyyy ewan! Lintik! halos dumugo ang ilong ko sinabi nito pero na intindihan ko naman. "Ah ganun ha! Ayaw mong magsorry, pinakulo mo talaga dugo ko ha!" pagkatapos sabay kong kinuyom ang dalawa kong palad.
Ilang segundong humanap ako ng bwelo kasunod isang malakas na sapak ang tinapon ko sa gwapong mukha nito. Ayon! sapol ang panga nito.
"Oh shit!" mura ng lalaki dahil sa ginawa ko sabay himas sa nasaktan nitong panga, nawala tuloy ang angas nito.
Kinabahan ako sa ginawa ko pero bahala na kailangan makaganti ako sa hinayupak na ito. Nakita kong galit na tumitig ang lalaki sa akin. Mahahalintulad sa isang halimaw na gusto akong lamutakin.
Naku! Masamang titig ang pinukol nito sa akin, kailangan makaalis na agad ako bago pa mahuli ang lahat.
"O, huwag mo kasi akong galitin Mr. at hindi lang iyan ang aabotin mo!" Nanghahamon ang titig na binigay ko. Mayabang ko pang kinidatan na ito. "At kung gusto mong magsorry ako sa sapak na iyan subukan mo kayang ipatugtog ang SORRY BY: JUSTIN BIEBER baka sumabay pa ako at makakanta ng sorry!" tinaasan ko ito ng kilay pagkatapos ay mabilis akong tumalikod! Bago ko iniwan ito tinaas ko ang middle finger ko sabay dila dito.
Patakbong nilisan ko ang kinaroroonan nito, baka kung ano pa ang gagawin nito sa akin mahirap na.
Naiwan ang lalaking blanko ang expression sa mukha na nakasunod tanaw kay Emena na tumatakbo papalayo. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito pagkatapos.
"She is an interesting lady isn't she, Draken?" mahinang tanong nito sa kanyang driver.
"O-po Seniorito," mabilis na lumapit ang driver nito sabay yumuko bilang paggalang.
"Let's go Draken!" matipid nitong imbita at tumalikod.
Sheryl S|SBS

Bình Luận Sách (538)

  • avatar
    Mea Sablaon

    ang ganda po ng story nyo

    4d

      0
  • avatar
    J Bardaje

    it is beautiful story of this publish

    5d

      0
  • avatar
    Analisa Tantan Revilleza

    nice story

    6d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất